YUNIT III
Masinsin at Mapanuring Pagbasa sa mga Pangunahing
Sanggunian sa Pagdadalumat/ Pagteteorya sa
Kontekstong P/Filipino
History is always written by the winners. When two cultures clash, the loser
is obliterated, and the winner writes the history books - books which glorify their
own cause and disparage the conquered foe. As Napoleon once said, 'What is
history, but a fable agreed upon?” (Brown, 2003). Pinapahayag ng linyang ito
mula sa sikat at kontrobersyal na nobela na The Da Vinci Code ang katotohanan
ukol sa kalakhan sa nakasulat na kasaysayan sa mundo. Karaniwang ang
mananakop ang lumalabas na bida, habang ikinukubli ang pandarahas na
ginawa sa mga katutubong unang naninirahan sa mga bansang kanilang
sinakop.
Sa mahabang panahon ng pagkakaalipin ng mga Pilipino, hindi kataka-
taka na malaking bahagi ng ating kultura ay naimpluwensyahan ng mga
dayuhan. Kahit pa ilang dekada na rin mula noong nakamit natin ang sinasabing
kalayaan, nananatili pa rin tayong nakatanikala at utak-alipin. Mababa ang
pagtingin natin sa ating sarili, dahil na rin sa itinuro sa atin na “utang na loob”
natin sa mga mananakop ang ating sibilisasyon at edukasyon. Sa akademya,
karaniwan nating ginagamit ang mga dayuhang mga teorya at metodo na
inilalapat lamang natin sa lokal na konteksto ng lipunan. May mga pagkakataon
na hindi sapat ang mga teorya at metodo na ito upang lubos na maunawaan ang
mga pangyayari sa ating bansa. Dahil dito, malaki ang pangangailangan sa
pagsasakatutubo ng mga kaalaman at paglikha ng karunungang Filipino.
Sa nakaraang mga dekada ay sinikap ng iba’t ibang iskolar na suriin ang ating
lipunan at magbigay ng mga alternatibong pananaw sa ating kasaysayan upang
higit na maunawaan ang ating pagka-Pilipino.
Alternatibong Pagtingin sa Kasaysayan ng Pilipinas
Sa pagtuturo ng kasaysayan ng ating bansa sa mga paaralan, at kalakhan
ng mga libro na tumatalakay rito, nakasentro ang pagtalakay sa naging epekto
ng pananakop sa atin ng mga dayuhan hanggang sa panahon na makamit natin
ang kalayaan. Pansinin na ang mga yugto ng ating nakaraan ay nahahati sa: (1)
panahon bago dumating ang mga Español; (2) panahon ng pananakop ng Spain;
(3) panahon ng pananakop ng Amerika; (4) panahon ng pananakop ng Japan;
(5) pagbabalik ng mga Amerikano sa Pilipinas; (6) pagpapalaya at pagtatayo ng
nagsasariling republika, na kadalasang ang nilalaman ay ang mga nagawa ng
mga nakaraang pangulo.
Sa ganitong paraan ng pagtalakay ng kasaysayan, lumalabas na ang ating
kasalukuyan ay itinakda ng mga dayuhang mananakop, mga bayani na
nakipaglaban para sa ating kasarinlan, at mga naging pangulo ng bansa. Hindi
napagtutuunan ng pansin ang kalagayan ng ekonomiya at politika sa bansa,
maging ang partisipasyon ng masa sa paglikha ng kasaysayan.
Ang ating kaalaman sa kasaysayan ng bansa bago dumating ang mga
Español ay limitado sa mga naisulat ng mga dayuhang mananakop. Para sa
kanila, nahahati sa dalawang bahagi (bipartite) ang kasaysayan ng Pilipinas: (1)
panahon na tayo ay nasa kadiliman, mga barbaro, walang sariling kultura, at
atrasado; at (2) panahon ng kaliwanagan kung saan tinanggap natin ang Nuestra
Maravillosa Civilizacion (Salazar 1983, pp.105-126).
Hindi ganito ang pananaw ng ilang mga iskolar sa kasaysayan ng ating
bansa. Ayon kay Salazar (1983), hindi totoong walang umiiral na sibilisasyon
bago dumating ang mgaEspañol. Kung tutu- usin nga ay higit sanang maunlad
ang ating bansa kung hindi lamang sa panghihimasok ng mga dayuhan.
Sinusuportahan nito ang tripartite o tatlong bahaging historikal na ideolohiya ni
Rizal na binubuo ng sumusunod: (1) May sariling sibilisasyon ang Pilipinas at
may angking kaunlaran, taglay ang kaniyang kakayahan at katangian; (2)
Pagkabulok at pag- atras ng lipunan sa ilalim ng pamamahala ng mga Español.
Pagkawala ng kabutihang sibiko at pagkalulong sa bisyo. Kanser ng lipunan sa
huling bahagi ng ika-19 na siglo; (3) Paglaya ngmalikhaing pwersa ng ating lahi
sa pagkakamit ng kalayaan. Maaaring sa pamamagitan ng rebolusyon o sa
pamamagitan ng reporma.
Sa akda ni San Juan na “Kontra-Modernidad:Pakikipagsapalaran sa
Pagtuklas ng Sarili Nating Mapagpalayang Kabihasnan” ay tinalakay niya ang
landas na tinahak ng Pilipinas tungo sa kasalukuyang modernidad nito.
Naniniwala siya na “ang kulturang modernidad ng Pilipinas ay hindi isang
paralisadong ideya kundi isang proseso, isang nililikhang gawain na nakaangkla
sa nakalipas na karanasan na siyang ugat at binhi ng niyayaring istruktura ng
bagong mapagpalayang kaayusan.” (San Juan, 2017) Mauunawaan lamang
natin ang ating kasalukuyan sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw sa nakaraan
at pagsuri sa mga kontradiksyon sa loob nito.
Tunggalian ang Lumilikha ng Kasaysayan
Kapwa nakita ni Rizal ang pangangailangan na balikan ang nakaraan, ang
lipunan bago tayo sakupin ng mga Español, upang humugot dito ng binhi ng
kinabukasan. Isinulat si Rizal ng Ano- tasyon sa Sucesos De Las Islas Filipinas
ni Anto- nio de Morga (1980) upang pabulaanan ang mga maling pang-unawa sa
kultura ng mga Pilipino, habang si Bonifacio ay isinulat ang Ang Dapat Mabatid
ng mga Tagalog (1986) upang ipakita na may sibilisasyon na sa bansa bago
dumating ang mgaEspañol.DagdagniSanJuan(2017),“taglay nng modernistang
kritika ng rebolusyon ang main- gat na pagkilatis sa tradisyon upang mapili ang
mabuti sa salubungan ng mga kontradiksiyon at maiangat ang katayuan ng lahat
sa mas masagana at mabisang antas ng kabuhayan. Gamit ang makauring-
pananaw sa kasaysayan ng Pilipinas ay inilatag ni Amado Guerrero (1970) ang
pundasyon ng Marxista-Leninistang interpretasyon sa lipunang Pilipino. Isa itong
pagsisikap na ilahad nang komprehensibo ang mga pangunahing agos ng
kasaysayan ng bansa, gayundin ang mga saligang problema ng sambayanan at
umiiral na istruktura ng lipunan. Inilathala ang libro sa panahon na laganap ang
aktibismo sa hanay ng mga kabataan na nagsisikap unawain ang mga reyalidad
ng kanilang lipunan. Hinihingi ng pagkakataon na magkaroon ng isang
kagamitang pang-edukasyon na magbibigay-direksyon sa natagpuang lakas na
ito patungo sa tamang teorya at praktika ng pambansa-demokratikong
rebolusyon.
Sa akda ni Guerrero, ipinakita niya kung paanong ang nagsasariling pag-
unlad ng lipunang Pilipino ay natigil dahil sa panghihimasok ng kolony- alismo ng
Spain at imperyalismo ng United States. Itinulak ang kasaysayan ng mga
kontradiksyon sa pagitan ng masa at imperyalistang kapangyarihan katuwang
ang mga lokal na naghaharing uri. Kaiba sa ibang mga naisulat na tala ng mga
pangyayari sa bansa, binigyang-diin ng Lipunan at Rebolusy- ong Pilipino ang
materyal na kondisyon na siyang nagluwal ng pakikibaka ng mamamayan.
Mula sa dating kolonyal at pyudal na katangian ay nabago ang lipunang Pilipino
tungo sa isang malakolonyal at malapyudal na lipunan. Malakolonyal dahil sa
kahit pa sinasabing malaya na ang Pilipinas ay patuloy na nilalabag ng United
States ang soberanya ng bansa at tiniyak nila na patuloy nilang makokontrol ang
ekonomiya, politika, kultura, militar, at ugnayang panlabas ng bansa. Malapyudal
na bunga ng pagkakasanib ng dayuhang monopolyong kapitalismo at katutubong
pyudalismo na nagresulta sa pagkalusaw ng isang ekonomiyang nakasasapat sa
sarili at napalitan ng isang ekonomiyang pangkalakal. Pinipigil nito ang pag-unlad
ng isang pambansang kapitalismo at pinapamalaging mahirap ang malawak na
masa upang makakuha mula sa kanila ng murang lakas paggawa at murang
hilaw na materyales.
Dagdag ni Sison, “naging malakolonyal at malapyudal ang lipunang Pilipino
dahil naiimpluwensyahan at umaasa sa isa’t isa ang imperyalismong United
States at pyudalismo. Hindi talaga interesado ang imperyalismong United States
na paunlarin ang ekonomyang kolonyal at agraryo para maging tunay itong
independyente at umaasa sa sarili.” Samantala, ang kanilang kasabwat na lokal
na naghaharing-uri na siya ring humahawak ng mga posisyon sa pamahalaan ay
wala ring interes na ipaglaban ang pambansa- demokratikong interes ng
mamamayan at sa halip ay mas pinagtutuunan ng pansin ang pagnanakaw sa
gobyerno.
Hindi kataka-taka kung gayon kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay
nagpapatuloy pa rin ang rebolusyon sa Pilipinas sa kabilang ng sinasabing pag-
unlad. Nananatili pa rin ang mga pangunahing kontradiksyon sa lipunang Pilipino
na mauugat pa sa mga kilusan sa panahon ng Español.
Sa pamamagitan ng pantayong pananaw ay isinulat ni Salazar ang Ba- gong
Balangkas ng Kasaysayan ng Kapilipinuhan. Ipinaliwanag niya na “Ang buod ng
pantayong pananaw ay nasa panloob na pagkakaugnay-ugnay at paguugnay ng
mga katangian, halagahin, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-
aasal at karanasan ng isang kabuuang pangkalinangan -- ka- buuang nababalot
sa, at ipinapahayag sa pamamagitan ng isang wika; ibig sabihin, sa loob ng
isang nagsasariling talastasan/diskursong pangkalinangan o pangkabihasnan.”
(Salazar, 2004)
Hinati ni Salazar ang pagtalakay sa kasaysayan ng bansa sa tatlong
pana- hon o bahagi: ang Pamayanan (h-k. 500,000/250,00 BK – 1588 MK),
Bayan (1588 -1913) at Bansa (1913 - kasalukuyan). Sa pamayanan ay tinalakay
ang pagsulpot ng unang tao, ang pagdating at pamamalagi ng mga
Austrenasyano, ang simula ng pagsasambayanan (pagbubuo ng mga estadong
bayan o etniko), ang paglawak ng kalakalan sa loob ng Pilipinas at mga karatig-
bayan nito, hanggang sa simula ng paglaganap ng Islam at unang pagdating ng
Kristi- yanismo. Nakatuon naman ang bayan sa paglawak ng estado o
sambayanan ng Maynila na sasaklaw bilang estadong kolonyal sa malaking
bahagi ng kapuluan at ang pagkakabuong politikal ng arkipelago mula sa krisis
na naranasan ng pamayanang Pilipino. Naitayo ang mga bagong anyo ng mga
batayang pamayanan o bayan ng Kapilipinuhan, at paglagpas sa estadong
etniko na isinagawa ng ilang kabayanan na nagsilbing batay ng pagkakaisa ng
mamamayan laban sa estadong kolonyal. Sa ikatlong bahagi, ang bansa ay
tinalakay ang pagsusulong ng mga elit na mabuo ang bansa sa direksyong
itinakda ng nación na dulot ng Propaganda, gayundin ang mga rebolusyonaryo
na taglay ang adhikain na masaklaw ang Kapilipinuhan sa loob ng isang bansa
bilang pinalawak na Inang Bayan.