You are on page 1of 3

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 5

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag- aaral ay inaasahan nang;
1. Nakikilala ang Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit
2. Nakabubuo ng pangungusap sa bawat uri ng pangungusap ayon sa gamit
3. Nagagamit sa maayos ang mga uri ng pangungusap sa pasulat man o pasalita.
II. Paksang Aralin
PAKSA: Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit
SANGGUNIAN: Pinagyamang Pluma 5, Wika at Pagbasa sa Elementarya sa pahina
78-79
KAGAMITAN: Kartolina, Pentlepen, Manila Paper
III. Pamamaraan
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG- AARAL
A. Panimulang Gawain
- Panalangin
- Pagsasaayos ng mga upuan at
pagpulot ng mga kalat

-Magandang Umaga Klas! -Magandang Umaga din po Ma’am


Angelica!
B. Pagganyak
-Mayroon akong inihandang mga
pangungusap na inyong babasahin.
-Mayroon ba kayong mga napansin sa
mga pangungusap klas? -Ma’am meron po, sa dulo ng bawat
pangungusap po.
-Tama! Okay ating basahin ang mga
pangungusap.
- MGA PANGUNGUSAP
 Ilan hain ng gulay at prutas ang
iminumungkahing kainin araw-
araw?
 Kumain ka ng prutas at gulay
araw- araw.
 Ang gulay at prutas ay mainam sa
ating katawan.
 Wow, ang sarap ng mga pagkain!
-(Tatanungin ang mga mag- aaral sa
pagkakaiba ng mga pangungusap na
kanilang nabasa.)

C. Pagtalakay sa Aralin
-Ang ating mga binasa ay mga
pangungusap.
-Ngayong araw ay ating tatalakayin ang
mga Uri ng Pangungusap ayon sa gamit.
May apat na uri ang pangungusap ayon sa
gamit, ito ay ang Paturol o Pasalaysay,
Patanong, Pautos, at Padamdam.
-Jing, pakibasa nga ang ibig sabihin ng
Paturol o Pasalaysay. -Paturol o Pasalaysay – pangungusap na
na nagsasaad o nagsasabi ukol sa isang
paksa. Ito ay nagsasalaysay at nagtatapos
-Salamat Jing. Ito ay nagsasaad sa paksa. sa bantas na tuldok (.).
Halimbawa ay Ang mga damit sa mall ay
napakamahal ngunit napakaganda. Tama
ba na ito ay nagsasaad ng sa paksa na
gulay at prutas?
-At dapat kailangang nagtatapos ito sa -Opo Ma’am.
bantas na tuldok.
-Naintindihan na ba ang Paturol Klas?
-Kung gayon, maaari ba kayong magbigay -Opo Ma’am.
ng halimbawa tungkol sa Paturol? Mae.
-Ma’am Ang mga libro ay napakahalaga
-Tama! Ano pa? sa pag- aaral.
-Ma’am Ang mga bata ay nakikinig sa
-Napakahusay! Ngayon ay dumako na kanilang guro.
tayo sa pangalawang uri, ito ay ang
Patanong. Pakibasa nga ang ibig sabihin
nito Jay? -Patanong- pangungusap na naghahanap
ng kasagutan. Nagtatapos ito sa tandang
pananong. (?)
-Salamat Jay. Ito ay dapat may sagot. Ang
pangungusap na ito ay nagtatanong. At
dapat nagtatapos sa tandang pananong.
Halimbawa ay Ano ang mga proyektong
binigay ng ating guro? Tama ba na ito ay
pangungusap na nagtatanong? -Opo Ma’am.
-Naintindihan na ba ang Patanong? -Opo Ma’am.
-Kung gayon, maaari ba kayong magbigay
ng halimbawa tungkol sa pananong? Riza -Ma’am, Bakit napakabigat ng bag mo?
-Tama! Ano pa? -Ma’am Nagawa mo na ba ang ating
takdang aralin?
-Magaling! Dumako na tayo sa
pangatlong uri, ito ay Pautos. Pakibasa
nga ang ibig sabihin nito John? -Pautos – pangungusap na nagsasabi na
gawin ang isang bagay. Nagtatapos ito sa
tuldok (.).
-Salamat John. Ito ay nagsasabi na gawin
mo ang bagay na kanyang sinasabi. At ito
rin ay nagtatapos sa tuldok gaya ng
Paturol. Halimbawa ay Pakibigay nga kay
Jenny ang panyo na hiniram ko sa kanya.
Tama ba na ito ay pangungusap na nag- -Opo Ma’am.
uutos? -Opo Ma’am.
-Naintindihan niyo na ba ang Pautos?
- Kung gayon, maaari ba kayong -Ma’am, Pakiabot nga kay Jane ang lapis
magbigay ng halimbawa tungkol sa na ito.
Pautos? -Ma’am, Huwag kang kumain ng
Junkfood dahil hindi maganda sa katawan.
-Mahusay! Ano pa?

-Napakagaling! Dumako na tayo sa -Padamdam – pangungusap na nagsasaad


panghuling Uri at ito ay Padamdam. matinding damdaming gaya ng galit,
Pakibasa nga ang ibig sabihin nitoTroy? tuwa, inis o gigil. Ito ay nagtatapos sa
tandang padamdam (!).

-Salamat Troy. Ito ay mga pangungusap


na ating sinasabi kapag tayo ay masaya,
naiinis o nagugulat. Ito ay nagtatapos sa
Halimbawa ay Wow, ang daming pagkain
sa lamesa! Tama ba na ito ay -Opo Ma’am.
nagpapahayag ng matinding damdamin? -Opo Ma’am.
-Naintindihan niyo na ba ang Padamdam?
-Kung gayon, maaari ba kayong magbigay
ng halimbawa tungkol sa padamdam? -Ma’am, Yahoo, napakasaya ng araw na
Anna ito!
-Ma’am, Yehey, walang pasok bukas!
-Mahusay! Ano pa?
-Napakagaling! Ayon sa inyong mga
kasagutan ay naintindihan niyo na ang
ating aralin ngayon.
D. PAGLALAHAT
-Klas, ano nga uli ang ating aralin -Ma’am mga Uri po ng Pangungusap
ngayong araw? Janine Ayon sa Gamit.
-Ma’am Paturol o Pasalaysay po
-Tama! Ano ano naman ang mga uri nito? -Ma’am Patanong po
-Magaling! Ano pa? -Ma’am Pautos po
-Mahusay! Ano pa? -Ma’am Padamdam po.
-Napakagaling! At ang panghuli?
-At ano nga ba ang kahalagahan ng ating -Ma’am ito ay para magamit namin sa
tinalakay ngayong araw? pang- araw- araw naming pakikipag- usap
at maaari din sa pagsusulat.

-Tama! Ngayong tapos na nating


natalakay ang ating aralin ay handa na ba -Opo Ma’am.
kayo sa maikling pagsusulit?

IV. Pagtataya
Isulat kung ang pangungusap ay pasalaysay, pautos, patanong, o padamdam. Isulat ang
sagot sa patlang.
_____________1. Mahilig ka bang kumain ng JunkFood?
_____________2. Iwasan mo ang ganyang uri ng pagkain.
_____________3. Makabubuti kung masustansiyang pagkain ang iyong binabaon sa
paaralan.
_____________4. Huwag kang magpupuyat sa gabi para hindi ka inaantok sa paaralan.
_____________5. Ang sarap bumangon sa umaga kapag kompleto ang iyong tulog.
_____________6. Yehey, makikita ko na naman ang aking mga kaklase!
_____________7. Wow, ang sarap ng almusal ngayon ha!
_____________8. Sino ang naghanda ng mga iyan?
_____________9. Pakiabot mo nga ang matamis na saging para sa panghimagas.
_____________10. Hindi ako pumapasok sa paaralan nang hindi nag- aalmusal.

V. Takdang Aralin
Basahin ang susunod na aralin.

You might also like