Professional Documents
Culture Documents
Mga Repositoryo NG Primaryang Batis Sa Pilipinas PDF
Mga Repositoryo NG Primaryang Batis Sa Pilipinas PDF
Ilan sa mga natatanging koleksyon ay ang mga ipinintang larawan nina Juan Luna (tulad ng Spoliarium) at
Félix Resurrección Hidalgo (El Asesinato del Gobernador Bustamante), mga eskultura at ipinintang
larawan ng iba’t-ibang mga Pambansang Alagad ng Sining, at marami pang iba.
Pambansang Aklatan ng Pilipinas (National Library of the Philippines)
Ang opisyal na pambansang silid-aklatan ng Pilipinas. Ang gusali ay matatagpuan sa Ermita sa
isang bahagi ng Rizal Park na nakaharap sa T. M. Kalaw Avenue. Naitatag bilang Museo-Biblioteca
de Filipinas (Museum-Library of the Philippines) noong Agosto 12, 1887 at nagbukas noong
October 24, 1891 sa may Intramuros. Ilan sa mga natatanging koleksyon ay ang Philippine
Declaration of Independence at ang mga orihinal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.