Professional Documents
Culture Documents
GNED 04 Modyul 1
GNED 04 Modyul 1
Mga Paksa
1. Kabuluhan at halaga ng kasaysayan
2. Pagkakaiba ng Primarya at Sekondaryang Batis
3. Panloob at Panlabas na Kritisismo
4. Iba’t-ibang uri ng Primaryang Batis
Inaasahang Matutuhan
Sa pagtatapos ng Modyul, inaasahang matuto ang mga mag-aaral na magkaroon ng
ebalwasyon sa kredibilidad, awtentisidad, at pinanggalingan ng mga primaryang batis at
malaman ang kahalagahan ng kasaysayan bakit ito dapat pag-aralan.
Pangkalahatang Tagubilin
1. Sagutin ang lahat ng mga katanungan sa modyul sa isang kumpletong pangungusap gamit
ang pormang patalata.
2. Basahing mabuti at sundin ang mga tagubilin
3. Kung gagamit ka ng internet o libro para sa iyong sagot, inatasan kang banggitin ang mga
mapagkukunan at iparaphrase ang mga ito. Mababawasan o mawawalan ng puntos ang mga
mapapatunayang nangopya lamang ng sagot.
4. Kopyahin at sagutin ang lahat ng mga katanungan sa yellow pad paper o sa short bond
paper kung naka typewritten ang gusto mo ipasa. Para sa typewritten, ito dapat ay may format
na: Arial para sa Fonty style, 11 na font size at may 1-inch na margin sa lahat ng gilid
5. Ikaw ay mabibigyan ng mga marka depende sa iyong mga naging sagot
6. Magpadala ng mensahe sa akin sa pamamagitan ng ating FB group chat kung mayroon kang
anumang mga katanungan tungkol sa modyul na ito
• 7-10 pts. – Sariling mga salita ang ginamit at nanaliksik ng mga kasagutan,
gumamit ng mga sources at binanggit ang mga ito
• 1-6 pts. – Kinopyang mga sagot lamang
• 0 pts. – Walang ginawa
Republic of the Philippines
CAVITE STATE UNIVERSITY NAIC
(Formerly CAVITE COLLEGE OF FISHERIES)
Bucana Malaki, Naic, Cavite
www.cvsu-naic.edu.ph
Isa pang problema dito ay yung kakulangan ng records ng ating mga ninuno tungkol sa ating
sariling lahi, kasi karaniwan noon ay pasalita ang pagsasalaysay sa pamamagitan ng mga
Epiko at Kwentong Bayan.
Ngayon darating itong si dayuhan, sasabihin sa atin,
Wala kayong Istorya? Isusulat namin ang inyong istorya.
Wala kayong kultura? Bibigyan namin kayo ng kultura.
Kaya naman tayong mga Filipino binasa at tinaggap natin yung mga sinulat nila na may
pananaw na tayo ay mga barbaro at mga inutil. Pinaniwalaan na rin natin na ibinigay nila ang
lahat ng magandang bagay sa atin tulad ng relihiyon, ang demokrasya at ang ating
edukasayon. Kaya naman ang akala lagi natin na ang dayuhan ay palaging mas magaling sa
atin at sila ang tanging pagmumulan natin ng ginhawa. Tama naman ‘di ba kadalasan ang tingin
mo na masmagaling ang dayuhan at mas “cool” sila kesa sa lahing Filipino? Kaya baduy ang
Sexbomb pero ang Blackpink ay hindi! ‘Wag kang magalit, gusto ko rin ang kulturang Korean
pero meron lamang talagang ganitong pagtingin ang maraming Filipino at isa ka na doon.
Ayon kay Dr. Zeus Salazar, ang salitang KASAYSAYAN ay may salitang ugat na “SAYSAY” na
may dalawang kahulugan; Saysay = Pagsasalaysay o Pagkwekwento at Saysay = Halaga o
Kahalagahan. Kapag sinuri ang lalim ng salitang ito ay lalabas ang totoong kahulugan ng
salitang Kasaysayan sa wikang Filipino na: Mga Salaysay na may Saysay.
Ito ay pagsasalaysay na may saysay o pagkwekwento ng mga mahahalagang pangyayari at
kapag sinabing kwento, kwento ito ng lahat ng mga kilala at karaniwang mga tao na may
kinalaman sa kasaysayan. Sabi nga ni Ginoong Gil Ramos, “Sanaysay na nagsasaysay na
isinasaysay dahil may kabuluhan ito para sa nagsasaysay. “Dalawang mata na nakabukas, isa
para sa kasalukuyan at hinaharap, ang isa ay para sa nakalipas.
• Trivializing
Hindi maiaalis na marami sa mga mag-aaral na ang tingin sa subject course na kasaysayan ay
boring, dahil puro memorization ng mga petsa at pangalan ng mga sikat na tao ang pinapagawa
Republic of the Philippines
CAVITE STATE UNIVERSITY NAIC
(Formerly CAVITE COLLEGE OF FISHERIES)
Bucana Malaki, Naic, Cavite
www.cvsu-naic.edu.ph
magmula pa noong basic education nila. Ito ang nagiging problema kapag walang sapat na
kasanayan ang nagtuturo ng Kasaysayan (In all fairness naman sa mga naging teachers natin
na ibinibigay ang lahat sa kanilang pagtuturo). Ngunit hindi sa pagkakaroon ng maraming alam
na trivia sa kasaysayan nasusukat ang kahalagahan nito. Oo, mahalaga ang mga facts sa
kasaysayan, pero ano naman kasi ‘di ba kung alam mo ang lahat ng important dates sa
kasaysayan? O alam mo lahat ang pangalan ng naging kasintahan ni Rizal, ano naman kung
alam mo ang lahat ng ito? Hindi mo naman ito maipambibili ng bigas o kahit ng legendary skin
ni Gusion sa Mobile Legends.
Kung hindi pala sa Trivia nakikita ang kahalagahan ng kasaysayan, ano ang halaga ng pag-
aaral nito?
"'di ka pasisiil"
Republic of the Philippines
CAVITE STATE UNIVERSITY NAIC
(Formerly CAVITE COLLEGE OF FISHERIES)
Bucana Malaki, Naic, Cavite
www.cvsu-naic.edu.ph
• thesis
• disertasyon
• bibliyograpiya
• aklat
• diksyonaryo at encyclopedia
•
Mga nai-publish na mga libro, pahayagan at mga clipping ng magazine na na-publish sa
panahon na iyon
• publication ng gobyerno Hal. Official Gazette, Economic reprots ng NEDA
Republic of the Philippines
CAVITE STATE UNIVERSITY NAIC
(Formerly CAVITE COLLEGE OF FISHERIES)
Bucana Malaki, Naic, Cavite
www.cvsu-naic.edu.ph
Narito naman ang ilan sa mga halimbawa ng ‘di nakasulat na primaryang batis:
Litrato – Larawang likha sa pamamagitan ng potograpiya
Kasaysayang Oral o Pasalita – Ang oral history ay isang larangan ng pag-aaral at isang
pamamaraan ng pagtitipon, pagpapanatili at pagbibigay kahulugan ng mga tinig at alaala ng
mga tao, pamayanan, at mga kasali sa mga nakaraang kaganapan. Ang kasaysayang oral ay
kapwa ang pinakalumang uri ng makasaysayang pagtatanong, pauna sa nakasulat na salita, at
isa sa pinaka moderno, na pinasimulan sa mga tape recorder noong 1940s at ngayon ay
gumagamit ng mga digital na teknolohiya ng ika-21 siglo. Hal. Mga Epikong Bayan
Artipakto/Relikya - ang relikya o artifact ay isang bagay na nakukuha na nanggaling pa noong
unang panahon at ginawa, hinubog at/o ginamit ng kultura ng tao. Maaari itong armas, alahas,
kuwintas, banga, pera, at iba pang mga bagay na nahuhukay ng isang arkeologo.
Posil - Ang mga nananatili o natinggal na mga labi o bakas ng mga hayop, halaman, at ibang
mga organismo mula sa malayong nakaraan. Tinatawag din itong mga nagbatong buto.
Iba pa:
Aktibidad 1
Halimbawa:
Primaryang Batis Sekondaryang Batis
Talumpati ni Pangulong Quezon sa History of Flipino People by Teodoro
Kalayaang Sibil noong December 9 1939 - Agoncillo - Aklat
Talumpati
Liham ni Rizal sa mga Kababaihan ng Ang Ugnayang Pang-ekonomiya ng Pilipinas
Malolos - Liham sa Hapon mga Pambansang Batas at
Tratado sa taong 1970-1980 - Thesis
Sanggunian:
Candelaria, J.L., Alporha, V. (2018). Readings in Philippine History. First Edition. Rex
Bookstore., Inc.
Corpuz R., Tabotabo Claudio. (2018). Readings in Philippine History. Mind Shapers Co., Inc.
Martinez, R., et., al. (2018). The Readings in Philippine History. Mind Shapers Co., Inc
Ramos, G. (2019). Mga Babasahin Hingil sa kasaysayan ng Pilipinas. Mind Shapers Co., Inc.
Republic of the Philippines
CAVITE STATE UNIVERSITY NAIC
(Formerly CAVITE COLLEGE OF FISHERIES)
Bucana Malaki, Naic, Cavite
www.cvsu-naic.edu.ph
Prepared by:
Reviewed by:
SARAH M. PASCUA
Chairperson, Teacher Education Department
Approved by: