You are on page 1of 9

lOMoARcPSD|9216126

MODYUL
Republic of the Philippines
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION
SAMAR COLLEGE
Catbalogan City, Samar
Tel. Nos. (055) 251-3021, 543-8381, Fax (055) 251-3021

TAGAPAG -ULAT : ARPON, KAREN A. & GADIN, KHET L.


SUBJECT CODE : 20059
SUBJECT : FILIPINO 2
PAKSA : KABANATA 3: PAGPAPALAWAK NG TALASALITAAN
INSTRUCTOR : MR. KEIRON RAY H. GELIN

I. LAYUNIN:
a.) Nalalaman ang ugnayan ng pagbasa at pagsulat.
b.) Naiisa-isa ang kahalagahan ng pagbasa at pagsulat.
c.) Nagagamit ang rehistro ng wika sa pagbuo ng pangungusap

II. KONSEPTO NG PAG-AARAL


Ang kursong ito ay isang metalinggwistik na pag-aaral ng Wikang Filipino sa Akademikong
larangan. Sa lapit ng multidisiplinaryo at paraang interaktibo, inaasahang matutukoy at matatalakay
ang mga pangunahing kaalaman sa wikang ito. Malilinang dito ang mga kasanayan sa paggamit ng
Wikang Filipino tungo sa lalong mataas na komunikasyon at sa kritikal na pagdidiskurso.

Paksang Aralin:
Para sa ikatatamo ng mga kasanayang pagkatuto sa modyul na ito, ang mga nilalaman ng mga paksa
ay:
KABANATA 2: UGNAYANG PAGBASA-PAGSULAT

Aralin 1: UGNAYANG PAGBASA-PAGSULAT


I. Ang Pagbuo Ng Ugnayang Pagbasa At Pagsulat
II. Limang Saklaw Na Mag-Uugnay Sa Pagbasa At Pagsulat
III. Kahalagahan Ng Ugnayang Pagbasa-Pagsulat
IV. Ang Pagsulat Bilang Proseso
V. Ugnayang Pagbasa-Pagsulat Sa Kasalukuyan
VI. Pagbasa At Pagsulat Sa Akademikong Pangangailangan
VII. Ang Pagbasa, isang proseso PAHINA 1

Downloaded by Keiron Ray Gelin (keironraygelin25@gmail.com)


Aralin 2: PAG-UNAWA SA REHISTRO NG WIKA: TUGONG AKMA SA KOMUNIKASYON
I. DAYALEKTO
II. REGISTER
III. WITHDRAWAL
lOMoARcPSD|9216126

MODYUL
KABANATA 2:
UGNAYANG PAGBASA PAGSULAT

UGNAYANG PAGBASA-PAGSULAT

Itinuturing ni Pearson (1985) ang ugnayang pagbsa at pagsulat bilang nagiisang


pinakamahalagang pagbabago sa pagtuturo ng wika.

1. Itinuturo ang pagbasa at pagsulat nang magkahiwalay.

2. Inihihiwalay rin ang iba’t ibang nilalaman ng pagsulat.

3. Nagsasarili ang pagbaybay, ang paggamit ng gramatika, bantas at malaking titik.

4. Hindi magkasama ang mga gabay sa pagtuturo, teksbuk at maging ng tagapagturo.

5. Hindi nabubuo ang tuloy tuloy, magkakaugnay at makabuluhang teksto.

6. Ang pagbasa at pagsulat ay kompartamentalays bilang magkaibang disiplina.

7. Ang mga salitang natututuhan sa pagbaybay ay magkaiba sa


talasalitaang nakapaloob sa tekstong binabasa.

8. Ang ponetikang itinuturo na bahagi ng pagbasa ay inilalarawan bilang tulong sa


pagbaybay.

PAHINA 2

Downloaded by Keiron Ray Gelin (keironraygelin25@gmail.com)


lOMoARcPSD|9216126

MODYUL

9. Ang pamaraan sa pagtuturo ng pagsulat ay nakatuon sa pagkaunawa sa teksto.

10. Sa kasalukuyan, may ugnayan ang pagtuturo ng pagbasa at pagsulat. (Noyce


at Christie -1989)

Ang Pagbuo Ng Ugnayang Pagbasa At Pagsulat

1. Nakatuon ang pagbasa at pagsulat sa wikang pasulat.

2. Ang literasi ay kakayahang makabasa at makasulat.

3. Magkakasama sa pamamagitan ng kahulugan at mga gawaing pampagtuturo.

4. Gawaing pangkaisipan at magkakaugnay ang sentro ng pag-iisip.

5. Nangangailangan ng kritikal na pag-iisip.

6. Nagagamit ang kritikal na pag-iisip.

Tulong upang mas madaling maunawaan ang Kabanata 2, buksan ang link na ito.
https://prezi.com/mio9gb6c1i7l/pagbasa-at-pagsulat/

Limang Saklaw Na Mag-Uugnay Sa Pagbasa At Pagsulat

1. Impormasyon;

2. Istruktural;

3. Transakyonal;

4. Aestetiko; at

5. Proseso.

Napatunayan sa pag-aaral ni Kelly (1990) na ang mga mag-aaral na nakapagsusulat


ng tungkol sa kanilang binasang akda ay higit na nauunawaan ang kanilang binasa.

PAHINA 3

Downloaded by Keiron Ray Gelin (keironraygelin25@gmail.com)


lOMoARcPSD|9216126

MODYUL

Nalilinang nila ang kasanayan sa :

1. Encoding at Decoding,

2. Pagsulat ng pangungusap,

3. Paglinang ng talata at

4. Pagsulat ng higit sa mahabang seleksyon.

Kahalagahan Ng Ugnayang Pagbasa-Pagsulat

1. Nagiging masigla ang pagkatutong literasi;

2. Nagaganap ang pagkatuto;

3. Nalilinang ang aspeto ng pagkaunawa; at

4. Naihahanda ang mga mag-aaral sa daigdig na naghihintay.

Ang Pagsulat Bilang Proseso

1. Sa tradisyonal na paraan, itinatakda sa mga mag-aaral ang gawaing pasulat at


binibigyan ng kaukulang evalwasyon ng guro ng kanilang mga naging produkto.

2. Sa kasalukuyan, ang pagsulat ay itinuturing na isang proseso at hindi produkto.

3. Ang dating produktong pagdulog sa pagsulat ay nahalinhan ng prosesong


pagdulog sa pagsulat.

Ugnayang Pagbasa-Pagsulat Sa Kasalukuyan

1. Nagkakaloob ang internet ng bago at napapanahong oportunidad upang pag-


ugnaying ang pagbasa’t pagsulat.

2. Ang simpleng bagay na magagawa ay ang pagsusulat.

PAHINA 4

Downloaded by Keiron Ray Gelin (keironraygelin25@gmail.com)


lOMoARcPSD|9216126

MODYUL

Pagbasa At Pagsulat Sa Akademikong Pangangailangan

- Nahahasa ang pagkakataong magmuni-muni o magrepleksyon tayo tungkol sa


ating mga ideya o aksyon na siyang landas tungo sa pagpapabuti ng
kasanayan natin sa kamalayan at pagkontrol sa mga iniisip at kinikilos natin.

- Ang kakayahang bumasa at sumulat ay mga kasanayang makabuluhan


sa pagsasakatuparan ng mga gawaing akademiko.

Level ng pagpoprosesong mental tulad ng;

1. kamalayan
2. kontrol
3. repleksyon
4. semiotic mediation

- Ang pagbasa at pagsulat ang pinaka puso ng pag-aaral sa antas tersarya.

Ang Pagbasa, isang proseso

- Ang pagbasa ay ang pagtuklas sa kahulugan ng mga salitang limbag na simbolo.


- Masalimuot na proseso.
- Kahingian ng abilidad ang pag-unawa sa kahulugan, pag-interpret, at pag-aply
ng mga ideyang nakuha sa pagbasa.

REAKSYON
REKOGNISYON

APLIKASYON
KOMPREHENSYON

PAHINA 5

Downloaded by Keiron Ray Gelin (keironraygelin25@gmail.com)


lOMoARcPSD|9216126

MODYUL

PAG-UNAWA SA REHISTRO NG WIKA: TUGONG AKMA SA KOMUNIKASYON

WIKA at KAHUSAYAN sa paggamit nito ang komponent sa komunikasyon na


napakahalaga.

Sa pamamagitan ng wika, nabubuksan ang maraming daan para maipahayag ang


anumang mensahe na nagmumula sa puso o isipan.

Subalit ang nabubuksang daan ay nagiging makitid kapag ang target na participant ay
kulang sa kahusayan sa pag-unawa sa midyum na pinili sa pagpapaabot ng mensahe.

Halimbawa:

Tagalog na taga-Batangas at Taga-Maynila;

TB: Umipod-ipod ka naman.


TM: Ano bang ipod-ipod?
TB: Umisod-isod ka sabi.
(Nang maalala nyang taga-Maynila ang kausap)
TB: Umurong-urong ka naman

Narito ang tulong upang mas madaling maunawaan ang Kabanata 2, buksan ang
link na ito: https://prezi.com/uzv33_hfdzt7/rehistro-ng-wika/

Dayalekto – panrehiyon o heograpikal na varayti ng wika na may sariling


ponolohiya, sintaksis at leksikon (vocabulary).

Sa Morong Rizal:

 Ikaw na ba ang SUSUNOR?


 Kunin mo nga ang SANROK.
 Ang laki ng RAGA!
 Nasa BUNROK, nanghuhuli ng usa.
Sa Bulacan:

 pila – baterya ng sasakyan


 saukan – sawsawan
 tinadtad – bopis (baga at puso ng baboy o baka)
 kayo – tela
 lansak – libreng pakain sa simbahan/kapilya tuwing Sabado de Gloria
 patuka – feeds
 jokak – libreng pakain

PAHINA 6

Downloaded by Keiron Ray Gelin (keironraygelin25@gmail.com)


lOMoARcPSD|9216126

MODYUL

- Halimbawa ng register ang salitang "kapital" na may kahulugang "puhunan"


sa larangan ng pagnenegosyo at may kahulugan namang "punong lungsod" o
"kabisera" sa larangan ng heograpiya.

- Bawat propesyon ay may register o


espesyalisadong salitang ginagamit. Iba ang
register ng wika ng guro sa abogado. Iba rin
ang sa inhinyero, game designer at negosyante.
- Hindi lamang ginagamit ang register sa isang
partikular o tiyak na larangan kundi sa iba't ibang
larangan o disiplina rin.
- Espesyal na katangian ng mga register ang
pagbabagong kahulugang taglay kapag ginamit
na sa iba't ibang disiplina o laranga.

Halimbawa ng Rehistro ng wika,

REGISTER – isang opisyal na listahan ng pangalan,


kapanganakan,pagpapakasal pagkamatay (lengguwahe)
-isang listahan ng mga bisita sa hotel (turismo)
-pagpapatala ng sulat sa post office (komunikasyon)
-pagpapatala ng pangalan sa halalan (politika)
-pagpasaok ng mga mensahe sa utak/pagtanda
o pag-alala sa natutunan (saykologi)

Mahalagang matukoy ang larangan kung saan ito ginagamit upang hindi
ipagkamali ang kahulugan ng salita at maging madali ang pag-unawa rito.

Akronim na CA : Cancer(Medisina), Calcium(Nutrisyon), Communication Arts.

WITHDRAWAL -pag-atras o pagsuko sa larangan ng military.


-pagkuha ng salapi sa banko (salapi)
-pagpapalabas ng semilya upang hindi
makapasok sa kaangkinan ng babae (agham)
-pagtigil o pagpigil sa bagay na gusting sabihin o
gawin (komuniksayon)

Eriberto Astorga Jr.et.al,Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik, Mindshaper Co. Inc; 2013


Cynthia B. Cruz et. al, Pagbasa at Pagsulat sa Masining na Pananaliksik, Mindshaper Co. Inc;2013
Magdalena O. Jocson et. al., Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik, Lorimar Publishing Inc. 2005

PAHINA 7

Downloaded by Keiron Ray Gelin (keironraygelin25@gmail.com)


lOMoARcPSD|9216126

MODYUL

A. Pag aralan ang halimbawa ng register. Ibigay ang kahulugan ng mga salita sa ibang
larangang nakatala sa ibaba.

PAHINA 8

Downloaded by Keiron Ray Gelin (keironraygelin25@gmail.com)


lOMoARcPSD|9216126

MODYUL PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA


PANANALIKSIK

I. MORSE TYPE: Basahin at unawain ang bawat pahayag.


Piliin sa ibaba ang tamang sagot. (2 puntos bawat bilang)

A. Kung ang dalawang pahayag ay TAMA


B. Kung ang dalawang pahayag ay MALI
C. Kung ang unang pahayag ay TAMA, at ikalawa ay MALI
D. Kung ang unang pahayag ay MALI, at ikalawa ay TAMA

1-2. I- Itinuturo ang pagbasa at pagsulat nang magkahiwalay.


II- Ang pagbasa at pagsulat ay kompartamentalays bilang magkaibang
disiplina.
3-4 I- Magkasama ang mga gabay sa pagtuturo, at teksbuk.
II-Sa pagtuturo ng pagsulat ay nakatuon sa pagkaunawa sa teksto.
5-6 I- Ang pagbasa ay ang pagtuklas sa kahulugan ng mga salitang limbag
na simbolo.
II- Ang pamaraan sa pagtuturo ng pagsulat ay nakatuon sa pagkaunawa
sa teksto.
7-8 I- Ang pagbasa ay isang masalimuot na proseso
II- Ang pagbasa at pagsulat ang pinaka puso ng pag-aaral sa antas
tersarya.
9-10 I- Sa kasalukuyan, ang pagsulat ay itinuturing na isang proseso at hindi
produkto.
II- Sa kasalukuyan ang simpleng bagay na magagawa ay ang pagsusulat.

11-12 I- Sa ugnayang pagbasa at pagsulat nagaganap ang pagkatuto..


II- Sa ugnayang ng dalawa nagiging masigla ang pagkatutong literasi

13-14 I- Ang literasi ay ang kakayahang makabasa.


II- Ang pagbasa at pag sulat ay gingamitan ng kritikal na pag-iisip.

15-16 I- Ang pagbasa at pagsulat ay isang gawaing pangkaisipan.


II- Ang pagbasa at pag sulat ay gingamitan ng kritikal na pag-iisip.

17-18 I- Ang wika ay kakambal ng pagkatuto.


II- Ang wika ay isinaayos sa paraang arbitrayo.

19-20 I- Ang komunikasyon ay isang patuloy at pagbabagong proseso.


II- Ang komunikasyon ay konektado sa pagbasa at pagsulat.

PAHINA 9

Downloaded by Keiron Ray Gelin (keironraygelin25@gmail.com)

You might also like