You are on page 1of 12

1. Ang pagpapatibay at saligan ng pag-aaral ay matatagpuan sa anong kabanata ng pananaliksik?

Konklusyon

Kaugnay na pag-aaral

Metodolohiya

Panimula

2. Sa isang pag-aaral ay maraming dapat na isaaalang-alang at may mga katangiang kailangang mabuo
sa pananaliksik maliban sa;

Empirikal

Literal

Pagsusuri

Haypotesis

3. Ito ang bahagi ng pananaliksik na nagpapatibay at sumusuporta sa ginagawang pag-aaral ng isang


mananaliksik.

Konklusyon

Rekomendasyon

paglalahad ng suliranin

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

4. Ginagamit ito ng eksperimento o mga survey na may malaking bilang ng mga tao upang mangalap ng
istatistikal na impormasyon.

Kwantitatibong pananaliksik

Kwalitatibongpananaliksik

Eksperimental na pananaliksik

Magkahalong kwantitatibo at kwalitatibo

5. Sa bahaging ito ilalahad ang pamamaraan na gagamitin sa pananaliksik upang mangolekta ng data at
kasagutan sa inilahad sa suliranin.

Konklusyon
Metodolohiya

Panimula

Rekomendasyon

6. Ito ang karaniwang pamamaraan ng pananaliksik ng husay ang mga panayam, focus group,
etnograpiya, at pagsusuri sa case study.

Kwalitatibong Pananaliksik

Kwantitatibong Pananaliksik

Eksperimental na Pananaliksik

Magkahalong Kwantitatibo at kwantitatibong pananaliksik

7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa katangian ng pananaliksik?

Paglutas ng suliranin

Paggamit ng teorya

May lohikal na proseo

Tanging mga espekulasyon at sariling palagay

8. Sa isang pag-aaral ay kinakailangang maging mahusay sa pagpili ng paksa o isyu na sasaliksikin at


bukod dito ay marami pang dapat isaalang-alang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik
maliban sa;

bilang ng respondent

layunin at suliranin ng pag-aaral

mga gagamiting katanungan sa panayam

pagkuha ng patalastas at anunsyo bilang dagdag kaalaman

9. Bakit mahalagang malinang ang kakakyahan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng pananaliksik?

upang matutong mangatwiran

upang mahasa ang kaalaman sa pangangatwiran

upang malinang ang kakayahang tumuklas ng kasagutan sa isang suliranin

upang magkaroon ng mtaas na marka sa pag-aaral at asignatura ng pananaliksik


10.Tukuyin kung tama o mali ang pahayag "sa pagpili ng paksa sa isasagawang pananaliksik mas mainam
kung ito ay hindi napapanahon upang masa madaling makakuha ng kalahok at iba pang susuporta sa
pag-aaral."

Tama

Mali

INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

11. Ito ay gawaing mangangalap ng impormasyon, magsusulat, mag-eedit at maglilimbag o


mangangalap ng mga balita, maaaring sa pamamagitan ng mga pahayagan at magasin, o kaya’y sa
pamamagitan ng radyo at television

Broadcasting

Documentary

Journalism

Reporting

12. Bilang isang mamamahayag ay may mga tungkulin na dapat tuparin sa araw-araw. Alin sa mga ito
ang hindi maituturing na katangian ng mamamahayag?

Magdala ng balita

Magbigay aliw o manlibang

Pumuna at lumaban sa nasa katungkulan

Magbigay impormasyon sa mga hindi alam ng mambabasa

13. Sa pahayagan ay makakabasa ka ng pamumuna at pagbibigay kuru-kuro o opinyon sa mga


kaganapan sa bansa. Ano ang naisa ipahiwatig ng pahayag na ito.

Sa pamamahayag ay maaaring pumuna at magbigay ng opinyon

Sa pamamahayag ay may karapatan ang bawat mambabasa na bumasa na opinyon ng iba

Sa pahayagan ay hindi maiiwasan na marami kang mababasa na totoo kaya maaaring magpahayag ng
opinyon.

Sa pahayagan ay imumulat ang mambabasa sa mga kaganapan sa bansa na binibigyang puna


14. Ito ang pahayagan na nalathala ng kauna-unahang kumondena sa mga prayle

Diario Tagalog

Kalayaan

La Opinion

La Solidaridad

15. Ang pamamahayag na nagbabalita ng mga kaganapan sa labas at loob ng paaralan.

Ang Hayskul

Pahayang Pampaaralan

Pahayang Pampaaralan at Komunidad

Pahayang Pang-iskul

16. Isa ito sa uri ng pamamahayag na ang nilalaman ay mga kuwento tungkol sa krimen at karahasan.

Development Journalism

Fourth Estate Journalism

Objective Journalism

Yellow Journalism

17. Ang nilalaman ng pamamahayag na ito ay tungkol sa pag-uulat na naglalayong paunlarin at


maitaguyod ang sosyal, ekonomikal at politika.

Development Journalism

Fourth Estate Journalism

Objective Journalism

Yellow Journalism

18. Sumasaklaw ang pamamahayag sa tatlong gawain maliban sa;

Pagsulat

Pagsasalita

Pampaningin
Pakikinig

19. Ang kinilalang unang pahayagang pang-araw-araw na inilathala noong 1846

La Esperanza

La Opinion

La Republika

La Solidaridad

20. Ang pahayagan ng mga Pilipino sa Espanya noong 1889

La Esperenza

La Opinion

La Republika

La Solidaridad

BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA

21. Ito ay ang pagkakaroon ng iba-ibang wika o sinasalita dahil sa manipestasyon ng wika sa isang bansa

Barayti

Baryasyon

Creole

Pidgin

22. Ito ang wikang ginagamit ng mga estudyante na nag-uugnay sa partikular na uri ng katangiang
sosyo-sitwasyon

Barayti

Baryasyon

Creole

Pidgin
23. Ito ay isang bagong wika na nabubuo kung mayroong dalawang tao na magkaiba ang wika at
naipagsasama ang paraan ng pagsasalita at paggamit ng wika.

Barayti

Baryasyon

Creole

Pidgin

24. Ang salitang "Bituin" ay maituturing na register ng wika saang larang ito mabibigyang kahulugan?

edukasyon at pelikula

Kalawakan at Kaunlaran

Musika at Sining

Pamamahayag at Paaralan

25. "I am so pagod, I dont want to lakad anymore." anong barayti ng wika ang pahayag na ito?

Conyo

Creole

Gay Lingo

Jejemon

26. Ang mga salitang, Gellie de Belen, juntis, akesh, at chaka ay ilan lamang sa barayti ng wika na nasa
impluwensya ng sosyolek.

Conyo

Gay Lingo

Jargon

Register

27. "Ako bigay sa iyo discount pag bili ka dami," sa pahayag na ito, anong barayti ng wika ang ginamit na
nabuo sa pamamagitan ng dalawang pinaghalong wika?

Conyo

Jargon
Register

Pidgin

28. Ito ay isang pangkat ng mga taong may pinagsasaluhang tuntunin at inaasahan sa ukol sa paggamit
ng wika.

Speech Community

Sosyolinggwistika

Sosyolek

Study of Language

29. Nagkakaroon ng barayti ang wika dahil sa pagkaka-iba-iba ng mga indibidwal at grupo, maging ang
kanilang tirahan, bukod sa nabanggit ano pa ang dahilan ng pagkakaroon ng iba-ibang wikang
ginagamit? interes, gawain at pinag-aralan.

Interes at gawain

Katayuan sa lipunan

Natapos na pinag-aralan

Lahat ng nabanggit

30. Ang barayti ng wika ay nauuri sa permanente at pansamantala. Kailan maituturing na permanente
ang isang wikang ginagamit ng isang indibidwal?

Nagbabago batay sa pagbabago ng sitwasyon

Hindi nagbabago kahit may nagaganap na pagbabago sa paligid

Likas na gamit at linang sa sinumang tagapagsalita o tagabasa

Hindi lumilipat ng tirahan, gawain maging interes ang gumagamit ng wika

31. Ito ay baryasyon ng wika na nagkakaroon ng pagkakaiba-iba dahil sa iba’t ibang interes, gawain,
propesyon pamumuhay at iba pa.

Heograpikal

Kultural
Personal

Sosyal

32. Ang tagapagsalita ay nagkaroon ng pagkakaiba sa tono, bokabularyo o grammar ng wika. Ang
pagbabagong ito ay batay rin sa lugar o lokasyon ng tagagamit ng wika.

Heograpikal

Kultural

Personal

Sosyal

33. Kalimitang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito ang mga salitang madalas na namumutawi sa
bibig ng mga bata at mga nakatatanda, malimit itong ginagamit sa pang araw-araw na
pakikipagtalastasan

Dayalek

Ekolek

Idyolek

Sosyolek

34. Ang salitang ito ay nagmula sa etniko na taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng kanilang
pagkakakilanlan ng isang pangkat- etniko.

Dayalek

Ekolek

Etnolek

Sosyolek

35. Uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo ng tao at may kinalaman sa katayuang sosyo-
ekonomiko at kasarian ng indibidwal.

Dayalek

Etnolek

Idyolek
Sosyolek

MGA NATATANGING DISKURSO SA WIKA AT PANITIKAN

36. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng wika, sa paraan ng pagpapahayag at sa pag-unawa kung paano
ginagamit ang wika.

Diskurso

Komunikatibo

Linggwistika

Ponolohiya

37. Ito ang kakayahang makabuo ng pangungusap o pahayag na may wastong kayariang
panggramatika.

Kakayahang Linggwistika

Kakayahang Komunikatibo

Kakayahang Pasulat

Kakayahang Pasalita

38. Ito ay kakayahang umunawa at magamit ang mga pangungusap na may wastong panggramatika na
angkop sa panlipunang kapaligiran at pisikal na setting ayon sa hinihingi ng sitwasyon.

Kakayahang Linggwistika

Kakayahang Komunikatibo

Kakayahang Pasulat

Kakayahang Pasalita

39. Anyo ng pagpapahayag ng damdamin at saloobin o kuru-kuro na kalimitang ginagamit sa mga aklat,
pahayagan, magazine atbp.

DIskurong Pasalita

Diskursong Pasulat

Diskursong Pabasa

Diskursong Pakikinig
40. Anyo ng pagpapalahad ng damdamin, saloobin o kuro-kuro na karaniwang nagagamit sa pagpahayag
na maaaring sa radyo o telebisyon.

Diskurong Pasalita

Diskurong Pasulat

Diskursong Pabasa

Diskursong Pakikinig

41. Isang uri ng teksto na naglalaman ng impormasyong ginagamitan ng mga salitang pantukoy sa
katangian ng isang tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari at mayaman ito sa mga salitang pang-uri

Argyumentatib

Deskriptib

Ekspositori

Naratib

42. Isang uri ng teksto na ang istilo ng akademikong pagsulat ay ipinakita ng may-akda ang
magkabilang panig ng isang pagtatalo o isyu.

Argyumentatib

Deskriptib

Ekspositori

Naratib

43. Ito ay isang matalinghagang pahayag na nagbibigay ng mabisang kahulugan upang lalong maging
mabisa at makulay ang isang paglalarawan.

Eupemismo

Idyoma

Talinghaga

Tayutay
44. "Nagkaroon bigla ng kulay ang mundo ko ng ikaw ay dumating sa buhay ko." Anong uri ito ng
tayutay?

Hayperbole

Metaphor

Personipikasypn

Simili

45. Anong uri ng tayutay ang pahayag na ito. "Umuusok ang ilong ng nanay ko dahil hindi ko na ilabas
sa freezer ang karneng dapat uulamin."

Hayperbole

Metaphor

Personipikasyon

Simili

46. Ito ang teoryang pinagmulan ng wika na tulad ang ginagaya ng tao ay ang tunog na naririnig mula sa
mga hayop at sa kalikasan.

Teoryang Bow-Wow

Teoryang Ding-dong

Teoryang Pooh-Pooh

Teoryang Sing-Song

47. Ang teoryang ito ay naniniwalang ang wika ay buhat sa paghuni o sa pamamagitan ng himig ng
awiting bayan.

Teoryang Bow-Wow

Teoryang Ding-Dong

Teoryang Pooh-Pooh

Teoryang Sing-Song

48.Ito ang teoryang pagpapahayag ng tao sa pamamagitan ngnadarama ng tao gaya ng pag-uungol,
paghikbi, pagsigaw at iba pa.
Teoryang Bow-Wow

Teoryang Puno-Sanga

Teoryang Pooh-Pooh

Teoryang Yo-He-Ho

49. Gumagamit ang tao ng salita kapag siya ay gumagamit ng pisikal na lakas. Halimbawa
nito’y kapag nagbubuhat ng mga mabibigat nabagay ang tao, kapag nagpapalakas ng katawan,
kapag nanganganak at iba pa.

Teoryang Puno-Sanga

Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay

Teoryang Ta-ta

Teoryang Yo-He-Ho

50. Teoryang ang kumpas o galaw ng tao na kanyang ginagawa sa isangpartikular na okasyon ay
sinasabayan ng kanyang pagsasalita.

Teoryang Puno-Sanga

Teoryang Ta-ta

Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay

Teoryang Yo-He-Ho

You might also like