You are on page 1of 15

I.

PANIMULA

A. ANG SALITA NG TAON

Ang wika ay ang daluyan ng komunikasyon. Ito rin ay isang

sistemang gamit sa pakikipagkomunikasyon. Ang wika ay ang

pinakamahalagang kasangkapan natin upang makipag talamitam. Sinasabi

na ang ating wika ay dinamiko at nanghihiram. Dahil dito, nakaka-isip at

nakakabuo tayo ng mga salitang bago sa ating panlasa at pandinig.

Sa paglipas at pagbabago ng ating panahon, kasabay din nito ang

pagbabago ng ating wika. At dahil dito, nagsisipag-usbungan din ang mga

bagong salita na bago rin sa ating pandinig. Kung kaya’t araw-araw, may

mga nauuso at nalilikhang mga bagong salita. Dahil dito, nagkakaroon tayo

ng mga salita ng taon, taun-taon.

Ang Salita ng Taon ay ang mga pinakanatatanging salitang

namayani sa diskurso ng sambayanan sa mga nakalipas na taon. Ayon

naman sa Komisyon sa Wikang Filipino (2016), ang Salita ng Taon ay mga

salitang umiiral mula sa iba’t ibang diskurso ng isang tao, pangkat,

subkultura, o sa isang institusyon na ginamit, lumaganap, naging

bukambibig ng nakararami sa isang partikular na panahon at ginamit sa

iba’t ibang kontekstong batay sa danay ng tagapagtanggol ng salita. Sa

kabilang dako, sabi naman ni Baquiran (2016), nakaugnay sa realidad ang

mga salita ng taon. Nailalarawan ng mga ito ang mga kontemporaneong

realidad.

Page 1 of 15
B. ANG PASIMULA NG SALITA NG TAON

Nag simula ang salita ng taon noong taong 2004. Na sinundan sa

taong 2005, 2006, 2007, 2010, 2014, 2016, at sa taong 2018. Sa mga

panahong wala pang Sawikaan, idinaos ng Filipinas Institute Translation,

Inc. (FIT) ang Ambagan—isang kumperensiyang nakatuon naman sa

ambag na salita sa iba’t ibang wika sa Pilipinas para sa pag-unlad ng

wikang pambansa. (Komisyon sa Wikang Filipino, 2016)

Nasa mahigit sa isang daan at limang pung (150) delegadong guro,

panauhin, at midya ang nakipagtalakayan sa maghapong presentasyon ng

mga Salita ng Taon na ginanap sa Benitez Theatre sa Unibersidad ng

Pilipinas – Kolehiyo ng Edukasyon. (Komisyon sa Wikang Filipino, 2016)

Idaraos muli ng Filipinas Institute of Translation, Inc. (FIT) sa

pakikipagtulungan sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), National

Commission for Culture and the Arts (NCCA), at ng Unibersidad ng Pilipinas

– Kolehiyo ng Edukasyon ang “Sawikaan 2016: Pagpili ng Salita ng Taong”

kasabay ng “Pambansang Kumperensiya sa Wikang Filipino” na may

temang “Wikang Filipino bilang Wikang Siyentipiko” na gaganapin sa ika-

lima hanggang sa ika-pito ng Oktubre 2016, sa oras na alas otso ng umaga

hanggang alas singko ng hapon, sa Benitez Theatre, Kolehiyo ng

Edukasyon, Lungsod ng Quezon. Ang nabanggit na okasyon ay malugod

na tinatangkilik din ng Kagarawan ng Edukasyon (DepEd) at ng Komisyon

sa Mas Mataas na Edukasyon. (CHED). (Komisyon sa Wikang Filipino,

2016)

Page 2 of 15
C. PROSESO NG PAGSASAGAWA SA PAGPILI NG SALITA NG TAON

Dumaraan sa mahaba at masuring proseso ang mga itinatampok na

salita sa Sawikaan bawat taon. Magpapalabas ang Filipinas Institute of

Translation, Inc. (FIT) ng isang panawagan para sa nominasyon ng Salita

ng Taon, isang taon bago ang mismong kumperensiya.

May sariling pagsubaybay ang FIT para sa mga salita habang

hinihintay ang nominasyon. Inililista nila ang mga salitang sa tingin nila ay

nangibabaw sa diskurso ng mga Filipino. Sa isang pulong ng pamunuan,

ihaharap ang mga salitang ito upang paghanguan o pagkuruan ng mga

miyembro. Pagkaraan ay ilalatag naman nila ang mga entri na ipinasa ng

mga kalahok. Nasa halos siyamnapung porsyento (90%) ng mga salitang

nailista ng FIT ay tugma or may hambing sa mga ipinasa ng mga kalahok,

kaya tila balidasyon na rin ang magiging resulta ng panawagan sa

nominasyon sa kanilang paunang listahan ng mga salita.

Kapag naging opisyal nang nominado ang salita, hihilingin ang

mananaliksik na magpasa ng pinal na papel na may kompletong saliksik,

pagsipi, at sanggunian. At hangga’t maaari ay matanggap ito ng FIT isang

buwan bago magsimula ang pambansang kumperensiya ng Sawikaan

upang magkaroon ng sapat na panahon ang FIT upang suriin ang mga

salita. Inaasahan sa kanilang papel na mailahad ang pakahulugan sa salita,

kasaysayan ng salta, silbi o gamit nito sa lipunang Filipino, at ang katwiran

kung bakit ito karapat-dapat na hirangin at tanghalin bilang Salita ng Taon.

Page 3 of 15
D. ANG PAGPILI NG SALITA NG TAON

Bago man o lumang salita, hiram man ito mula sa katutubo o sa

banyagang wika ang salita, ito ay posible at maaaring manomina at maging

Salita ng Taon. Ayon kay Baquiran (2018), mayroon tayong tatlong (3)

pamantayan para sa pagpili ng Salita ng Taon. Una, ang kabuluhan ng

salita sa buhay nating mga Filipino at/o sa pagsalamin nito ng katotohanan

o bagong pangyayari sa ating lipunan. Ikalawa, kahusayan, lawak at lalim

ng saliksik sa salita, gayundin ang retorika o ganda ng paliwanag, at paraan

ng pagkumbinsi sa mga tagapakinig. At ang ikatlo, ang pagkamalikhain at

paraan ng presentasyon.

Ang lahat ng salitang mapipiling nominado sa Sawikaan ay karapat-

dapat na nasa puwesto ng Salita ng Taon dahil taglay nito ang alinmang

sumusunuod na katangian: Una, bagong imbentong salita; Ikalawa, bagong

hiram na salita mula sa katutubo o banyagang wika; Ikatlo, lumang salita

ngunit ito ay may bagong kahulugan, at; Pang-apat, patay na salitang

muling binuhay.

Samakatuwid, bago man o lumang salita ay posibleng manomina

kung ito ay pumukaw sa pambansang kamalayan at kung ito ay may

malaking impak o epekto sa mahalagang usaping pambansa at sa iba pang

aspeto ng buhay sa lipunang Filipino sa loob ng isa o dalawang taon. Mga

salitang makabuluhang ginagamit ng mamamayan sa iba’t ibang antas ng

pagtukoy at pag-unawa sa kanilang mga pansarili at panlipunang

karanasan.

Page 4 of 15
II. PAGSUSURING NILALAMAN

A. JEJEMON

“EoWw PoHhWxz…”, “K4mUzTuHh k4?”, “an3u pfOW gW4 n30?” Ang

mga salitang iyan ay iilan lamang sa mga salitang nakapaloob sa wikang

Jejemon. Ang Jejemon ay isang kaganapan ng kulturang popular sa

Pilipinas. Ayon sa Urban Dictionary, ang mga Jejemon ay mga taong

nagagawang ibahin ang Wikang Ingles sa puntong hindi na ito

maintindihan. (Mikaroclyde, 2016)

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (2016), iniluwal ng teknolohiya

ang salitang “Jejemon.” Ang Jejemon ay isang bagong likhang salita upang

kumatawan sa isang umuusbong na uri ng kulturang nabuo dahil sa epekto

ng teknolohiya ng cell phone. Sa madaling salita, hindi lamang ito

paglalarawan sa isang karanasan sa lipunang Filipino.

Mula teknolohiya tungong politikal ang pagdulog ni Tolentino, na

tinitingnan ang Jejemon bilang isang repleksiyon na umiiral na kalagayang

politikal at ekonomiko ng isang subkultura sa lipunan. Ayon nga kay

Tolentino (2011, 7), isa itong asersiyon ng politikal na identidad sapagkat

umiinog ang mundo sa isang ekonomiyang may kapasidad na makabili ng

load at makapagtext, at makaipon ng pera para makapag-Internet at

Facebook.

Sinasabi rin sa Wikipedia, ang wikang Jejemon ay sumikat sa taong

2010. Ang paggamit ng “jejeje” sa text o sa chat ay isang paraan ng

Page 5 of 15
paggamit ng Jejemon, subalit hindi pa ito kilala sa ganyang bansag.

Sumikat ang salitang Jejemon matapos magkaroon ng isang blog patungkol

sa isang kandidato sa pagkabise-presidente na si Jejomar Binay, na kung

saan binansagan siyang Jejemon Binay na kandidato ng mga Jejemon. Ang

wikang Jejemon ay naaangkop sa wikang balbal, dahil ito ay nagmula sa

kayle at nabuo ito dahil sa mga tunog na naririnig ng mga tao na tinatawag

na ponema. Bukod pa riyan, ang wikang Jejemon ay hindi pormal na

pagsasalita at labis na gumagamit ng numerikong arabiko at iba pang

espesyal na karakter at ang pagpapalit ng posisyon ng mga letra sa isang

salita.

Ayon kay Mikaroclyde (2016), ang pinagmulan ng prosesong ito ng

pagpapaikli ng mga salita ay mula sa pamamagitan ng short messaging

service (SMS), kung saan ang bawat text message na ipinapadala sa

pamamagitan ng isang cell phone ay limitado lamang sa 160-karakter, tulad

na lamang ng mga naunang modelo ng cell phone sa taong 2000 tulad

ng Nokia 5110. Bilang isang resulta, ang isang “SMS Language” ay nabuo

na kung saan ang mga salita ay pinaikli upang magkasya sa 160-karakter

na limitasyon. Gayunman, ang ilang jejemons ay hindi talaga pinapaikli ang

mga salita, sa halip, higit nilang pinapahaba ang kanilang mensahe.

Ang sosyalekto ng mga Jejemon na tinatawag na Jejenese (magiging

literal na Jejenismo sa Wikang Filipino) ay nanggaling mula sa Wikang

Ingles, Wikang Filipino at ang kanilang paiba-ibang Taglish. Ang kanilang

alpabeto ay tinatawag na Jejebet (magiging literal na Jejebeto sa Wikang

Page 6 of 15
Filipino) ay gumagamit ng Alpabetong Romano, kasama na ang mga

Numerong Arabiko at iba pang mga espesyal na karakter. Nabubuo ang

mga salitang Jejemon sa pagpapalit ng mga posisyon ng mga titik sa isang

salita at sobrang paggamit ng mga titik na H, X o Z at paghahalo ng mga

numerikong karakter at ng ating normal na alpabeto. Ang pagbabaybay ay

katulad sa Pananalitang Leet.

B. WANG-WANG

Nagkaroon ng bagong kahulugan ang salitang kalye na wang-wang.

Tumutukoy ang salitang wang-wang noon sa isang bagay na lumilikha ng

malakas na tunog na tinatawag na sirena. Ito ay ginagamit ng mga

bumbero, ambulansya at mga aroganteng public officials na kung umasta’y

parang sila ang may ari ng mga lansangan. Subalit binigyan ito ng bagong

pakahulugan ni dating Presidente Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III sa

kanyang SONA. Ayon sa kanya, ito ay ang pang-aabuso ng mga opisyal ng

pamahalaan, inihalal man o hinirang sa mataas na posisyon. (Pedroche,

2011)

Sa introduksiyon naman ni Romulo P. Baquiran, Jr., pangulo at editor

ng hindi pa nalalathalang Sawikaan 2012, bagamat naging popular na ang

salitang wang-wang bilang sagisag ng pamamahala ng kaluluklok na

pangulo ng Pilipinas noong 2011 na si P-Noy na lumalaban sa katiwalian at

pang-aabuso sa kapangyarihan. Ang wang-wang ay ginamit din bilang

pagtuligsa sa mga pangako ni P-Noy na mas maunlad, ligtas, at matuwid

na lipunang Filipino.

Page 7 of 15
Sabi ni Baquiran (2012), ang wang-wang ay kinikilalang emblematikong

representasyon ng administrasyong Aquino at ito ay maituturing na estilo

ng pamamahala ng Pangulo.

Maparikala ang pagpapakahulugan ni David Michael San Juan sa

wang-wang, na matimbang na rason para ito ay tanghalin bilang Salita ng

Taon 2012. Habang ang retorika at semantikang inaasam ng

administrasyong Aquino ay malinaw na para sa sarili nitong ikariringal at

angkop na representasyon ng prinsipyong “daang matuwid,”

iminumungkahi ng mga pakahulugan ni San Juan na maaaring agawin ng

taumbayan itong termino at baguhin upang maging kasalungat ng gusto ng

administrasyon. Samakatwid, ang nais mangyari dito, ang pagkiling sa

makamasang konotasyon ng salita, paggiit sa diwa ng protesta at pagiging

kritikal. Napagsasanga kung gayon ang produksiyon ng kahulugan para sa

iisang salita.

Mula sa onomatopeikong tunog na “wang-wang” tungo sa isang

dikskursong sosyo-politikal—ito ang naging saysay ng salitang ito para sa

lipunang Filipino. Ginamit ito ni P-Noy bilang sagisag para sa mga tiwali,

abusado, at korap na pinuno ng pamahalaan gayundin sa kanilang gawi ng

pagmamalabis sa paggamit ng awtoridad at pribilehiyo bilang opisyal.

Sa madaling sabi, ang wang-wang ay ginamit ni P-Noy bilang

sagisag sa kaniyang “matuwid na daan” na kontra katiwalian. Simula

lamang ito sa talakay ni David Michael San Juan upang ipaliwanag ang

naging umpisa ng popularidad ng wang-wang, ngunit sa kaniyang

Page 8 of 15
paliwanag, mas namayani sa kaniyang diskurso ang wang-wang bilang

“panawagan sa pagbabago.” Maraming tumuligsa sa pagkakapanalo sa

wang-wang bilang Salita ng Taon sapagkat isa diumanong lipas na salitang

ginamit ni P-Noy sa kaniyang talumpati noong 2011. Ngunit gaya ng

naunang nabanggit, mas tumimo ang diskurso ni San Juan sa wang-wang

bilang panawagan sa pagbabago. Kung sagisag ni P-Noy sa kaniyang

matuwid na daan ang wang-wang, kinontra ng mga “makakaliwa” ito sa

pamamagitan ng paggamit din sa wang-wang bilang “hungkag at walang

laman” na gaya ng ingay na nalilikha nito.

Ayon kay San Juan, isang “bagong batingaw, pag-iingay o

panawagan para sa tunay na pagbabago, paggising sa mga opisyal ng

gobyerno at maging sa mamamayan na nakalimot sa tungkulin sa bayan.”

Ang ebolusyon ng salitang wang-wang ay isang pinakamagandang

halimbawa ng pagbabago ng pagpapakahulugan sa salita batay sa

nagbabago ring karanasan ng isang lipunan. Sa unang taon ni P-Noy,

marami ang umasa sa pagbabago ngunit para sa mga “nagbabantay” sa

katuparan ng kaniyang mga pangako, nagkaroon ng bagong danas sa

wang-wang bilang isang kritikal na pagpuna sa pamamahala ni P-Noy

makaraan ang isang taon ng kaniyang panunungkulan bilang pangulo. Sa

huli, mas tumimo ang pangwakas na pahayag ni San Juan na: “ililigtas tayo

ng salitang wang-wang sa luma nating sakit: ang pagsasawalambahala sa

mga usaping pambayan at ang pagkalimot sa ating mga tungkulin bilang

Page 9 of 15
Filipino.” Tila nakapukaw sa mga hurado at delegado ng Sawikaan ito kung

kaya napili bilang Salita ng Taon sa taong 2012.

C. SELFIE

Itinanghal ang “selfie” bilang salita ng taon matapos makakuha ng

pinakamataas na boto mula sa mga kalahok ng “Pambansang

Kumperensiya sa Pagpapayaman ng Wikang Filipino at Sawikaan 2014:

Pagpili ng Salita ng Taon.” Pinili ang “selfie” hindi lang dahil sa popularidad

nito kundi dahil ito ang may pinakamahusay na papel at presentasyon na

isinulat at binasa nina Noel Ferrer, kilalang talent manager at producer, at

Jose Javier Reyes, batikang direktor sa telebisyon at pelikula. (Pineda,

2014)

Ayon sa Oxford Dictionary, ang selfie ay isang katagang hango sa

salitang Ingles na “self” na dinagdagan ng “ie” at ito ay tumutukoy sa isang

retrato na kinunan ng mismong nasa retrato sa pamamagitan ng isang

smartphone o webcam at inaplowd sa isang social media website.

Itinuturing na penomenal ang paglaganap ng salitang selfie sa buong

mundo, sapagkat isa itong bagong likhang salita para sa isang bagong

karanasang dulot ng makabagong teknolohiya. Unang kinilala ito sa wikang

Ingles at sa katunayan ay itinanghal ding Word of the Year noong 2013 ng

Oxford Dictionaries. Dahil sa pagkahumaling ng mga Filipino sa social

media at tila isang adiksiyon na ang pagtutok dito lalo na sa Facebook at

Instagram, isang paraan ang pagse-selfie sa pagkonekta dito at sa ibang

taong gumagamit din ng Facebook at Instagram, at ng iba pang katulad na

Page 10 of 15
social media site. Naging parte na ng buhay ng lahat ang pagkuha ng

retrato ng iba lalo na ng sarili para manatiling konektado sa mundong ito.

Babae man o lalaki, matanda o bata, sikat na personalidad, o kahit nga ang

pinakamatataas na tao sa lipunan ay nagse-selfie.

Ayon kina Ferrer at Reyes, ang kultura ng selfie sa Pilipinas ay

“maituturing na konsepto ng gitnang-uri o ng nakaririwasa pa nga:” ito ang

mga taong may kakayahang bumili ng mga cellphone na may kamera at

magbayad ng koneksiyon para sa internet. Lumaganap umano ang selfie

sa Pilipinas hindi lang bilang resulta ng pagdating ng makabagong

teknolohiya kundi dahil “nakaugat din ito sa kultura at karanasan ng ilang

tiyak na sektor ng mga Filipino sa paglipas ng kasaysayan.” Noon pa man

ay hilig na umano ng tao na tingnan ang kaniyang sarili at bihagin ang isang

saglit ng kaniyang anyo hindi lang para lumikha ng alaala kundi upang

gumawa rin ng ebidensiya ukol sa kanyang dating kaanyuan.

Ayon din kina Ferrer at Reyes, ang selfie ay “matingkad na

manipestasyon ng kultura ng narsisismo, o ang labis na paghanga sa

sariling katangian.”Gamit ng selfie. Sa kabila nito, itinuturing ang selfie

bilang instrumento sa pagtatampok ng mga propesyon at

negosyo. Nagamit din ito bilang isa sa mga paraan ng pag-uulat sa

panahon ng trahedya at kalamidad.

Bukod sa mga nabanggit, napabilang na rin ang selfie sa diskursong

Filipino. Higit pa sa antas ng wika, naipakita na ang konsepto ng selfie ay

Page 11 of 15
may batayan sa karanasan at kulturang Filipino bago pa man dumating ang

panahon ng mga bagong teknolohiya ng komunikasyon.

Ani nga nina Ferrer at Reyes, “Bagaman ang selfie ay nagpapahiwatig

ng mga di-kanais-nais sa kultura ng ating henerasyon—pagiging

indibidwalistiko, narsisismo, konsumerismo—lalong higit na kailangang

unawain at angkinin ang salita upang magkaroon ng kritikal na pagkamalay

(critical awareness) ang mga Filipino sa hatid na panganib at pangako,

pinsala at posibilidad ng salitang ito.”

D. FOTOBAM

Itinanghal ang fotobam bilang Salita ng Taon 2016. Ang fotobam ay

hango sa salitang Ingles na “photobomb” na tumutukoy sa pagsama sa

retrato kahit hindi ka dapat kasama.

Ginamit ni Michael Charleston Chua ang salitang folobam upang

maihiwalay sa orihinal nitong pinaghanguan, bukod sa ito rin ang ginamit

na salita sa isang dokumentaryo ng kaniyang mga estudyante noong 2004.

Bukod pa riyan, ginamit niya ang salitang ito upang ilarawan ang isyu ng

pagsira ng Torre de Manila sa hitsura ng monument ni Rizal sa Luneta Park.

Mula sa mababaw na pagsingit lang sa retrato ng ibang tao, hinubdan

nito ang realidad na hindi nakikita sa isang retrato — ang realidad kung

paanong ang mga awtoridad mismo ay mas binibigyang halaga ang

negosyo kaysa sa mga pamanang pangkultura ng bansa. Ayon kay Chua,

ang pag-iiba sa baybay ay isa niyang paraan ng paglalapit sa konteksto ng

Page 12 of 15
kanilang ipinaglalaban kaugnay ng pangangalaga sa mga simbolong

pangkasaysayan at pangkultura ng ating bansa. Ang bansag na

“pambangsang photobomber” sa Torre de Manila ang nagbukas sa isyu sa

madla na umabot hanggang sa Kataas-taasang Hukuman upang mapag-

uisapan ang mga isyung pang kasaysayan, kultura, at pamana na madalas

umanong hindi napag-uusapan.

Sa madaling sabi, ang salitang inimungkahi ni Chua ay isang

pagmumulat at isang panawagan ng pagkilos hindi lamang sa kapwa niya

historyador subalit sa lahat ng mamamayang Filipino sa buong bansa.

Ang salitang “Fotobam” ay hindi lamang isang usong salita dahil sa hilig

nang pagreretrato ng mga millennials, kundi isang salita na nagdala sa

bayan, at sa maraming aspekto nito tulad ng media at legalidad, sa isang

mas mataas na lebel ng usapan ukol sa kasaysayan at pamanang

pangkalinangan.

III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN

Araw-araw ay nagkakaroon tayo ng mga bagong usbong na salita

na kung saan ang mga ito ay bago rin sa ating pandinig, at taun-taon rin ay

nagkakaroon tayo ng tinatawag na Salita ng Taon dahil sa mga bagong

usbong na salita. Ang mga salita ng taon ay nakakatulong sa atin upang

mamulat tayo sa mga mahahalagang isyu sa ating lipunan na

nangangailangan ng agarang pagkilos at solusyon. Nailalabas din nito ang

kalikutan at pagkamalikhain ng ating isipan. Dagdag pa rito, ang mga salita

Page 13 of 15
ng taon ay hindi lamang nakatuon sa mga mahahalagang isyu sa ating

lipunan bagkus, dumadagdag ang mga ito sa ambag sa pag-aaral ng ating

wika.

Ngunit sa kabilang banda naman, nabigyang pansin din na tila ba

unti-unti ng naglalaho ang ibang mga nakagisnan nating salita. Subalit

kasabay sa pag-usbong at pag-unlad ng modernisasyon, patuloy din ang

pagunlad, pagyabong at pagbabago ng Wikang Filipino. Lumalawak at

dumarami rin ang mga bagong salita na nadaragdag sa ating bokabularyo.

Samakatuwid, hindi natin maiiwasan na magkaroon ng mga bagong

salita, dahil bunga ito ng modernisasyon. Marahil natatambunan o unti-

unting naglalaho ang mga salitang ating nakagisnan dahil sa mga salitang

nagiging Salita ng Taon. Ngunit huwag nating kakalimutan na dahil sa mga

ito, mamulat din tayo sa mga mahahalagang isyu sa ating lipunan na

kailangang talakayin at nangangailangan ng agarang pagkilos at solusyon,

nailalabas din ng mga ito ang pagkamalikhain ng ating isipan, at ang

panghuli ay pinapayabong ng mga salita ng taon ang ating wika dahil

lumalawak at dumarami ang ating bokabularyo.

IV. SANGGUNIAN

http://kwf.gov.ph/tanong-sagot-ukol-sa-sawikaan-pagpili-sa-salita-ng-taon/

http://kwf.gov.ph/pambansang-kumperensiya-sa-wika-at-sawikaan-salita-

ng-taon-2016-sa-oktubre-na/

https://wikangjejemon.wordpress.com/2016/09/15/ang-wikang-jejemon/

Page 14 of 15
https://www.academia.edu/31101833/ISANG_PANANALIKSIK_PAG-

AARAL_NG_WIKANG_JEJEMON_ISANG_REKWARYMENT_SA_PAGB

ASA_AT_PAGSUSURI_NG_IBAT-

IBANG_TEKSTO_TUNGO_SA_PANANALIKSIK

https://www.philstar.com/opinyon/2011/07/27/709941/wang-wang

https://www.upd.edu.ph/~updinfo/jan15/articles/Selfie_ang_salita_ng_taon

.html

https://www.rappler.com/nation/148441-salita-taon-fotobam-torre-de-

manila

Page 15 of 15

You might also like