You are on page 1of 32

National Commission for

Culture and the Arts


(Filipino: Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga
Sining)
Ano ang NCCA?

-Ito ang pangkalahatang ahensiya para


sa paggawa ng patakaran, pag-
uugnayan, at paggagawad ng tulong
tungo sa pag-iingat, pagpapaunlad, at
pagpapalaganap ng mga sining at
kultura ng Pilipinas.
-Nagsimula ito bilang Presidential
Commission on Culture and the Arts
na itinatag noong 1987 ni Pangulong
Corazon C. Aquino.

-Naging NCCA ito noong 1992 nang


patibayin ng Kongreso ng Pilipinas ang
Batas Republika 7356.
Iba pang mga
Ahensiyang Pangkultura
na Kabilang sa NCCA
Sentrong Pangkulturang Pilipinas
(Cultural Center of the Philippines)
Sentrong Pangkulturang Pilipinas
(Cultural Center of the Philippines)
-Ito ang pambansang sentro sa
paglinang ng kultura at sining
pagtatanghal sa Pilipinas.
-Nilikha sa bisa ng Executive Order 30
na nilagdaan ni marcos noong 19
Pormal na pinasinayaan ang CCP
noong Setyembre 10, 1969.
-Ginawang pampublikong korporasyon ang
CCP ayon sa Presidential Decree No. 15 na
nilagdaan ni Pangulong Marcos noong 15,
Oktubre 1972.

-Pangunahing tungkulin nito ay ang


pagtataguyod at paglinang ng kultura at
sining ng Pilipinas.
-Layunin nito ang pagtatag ng isang
pambansang tanghalan,
pambansang bulwagan ng musika,
tanghalan para sa sining biswal, at
iba pang pasilidad na maaaring
gamitin sa pagpapaunlad ng sining.
Pambansang Museo ng Pilipinas
(National Museum of the Philippines)
-Itinatag noong 1901 upang magsilbing
tagapangalaga ng kasaysayang kultural,
likas na agham, at agham panlipunan ng
bansa.

-Ilan lamang sa mg pag-aaring yaman ng


Pambansang Museo ang bantog na
pinturang Spoliarium ni Juan Luna, ang
Tapayang Manunggul, at iba pang artifact
na naiahon mula sa lumubog na galeong
San Diego.
Pambansang Aklatan
(The National Library)
-Nagtataglay ito ng mahigit isa’t
kalahating milyon ng koleksiyong libro,
manuskrito, mga 273 magasin at
pahayagan, disertasyon, mga lathalain ng
pamahalaan, iba’t ibang mapa, at mga
retrato.

-Layunin nito na payabungin ang


intelektuwal na pag-unlad ng mga
Pilipino sa pamamagitan ng pagbabasa.
- Tungkulin nito ang pagtitipon at
pangangalaga sa mga babasahin at iba
pang materyales na Filipiniana at
paunlarin ang serbisyo ng mga aklatan
sa Pilipinas.
Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas
(National Historical Commission of the Philippines)
-Ito ay sangay ng gobyerno na
nagpapanatili at nangangalaga sa
mga makasaysayang pamana ng
lahing Pilipino.

-Itinataguyod nito ang paglinang at


pagpapalaganap ng kasaysayan ng
Pilipinas at mga pangkulturang
pamana.
-Upang makamit ang mga layunin,
nagpapatupad ang komisyo ng mga
proyektong pananaliksik at
pinangangasiwaan nito ang mga
makasaysayang lugar.

-Isa sa mga pangunahing tungkulin


nito ang paglalathala ng mga sulatin ng
mga pambansang bayani at iba pang
dakilang Pilipino.
Pambansang Sinupan ng Pilipinas
(National Archives of the Philippines)
-Tungkulin nito na pangalagaan at
panatilihing nasa mabuting kondisyon
ang mahahalagang dokumentong
pangkasaysayan at pangkultura ng
Pilipinas.

-Mahalagang layunin nito na mapanatili


ang mga pangunahing dokumentong
pinagkukunan ng impormasyon
hinggil sa kasaysayan ng Pilipinas,
kultura, at pamanang Pilipino.
Komisyon sa Wikang Filipino
(Commission on the Filipino Language)
-Ito ay may katungkulang
magsagawa ng mga pananaliksik,
paglilinang, pagpapalaganap, at
pagpapaunlad ng Filipino at iba
pang wika sa bansa.

-Layunin nito na pandayin ang


wikang Filipino upang magamit ito
sa pambansang pag-unlad at
pagkakaisa.
-Tungkulin din nito na panatilihin ang
pagyabong ng iba pang katutubo at
rehiyonal na wika sa Pilipinas.

-Kaugnay nito, tungkulin ng KWF ang


pagbalangkas ng mga patakaran at
kaukulang mga programa at saliksik
upang mapayabong ang Filipino at
mapalaganap itong wika ng
komunikasyon at edukasyon sa buong
bansa.
 Virgilio S. Almario (Chairman of the
Commission/Tagapangulo)

 Jimmy B. Fong (Mga Wika sa Kahilagaang


Pamayanang Kultural)

Lorna E. Flores (Mga Wika sa Katimugang


Pamayanang Kultural)

John E. Barrios (Hiligaynon)

Orlando B. Magno (Cebuano)


 Ma. Crisanta N. Flores (Pangasinan)

Lucena P. Samson (Kapampangan)

Purificacion Delima (Ilocano)

Abdon M. Balde Jr. (Bicolano)

 Jerry B. Gracio (Waray-Waray)

Noriam H. Ladjagais (Mga Wika sa Muslim Mindanao)

Roberto T. Añonuevo - Director General of the


Commission

You might also like