You are on page 1of 10

PAG-AARAL SA TRADISYONAL NA PAMAMARAAN NG

PAGLULUTO SA BAYAN NG SAN ILDEFONSO

Alecxia Zhea Taylo

Alexander Amabilis

Anjenette Valencia

Ark Benson Carangan

Hazel Fe Reales

Kenneth Macabidang

Kollene Natividad

Lady Mira Roque

Ma. Monina Campo

Zyra Pio

Abstrak

Tinatalakay ng papel na ito ang mga pag-aaral tungkol sa tradisyonal na pamamaraan ng


pagluluto at kung paano ang paraang ito ay mahalaga sa pagpapanatili sa kulturang nakasanayan
ng mga mamamayan ng San Ildefonso. Mula rito, tutukuyin kung paano naging makabuluhan
ang pagtangkilik sa tradisyonal na pamamaraan ng pagluluto. Binibigyang diin ang kahulugan,
pinagmulan, at kalakasan ng pamamaraang ito sa buhay ng bawat isa. Gamit ang iba’t-ibang
pananaliksik, ang pag-aaral na ito ay dinisenyo upang siyasatin ang katatagan ng mga kultural na
pamamaraan ng pagluluto sa kabila nang pagtaas ng industriyalisasyon sa pandaigdigang sistema
ng mundo. Kaakibat ng mga orihinal na ideya ng mga kilalang tao tungkol sa paksang ito,
ilalahad din dito ang mga hamon at pagbabago sa kasanayang nabanggit sa mga nakalipas na
panahon. Ilalathala rin sa papel na ito ang estado ng tradisyonal na pamamaraan ng pagluluto sa
kasalukuyang henerasyon.

Mga Susing Salita: Tradisyonal, Kultura, Pamamaraan, Pagluluto, Pagkain, Kasangkapan

Panimula

Simula umaga hanggang tanghali at kinagabihan, ang pagkain at pagluluto ay hindi na


nawawala sa isang tahanan. Ito ang isa sa mga tradisyong hindi maikukubli at maaaring mawala
sa isang henerasyon, ang pagluluto, at ang pagkain. Simula kamusmusan, ang pagluluto na ang
madalas na makita at matuklasan ng isang bata sa kanyang ina o hindi kaya sa kanyang ama.
Mga iba’t-ibang putahe at kaalaman sa pagluluto ang maipamamalas ng isang indibidwal na
pinamanahan ng mga kagawian sa pagluluto. Nang dahil dito, ang iba ay isinalin at ang iba ay
napag-iwanan sa estilong tradisyonal. Kung ang iba ay nahubog, ang iba naman ay iniwan at
kinalimutan na.

Sa patuloy na pagtakbo ng oras, iba’t ibang kasanayan at estilo na ang lumilitaw na


kaugnay sa pagluluto. Sapagkat, ang pagluluto ay pamamaraan sa paghahanda ng pagkain, iba’t-
ibang kagamitang teknolohikal at makabago na maaaring makapag-papadali sa pagluluto ang
nagsulputan. Kung saan, dahil sa makabagong panahon, modernisasyon, at takbo ng oras, ang
pagluluto ay mas naging kawili-wili sapagkat ang gawain ay mas napapadali at iwas-kilos
habang nagluluto. Ngunit, kahit na sabihin nating nakatutulong ang makabagong kagamitan at
iba’t-ibang estilo at kasanayan sa pagluluto sa kasalukuyan, dapat pa rin bigyan ng pansin at
halaga ang tradisyonal at makalumang estilo ng pagluluto, sapagkat dito nagmula ang halos
karamihan ng estilong kilala ngayon. Ayon kay Limos (2018), mula sa tradisyonal na
pamamaraan ng pagluluto umusbong at nagsimula ang kasanayan at kagalingan sa paraan ng
pagluluto, at gayon pa man, malaking impluwensya ito sa kasalukuyang pamamaraan ng
pagluluto. Sapagkat, ang pagluluto ay napapaligiran ng malawak na sakop gaya na lamang ng
mga pamamaraan, kagamitan, at pagkakasama-sama ng mga sangkap upang mapabuti ang lasa
ng lutuin (Ruthula, 2016), tiyak na hindi ito maluluto kung hindi gagamitan ng apoy.

Ang pagluluto sa Pilipinas at ng mga ninunong Pilipino ay hindi lamang ang tanging
lutuin at tradisyonal na pamamaraan ang nagpapalawak sa iba’t-ibang lutuin sa Pilipinas, kung
hindi pati na rin ang halong pamamaraan mula sa ibang lahi. Hango sa literatura ni Grasya
(2021), karamihan sa putaheng Filipino ay mas pinasarap at napakasarap sapagkat ito ay
nadagdagan o nahaluan ng ibang pamamaraang tradisyonal ng ibang bansang lumaganap sa
Pilipinas noong mga nakaraang panahon. Bukod sa pagkupkop at pag-hiram sa ibang tradisyonal
na lutuin, ang ilang lahi na lumaganap ay sila rin ang nagbigay pamana sa mga Pilipino ng
kanilang pamamaraan sa pagluluto at kasanayan dito.

Isaisip man ang kagandahan at tulong ng mga makabagong kagamitan sa pagluluto


kasabay pa ng ilang hiram at pamana ng ibang lahi tungkol sa pagluluto, tiyak na mahalaga ang
pagpapanatili ng sariling atin at pagkakakilanlan ng lahing Pilipino. Ayon nga kay Ruthula
(2016), importanteng mapanatiling maganda ang alaala at ipinagmamalaking pinagmulan ng
paraan ng pagluluto noong mga unang panahon.

Pinagmulan at Pamamaraan ng Tradisyonal na Pagluluto

Ang pagkain at pagluluto ay kakabit at hindi na nawala sa mga Bulakenyo. Simula


pagkabata, pinahalagahan na ng bawat isa ang pagluluto, partikular pa sa tradisyonal na
pamamaraan nito. Naisalin man sa bawat henerasyon ang gawing ito, lingid pa rin sa kaisipan ng
nakararami ang tunay na kahulugan at pinagmulan nito.

Sa ginawang pananaliksik ni Sta. Maria (2005), nabanggit na walang malaking detalye


ang nakasaad sa kasaysayan ng kultura ng pagluluto sa Pilipinas. Ang pahayag ni Sta. Maria ay
maiuugnay rin sa pag-aaral na ginawa nina Huamanchumo at Zhang (2016), na nagsasabi na ang
pinagmulan ng pagluluto ay masalimuot. Mayroong mga pangyayari kung saan, hindi
sinasadyang matikman ang isang sunog na hayop sa kagubatan, at gayon ngang nadiskubre na
madali na itong nguyain. Hindi intensyon ang magluto at pagluluto, hanggang natutunan lamang
nila ang paggamit ng apoy bilang liwanag at init.

Sa bahaging ito, alamin ang pag-aaral tungkol sa tradisyonal at makalumang pamamaraan


ng pagluluto sa Pilipinas, na ito ring nakikita at masasalamin sa bayan ng San Ildefonso,
Bulacan. Mula kay Buensuceso (2018), ang Bulacan ay may mayamang kultura na nagmula pa
bago dumating ang mga Kastila. Ang mga sinaunang Bulakenyo ay mayroong magandang
gawain, tradisyon, pamamaraan at pag-uugali na maaaring ilipat sa kasalukuyang henerasyon o
maglaho na parang bula sa lipunang Bulacan. Sa kabilang yaon, nanatili pa rin ang yaman at
kulturang kinagisnan ng Bulakenyo.
Nang dahil sa mga natuklasan at nalaman, kalaunan nga ay ginamitan na ang pagluluto
ng paraan ng paggamit ng aduppu o sa ingles ay fireplace, (Ruthula, 2016). Sa paggamit ng
aduppu o pagsunog dito, kailangan gamitan ito ng maliliit na kahoy, uling at petrolyo. Bukod sa
nasabing aduppo, gumagamit din sa tradisyonal na pagluluto noon ng kalderong gawa sa putik at
mga sandok o kutsarang gawa sa kahoy upang mapakapag luto.

Bilang nang walang gaanong nakasaad na pag-aaral tungkol sa kultura ng pagluluto sa


Pilipinas, na maaaring sumalamin sa San Ildefonso, Bulacan, ang ilang mag-aaral ng
antropolohiya at sosyolohiya ay patuloy na nagsasaliksik upang maitala kung ano ang sariwa pa
sa memorya at kaalaman ng nakararami. Ang mga mag-aaral ng kasaysayan ang maaaring
maging may-akda sa pananaliksik na maaaring magbigay ng pagkakasunod-sunod tungkol sa
kung paano mapapangalagaan ang mga pamanang pagkain at pamamaraan ng pagluluto ng
Pilipino.

Maaari din na ang mga pananaliksik na ito ay maging kaugnay at iugnay sa tradisyonal
na kaalaman sa pagkain na kung saan sinasabing ang pagbabahagi ng pagkain, kasanayan at
diskarte sa pagluluto at kaalaman sa mga karunungan nito ay magbibigay ng pagkakakilanlan sa
pagkakaiba-iba ng mga pagkain sa bawat rehiyon (Kwik, 2008).
Pagbabago sa Pamamaraan ng Pagluluto

Batay kay Chanco (2014), isang katutubong Filipino, dalawa o tatlong henerasyon na ang
nakalipas at ang karamihan sa mga naninirahan sa bayan ng lungsod ay nananatiling kahoy ang
ginagamit na panggatong sa pagluluto. Gayunpaman, nang matapos ang Ikalawang Digmaan
Pandaigdig, dumating ang panahon ng elektrisidad, gas, at likidong kalan ng petrolyo, burner ng
alkohol, at bawat uri ng modernong mga kagamitan sa pagluluto. Pagkatapos, sa panahon na
masugid na ang enerhiya noong 1973 at 1974, ang kahoy ay muling natuklasan. Ang sitwasyon
ng suplay ng langis ay bahagyang lumuwag mula pa noong "krisis" ngunit - dahil ang gastos sa
pagluluto na ang gamit ay gas, nananatili itong mataas.

Sa patuloy na pagbabago ng mundo, kasabay ng industriyalisasyon ang pag-unlad ng


teknolohiya. Ang mga kahoy na kagamitan at kasangkapan ay unti-unti ng napalitan ng mga
metal at aluminum. Bukod dito, naimbento na rin ang iba’t ibang makinarya sa pagluluto tulad na
lamang ng blender, oven, coffee maker, at iba pa. Isama pa ang mga sangkap at makabagong
pamamaraan ng pagluluto na siyang nagiging dahilan ng hindi pagtangkilik sa tradisyonal na
gawing ito. Mas ninais ng karamihan ang mas mainam at madaling paraan sapagkat nagbibigay
ito ng dahilan upang maging makabuluhan ang paggamit nila ng oras dahil mas marami silang
magagawa kung sa makabagong pamamaraan ang kanilang gagamitin.

Hamon sa Tradisyonal na Pamamaraan ng Pagluluto

Sa pag-aaral ni Rachel (2016), ipinahahayag na malaki ang naging pagbabago at pag


unlad ng mundo ng teknolohiya sa labinlimang taong nagdaan. Nagkaroon ito ng malaking
epekto sa iba't ibang aspeto ng buhay at maging sa mga komunidad. Kung iisipin, binago rin ng
teknolohiya ang pamamaraan kung paano magluto ang mga tao ng kanilang mga pagkain. Ang
mga dahilan nito ay ang mga sumusunod;
Sa nakalipas na mga taon, malaking bilang ng mga website tungkol sa pagluluto ang
patuloy na naglabasan at karamihan nga sa mga website na ito ay naglalaman ng mga recipe ng
iba’t ibang pagkain. Kung kaya't ang mga taong naghahanap ng mga bagong pamamaraan sa
pagluluto ay tumitingin sa mga ganitong uri ng impormasyon mula sa website kaysa higit sa mga
tradisyonal na mga librong naglalaman din ng iba't ibang recipe.

Sa katunayan, bihira na lamang makahanap ng mga taong naghahanda ng mga bagong


pagkain na mula sa mga recipe book. Ang mga tao ngayon ay malaya nang tumitingin ng libu-
libong mga recipe sa tulong ng dumaraming website na halos nga lahat ng hanap ng tao ay naka
tala na.

Ang mga website na tungkol sa pagluluto ay nakatulong sa mga tao upang mas mapadali
ang kanilang pamamaraan sa pagluluto. Halimbawa na rito ay, maaari silang maghanap at
manood gamit ang kanilang tablet o smartphone habang sila ay nagluluto. Sa madaling sabi, sa
paglago ng teknolohiya, ang lahat ng bagay ay napadadali. Napatunayan din na mahigit 40% ng
mga propesyonal na nagluluto ay naghahanap muna mula sa internet bago ito isagawa.

Dagdag pa rito, bilang kinalabasan ng pag-unlad ng teknolohiya, maraming mga bago at


mas high-tech na mga gamit pangkusina ang naimbento. Sa tulong nito, mas angkop at
mapapabilis ang paghahanda ng mga pagkain. Mas nagkaroon ng potensyal na makuha ang mga
nutrisyon sa mga pagkain gamit ang mga makabagong gamit sa pagluluto. Ang mga ito, ang
sinasabing magiging hinaharap ng tradisyonal na pamamaraan ng pagluluto.

Sa kabuuan, malaki ang impluwensya ng teknolohiya sa pagbabago ng tradisyonal na


pamamaraan sa pagluluto. Dahil sa mga naimbentong kagamitan at kasangkapan, nakakalimutan
at natatabunan na ang tradisyonal na pagluluto. Bukod dito, tiyak ang teknolohiya at pag-unlad
ng isang bansa ang kakikitaan ng dahilan sa pagbabago ng iba pang seksyon ng pamumuhay ng
tao, gaya na lamang nitong pamamaraang tradisyunal ng pagluluto.
Pagluluto sa Kasalukuyang Panahon

Tinukoy sa pag-aaral ni Prakash (2016), na patuloy na tataas ang pagkonsumo sa


tradisyonal at pang etnikong pagkain sapagkat kaugnay ito sa patuloy na pagtaas ng kagustuhan
ng populasyon, dahil na rin sa itinuturing ito ng marami na masustansya. Ayon pa nga rin kay
Prakash (2016), dahil sa patuloy na pagkonsumo, ang mga gumagawa nito ay nagbago ng mga
disenyo sa kagamitan at gamit nito para mapadali ang gawain. Bukod dito anya pa ni Prakash
(2016), iba’t-ibang kombinasyon ng pagkain na rin ang lumabas dahil sa pandaigdigang
pagsasama-sama at dahil nga sa mga kombinasyon na iyon, nagbigay ito ng iba't ibang sukat at
ito rin nagdala ng hamon sa mga ginagamit na kasangkapan.

Sa kasalukuyan, karamihan sa mga babae at lalaki sa iba't ibang panig ng mundo ay abala
sa pangkaarawang pamumuhay, kung kaya't wala na silang panahon upang magluto o kahit
magtimpla ng mainit na inumin. Bilang resulta, malaki ang naitulong ng mga makabagong gamit
pangkusina upang mapadali at mapabilis ang pagluluto. Bukod pa rito, halos lahat ng mga
kagamitan ay naglalayon na mapadali ang pamamaraan ng pagluluto ng mga pagkain.

Ayon pa sa isang pag-aaral na isinagawa sa Barangay Capalangan na matatagpuan sa


bayan ng Calumpit, Bulacan na pinamagatang: “Intergenerational Transmission of Food
Cultures in Philippines” kung saan ang mga sambahayan na may tatlong henerasyon pa rin at
nakatira sa isang bahay o compound ay itinuturing na isang kalahok. Karamihan sa mga kalahok
ay babae na tinuruan ng mga kultura sa pagkain sa murang edad. Ang mga kinalabasan ng pag-
aaral ay nagpapakita na ang mga kultura ng pagkain tulad ng mga tradisyonal na nakagawian ay
patuloy na ipinapasa sa loob ng isang pamilya sa bawat henerasyon at ang mga ito ay ipinapasa
sa pamamagitan ng parehong pasalita o pagsasalaysay at pagtuturo, gayundin ang bagay na
napuna.

Ang mga kulturang ito ng pagkain ay ipinapasa rin sa mga tao sa komunidad kung saan
ang mga kalahok ay hindi magkadugo. Ipinapakita lamang nito na ang patuloy na pagpasa ng
mga kultura ng pagkain ay nag pepreserba ng isang mahalagang kultura sa loob ng mga pamilya
at komunidad, at ang kulturang ito ay nagtataguyod ng panlipunan at pang-ekonomiyang pag-
unlad.

Gayunman, may ilang problema sa pagpapasa ng mga kulturang ito ng pagkain mula sa
mga panayam, tulad ng maliwanag na pagkawala ng pakinabang ng nakababatang henerasyon sa
pag-aaral ng mga kultura ng pagkain dahil sa paggawa ng makabago at pagdating ng kultura ng
fast-food, lalo na sa mga malayong lugar.

Sa bayan ng San Ildefonso, ang tradisyonal na pamamaraan ng pagluluto ay may


malaking bahagi sa puso at buhay ng mga mamamayan dito. Nang lumaon, ito ay unti-unti nang
nawawala sa hapag ng mga Ildefonsonian. Bagamat may mga pagkakataong ito ay nagagamit pa
sa mga handaan gaya na lamang sa mga pista o mga malalaking okasyon na ginaganap sa
tahanan, ito ay napapanatili na lamang ng mga nakatatanda. Ang mga patunay na maaari pang
buhayin ang tradisyonal na pamamaraan ng pagluluto.
Ang paggamit ng teknolohiya ang naging dahilan upang mabigyang daan ang
makabagong pamamaraan ng pagluluto kung kaya’t mas minabuting piliin ng mga nakababatang
henerasyon ang ganitong pamamaraan na ito nga ring maaaring magpalimot o mag bigay alaala
sa kung ano ang tradisyonal na pamamaraan ng pagluluto sa Pilipinas, na ito ring sasalamin sa
San Ildefonso, Bulacan.

Konklusyon

Ang hindi sapat na mga kabatiran o kaalaman ang siyang nagpahantong sa hindi wastong
ideya kung ano nga ba ang binubuo ng tunay na kasanayan sa pagluluto. Ang pagpapanatili ng
tradisyonal na kasanayan sa pagluluto at pagkain ay nakikita bilang pangunahing pagpoproseso
ng multikultural kung saan lumilikha ng isang pakiramdam ng pagiging kabilang sa isang lugar o
pagkakakilanlan na may iba’t-ibang uri ng kasanayan at tradisyonal na pagluluto. Sa kabilang
banda, ito ay simbolo rin sa buong edad ng pagbabahagi, pag-aalaga at pagmamahal sa isa't isa.
Sa patuloy na paggamit ng mga tradisyonal na mga pamamaraan na ito mapaghuhusay ang
patuloy na pagpapaunlad sa natatanging kultura ng isang bayan sa aspeto ng pagluluto.

Ang pag-alala, pagkolekta, pag-tala at pagpasa ng mga paraan ng pagluluto ng mga


ninuno ay isang magandang paraan upang igalang at gawing isang magandang alaala ng
pagtangkilik ng kakayahan sa pagluluto. Bagamat patuloy na ang pag-usbong ng mga
makabagong kultura sa aspeto ng pagkain napapanatili pa rin ng mga tradisyonal na pamamaraan
sa pagluluto ang pagkakakilanlan ng isang bayan at patuloy na naipapakita kung bakit ito
natatangi sa iba, kaya’t mainam na isapuso at isabuhay muli ang tradisyonal na pamamaraan ng
pagluluto upang mailathala pa sa susunod na henerasyon at hindi tuluyang mawalan ng halaga
ang nasimulang kultura na ito. Ayon at mula nga kay Ruthula (2016), importanteng mapanatiling
maganda ang alaala at ipinagmamalaking pinagmulan ng paraan ng pagluluto noong mga unang
panahon.

MGA SANGGUNIAN:

Buensuceso, M. (2018). Pananaliksik sa Pamanang Pagkain. Nakuha mula sa


https://www.academia.edu/36477012/Thesis_introduction_Pananaliksik_sa_Pamanang_p
agkain
Chanco, M.P. (2014). Filipino Cooking: Using a Traditional Philippine Pot Oven. Nakuha mula
sa https://www.motherearthnews.com/real-food/filipino-cooking-
zmaz75ndzgoe?fbclid=IwAR0JU8s2WDYGpaRSRUqmF6v59j3EMabOSeu5Jc7RZXSH
62kkJZSsVaCqw3I
Grasya, M. (2021). Pamanahong Papel. Nakuha mula sa
https://google.com/url?sa=D&q=https%3A%2F%2Fwww.academia.edu%2F29043739%
2FPamanahong_papel
Huamanchumo, P., Zhang, Y. (2016). The Past, Present & Future of Cooking. Nakuha mula sa
https://www.google.com/amp/s/kitchenofthefuture.wordpress.com/2016/05/08/the-past-
present-future-of-cooking/amp/
Kwik, J. C. (2008). Traditional Food Knowledge: Renewing Culture and Restoring Health.
Nakuha mula sa
https://uwspace.uwaterloo.ca/bitstream/handle/10012/4052/Revised6_TFK_JKwik.pdf?se
quence=1
Leuterio, P., & Vargas, D. (2021). Intergenerational Transmission of Food Cultures in the
Philippines. Nakuha mula sa https://ssrn.com/abstract=3759449
Limos, R. (2018). Bakit Kailangan ang pagluluto?. Nakuha mula sa
http://limosrosemarie.blogspot.com/2018/07/bakit-nga-ba-kailangan-ang-pagluluto.html
Prakash, V. (2016). Regulating Safety of Traditional and Ethnic Foods. Nakuha mula sa
https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/B9780128006054000013
Rachel, L. (2016). How Tech Has Changed How We Cooked. Nakuha mula sa
https://www.google.com/amp/s/www.engadget.com/amp/2016-09-23-how-tech-has-
changed-how-we-cook.html
Ruthula, M. (2016). Is Traditional Cooking Better or Modern Cooking?. Nakuha mula sa
https://chennaites.in/difference-traditional-cooking-method-current-cooking-method/
Sta. Maria, F.P. (2005). GAMBILA: A Preliminary Framework for the Study of Philippine
Culinary History with Multidisciplinary Impact on Contemporary Social Reality. Nakuha
mula sa
https://ejournals.ph/article.php?id=5263&fbclid=IwAR2llTYqwlZecbFxHIqNfdlyqhypf5
1bIgQiFv7S62MCzj3TwJ5sVYhsG2U

You might also like