Aralin 1 Activities RPH

You might also like

You are on page 1of 3

Paunang Pagtataya

Ano ang iyong pagkakaunawa sa salitang”kasaysayan” ?

Ang kasaysayan ay mga Ang kasaysayan ay nabuo


mahahalagang pangyayari dahil sa kagustuhan nating
na naganap sa isang matuto mula sa ating
particular na lugar nakaraan
KASAYSAYAN

Ang kasaysayan ay ang pag- Ang kasaysayan ang


aaral sa ating nakaraan nagbibigay-buhay sa ating
nakaraan

Ang kasaysayan ay mga


mahahalagang
imprormasyon na may
mahalagang epekto sa ating
lipunan

Panghuling Pagsusulit
Isulat ang hinihingi ng pangungusap.

1. Siya ang “Ama ng Pantayong Pananaw”.


Sagot: Dr. Zeus Salazar
2. Ito ang lugar kung saan nakahimlay ang mga labi ng mga kinikilalang bayani ng bayan.
Sagot: Pambansang Dambana
3. Dito matatagpuan ang orihinal na manuskrito ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Sagot: Pambansang Aklatan ng Pilipinas
4. Ito ang mga dokumento o bagay na maaaring suriin upang makapagpatunay ng mga
pangyayari sa nakaraan.
Sagot: Batis
5. Ito ay ang higit na malalim na pagsusuri ng dokumento.
Sagot: Kritikang Panloob
6. Ito ay ang uri ng kritisismo kung saan sinusuri lamang ang otentisidad ng dokumento.
Sagot: Kritikang Panlabas
7. Ito ay karaniwang mga tao o maaari ring mga bagay na mismong naging saksi habang
nagaganap ang isang mahalagang pangyayari.
Sagot: Primaryang Batis
8. Ito ay isang uri ng primaryang batis na di nakasulat. Binubuo ito ng mga sari-saring
pahayag, kwento, o salaysay na maaaring tiyak o hindi tiyak ang pinagmulan.
Sagot: Kasaysayang Oral
9. Ito ay mga bagay na nahukay ng mga arkeologo mula pa sa unang panahon na ginamit
at hinubog ng tao ayon sa kanilang kultura.
Sagot: Artipakto
10. Ito ay ang mga pahayag na binigkas sa mga okasyon, pagtitipon, gawaing panrelihiyon o
pulitikal.
Sagot: Mga Talumpati

Panghuling Kahingian
Sanaysay. Sagutin ang mga tanong sa maikli at direktang paraan. Isulat ang iyong sagot sa isang
hiwalay na papel.

1. Ano ang kaibahan ng kasaysayan sa history?


Ang history ay isang maayos na pagtatala gamit ang mga pangyayari o phenomenon
maging ito man ay sunod-sunod o hindi. Ang kasaysayan ay salaysay ukol sa nakaraan na
may saysay para sa sariling grupo na isinasalaysay gamit ang sariling wika at kalinangan.
Ibig sabihin, hindi lang ito basta-basta pagtatala ng mga pangyayari sa nakaraan bagkus,
kailangang ang nakaraang ito ay mayroong saysay o halaga sa isang grupo ng tao.

2. Ano ang primaryang batis? Paano ito naiiba sa sekondaryang batis?


Ang primaryang batis ay karaniwang mga tao o maari ring mga bagay na mismong
naging saksi habang nagaganap ang isang mahalagang pangyayari. Samantala, ang
sekundaryang batis naman ay hindi “saksi” sa mga pangyayari ngunit naglalahad ng mga
impormasyon kaugnay ng primaryang batis.

3. Bakit mahalaga ang pagkritika sa mga dokumento?


Hindi sapat na mayroong primaryang batis na susuriin kailangan din ng kritisismo ng
mga dokumentong ito upang higit na mapalabas ang katotohanan ng mga pangyayari sa
nakaraan. Gayundin, hindi rin naman maipaliliwanag mag-isa ng dokumento ang
kaniyang sarili, kailangan ng taong magsusuri sa kanya upang mapalabas ang tunay na
katotohanan ng mga pangyayari sa nakaraan.

4. Sa panahong nagkalat ang fake news, paano mo masusuri ang tunay na impormasyon sa
gawa-gawang impormasyon lamang?
Dapat na suriing mabuti ang kredibilidad ng pinagmulan ng impormasyon. Aalamin ko
muna kung saan nanggaling ang impormasyon at ang mga batis nito. Kapag nakita kong
kaduda-duda ito ay magsasaliksik at magbasa pa ako ng ibang artikulong sigurado akong
may kredibilidad na kahalintulad ng impormasyon na nakita.

You might also like