You are on page 1of 13

1

2
1. Ano ang Dalumat?
2. Bakit mahalaga ang Dalumat?
3. Bakit kailangang gamitin ang Wikang Filipino sa pagdadalumat?

Ang pagdadalumat ay kasing kahulugan ng salitang pagteteorya. Ito ay


tumutukoy sa paraan ng pag-iisip o pagpapaliwanag sa mga bagay o pangyayari.
Binubuo ito ng konsepto, ng mga ideya at ng mga teoryang inihain at binigyang
paliwanag ng mga iskolar.
Sa pagdadalumat, tayo ay makabubuo ng mga konsepto o ideya na magagamit
natin sa pagsusuri ng mga bagay sa atin lipunan. Ginagamit natin ang atin kaalaman
at abilidad maging ang malalim na pag-iisip at interpretasyon upang ipaliwanag o
ihukom ang mga bagay, sitwasyon o pangyayari.
Ayon kay Nuncio (2004), ang isang kritikal na pagdadalumat o mataas na antas
ng analisis ay kinapapalooban ng tatlong hakbang:
1. Pagtukoy sa teorya o dalumat na gagamitin.
Ito ay ang pag-alam sa konsepto o ideya na gagamitin sa dalumat. Ang
pagkilala sa pinagkuhanan nito o kung saan iniangklang teorya ang iyong pag-
aaral ay kinakailangan din na kilalanin.
2. Pagkalap ng mga datos tungkol sa paksa.
Sa pagkalap ng datos, kinakailangan malinaw kung alin, ano o sino ang
mga hahanapin at kakalapin na siyang may kaugnayan sa paksa.
3. Paliwanag kung paano gagamitin ang teorya sa pagdadalumat ng paksang
nakahain.
Kinakailangang alamin at ipaliwanag kung sa papaanong paraan gagamitin
ang teorya, kung ito ba ay gagamitin upang maipakita ang pagkakaiba o
pagkakatulad, sanhi at bunga, relasyon ng mga bagay, at/o iba pa.
Ngayon na natapos na nating alamin ang kahulugan at mga hakbang sa
pagdadalumat, talakayin naman natin kung bakit kailangang gamitin ang wikang
Filipino sa pagdadalumat.

Ang mga sumusunod ang mga dahilan kung bakit kailangan ang pagdadalumat
gamit ang wikang Filipino: (Florentino Timbreza, 1986)
1. Kailangang linangin ang wikang Pambansa

3
Ito ay kailangan sapagkat umuunlad ang wikang palagiang ginagamit at
nililinang kung paanong namamatay rin ang isang wikang hindi palagiang
pinapansin.
Ang pagpapaunlad sa wika ay tungkulin natin kaya ang aktibong pakikibahagi
natin sa pagpapalaganap ng wikang Pambansa ay kinakailangan. Hindi natin
kailangang hintayin na maging maunlad muna ang wika bago natin ito gamitin
sapagkat ang palagiang paggamit ng wikang ito ay makakatulong sa pag-unlad rin
nito.
2. Kailangang paunlarin ang kamalayang pambansa
Ang mga kaisipan at pagdadalumat nating mga Pilipino ay makatutulong upang
higit na bigyan ng kasagutan ang mga tanong na “Sino ang Pilipino? Ano ang
Pilipinas? at Ano ang Kulturang Pilipino?”.
Ayon kay Prospero Covar (1998), ang lipunan ay tila isang banga na may loob,
labas at lalim. Hinihikayat niya ang pag-aaral sa iba’t ibang batis na hindi lamang
patungkol sa mga konseptong likas o natural kundi maging sa mga likha o ginawa
ng tao.
Sa pagteteorya sa Filipino, hinihikayat tayo na bumuo ng mga kaisipang hindi
mapangungunahan ng makadayuhang tradisyon. Ang paggamit ng wikang Filipino
ay makakatulong upang mas mapagtibay natin hindi lamang ang kamalayan sa
sarili kundi maging sa lipunan at bansa. Makatutulong din ito upang maibahagi at
maipaalam natin sa mga taong tagalabas kung sino tayo, ano ang mayroon sa
kultura at bansa nating mga Pilipino.
3. Kailangang itaguyod ang pambansang pagkakakilalanlan at pagkakaisa
Ang pagdadalumat na may konsiderasyon sa historikal at kultural na aspeto ng
lipunan ay kinakailangan at nakatutulong sa higit na pagkakaunawa sa pagiging
isang nasyon.
Hindi totoong hadlang ang wikang Filipino sa pagpapaunlad ng iba’t ibang wika
sa Pilipinas sapagkat ang kontribusyon ng mga naturang wika mula sa iba’t ibang
bahagi ng bansa ang higit na nagpapayaman sa wikang Pambansa.
Wikang Filipino ang siyang yumayakap sa iba’t ibang wikang mayroon sa bansa
kung kaya’t ang wikang Filipino ay nakatutulong upang mapaunlad ang mga ito at
gayon din naman ang mga ito sa wikang Filipino. Ang paggamit ng wikang Filipino
ay makatutulong upang itaguyod ang ating pagkakakilalan dahil ito ang ating
pambansang muhon. Nakatutulong din ito upang magkaintindihan at magkaisa
tayo bilang isang nasyon.

/
Ang Sawikaan ay itinaguyod at sinimulan ng Filipinas Institute of Translation,
Inc. o FIT noong taong 2004 upang subaybayan ang pag-unlad ng wikang Filipino
batay sa mga umiiral na gamit ng mga salita sa diskurso ng lipunan. Naganap ang
sawikaan noong 2004, 2005, 2006, 2007, 2010, 2012, 2014, 2016 at 2018. Hindi
nagkaroon ng sawikaan noong 2008 at 2009 dahil sa paniniwala ng FIT na wala

4
masyadong salita o bagong salita ang umusbong sa mga taong ito. Noong bumalik ito
taong 2010, ang pagkakaroon ng sawikaan ay hindi na taunan kundi kada dalawang
taon na.
Nais ng kumprehensiya na ito na maging mulat tayong mga Pilipino sa mga
isyu at maahalagang usapin sa lipunan.
Ayon sa pag-aaral ni Eilene Antoinette G. Narvaez, ito ay ang paglalagom sa
mga karanasan at napatagupayan ng “sawikaan” bilang estratehiya hindi lamang sa
pamimili ng salita ng taon kundi maging sa pagkakaroon nating mga Pilipino ng
mapanuring kamalayan tungkol sa nagbabagong wika ng bansa. Inilahad niya rin dito
ang mga kasanayan ng sawikaan sa konteksto ng pagsisikap ng iba’t ibang institusyon
na idokumento ang pagbabago ng wika sa buong mundo.

MGA PAMANTAYAN SA PAGPILI NG NOMINADO SA SALITA NG TAON


Sa pagpili ng nominado sa salita ng taon, ang mga pamantayan ay ang mga
sumusunod:
1. Mga salitang bagong imbento
Halimbawa: Ang salitang jejemon ay naimbento noong umuusbong ang
teknolohiya at umuuso ang cellphone na kung saan ang paraan ng pakikipag-
usap sa text ay kakaiba kagaya nalamang ng paaran kung paano binubuo ang
mga salita atpb.
2. Mga salitang hiram mula sa katutubo o banyagang wika
Halimbawa: Ang salitang canvass ay hiram mula sa banyagang wika na kung
saan ito ay nagpapakita ng panyayaring may kinalaman sa naging kalakaran
ng eleksyon noong hindi pa nagkakaroon ng automated na eleksyon.
3. Lumang salita ngunit may bagong kahulugan o patay na salita na muling
nabuhay
Halimbawa: Ang salitang wangwang ay lumang salita na nangangahulugang
tunog ng mga saksakyan ngunit muli itong ginamit sa administrasyon ni PNoy
upang patungkulan ang mga opisyal na abusado.

Bago, luma o hiram man ang salita, maaari itong mapili bilang nominado sa salita ng taon
kung napupukaw nito ang kamalayan natin at namumulat tayo sa mga mahahalagng usapan
at isyu sa lipunan at bansa natin.
Ang mga halimbawang ibinigay ay mga salitang nakakuha ng unang pwesto sa Sawikaan.

PAANO ANG PROSESO SA PAGPILI NG NOMINADO SA SALITA NG TAON?


May mahaba at masusing proseso na pinagdaraan ang pagpili ng nominado sa
salita ng taon. Nagkakaroon ng panawagan sa nominasyon kung simula at hanggang
kalian ang pasahan ng mungkahing salita. May mga pagkakataon na tinatanggap

5
parin ng pamunuan ang mungkahing salita kahit lagpas na sa itinakdang pasahan
kung makikita na may kabuluhan at karapatdapat parin itong maisali. Habang
naghihintay ng nominasyon, may sariling pagsubaybay ang pamunuan sa mga salita
at inililista nila ang mga salitang sa tingin nila ay namayani sa diskuro ng mga Filipino.
Ihaharap upang pagkuruan sa isang pulong ng mga miyembro ng pamunuan
ang mga salitang kanilang inilista at pagkataposay ilalatag ang mga mungkahing salita
na isinumite ng mga kalahok.
Kapag opisyal nang nominado ang salita, hihilingin sa mga mananaliksik na
magsumite ng pinal na papel na may kumpletong saliksik, citation, at sanggunian. Sa
pagpapasa naman nito, hanggat’t maaari ay isang buwan bago ang kumprehensiya
ay naisumite na upang sa gayon ay magkaroon ng sapat na panahon ang FIT na
masuri ang mga ito.

?
Sa mga ganitong sitwasyon, mas tinitimbang ng mga tagasuri ng Sawikaan ang lalim ng
saliksik ng mga kalahok tungkol sa mungkaing salita,

MGA ISINASAALANG-ALANG SA SA PAGPILI NG SALITA NG TAON


Ang mga sumusunod ay ang mga isinasaalang-alang ng pamunuan sa pagpili
ng salita ng taon:
1. Ang kabuluhan ng mga salita sa buhay ng mga Filipino
Ang impact o epekto ng salita sa buhay natin.

2. Ang pagsalamin nito sa kalagayan ng lipunan


Ang mungkahing salita ay nakatutulong upang maging mulat tayo sa mga
mahahalagang usapin at pangyayari sa lipunan natin na kinakailangang
bigyang ng solusyon at pagkilos.

3. Ang lalim ng saliksik ukol sa ipinasang salita.


Nagpakita ng husay ng saliksik at bigat ng mga katwiran at patunay sa
ipinasang saliksik tungkol sa mungkahing salita. Nalalaman ng FIT kung sino
ang nambobola lang at sino ang tunay na nagsaliksik.

4. Ang paraan ng pagpresenta sa madla.


Ang mga paraan ng presentasyon tulad ng paggamit ng mga malilikhaing
teknik.

Bawat kalahok ay binibigyan lamang ng dalawampung (20) minuto upang


maipaliwanag at maipagtanggol ang kanilang mungkahing salita. Dahil sa limitado ang
oras, ilang bahagi lamang ng kanilang ipinasa ang naririnig ng mga delegado sa

6
kumprehensiya. Batay sa naging karanasan ng FIT, sa pagitan ng katuwiran at
presentasyon, mas maraming boto ang nakukuha ng may pinakamagaling na
presentasyon o performace. At dahil dito, nagkaroon ng hiwalay na gantimpala para
sa may pinakamagaling na presentasyon bukod pa sa gantimpala para sa
makakakuha ng unang pwesto at tatanghaling salita ng taon.

SINO ANG MGA MAAARING MAGING KALAHOK SA SAWIKAAN?


Sa Sawikaan, hindi nalilimitahan ang mga kalahok kung saan nanggaling o
kung ano ang propesyon. Maaaring lumahok ang kahit na sinong interesado dahil ang
pagbabatayan pa rin ng FIT ay ang itinakdang criteria sa pagpili at pagtanghal ng
Salita ng Taon pati na rin ang ginawang saliksik ng mga kalahok.

MGA SALITA NA NAKAKUHA NG UNANG PWESTO AT ITINANGHAL NA SALITA


NG TAON

?
Hindi literal na nailalagay ang mga salita sa Diksyunaryong Filipino dahil ito ay mga salitang
hindi pa dumadaan sa masusing pagsusuri ng mga akademiko.

7
8
9
MGA KATANGIAN NA NANGIBABAW SA SALITA NG TAON
Batay sa mga itinanghal na salita ng taon, may mga katangian na nangibabaw
sa mga ito. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Naglalarawan ng isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan sa isang
partikular na taon.
Halimbawa: Ang salitang canvass na nagpapakita ng isang mahalagang
pangyayari at ito ay ang naging kalakaran sa eleksyon noong mano-mano pa
ang pagbibilang ng boto.

2. Nagtatampok sa mga kontrobersiyal na isyu sa lipunan.


Dahil sa pagiging kontrobersiyal, nagiging bukambibig na nating mamamayan
ang mga ito.

10
Halimbawa: Ang salitang hweteng na naging isang kontrobersiyal na isyu dahil
sa pagkakasangkot ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan o
pagkakaroon ng koneksyon sa politika.
3. Gumigising sa damdamin tungo sa pagbabago o paghahanap ng solusyon sa
isang problema sa lipunan.
Ito ang nagiging daan at panawagan upang maging mulat at may alam tayo sa
mga mahahalagang usapin, isyu at problema sa lipunang Filipino at mabigyan
ang mga ito ng solusyon at pagkilos.

Binigyang diin ng Filipinas Institute of Translation, Inc. na ang lahat ng salitang naitampok
sa kumprehensiya ng Sawikaan ay tinatawag ng Salita ng Taon dahil naging laman na ito ng
diskuro ng lipunang Filipino. Ang pagtatanghal sa una, ikalawa at ikatlong pwesto ay
pagkilala sa husay ng saliksik, bigat ng katwiran at patunay at husay ng presentasyon ng
mga kalahok.

Ang ambagan ay isinasagawa kada dalawang taon at sa mga panahong


walang Sawikaan. Ito naman ay nakatuon sa mga salitang ambag mula sa iba’t ibang
wika sa Pilipinas para sa pag-unlad ng wikang Pambansa.
Sa ambagan, pinagyayaman ang iba’t ibang wika sa bansa sa pamamagitan
ng pagsangguni sa mga balarila (grammar) at leksikon(mapanuring pagbuo ng salita).
Narito ang ilang halimbawa ng Salitang Ambag:
Salitang Tagalog-Batangas (Renerio Concepcion)
1. Himatlugin – Nanghihina ang katawan
2. Baysanan – Kasalan
Salitang Pampanga (Lucena Samson)
1. Sibul ning Lugud – Walang hanggang pagmamahal
2. Tangi – Pag-aaring nakuha sa panahon ng pagpapakasal ng mag-asawa
Salitang Iluko (Cles Rambaud at Ariel Tabag)
1. Kibin – Magkahawak-kamay habang naglalakad
2. Kabus – Kabilugan ng buwan

11
Kada araw ay may mga nauuso, nabubuo at nalilikhang bagong salita. Ang
pagbabago ng panahon at teknolohiya ay mayroong malaking impluwensiya sa
pagkabuo ng mga bagong salitang nagiging dahilan sa pagkakaroon ng dagdag na
salita na maaari nating gamitin sa pag-araw-araw na komunikasyon
Mga Halimbawa ng Mga Bagong Tampok na Salita
1. Lam-yak (pangngalan)
Bagay na dumating ng higit na mabuti kaysa inaasahan

2. Yaru (Pangngalan)
Bayanihan

Hanguang Electroniko
Komisyon sa Wikang Filipino
https://kwf.gov.ph/tanong-sagot-ukol-sa-sawikaan-pagpili-sa-salita-ng-taon/

12
1: Ilustrasyon ng Salita ng Taon

Jayson Palma
BSC 2-4

Panuto: Gamiting basehan ang larawan na nasa itaas. Pumili ng isa sa mga salita ng
taon na nakakuha ng unang pwesto at gumawa ng sariling ilustrasyon nito. Maaari
itong digital na likha o guhit sa bondpaper. Ang file name ng gawain ay Salita
ngTaon_Surname. I-upload ito sa folder na Gawain 1: Ilustrasyon ng Salita ng Taon
na makikita sa ating google drive.

2: Sariling Bersyon ng Salita ng Taon


Panuto: Gumawa ng sariling bersyon ng salita ng taon batay sa dami ng gamit sa
Internet o sa Social Media. I-upload ito sa folder na Gawain 2: Sariling Bersyon ng
Salita ng Taon na makikita sa ating google drive.
File format – .docx o .pdf
File name – Sariling Bersyon ng Salita_Surname

Inaasahang masasagot ang mga sumusunod:


1. Ano ang iyong mungkahing salita?
2. Ano ang kahulugan ng salita?
3. Alin sa mga sumusunod na pamantayan nabibilang ang salitang ito?
4. Saan ito nagmula? (Kagaya ng sa salitang Tokhang na nagmula sa salitang
toktok at hangyo)
5. Ano ang silbi o gamit nito sa lipunang Filipino?
6. Bakit ito karapatdapat na tanghaling Salita ng Taon? Ibigay ang katuwiran

13

You might also like