You are on page 1of 16

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

11
GABAY NG MAG-AARAL
SA PAGKATUTO SA
FILIPINO

PAGBASA AT PAGSUSURI NG
TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

PAMAGAT NG PAKSA: Mga Uri Ng Teksto

KUWARTER 3 MELC BLG.: 1


MELC: Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa
(F11PB- IIIa-98)

Pangalan ng Guro: Emelita G. Valdez


Paaralan: Dili National High School

1
TUNGKOL SA GABAY NG MAG-AARAL SA PAGKATUTO

Magandang araw sa iyo! Marahil ay nakahanda ka nang magsimula. Ito ang


unang Kit sa Sariling Pagkatuto na papag-aralan mo sa Pagbasa at Pagsusuri ng
Teksto Tungo sa Pananaliksik, ang mga uri ng teksto.
Sisikapin ng kit na ito na matulungan kang higit mong malinang ang iyong mga
kasanayan at pag-unawa sa mga uri ng teksto at ang iyong kasanayan sa pagtukoy
ng paksa sa binasa. Huwag kang mag-alala. Tulad ng sinabi ko, tutulungan ka ng
modyul na ito.
Paano mo gagamitin ang kit na ito?
1. Ingatan mo ang kit na ito. Huwag mo itong dudumihan at dapat pangalagaan mo
ito.
2. Basahin at unawaing mabuti ang panuto bago simulan ang bawat pagsasanay at
pagtataya.
3. Sikapin momh masagot ang lahat ng mga pagsasanay at pagtataya sa apat na araw
para mahasa at madagdagan pa ang iyong kaalaman tungkol sa paksa.
4. Pagkatapos, ipapasa mo ito sa iyong guro para maiwasto ito.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

F11PB-IIIa-98. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang


tekstong binasa

Mungkahing Tiyak na Layunin:

Pagkatapos ng paksa,inaasahang matatamo mo ang mga


sumusunod na kasanayan at tiyak na layunin sa pag-aaral ng kit
na ito:

1. Nakikilala ang kahulugan ng iba’t ibang uri ng teksto


2. Natutukoy ang paksa ng tekstong binasa sa tulong ng
paksang pangungusap at sumusuportang detalye
3. Nalalaman ang kahalagahan nang pagbasang may
pagka-unawa
4. Nasusuri ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong
binasa

2
PAGTALAKAY
PAGTALAKAY SA ARALIN SA PAKSA

PAGGANYAK/BALIK-ARAL

Mahilig ka bang manood ng balita? Alam kong


marami kang napapanood na balita. Handa ka na ba?
Pero bago natin ito pag-usapan, basahin ang balita sa
ibaba at sagutin ang mga katanungan tungkol dito.

PANUTO: Basahin ang balita sa ibaba. Pagkatapos, isulat ang buod


ng balita at ilagay ang mga mahahalagang impormasyong sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa talahanayan sa ibaba.
Isulat ang iyong sagot iyong kuwaderno.

Halimbawa ng Balita:

Balut at ice cream vendor sa Ilocos Sur, hinahangaan dahil sa kanyang


katapatan

SINAIT, Ilocos Sur - Init ng araw, ulan, pagod, at puyat ang kalaban araw-araw ni
Nelson del Valle ng Barangay Dadalaquiten sa bayan na ito.

Nagtitinda siya ng ice cream sa umaga, at balut naman sa hapon hanggang gabi.
Dahil sa pandemya, humina nitong mga nagdaang buwan ang kaniyang kita.

“Noong nag-ECQ ay wala eh. Tatlong buwan ay wala kaming kita. Hindi kami
nakapagtinda, kaya medyo masakit kasi hindi ko alam ang kakainin ng pamilya
ko,"sabi ni del Valle.

Nagtitinda ng gulay sa palengke ang kanyang misis. Apat ang kanilang anak - may
sariling pamilya na ang panganay, habang ang tatlo ay nag-aaral pa.
May problema pa sa kaniyang kidney si del Valle. Nahihinto ang pagpapagamot nito
kung hindi na kaya ng budget nila. Simple man ang buhay nila na ay puno naman ng
pagmamahalan, pagmamalasakit, at katapatan ang pamilya na naibabahagi naman
nila sa ibang tao. Kwento ni del Valle, habang nagtitinda siya ng balut noong
nakaraang Linggo, Hulyo 12, ay may nakita siyang wallet sa daan malapit sa dagat ng
barangay Cabangtalan sa bayan rin ng Sinait.Agad niya itong dinala sa ka-barangay
at kaibigan na si Romel Dayoan, isang Disaster Risk Reduction and Management
Officer ng Sinait.

3
“Dumire ako at sinabi ko ‘yung nakita ko. At ibinigay ko na po ‘yung wallet. At sinabi
na siya na bahala magdala sa pulis,” kuwento ni del Valle.Dinala ni Dayoan sa Sinait
Police Station ang pitaka."Dahil sa ginawa niya ay mas lalo niya akong pinahanga
dahil despite na gaano siya kahirap, sa ginagawa niya ng umaga ng ice cream at balut
sa gabi, at ganito ‘yung panahon, sometimes talaga maabutan siya ng tag-ulan, ay
ganun pa rin siya," paglalarawan ni Dayoan sa kaibigan. Ang katapatan na ito ni del
Valle ay ibinahagi ni Dayoan sa social media. Naka-post din dito ang mga ID ng may-
ari ng pitaka para maipaabot sa kaniya ang pagkakapulot ng kanyang wallet. Kinilala
itong si Arleigh Argel, mula sa bayan ng Cabugao.

“Kinaumagahan, may nag-text na barkada ko tungkol sa wallet ko na nasa PNP Sinait,


na wallet ko pala ‘yun," sabi ni Argel.Kwento ni Argel, namasyal sila kasama ang mga
kaibigan niya sa tabi ng dagat bago mapansing nawawala ang kanyang pitaka. Hinala
nito, nalaglag ito sa di niya tiyak na lugar sa tabi ng dagat. Barista sa isang malaking
Mill Tea store si Argel. May lamang P400 ang pitaka. Pero ang higit na mahalaga sa
kanya ay ang mga identification at ATM cards dahil hindi madali ang makakuha ng
mga ito. “'Yung ATM card ko ay doon kasi ako sumasahod, at ‘yung driver’s license
ko ay mahirap mag-process at marami akong kailangan at magastos," sabi ni Argel.
Hanga at labis ang pasasalamat nito kay del Valle na gaano man kahirap ang buhay
ay umiiral ang kabutihan ng kanyang puso. “Isinauli ko po ‘yung wallet kasi unang-una
po ay hindi akin ‘yun. Tapos naranasan ko na rin na mawalan ng gamit. Tapos,
kawawa po ‘yung may-ari. Sa panahon natin ngayon ay hindi tama na porke't mahirap
ang buhay ay mananamantala tayo ng tao," sabi ni del Valle.Aniya, higit pa sanang
umiral ang pagmamalasakit sa kapwa sa panahong ito.

https://news.abs-cbn.com/news/07/19/20/balut-at-ice-cream-vendor-sa-ilocos-
sur-hinahangaan-dahil-sa-kanyang-katapatan

PAKSA NG BALITA: ________________________________

1. Ano ang nangyari?


__________________________________________________

2. Sino-sino ang mga kasangkot?


__________________________________________________

3. Saan nangyari? __________________________________________________

4. Kailan nangyari? _________________________________________________

5. Paano nangyari? __________________________________________________

4
Alam kong may ideya ka na sa ating tatalakayin batay sa
isinagawa mo sa Panimulang Gawain. Ating aalamin mga iba’t ibang
uri ng teksto at malilinang pa lalo ang iyong kasanayan sa pagtukoy
ng paksa sa mga babasahin. Ang mga ito ay ang tekstong
impormatibo, deskriptibo, persweysib, naratibo, argyumentatibo,
prosidyural, at ekspositori.

MAIKLING PAGTALAKAY

MMGA URI NG TEKSTO

1. TEKSTONG IMPORMATIBO
Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di piksiyon. Ito ay
naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang
pagkikiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa hayop, isports, agham o siyensya,
kasaysayan, gawain, paglalakbay, heorgrapiya, kalawakan, panahon, at iba pa.
Di tulad ng ibang uri, ang mga impormasyon o kabatirang inilahad ng may-akda
ay hindi nakabase sa kanyang sariling opinyon kundi sa katotohanan at mga datos
kayat hindi nito masasalamin ang kanyang pagpabor o pagkontra sa paksa.

2. TEKSTONG DESKRIPTIBO
Ang tekstong deskritptibo ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao,
lugar, karanasan, sitwasyon, at iba pa. Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad sa
kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan ng isang partikuar na karanasan.
Dagdag pa, nagbibigay ang sulatin na ito ng pagkakataon na mailabas ng mga mag-
aaral ang masining na pagpapahayag. Layunin ng sining ng deskripsiyon na magpinta
ng matingkad at detalyadong imahen na makapukaw sa isip at damdamin ng mga
mambabasa.
Katangiang ng Tekstong Deskriptibo
a. Obhetibong Paglalarawan
 ay mga direktang pagpapakita ng katangiang makatotohanan at ‘di
mapasusubalian.
 Halimbawa, kung ilalarawan mo ang isang kaibigan, maaaring ibigay
ang taas, haba ng buhok, kulay ng balat, o kursong kinukuha.
b. Subhetibong Deskripsyon
 ay maaaring kapalooban ng matatalinghagang paglalarawan ng
persepsiyono kung ano ang nararamdaman ng manunulat sa
inilalarawan.
 Halimbawa, maaaring ilarawan ang kaibigan bilang hingahan ng sama
ng loob

5
3. TEKSTONG PERSWEYSIB
Ang tekstong persweysib ay isang uri ng di-piksyon ng pagsulat upang
kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang
isyu. Ang manunulat ay naglalahad ng iba’t ibang impormasyon at katotohanan
upang suportahan ang isang opinyon gamit ang argumentatibong estilo ng pagsulat.
Sa pagsulat ng tekstong ito, hindi dapat magpahayag ng mga personal at walang
batayang opinyon ang ilang manunulat. Sa halip ay gumamit ang manunulat ng mga
pagpapatunay mula sa mga siyentipikong pag-aaral at pagsusuri.

4. TEKSTONG NARATIBO
Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na
maaaring piksyon (nobela, maikling kuwento, tula) o di piksyon (biyograpiya, balita,
malikhaing sanaysay)
Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o magkuwento batay sa isang
tiyak na pangyayari, totoo man o hindi. Maaaring ang salaysay ay personal na
naranasan ng nagkukuwento, batay sa tunay na pangyayari o kathang-isip lamang.

1. . Kahit na nakabatay sa personal na karanasanang kuwentong nais isalaysay,


mahalaga pa ring maipaunawa sa mambabasa ang panlipunang implikasyon
5. TEKSTONG ARGYUMENTATIBO
at mga kahalagahan nito.
2. Estruktura. Kailangang malinaw at lohikal ang kabuunag estruktur ng
Ang tekstong
kuwento, argyumentatibo
Madalas na makikitangay isang uri ng
ginagamit na teksto
paraannang nangangailangang
narasyon ang iba’t
ipagtanggol ng manunulat ang posisyon isang tiyak
ibang estilo ng pagkakasunud-sunod ng pangyayari. na paksa o usapin gamit ang
mga3.ebidensya mula sa
Oryentasyon. personal na
Nakapaloob karanasan,
ditto kaugnay
ang kaligiran ng gma natauhan,
mga literature
lunan, o at pag-
setting,
aaral, ebidensyang kasaysayan, at resulta ng emprikal
at oras o panahon kung kalian nangyari ang kuwento. na pananaliksik.
4. Pamaaraan ng Narasyon. Kailangan ng detalye at mahusay na oryentasyon
Mga Elemento
ng kabuuang senaryo ng Pangangatwiran
sa unang bahagi upang maipakita ang setting at mood.
Iwasan ang magbigay ng komento sa kalagitnaan ng pagsasalaysay upang
1. Proposisyon- ay daloy.
hindi lumihis ang ang pahayag na inilalahad upang pagtalunan o pag-
6. TEKSTONG PROSIDYURAL
usapan. Ito ang isang bagay na pinagkakasunduan bago ilahad ang
katuwiran ng dalawang panig.
Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng paglalahad na kadalasang
2. Argyumento-
nagbibigay ay paglalatag
ng impormasyon ng mga dahilan
at instruksiyon kung at ebidensiya
paanong upang maging
isasagawa ang isang
makatuwiran
tiyak na bagay. ang isang panig. Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at
talaslayunin
Ang ng pagsusuri sa proposisyon
ng tekstong prosidyural upang makapagbigayng
ay makapagbigay ng sunod-sunod
mahusay na na
argyumento.
direksiyon at impormasyon sa mga tao upang tagumpay na maisagawa ang mga
gawain sa ligtas, episente, at angkop na paraan.
Ang tekstong prosidyural ay may apat na nilalaman: layunin o target na
awtput, mga kagamitan, metodo, at ebalwasyon.

1. Layunin o target na awput


- Nilalaman ng bahaging ito kung ano ang kalalabasan o kahahantungan
7. TEKSTONG EKSPOSITORI
ng proyekto ng prosidyur.
- Maaaring ilarawan ang mga tiyak na katangian ng isang bagay
Ito ay teksto na nagpapaliwanag o naglalahad ng mga kaalaman hinggil sa
anumang paksang saklaw ng kaalaman ng tao. Sa tekstong ekspositori rin nililinaw
2. Kagamitan
ang mga katanunganditto
- Nakapaloob sapagkat
ang mga tinutugunan nito ang
kasangkapan mga pangangailangan
at kagamitang kakailanganinng
mambabasa na malaman ang
upang makompleto ang isinasagawang
kaugnayan ng mga ideya o isyu.
proyekto.

3. Metodo 6
- Serye ng mga hakbang na isasagawa upang mabuo ang proyekto

4. Ebalwasyon
PAKSA

 Ito ay tumutukoy sa pinag-uusapan sa pangungusap.


 tinatawag din itong simuno
 maaari itong tao, bagay, pook, o pangyayari

Halimbawang Pangugusap:
1. Si Maria ang reyna ng kanilang kaharian.
 Ang may salungguhit ay ang paksa o simuno ng pangungusap.
 Ang paksa dito ay si Maria sapagkat siya ang pinag-uusapan sa
pangungusap.
PANGUNAHING PAKSA

 sentro o pangunahing tema sa talata


 Kadalasan ay makikita sa unang pangungusap (imply) at huling pangungusap
(konklusyon)

Halimbawang Pangungusap:

1. Kaming mag-asawa ay nagkakaroon na ng mga problema. Ang aking asawa


ay mahilig gumasta ng pera, samantalang ako ay matipid. Mahilig din siyang
lumabas ng gabi kung kailan naman tulog na ako. Gusto rin niya ng mga sport
pero ayaw ko naman ng mga iyon.

 Ang may salungguhit ang siyang pangunahing paksa sa pangungusap

PANTULONG NA DETALYE

 mga mahahalagang kaisipan o mga susing pangungusap na may kaugnayan
sa paksang pangungusap

Halimbawang Pangungusap:

1. Wag na wag mong ipapasok ang kamay mo sa kahon na yan. Baka sa loob
nyan ay may matatalim at kalawanging bakal. Baka may mousetrap dyan at
bigla ka na lang maipit. O baka makagat ka ng malaking gagamba dyan

 Ang mga may salungguhit ay mga pantulong na detalye sa


pangungusap.

Ngayong nalaman mo na ang mga iba’t ibang uri ng


teksto, at ang kahulugan ng paksa, pangunahing paksa, at
pantulong na detalye, subukan mong sagutin ang mga
pagsasanay sa ibaba. Alam kong kayang-kaya mo ito.
Basahin mo munang mabuti ang panuto bago ka mag-
umpisa.

7
PAGSASANAY 1

A. Panuto: Kilalanin kung anong uri ng teksto ang mga sumusunod na pahayag.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Layunin ng tekstong ito na maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan,


sitwasyon at iba pa.
A. deskriptibo B. impormatibo C. argumentatibo D. naratibo

2. Ang tekstong ito ay isang uri ng dipiksyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga
mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu.
A. persweysib B. deskriptibo C. naratibo D. impormatibo

3. Layunin ng tekstong tio ang magsalaysay o magkuwento batay sa isang tiyak na


pangyayari, totoo man o hindi.
A. deskriptibo B. naratibo C. impormatibo D. argyumentatibo

4. Uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol ng manunulat ang posisyon ng


isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na
karanasan.
A. prosidyural B. persweysib C. argumentatibo D. naratibo

5. Ito ay uri ng teksto na kadalasang naglalahad ng impormasyon at instruksyon kung


paanong isasagawa ang isang tiyak na bagay.
A. prosidyural B. naratibo C. deskriptibo D. deskritptibo

B. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng teksto ang mga sumusunod na paksa. kung
impormatibo, deskriptibo, persweysib, naratibo, argumentatibo, prosudyural, o
ekspositori. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

6. Sta. Cruz, Ilocos Sur, nangunguna sa paglagap ng sakit na dengue sa lalawigan ng


Ilocos Sur.
7. Vigan City: Tinaguriang 7 Wonders of the World
8. May isang grupo ng mga mag-aaral sa Senior High School ang nananawagan sa
Departamento ng Edukasyon (DepEd) na isama sa kurikulum ng high school ang mga
babasahin mula sa Wattpad.
9. Sariling karanasan bilang isang mag-aaral ng Senior High School.
10. Pabor ka ba o hindi sa pagsasagawa ng curfew sa inyong barangay?

8
PAGSASANAY 2

Panuto: Basahin at unawain ang halimbawa ng teksto sa ibaba. Pagkatapos, sagutin


ang mga katanungan tungkol dito at isulat sa iyong kuwaderno.

A. Halimbawang paksa ng Tekstong Deskriptibo

“Kaibigan: Kabalikat ng Buhay”


Isinulat ni: Jerome C. Pensica

Para sa iyo, ano ba ang isang kaibigan? Anong klaseng kaibigan meron ka,
mabubuting kaibigan o masasama, mapagkakatiwalaan ba o hindi, tunay na kaiban o
hinid? Kung may kaibigan ka, gaano ba sila kabuti sa iyo? Tanggap k aba nila kung
sino ka? Natutulungan ka ba nila? NAndiyan ba sila palagi sa tabi mo sa oras ng iyong
pangangailangan? At higit sa lahat tunay ba sila sa iyo? Nagkaroon ako ng maraming
kaibigan, pero hindi lahat ay naging mabuti sa akin. Naranasan ko rin ang mabully.
Pero ito ay wala kompara sa mga tunay kong kaibigan na nagging malaking parte ng
buhay ko.
Noong ako ay Junior High School pa, naranasan ko ang magkaroon ng
malaking problemang nagpatung-patong at dumating sa puntong hindi ko na alam ang
gagawin ko. Noong Grade 10 ako, ako ang Vice- President ng organisasyon na Yes-
O/Science Club at President ng organisasyon na Math Club sa aming paaralan.
Nagkataon na nagkaroon ng sabay na proyekto at activity ang parehong
organisasyon. Mas nabuhos ko ang aking oras sa Math club kaya naman hinid ko
nagawa ang responsibilidad ko bilang vice-president sa Yes-O kaya napapagalitan at
nasasabihan ako. Kitang-kita ko ang gigil at inis sa kanilang mukha., habang
napapagalitan at pinagsasabihan nila ako. Yumuko na lang ako sa harap nila. Sa
puntong iyon, takot at kaba ang nabuo sa aking puso. Kapalit ng nagawa ko ay
mabigat na trabaho naiwan nila.
. Kasabay pa nito, ay ang paulit-ulit na pagpapaalala ng guro namin sa
research. Kaya habang naglalakad ako at nakita ko ang guro namin sa papalapit sa
akin ay takot at kaba ang nararamdaman ko kaya mabilis akong tatago, at kapag
nakaalis na siya ay anong ginhawang nadadama ko sa aking kalooban.
Dahil sa mga problemang ito, napuno ang isip ko ang pangamba. Naisip ko rin
na bumagsak ang mga grado ko sa iba’t ibang asignatura. Mga pangambang dulot ng
mg problemang hindi matapos-tapos.
Pero ang mga problemang ito ay napawi dahil sa mga taong nagsilbing
kabalikat ng buhay ko. Nandiyan sila noong kailangan ko ang katuwang sa trabahong
naiwan sa akin dahil sa hindi pagtulong. Ang mga kaibigan ko ang tumulong sa akin
para mabayaran ko ang mga bayarin sa aming paaralan. Sila rin ang naging katuwang
ko sa paggawa ng aming Research. Higit sa lahat nandiyan sila para iparamdam sa
akin na hindi ako nag-iisa.
Kaya laki ang pasasalamat ko sa puong may kapay sa pagbigay sa akin ng
mabubuti, mapagkakatiwalaan at higit sa lahat ay nandiyan palagi sa aking tabi oras
ng pangangailangan.

9
Mga katanungan:
1. Ano ang pangunahing paksa sa binasang teksto? (2 puntos)
___________________________________________________________
___________________________________________________________

2. Magbigay ng 4 na pantulong na detalyeng sumusuporta sa tekstong


binasa. (8 puntos)
a.
b.
c.
d.

B. Halimbawang paksa ng Tekstong Impormatibo

KAHIRAPAN SA PILIPINAS

Ang kahirapan ay ang pangunahing problema ng lahat ng tao, isa ito sa mga
mabibigat na suliranin ng ating bansa. Kahirapan! Saan nga ba ito nagmumula? Ano
nga ba ang dahilan kung bakit natin nararanasan ang mga bagay na ito? Sino ba ang
dapat nating sisihin tungkol sa nararanasang kahirapan n gating bansa?

Ayon sa aking nakalap na impormasyon mula sa tulong ng internet, sa


kasalukuyang panahon, madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga
pinuno ng bansa, ngunit ang katanungan ay, “Sila nga ba an may kasalanan at dapat
sisihin tungkol sa isyung ito o tayong mga Pilipino mismo?’’ sinasabi ng iba, kaya sila
nakararanas ng paghihirap ay dahil sa wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming
trabaho ang nakalaan, ngunit mapili lang talaga ang mga Pilipino. Marahil sa panahon
ngayon mahirap ang maghanap ng trabaho, ngunit hindi iyon ang sapat na dahilan
para tumigil na sa paghahanap ng trabaho. Ayon dito sa impormasyong nakalap mula
sa internet, kailangan nating magsikap upang mabawasan ang nanunudyong suliranin
sa ating bansa. Ito ay mayroong sanhi o dahilan kung bakit natin nararanasan ang
ganitong problema.
Ang sapilitang pangingibang bayan ang mga Pilipino upang maghanap ng
trabahoay nagging parte na ng kultura ng Pilipino. Dala ng labis na kahirapan, ito ang
siyang naging tugon ng mga Pilipino upang makaraos sa araw-araw na pamumuhay.
Ang salitang ‘’kapit sa patalim’’ ay maaring maiugnay sa bagay na ito. Maraming
dahilan kung bakit nawawalay sa pamilya at linilisan ang sariling bayan upang
makipagsapalaran sa ibang bansa ng dahil sa hirap ng buhay. Isa na dito ang
corruption: ang pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan ng mga tao sa gobyerno. Ito
ang pinakamalupit at talamak na dahilan ng paghihirap ng bayan.
Ang mga perang nakalaan sana para sa kapakanan ng mga mamamayan ay
napupunta lang sa bulsa ng iilan na mga may kapangyarihan sa pamahalaan.

10
Ang isyung ito ay hindi na iba para sa mga Pilipino. Ito ay maituturing na kanser ng
lipunan. Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay ginagamit ng mga politko
para sa sariling interes. Dahil sa mga maling gawain ng mga politico, maraming mga
simpleng mamamayan ang naaapektuhan dahil sa talamak na suliraning ito. Sunod
na dahilang ito ay nagmumula rin sa magulang na hindi pinagtutuunan ng pansin ang
kanilang mga anak. Isa rin itong dahilan marahil sa katamaran ng mga Pilipino na
maghanap ng trabaho. Ang isa pang dahilan ng paghihirap ng bansa ay ang matinding
kapabayaan ng likas na yaman ng bansa. Ang pagputol ng mga puno na magiging
sanhi ng pagkakaroon ng pagbaha, landslide, at erosion. Ang pagdudumi sa ilog at
dagat, gumagamit ng dinamita na siyang sumisira sa yamang dagat. Ang kapabayaan
ng gobyerno at mamamayan sa likas na yaman ay isang malaking dahilan upang unti-
unting mabaon ang bansa sa kumunoy ng kahirapan.
Ang kahirapanay sa sa mga mabibigat na problema ng ating bansa. Kung
hindi natin ito malusutan, paano na lang tayong Pilipino na nakararanas nito? Sa
ganitong sitwasyon, kailangan nating magsikap para sa ikauunlad ng ating bansa.
Huwag nating sisihin ang gobyerno marahil hindi sa lahat ng pagkakataon sila palagi
ang sisisihin kundi ang mga sarili rin natin, dahil sa pagiging tamad ng mga Pilipino.
‘’katamaran ang katunbas ng kahirapan’’ huwag nating pairalin ang katamaran dahil
walang ibang hindi maganda ang maidudulot nito kundi ang kahirapan. Sa
kasalukuyang panahon, kailangan nating magsikap at magtulungan para sa ating
bansa. Huwag mawalan ng pag-asa sa paghanap ng trabaho, basta magtiwala
lamang sa sarili na kaya natin ito. Para sa huli maging maunlad tayo, at ang kasabihan
na maaaring maiugnay sa mga Pilipino ay ‘’ang kasipagan tungo sa pag-unlad’’
https://abm-a.blogspot.com/2016/11/kahirapan-sa-pilipinas.html

Mga katanungan:

1. Ano ang pangunahing paksa sa binasang teksto? (2 puntos)


___________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Magbigay ng 4 na pangunahing detalyeng sumusuporta sa binasang teksto


(8 puntos)
a.
b.
c.
d.

PAGSASANAY 3
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
(10 puntos)

1. Bakit napakahalagang malaman ang paksa ng binabasang teksto? (3 puntos)


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

11
2. Ano-ano ang maibabahagi mong paraan upang mapadali ang pagtukoy ng
paksa sa anumang uri ng tekstong binasa? (4 na puntos)
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Ano-ano ang mga kahalagahan ng pagbasa nang may pagkaunawa? Magtala


ng 3. (3 puntos)
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

APLIKASYON

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga halimbawa ng talata sa ibaba. Tukuyin
kung ano ang paksang pinag-uusapan sa bawat talata pagkatapos salungguhitan ang
pansuportang detalye. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. (5 puntos bawat bilang)

TALATA 1

Karunungan at kaibigan, sa paaralan ito matatagpuan. Guro ang pangalawang


magulang na siyang magtuturo at huhubog sa nasimulan ng mga magulang mula sa
tahanan. Ang paaralan ang itinuturing na pangalawang tahanan. Ang bawat
estudyante ay nagsisikap sa pag-aaral para sa kanilang mga pangarap. Ang mga
kakayahan ng isang estudyante ay sa paaralan nililinang at dinidiskubre. Ang pagsibol
ng isang bata na siyang magpapaunlad ng ekonomiya ay dito magmumula. Paaralan
ay daan para sa magandang kinabukasan.”

Paksa:_____________________________________________________________

TALATA 2

Ina na laging abala. anak ay laging inaalala. Kahit sa'n patungo, anak ay dala-
dala. Araw-araw ito'y kanyang ginagawa, upang buhay ng anak nya ay maginhawa.
Ngunit isang araw, malungkot na pangyayari, nangyari sa mahal na ina. Nagkasakit,
at naka lubog nalang sa kama. Kawawang anak, di sanay sa buhay na mag-isa. Sanay
sa kalong ng ulirang ina na tiwasay, Walang magawa kundi umiyak sa tabi ng inang
wala ng buhay

Paksa:_____________________________________________________________

12
PAGLALAGOM

MGA URI NG TEKSTO


1. Tekstong Importibo- ay nagbibigay ng impormasyon o
nagpapaliwanag tungkol sa iba’t ibang paksa.

2. Tekstong Deskrtiptibo- ay naglalarawan ng isang bagay, tao,


lugar, karanasan, sitwasyon, at iba pa
.
3. Tekstong Persweysib- ay nanghihikayat o nangungumbinsi.

4. Tekstong Naratibo- ay nagkukuwento ng mga pangyayari na


maaaring piksyon o di-piksyon

5. Tekstong Argyumentatibo- ay pangangatwiran tungkol sa isang


paksa.

6. Tekstong Prosidyural-nagbibgay ng impormasyon o instruksyon


kung paano isasagawa ang isang tiyak na bagay,

7. Tekstong Ekspositori- nagpapaliwanag o naglalahad ng mga


kaalaman hinggil sa anumang paksang saklaw ng kaalaman ng tao

TANDAAN:

Ang paksa ay tumutukoy sa pinag-uusapan sa pangungusap.


Pangunahing paksa naman ay ang sentro o pangunahing tema sa
talata at ang pantulong na detalye ay ang mga mahahalagang
kaisipan o mga susing pangungusap na may kaugnayan sa
paksang pangungusap

Maliwanag na ba sa iyo ang kahulugan ng bawat uri ng


teksto? Alam kong nakatulong ang mga gawain sa itaas at alam
kong malaman ka na rin sa pagtukoy sa paksa. Ngayon subukan
natin ang iyong kasanayan tungkol sa paksang iyong napag-aralan.
Alam kong kayang-kaya mo ng sagutin ang ating Pagtataya.

13
PAGTATAYA

PAGTATAYA 1

Panuto: Tukuyin kung sa anong uri ng teksto ang mga sumusunod na pahayag. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno

1. Bakit isinusulat ang tekstong persuweysib?


A. Upang malaman ang pagkaka-sunod-sunod ng isang gawain
B. Upang mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at makumbinsi na ang punto
manunulat at hindi sa iba ang tama
C. Upang magbigay ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang pangyayari na nagaganap
sa lipunan
D. Upang mahusay na mailarawan ang isang bagay na nais bigyan ng paglalarawan

2. Isang uri ng teksto na maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung


saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan
ng larawan.
A. tekstong impormatibo C. tekstong deskriptibo
B. tekstong prosidyural D. tekstong argumentatibo

3. Ang mga sumusunod ay katangian ng isang tekstong persuweysib maliban sa isa.


A. Ginagamit ito sa sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda sa eleksyon o sa
networking
B. Hinihikayat nito ang mambabasa na tanggapin ang posisyong pinaniniwalaan o
ineendorso ng teksto
C. Subhetibo ang tono at malayang naipapahayag ng manunulat ang kanyang
paniniwala at pagkiling sa isang paksa
D. Taglay nito ang personal na opinyon at paniniwala ng may-akda

4. Kung ikaw ay lilikha ng isang tekstong impormatibo, ano-ano ang dapat mong
isaalang-alang?
A. Mga kongkretong impormasyong kailangan sa pagsulat
B. Mga kagamitang kailangan sa pagsusulat
C. Lugar kung saan ka magsusulat
D. Kung kailan mo ito isusulat

5. Sa tekstong ito, nililinaw ang mga katanungan sapagkat tinutugunan nito ang mga
pangangailangan ng mambabasa na malaman ang kaugnayan ng mga ideya o isyu.
A. tekstong argyumentatibo B. tekstong deskriptibo
C. tekstong ekspositori D. tekstong persweysib

14
PAGTATAYA 2

Panuto: Basahin at suriin ang tekstong naglalarawan sa ibaba. Ilagay ang paksa ng
talata. Pagkatapos, ilagay sa Hanay A ang mga karaniwang paglalarawan at
sa Hanay B ang mga masisining na paglalarawan. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno. (10 puntos)

Maganda at madaling pakibagayan. Iyan ang impresyon ng sinumang


makakaharap ni Linda. Dala marahil iyon ng kanyang mapang-akit na mga mata
na nakahahalina sa sinumang makakakita nito. Ang kanyang namumurok na pisngi
at ang napakalalim na biloy ay lalong nagpapaganda sa kanyang mukha kung siya
ay tumawa.
-Anonymous

Sipi mula sa Bahay na Bato


ni Antonio B.L. Rosales

Sa malas ni Isagani, sa tatlong oras na pagpupuyos ng bagyo ay higit pang


malaki ang ipinagbago ng Magdalo kaysa sampung taong pagkawalay nila sa
nayon niyang ito. Halos lahat ng nakikita niyang kabaguhan ay likha ng nakapag-
aalimpuyong hangin at ulan. Gaya ng dati, ang malumot nang munting simbahan ni
Aling Barang ay ibinagsak ng hangin, ngunit nakatayo pa sa harapan ng luklukang
kawayang mahahabang oras din pinapag-init niya samantalang nakikipag-inuman
siya ng tuba, nakikipagtayugan ng mga pangarap sa kanyang mga kapwa bata.

HANAY A (Karaniwang na HANAY B (Masisining na


Paglalarawan) (5 puntos) Paglalarawan) (5 puntos)
1. PAKSA: 1. PAKSA:

2. Mga salitang nagpapakita ng 2. Mga salitang nagpapakita ng


karaniwang paglalarawan masining na paglalarawan
a. a.
b. b.

Binabati Kita! Napagtagumpayan mong


pumasa sa mga pagsasanay at
pagtataya. Naipakita mong marami kang
natutuhan sa paksang ating napag-
aralan. Ipagpatuloy ito!

15
SANGGUNIAN

Dayag, Alma M., at Del Rosario Mary Grace G, Pinagyamang Pluma: Pagbasa at
Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik, Phoenix Publishing House,2016

(Modyul 1 Pagkilala sa Tekstong Informativ at Paghihiram ng Mga Salita 2013)

De-Laza, Crizel S., at Batnag, Aurora E., Pagbasa at Pagsusuri ng Ibat’ Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik, Rex Book Store, 2016

(https://www..coursehero.com file, n.d.)


(https://sites.google.com/site/2017changeiscomingduterte/mga-akda/tekstong-
argumentatibo, n.d.)
(https://news.abs-cbn.com/news/07/19/20/balut-at-ice-cream-vendor-sa-ilocos-sur-
hinahangaan-dahil-sa-kanyang-katapatan, n.d.)
(https://brainly.ph/question/302378, n.d.)
(https://www.slideshare.net/cli4d/ang-pangunahing-paksa-at-mga-pantulong-na-
detalye, n.d.)
(https://abm-a.blogspot.com/2016/11/kahirapan-sa-pilipinas.html, n.d.)
(https://philnews.ph/2019/07/19/halimbawa-ng-talata/, n.d.)
(https://brainly.ph/question/289404, n.d.)

16

You might also like