You are on page 1of 2

URDANETA CITY UNIVERSITY

San Vicente West, Urdaneta City


1st Semester, A. Y. 2019-2020

DALUMAT

 Ayon kay Panganiban (1973), ang salitang “dalumat” ay kasingkahulugan ng


“paglilirip” at “panghihiraya”. Sa Ingles na kahulugan, ganito ang ibig sabihin: very deep
thought, abstract conception. Ang dindalumat ay salita na may implikasyong abstrakto
at pilosopikal.
 Ginagamit ang salita hindi sa payak na paraan bagkus sa mataas na antas ng pag-iisip.
Sa ganitong paliwanag, samakatuwid, ginagamit ang salita bilang konsepto sa larangan
ng pagteteorya.
 Humihiwalay sa lexical o diksyunaryong kahulugan lamang ang salita at nililirip ito sa
antas ng interpretasyon.
 Gumagabay sa mananaliksik na unawain, ipaliwanag at i-interpret ang isang pangyayari
(phenomenon), teksto at diskurso na saklaw ng kanyang pag-aaral.
 Ito ay binubuo ng:

KONSEPTO o TEORYA
IDEYA

Ito ay sistematikong binubuo ng


Tawag sa paliwanag o pananaw na konsepto o ideya upang ipaliwanag
nabuo bunga ng malalim o ang relasyon ng mga bagay, sanhi-
masusing pag-iisip. bunga ng pangyayari at penomenong
malaki ang saklaw o epekto sa tao,
kapaligiran, kultura, at lipunan.

MGA GABAY SA APLIKASYON NG DALUMAT


1. Kilalanin ang pinagkuhanan ng dalumat / konsepto / ideya o teorya.
2. Kailangan malinaw ang datos na kakalapanin. Ang paksa magdidikta sa datos na
hahanguin at hindi ang teorya o dalumat na gagawin.
3. Ipaliwanag ang dalumat kung paano ito gagamitin sa pag-aaral. Minsan nagiging
komplikado ang mga teoryang isinusulat kaya mas mainam na ipaliwanag ito sa
simpleng pagsulat.

Marami ang nagtangka’t nagtagumpay sa masinop at mataas na paggamit ng Filipino sa


akademya. Sa ginawang paglilinaw ni I.R. Cruz (2003) sa Critical Practice ni Belsey (1980),
lumitaw ang apat na konsiderasyong ito.

3. Ipaliwanag kung ano ang


1. Linawin ang bagong
mga bagong palagay na
konsepto na nais
naghahari sa diskors ng
ipaliwanag ng teorista
teorista

2. Ituro ang mga bagong


salita, kung mayroon man, 4. Hindi lamang nilalaman
na nilikha ng teorista para kundi pati na ang estilo o
maipaliwanag ang kanyang estrstehiys ng pagsulat nito.
bagong konsepto.
“Ang denims (maong sa Pinas) ay isang uri ng “Dahil sa original na kulay indigo ay naging
matibay at makapal na telang buhat sa sinulid angkop ito sa gawaing pampabrika.”
na bulak.”
Ang ngalan ng tela ay buhat sa Serge de
DENOTATIBO Nimes, o telang buhat sa Nimes, na isang
Nakabatay sa talatinigan pook sa Pransya. Kalaunan, mas nakilala ito sa
pinaikling denims.”
Literal na kahulugan
KONOTATIBO
Lampas sa talatinigan
Kahulugang nakakabit sa salita

PAGBIBIGAY-KATUTURAN
(pagbibigay) (kahulugan)

“Tungkol sa kung ano ang isang bagay o salita.”

“Pagpapaliwanag ng isang KONSEPTO o DALUMAT na nakapaloob sa isang


salita”

BAKIT ITO MAHALAGA?


 Dahil ito ang pundasyon ng argumento.
 Nasisiguradong pareho ang pagkakaunawa ng salita ng mambabasa at ng manunulat.
 Nagbibigay ng ekspektasyon ng nilalaman ng paksa
 Nagpapaliwanag ng teknikal at mahirap na salita

PAANO ITO GINAGAMIT?


 Binibigyang-diin ang denotatibo at konotatibo
 Gumamit ng mga salitang mauunawaan
 Ipahayag ang pagkakaiba ng salita sa ibang mga salita
 Gumamit ng paglalarawan, paghahalimbawa, pagtutulad at paghahambing, pagsusuri,
sanhi at bunga, atbp.

You might also like