You are on page 1of 19

Republika ng Pilipinas

Laguna State Polytechnic University


Probinsya ng Laguna

LSPU SLM: ANG PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA AYON SA MGA LINGGWISTA AT...
Tinipon at Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
Probinsya ng Laguna

LSPU Self-paced Learning Module (SLM)


Kurso KOMFIL (Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino)
Semestre/Taong Panuruan Unang Semestre/2022–2023
Bilang ng Modyul Ikatlo (3)
ANG PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA AYON SA MGA LINGGWISTA AT
Pamagat ng Aralin
ANG WIKANG FILIPINO AT ANG ISYU NG GLOBALISASYON
Linggong Sakop Ikalima hanggang Ikaanim (5–6)
Petsa Setyembre 19–30, 2022
Ang araling ito ay sumasaklaw sa kahalagahan at kapangyarihan ng wika sa
araw-araw nating pamumuhay. Iisa-isahin dito ang tiyak na mga gamit ng wika
sa pakikisalamuha at pakikipagkapwa-tao. Mahalaga na maunawaan ng mga
mag-aaral ang paksang ito nang sa gayon ay mabatid at matutuhan nila kung
paano gagamitin nang efisyente ang wika sa pakikipag-ugnayan sa iba. Hindi
Deskripsyon ng Aralin uusad at uunlad ang isang bansa kung walang wika sapagkat ito ang
nagsisilbing dugo na nagpapagalaw at nagpapadaloy sa mga tao tungo sa
pagkamit ng mga tiyak na layunin at hakbanging pangkaunlaran. Gayundin,
palulutangin sa modyul na ito ang magkakabit na konsepto ng wika at
globalisasyon. Tutukuyin ang ilan sa mga positibo at negatibong epekto nito sa
wika, industriya, kalakalan, at pamamahala.

Lilinanging Kasanayan

Ang mga mag-aaral ay inaasahang matutuhan at malinang ang mga


sumusunod na kasanayan:
Kaalaman
1. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontektwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa.
2. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang
pambansa, pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang
kaunlaran.
Kasanayan
Inaasahang Matutuhan
1. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng
tradisyonal at modernong midyang akma sa kontekstong Pilipino.
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng
impormasyon at analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.
Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng mga
Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.
2. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa
pakikipagpalitang-ideya.
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Matukoy ang panlahat na gamit ng wika ayon sa mga linggwista;
Tiyak na Layunin 2. Makapaghanay ng ilang balita o artikulo na sumasaklaw sa epektong dulot
ng globalisasyon kapwa sa wika at ekonomiya ng ating bansa; at
3. Makaguhit ng isang malikhaing poster na sumasalamin sa isyu o konseptong
umiinog sa pagitan ng wika at globalisayon.

LSPU SLM: ANG PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA AYON SA MGA LINGGWISTA AT...
Tinipon at Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
Probinsya ng Laguna

Sipatin ang Angkop na Dulog

A. Pagkakaroon ng online na talakayan sa pamamagitan ng Google Meet


1. Ang bawat mag-aaral ay lalahok sa talakayan hinggil sa “Ang Panlahat na Gamit ng
Wika ayon sa mga Linggwista at ang Wikang Filipino at ang Isyu ng Globalisasyon” na
tatagal nang isang (1) oras. Upang makalahok, mangyaring sumangguni lamang sa
link na ito: ___________________________________.
2. Ang online na talakayan ay gaganapin sa ika-____ ng______________, 2022, mula
ika-____: ____ hanggang ika-____: ____ ng __________. (Para sa karagdagang impormasyon,
Mga Online na tingnan ang iskedyul at mga tagubilin sa Google Classroom)
Aktibidad
(Synchronous) B. Mga Gabay na Tanong at Gawain
1. Ano ang panlahat na gamit ng wika ayon sa mga linggwista? Isa-isahin at unawain.
2. Magsagawa ng mapanuring pagbasa at panonood at bigyan ng markadong atensyon
ang epektong dulot ng globalisasyon sa wika at ekonomiya ng ating bansa.
3. Magsaliksik ng ilang halimbawa ng poster na nagpapakita ng mga pagbabagong
naganap sa era ng paglutang ng impluwensyang banyaga at pag-usbong ng
teknolohiya.

A. Lektyur

ANG PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA AYON SA MGA LINGGWISTA AT


ANG WIKANG FILIPINO AT ANG ISYU NG GLOBALISASYON

I. ANG PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA AYON SA MGA LINGGWISTA

Sa anomang bagay o gawain, saan mang lugar o pagkakataon, ang wika ay lagi
na nating ginagamit. Ito ang nagbibigay katuparan sa lahat ng ating pagkilos,
kinokontrol nito ang ating pag-iisip maging ang ating pag- uugali. Kaugnay nito,
naglahad sina Michael Alexander K. Halliday, Roman Jakobson at William Peter
Robinson ng pangkalahatang gamit ng wika upang mapag-aralan natin kung papaano
Mga Offline na napapakilos o napagagalaw ng wika ang lahat ng bagay sa mundo.
Aktibidad
(e-learning/Self- A. GAMIT NG WIKA AYON KAY MICHAEL ALEXANDER K. HALLIDAY
paced)

LSPU SLM: ANG PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA AYON SA MGA LINGGWISTA AT...
Tinipon at Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
Probinsya ng Laguna

May pitong tungkulin o gamit ang wika na kailangang pagtuunan ng pansin.


Kailangang sanayin ang sarili sa mga ito sapagkat ang iba’t ibang sitwasyon sa buhay ay
nangangailangan ng paggamit ng isa o higit pang tungkulin.

1. Interaksyonal - nakapagpapanatili o nakapagpapatatag ng relasyon sa kapwa.

Halimbawa: Pasalita: pormulasyong panlipunan (Magandang Umaga! Maligayang


Kaarawan! Ang
pakikiramay ko.), pangungumusta at pagpapalitan ng biro
Pasulat: liham pangkaibigan

2. Instrumental - tumutugon sa mga pangangailangan ng bawat indibidwal.

Halimbawa: Pasalita: pag-uutos


Pasulat: liham pangangalakal (liham na humihiling o umoorder ng aytem)

3. Regulatori - kumokontrol o gumagabay sa kilos at asal ng iba.

Halimbawa: Pasalita: pagbibigay ng panuto, direksyon o paalala


Pasulat: resipe, panuto sa pag-eenrol, karatula sa daan

4. Personal - nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.

Halimbawa: Pasalita: pagtatapat ng damdamin sa isang tao gaya ng pag-ibig


Pasulat: editoryal, liham sa patnugot

5. Imahinatibo - nakapagpapahayag ng sariling imahinasyon sa malikhaing paraan.

Halimbawa: Pasalita: pagsasalaysay, paglalarawan


Pasulat: akdang pampanitikan gaya ng tula, maikling kwento, nobela, atbp.

6. Heuristiko - naghahanap o nagsasaliksik ng impormasyon o datos na


magpapayaman ng kaalaman.

Halimbawa: Pasalita: pagtatanong, pananaliksik o pakikipanayam


Pasulat: sarbey

7. Representasyonal - nagbibigay ng impormasyon.

Halimbawa: pagtuturo, pag-uulat sa telebisyon at sa loob ng klase

B. GAMIT NG WIKA AYON KAY ROMAN JAKOBSON

Ayon kay Jakobson may anim (6) na gamit o tungkulin ang wika.

1. Paggamit bilang Sanggunian (Referential) - ipinakikita nito ang gamit ng wikang


nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang maparating
ang mensahe at impormasyon sa mga mag-aaral.

LSPU SLM: ANG PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA AYON SA MGA LINGGWISTA AT...
Tinipon at Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
Probinsya ng Laguna

Halimbawa: Si Jose na kumukuha ng mga importanteng impormasyon para sa kanilang


pag-uulat bukas.

2. Panghihikayat o Paghikayat (Conative) - ginagamit sa paghimok at pag-


impluwensya sa iba sa pamamagitan ng mga pag-uutos o pakiusap.

Halimbawa: Isang bata na nanghihikayat ng mga tao na bumili ng kanyang produkto.

3. Pagpapahayag ng Damdamin (Emotive) - ginagamit sa pagpapahayag ng saloobin,


damdamin, at emosyon.

Halimbawa: Isang babae na nagpapahayag ng kasiyahan sa pamamagitan ng


pagpasasalamat.
Paghanga: Woah! Napakagaling!
Pagkagulat: Ayy! Ganun pala!
Takot: Hwah!
Pag-asa: Sana! Mangyari sana!
Inis/Galit: Hayst! Nakakainis!

4. Pagsisimula ng Pakikipag-ugnayan (Phatic) - ginagamit sa pakikipagkapwa-tao o


pakikipag-ugnayan sa kapwa.

Halimbawa: Isang baguhan na nagpapakilala sa kanyang magiging kaklase.

5. Paggamit ng Kuro-Kuro (Metalingual) - ginagamit ang wika sa pamamagitan ng


komentaryo sa isang kodigo o batas.

Halimbawa: Dalawang magkaibang organisasyon na nagbabangayan kung ano ang mas


magandang paraan para makamit ang layunin.

LSPU SLM: ANG PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA AYON SA MGA LINGGWISTA AT...
Tinipon at Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
Probinsya ng Laguna

6. Patalinhaga (Poetic) - ginagamit ang wika sa masining na paraan ng pagpapahayag


gaya ng panulaan, prosa, sanaysay at iba pa.

Halimbawa: Isang babae na gumagawa ng sulat para maipahayag ang kanyang


damdamin sa lalaking matagal na niyang gusto.

C. GAMIT NG WIKA AYON KAY WILLIAM PETER ROBINSON

1. Estetiko - paggamit ng wika sa paglikha ng panitikan.

2. Ludic - pagtutugma, paggawa ng mga salitang walang katuturan o kawawaan,


pagsubok sa mga posibilidad ng wika habang natututuhan ito, at pagbibiro.

3. Pag-alalay sa pakikisalamuha at pakikipagkapwa-tao - paggamit ng wika upang


simulan, alalayan at tapusin ang pagkikita (nangyayari kapag ang dalawa o higit pang
tao ang nagkikita), mga ritwal sa wika (kumusta/pagbati), wika bilang kagandahang-
asal (kumusta ka?), pagbati, pasasalamat, at pagpapahayag ng kalungkutan o
pakikiramay.

4. Pag-alalay sa iba - paggamit ng wika upang alalayan o impluwensyahan ang kilos o


damdamin ng iba.

5. Pag-alalay sa sarili - kaugnay ang ugali at damdamin “Pagkausap sa Sarili” nang


tahimik o mag-isa, pagpaparating sa iba ng ating iniisip, pagbibigay ng opinyon o
pangangatwiran, at pagpapaliwanag.

LSPU SLM: ANG PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA AYON SA MGA LINGGWISTA AT...
Tinipon at Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
Probinsya ng Laguna

6. Pagpapahayag ng Sarili - pagpapahayag ng sarili, katauhan at damdamin - tuwiran


sa pamamagitan ng pandamdam, paggamit ng mga salita tungkol sa damdamin; di-
tuwiran sa pamamagitan ng bilis, taas ng tinig, tunog ng tinig (voice quality).

II. ANG WIKANG FILIPINO AT ANG ISYU NG GLOBALISASYON

Kasabay ng paglipas ng panahon, maraming mga pagbabago ang naganap hindi


lamang sa ating kapaligiran kundi maging sa ating wika. Malaki ang naging pag-unlad
ng wika, simula noong panahon ng mga katutubo, na kung saan tayo ay may alibata o
baybayin hanggang sa kasalukuyan na kung saan nagkaroon ng bagong alpabeto.
Itinuturing na malaki ang naging ambag ng mga katutubo sa pag-unlad na tinatamasa
ngayon ng wika. Gamit ang mga makabagong teknolohiya, nagagawa ng wika na mas
mapaglagom pa lalo ang saklaw nito. Ang “internet”, ang nagbigay-daan sa global na
komunikasyon. Kahit na malayo ang isang tao, nagagamit pa rin ang wika sa kanilang
pakikipagtalastasan. Dulot ng interaksyon na ito sa modernong kaparaanan, ay
maraming salita ang nadagdag, naimbento at nabago. Marami ding salita ang umuso sa
mga tao.

Ang henerasyon ngayon ang may malaking ginagampanan sa pagyaman at


pagbabagong ito ng wika. Ang kanilang mga malilikhaing isip ang nakagawa at
nakaimbento ng mga ito. At sa pamamagitan ng biyayang ito ng globalisasyon, pinanatili
nitong buhay ang kaluluwa ng ating wikang Filipino sa puso’t isip ng bawat-isa. Hindi
naging hadlang ang wikang banyaga sa panahon ngayon bagkus ay nakatulong pa lalo
upang maipakita ang pag-unlad nito. May papel ba ang wikang Filipino sa harap ng
laganap na globalisasyon na naglalayong pag-isahin ang iba’t ibang aspekto ng buhay sa
buong mundo tungo sa isang bilihan, sa isang pamantayan, sa isang wika? May malakas
na sigaw tayong naririnig na kinakailangang paunlarin ang ating kaalaman sa wikang
Ingles dahil ito ang wika ng komersyo, wika ng siyensya, wika ng makabagong
teknolohiya; samakatwid, ang wika ng globalisasyon. Ang ganitong pananaw ay
naniniwala na ang kaalaman sa wikang Ingles ng ating mga manggagawa ay isa sa mga
pangunahing batayan ng ating pagiging kompetitibo. Ang kaalaman sa wikang Ingles
ang dahilan ng ating komparatibong kalamangan sa kalakalang internasyonal. Sa

LSPU SLM: ANG PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA AYON SA MGA LINGGWISTA AT...
Tinipon at Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
Probinsya ng Laguna

kabilang banda, ito ay wari’y naghahamon sa pagtatanghal at pagpapaunlad ng wikang


Filipino bilang wika sa globalisasyon para sa mga nakararaming Pilipino. Kahit na ang
proseso ng globalisasyon ay nagsasanib, ang kakayahan nitong maghati ay
nagbabantang mahiwalay ang maraming Pilipino sa mga biyaya ng globalisasyon.
Upang mangibabaw ang epekto ng pagsasanib kaysa epekto ng paghahati, higit na
efisyente na maging susi ang wikang Filipino bilang wika sa globalisasyon. Ang layunin
ay maisama ang dumaraming mamamayang Pilipino na mas nakauunawa sa wikang
Filipino sa mga biyaya ng globalisasyon.

A. GLOBALISASYON
Ito ay isang pandaigdigang ekonomiya. Ito ay samot-saring proseso na

naglalayong mapag-isa ang iba’t ibang networks ng mga networks sa buong mundo sa
pamamagitan ng kompetisyon, pakikipag-ugnayan at pagtutulungan (Tullao, 2001).

Ang globalisasyon din ay nagpapabago sa lahat ng antay ng buhay at lipunan.


Narito ang ilan sa mga positibo at negatibong dulot ng globalisasyon. Halimbawa ng
positibong dulot, nagbabago ang pamumuhay ng mamamayan at pagtangkilik sa
produktong tatak kanluranin, kulturang asyano.

Samantala sa negatibong dulot, humihina at nabubura ang pambansang


pagkakakilanlan, nagiging pamantayan ang wikang Ingles, at nalulugi ang lokal na
namumuhunan. Nagkaroon din ng epekto ang globalisasyon sa pamumuhay. Ito ay ang
paniniwalang ang malaya at bukas na kalakalan ay makalilikha ng trabaho at
pagkakataong makalakal ang mga produktong galing sa iba't ibang bansa. Isa rin sa
naging epekto ang sinasabing makabubuti sa mamimili kung makabibili sila ng
maraming produkto.

Ang mga inaasahan at hindi inaasahang suliranin dulot ng globalisasyon ay ang


pagpapalala sa problemang ekonomiya ng mga maralita, paglaki ng agwat sa maunlad
at umuunlad na bansa, at lumala ang pagitan ng mayaman at mahirap. Karaniwang

LSPU SLM: ANG PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA AYON SA MGA LINGGWISTA AT...
Tinipon at Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
Probinsya ng Laguna

agrikultura ang pangunahing kabuhayan ng mga papaunlad na bansa. Bunga ng


malawakang kahirapan at mahigpit na pangangailangan sa dolyar, ikinokompromiso ng
mga pamahalaan ng mga papaunlad na bansa ang kanilang pambansang interes. Ang
umuunlad na bansa ay nagiging tambakan ng mga labis na produkto o surplus product.
Mistulan namang tambakan ng basura ang mga umuunlad pa lamang at hindi mauunlad
na bansa na nag-aangkat ng mga depektibong produkto. Ayon sa aklat ni Fred Halliday
na The World at 2000: Perils and Promises na ang mga aspektong panseguridad,
panregulasyon at legal; mananatili pa ring makapangyarihan ang estado, partikular sa
mga bansang may matatag na pamahalaan.

B. Mga Kaugnay na Gawain

Panuto: Matapos na maunawaan ang paksa, muling balikan ang sipi ng aralin at suriing
mabuti ang mahahalagang impormasyon na nakalahad dito. Sa liwanag ng mga
kaalamang iyong natamo mula sa aralin, isakatuparan ang sumusunod na mga gawain.

1. Ang gawaing ito ay may kaugnayan sa paksang “Ang Panlahat na Gamit ng Wika ayon
sa mga Linggwista”. Hanapin lamang ang mga nakatagong salita sa loob ng kahon at
pagkatapos ay igrupo ang mga nahanap na termino o sagot batay sa tinuran ng tatlong
linggwista na tinukoy sa aralin. Guhitan o kulayan (i-highlight) ang iyong mga sagot
nang sa gayon ay mabilis itong makita at maging sistematiko ang gagawing
pagwawawasto ng guro.

LSPU SLM: ANG PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA AYON SA MGA LINGGWISTA AT...
Tinipon at Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
Probinsya ng Laguna

C P A G Y U I L A W E F T G V A M P G I
V A V G F F N U D N N G H Y E D F A M N
B G A D V B Y D V B N H J U T L S G V S
N B Q E P Z N I Y N J K L O A Z A P A T
M I Q G E M K C L O B G T N Y N B A S R
A B J U R Y D V B I L V O Y D V B P A U
S I I L S M K C L J U Y J U P J U A N M
D G A G O V A V G F S A G A I L B H I E
F A I L N Y D V B K A G T G T A Y A H N
G Y M I A L A W A A G A A G S G V Y F T
R N M K L G V R G V L I L A V A V A G A
E G A A V A E D R I Y M N I G V G G I L
N K B A W T V D N J U G Y D V B J N L U
A U I A N S D H G H G V A V K L M G I G
Y R A I D E A T H U V A V G F T A D R E
A O S I D G A V N P A G A V A V H A A R
N - Y L A J U I M I Q G E M K C U M S A
G K A I U X A E M K C L P A G Z M D A V
U U L R G N C P A G Y U I L A G A A S I
- R A X E L A W A G A V I L A V L M Y L
G O L B R N O K I T S I R U E H A I A I
A M A O K V A V G F P A G L Q A S N L R
P F - Y D V B S E T T Y D V B Y I U A A
I I G A A V V A V R A G T A Y B K A L S
K L A N L A V S A G S Y I L N I I N A G
I I P I A A M M K C L G A J U L K I - N
K R Y H G J N B M I I L L K K I A H G G
A O I V A V P O M K G T A Y I R P B A A
P P A G X L A W Y G E O U G E H G E P Y
G Y U I L P A G D S Y B V A V B G G E A
Y M I Q G E M K C W A I G Y U I L A G H
R C P A G Y U I L G I T U V A V G F P A
O L O B N V A V G F L A N Z M I L A W P
T G E K A G G E M I I N B E M K G E K A
A P A G I R T V A V R I K Q S N G E M P
L M I G E T A G I L O H L A W E O M I G
U M K L A W E Y L A G A G E M O R M K A
G Y D V B G E T P A G M F P A G T P I P
E R M K A G E M S G E I G E V A V V E Y
R C P A G Y U I L E Y C P A G Y U I L R

LSPU SLM: ANG PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA AYON SA MGA LINGGWISTA AT...
Tinipon at Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
Probinsya ng Laguna

Michael Halliday Roman Jacobson William Peter Robinson


• Instrumental • Pagbibigay ng • Ludic
• Interaksyonal kuro-kuro • Estetiko
• Imahinatibo • Pagpapahayag ng • Pag-aalay sa sarili
• Representasyonal damdamin • Pagpapahayag ng
• Personal • Pakikipag- sarili
• Heuristiko ugnayan • Pag-alalay sa iba
• Regulatory • Patalinhaga • Pakikisalamuha
• Sanggunian
• Paghikayat

2. Magsaliksik o maghanap ng mga artikulo sa iba’t ibang pook-sapot o kaya nama’y


manood ng mga video na naitampok sa telebisyon at/o youtube na may kaugnayan sa
epektong dulot ng pagbulusok ng globalisayon sa pag-unlad o paglaho ng wika at
ekonomiya ng ating bansa. I-print screen lamang ang artikulo o video at ipaskil sa
bahaging ito, o kaya nama’y sumulat ng maikling buod hinggil sa video na iyong
napanood at ilakip dito. Huwag kalimutang sipiin ang mga link na pinaghanguan ng
bawat artikulo at video. Ang kabuoang bilang ng aytem na kinakailangan para sa
gawaing ito ay lima (5).

https://youtu.be/WGTYpkK3tTo

LSPU SLM: ANG PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA AYON SA MGA LINGGWISTA AT...
Tinipon at Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
Probinsya ng Laguna

https://youtu.be/Jq82Kvl39vo

https://youtu.be/Y0OBTGAmOYc

https://youtu.be/Ch_UeiY_4ig

LSPU SLM: ANG PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA AYON SA MGA LINGGWISTA AT...
Tinipon at Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
Probinsya ng Laguna

https://youtu.be/WSsEaBA06-0

Paunlarin ang Kakayahan

LSPU SLM: ANG PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA AYON SA MGA LINGGWISTA AT...
Tinipon at Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
Probinsya ng Laguna

Panuto: Gumuhit o lumikha ng isang (1) poster ukol sa iyong natutuhan mula sa tinalakay
na aralin. Para magabayan ka sa pagsasakatuparan ng gawaing ito, sundin at isagawa ang
sumusunod na mga hakbang.

1. Pumili ng isa (1) mula sa dalawang tema o pamagat na nakalahad sa ibaba at


pagkatapos ay gamiting batayan ito para sa pagbuo ng poster. Tipunin ang iyong mga
ideya at iguhit ito sa malinis na papel (short o A4). Malaya kang bumuo ng mga dibuho at
gumamit ng mga kulay na sa tingin mong makapagpapatingkad at makapagpapalabas ng
Indibidwal na intensyon ng iyong obra. Narito ang mga temang maaari mong pagpilian:
Gawain 1.1. Ang Panlahat na Gamit ng Wika ayon sa mga Linggwista; at
1.2. Ang Wikang Filipino at ang Isyu ng Globalisasyon.

2. Kuhanan ng larawan ang proseso ng pagguhit at pagbuo ng poster at ipaskil ang mga
ito sa susunod na pahina. Narito ang magiging nilalaman ng bawat larawan:
2.1. habang iginuguhit ang obra;
2.2. ikaw bilang artist tangan ang iyong obra; at
2.3. final na awtput o poster.

3. Narito ang kopya ng poster [mula sa internet] na maaari mong suriin at pagbatayan:

LSPU SLM: ANG PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA AYON SA MGA LINGGWISTA AT...
Tinipon at Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
Probinsya ng Laguna

*habang iginuguhit
ang obra

LSPU SLM: ANG PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA AYON SA MGA LINGGWISTA AT...
Tinipon at Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
Probinsya ng Laguna

*ikaw bilang artist


tangan ang iyong
obra

*final na awtput o
poster

LSPU SLM: ANG PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA AYON SA MGA LINGGWISTA AT...
Tinipon at Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
Probinsya ng Laguna

Rubric para sa
Pagmamarka

Unawain ang Batayan ng Pagtatasa

Mga Sanggunian

LSPU SLM: ANG PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA AYON SA MGA LINGGWISTA AT...
Tinipon at Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
Probinsya ng Laguna

Carada, Imelda G. et al. 2014 Komunikasyon sa Makabagong Filipino: Intramuros Manila,


Mindshapers Co. INC.
https://64.media.tumblr.com/30b007f5e0bc12096a4f6fdbffb1ac9f/823b2efd829b971
5-e0/s250x250_c1/bfae44e90a0e2651109f5b9d570b37654e805a50.png
https://cdn4.iconfinder.com/data/icons/posters/100/poster_07-512.png
https://icon-library.com/images/wall-icon-png/wall-icon-png-7.jpg
Aklat, sipi at https://i0.wp.com/lh4.googleusercontent.com/proxy/jNGZD_9DaOK0TsXDl89NpwSzY
websites h74KLC6k7VO91WWCaknWLy7IzGa9iR1wHqoPvCRWy_g3DizPuZEvZJcYxUg0zM=w12
00-h630-p-k-no-nu
https://literariness.org/wp-content/uploads/2016/03/jakobson_roman1.jpg
https://paralumanhome.files.wordpress.com/2019/02/kasaysayan-clip-art-
22.jpg?w=840
https://static.thenounproject.com/png/645955-200.png
https://www.azquotes.com/picture-quotes/quote-i-used-to-write-my-own-versions-
of-famous-tales-such-as-william-tell-or-robin-hood-and-peter-robinson-145-96-57.jpg
https://www.learningisfun.com.ph/content/images/thumbs/601cb883b360fd0ea0094
a4a_word-search-16.png
https://www.ucl.ac.uk/pals/sites/pals/files/styles/large_image/public/michael_alexan
der_kirkwood_halliday-2.jpg?itok=UTunXuzI
https://www.youtube.com/watch?v=WSsEaBA06-0
San Juan, David Michael M. et al. 2018 Piglas-Diwa Kontekstwalisadong Komunikasyon
sa Filipino, Mutya Publishing House, INC.
Silabus ng Kurso. KOMFIL (Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino)

LSPU SLM: ANG PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA AYON SA MGA LINGGWISTA AT...
Tinipon at Inihanda ni: ELY REY N. ABAD
Republika ng Pilipinas
Laguna State Polytechnic University
Probinsya ng Laguna

LSPU SLM: ANG PANLAHAT NA GAMIT NG WIKA AYON SA MGA LINGGWISTA AT...
Tinipon at Inihanda ni: ELY REY N. ABAD

You might also like