You are on page 1of 11

ARALING PANLIPUNAN

Pangatlong Markahan - Modyul 3:

MGA ISYU AT HAMONG PANGKASARIAN


Aralin 3:
Panimula at Gabay na Tanong

Sa modyul na ito, pagtutuunan ng pansin ang iba’t ibang isyu at hamon tungkol sa Kasarian at
Lipunan. Ito ay naglalaman ng mga gawain na hahamon sa kaalaman at kasanayan ng mag-aaral na
masuri at maunawaan ang mga usaping may kinalaman sa Kasarian at Lipunan. Makatutulong ang pag-
unawang ito na malinang sa iyo ang pagpapahalaga pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang
kasapi ng isang pamayanan, bansa at daigdig.
Inaasahan na maipapaliwanag ng mga mag-aaral kung paano magkakaroon ng pagkakapantay-pantay sa
isang lipunan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng pananaw sa isyu ng kasarian.

Pamantayan sa Pagkatuto

Inaasahang makakamit sa modyul na ito ang sumusunod na pamantayan sa pagkatuto:

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN PAMANTAYAN SA PAGGANAP


Ang mga mag-aaral ay may pagunawa sa mga Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga
epekto ng mga isyu at hamon na may makabuluhan at malikhaing hakbang na
kaugnayan sa kasarian at lipunan upang nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa
maging aktibong tagapagtaguyod ng iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang
pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng
bilang kasapi ng pamayanan. pamayanan.

LAYUNIN:

Nasusuri ang tugon ng Pandaigdigang Samahan sa Karahasan at Diskriminasyon


Napahahalagahan ang tugon ng Pandaigdigang Samahan sa Karahasan at Diskriminasyon
Napahahalagahan ang tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at
diskriminasyon

Paksa: Tugon sa Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan

1 Page Prof Johanie M. Gumampong-Calimba


Sa nakalipas na aralin, nasuri ninyo ang mga isyu at hamong may kaugnayan sa Kasarian at
Lipunan na nararanasan hindi lamang sa Pilipinas maging sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Sa araling
ito, pagtutuunan ng pansin ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang matugunan ang mga
isyu at hamon sa Kasarian at Lipunan. Handa ka na ba?

Paunlarin:

Nasagutan mo bang lahat ang mga naunang gawain? Huwag mag-alala dahil sa bahaging ito ay
inaasahang mas lalawak ang iyong kaalaman at pag-unawa sa mga tugon sa isyu ng Kasarian at
Lipunan. Maaari mong balikan ang kasagutan at katanungan na iyong nabuo sa unang bahagi ng araling
ito upang mapagtibay ang tamang kasagutan at maiwasto ang maling sagot o konseptong nabuo kung
mayroon man. Pagtuunan ng pansin ang susunod na babasahin at sagutan ang mga gawain.

Ang mga Prinsipyo ng Yogyakarta

Sa patuloy na hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan, patuloy ring lumalakas ang
kanilang boses upang tugunan ang kanilang mga hinaing tungkol sa di-pantay na pagtingin at karapatan.
Nasa 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian (sexual orientation at
gender identity o SOGI) na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang nagtipon-tipon sa Yogyakarta,
Indonesia noong ika-6 hanggang ika-9 ng Nobyembre, 2006 upang pagtibayin ang mga prinsipyong
makatutulong sa pagkakapantay-pantay ng mga LGBT. Ito ay binubuo ng 29 na prinsipyong nakaayon
sa Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human Rights o UDHR)
at ilang mga rekomendasiyon.

Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang dahilan kung bakit ka sang-ayon o di sang-ayon sa pahayag ni UN Sec Gen Ban Ki-
Moon?Bakit?
2. Naging madali ba sa inyo ng kapareha mo na makabuo ng konklusyon sa kabila ng
pagkakaiba ng inyong pananaw tungkol sa isyu? Bakit?

Prinsipyo 1

ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG


PANTAO

Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman ang
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat
ng karapatang pantao.

Prinsipyo 2

2 Page Prof Johanie M. Gumampong-Calimba


ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT KALAYAAN SA
DISKRIMINASYON

Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang

walang diskriminasiyong nag-uugat saoryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Dapat


kilalanin na ang lahat ay pantaypantay sa batas at sa proteksiyon nito, nang walang anumang
diskriminasiyon, kahit may nasasangkot na iba pang karapatang pantao. Ipagbabawal sa batas ang
ganoong diskriminasiyon at titiyakin, para sa lahat.

Prinsipyo 4

ANG KARAPATAN SA BUHAY

Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay sa
anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian. Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa consensual sexual
activity ng

mga taong nasa wastong gulang o batay sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.

Prinsipyo 12

ANG KARAPATAN SA TRABAHO

Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, samakatarungan at paborableng mga
kondisyon sa paggawa, at sa proteksyon laban sa disempleyo atdiskriminasiyong nag-uugat sa
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.

Prinsipyo 16

ANG KARAPATAN SA EDUKASYON

Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasiyong nag-uugat at sanhi ng
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.

Prinsipyo 25

ANG KARAPATANG LUMAHOK SA BUHAY-PAMPUBLIKO

Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko, kabilang ang karapatang
mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga desisyon.

3 Page Prof Johanie M. Gumampong-Calimba


Pamprosesong Tanong

1.Ano ang layunin ng mga nagtaguyod ng Prinsipyo ng Yogyakarta?


2. May pagkakaiba ba ang mga karapatang nilalayon ng mga LGBT sa Pandaigdigang Batas ng
mga Karapatang Pantao? 3. Sa iyong palagay, mahalaga bang magkaroon ng seryosong
aplikasyon ang mga bansa ng Prinsipyo ng Yogyakarta? Ipaliwanag.

Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women

Pagtuunan ng pansin ang mga kasunod na babasahin tungkol sa Convention on the Elimination
of All Forms of Discrimination Against Women. Basahin at suriin ang teksto. Pagkatapos sagutan ang
pamprosesong tanong, humanap ng kapareha, ibahagi ang mga sagot at talakayin.

Ano ang CEDAW

Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala din ito bilang The
Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna-unahan at
tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi
lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya,
panlipunan at pampamilya. Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong
Disyembre 18,1979 noong UN Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo
15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5, 1981. Kasunod sa Convention of the Rights of the Child,
ang CEDAW ang pangalawang kasunduan na may pinakamaraming bansang nagratipika. Umaabot
na sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda o State parties noong Marso 2005. Unang ipinatupad ang
kasunduan noong Setyembre 3, 1981 o 25 taon na ang nakakaraan noong 2006, pero kaunti pa lang ang
nakakaalam nito.

Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?

1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sakababaihan. Inaatasan nito ang mga
estado na magdala ng konkretong resultasa buhay ng kababaihan.

2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin, may mgaresponsibilidad ang estado
sa kababaihan na kailanma’y hindi nito maaring bawiin.

3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa kababaihan, anumang


layunin ng mga ito.

4. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng kababaihan
hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibidwal o
grupo.

4 Page Prof Johanie M. Gumampong-Calimba


5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng babae, at
hinahamon nito ang State parties na baguhin ang mga stereotype, kostumbre at mga gawi na
nagdidiskrimina sa babae.

Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?

Bilang state party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-
pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may tungkulin ang estado na solusyunan ito. May
tungkulin ang State parties na igalang, ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan.

Ang mga State parties ay inaasahang:

1. Ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina;

2. Ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at maglagay ng mga
epektibong mekanismo at sistema kung saan maaring humingi ng hustisya ang babae sa paglabag
ng kanilan karapatan;

3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang kondisyon at


karampatang aksiyon;at

4. Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga isinagawang hakbang para
matupad ang mga tungkulin sa kasunduan.

Pamprosesong Tanong

1. Sang-ayon ka ba sa paglagda ng Pilipinas sa mga probisyon ng CEDAW?


2. Ano ang maitutulong ng CEDAW sa kalagayan ng kababaihan sa mundo?

Tugon ng Pamahaalaang Pilipinas sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasiyon

Sa Pilipinas, may batas na nagbibigay proteksiyon sa mga kababaihan tulad ng Anti-Violence


Against Women and Their Children Act at Magna Carta for Women.Basahin ang susunod na teksto
tungkol sa batas laban sa Karahasan sa Kababaihan.

Anti-Violence Against Women and Their Children Act

Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga
karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima
nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. Sino-sino ang puwedeng mabigyan
ng proteksiyon ng batas na ito?

5 Page Prof Johanie M. Gumampong-Calimba


Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan at kanilang mga anak. Ang
“kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng
may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isang
karelasyon. Ang “mga anak” naman ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na wala
pang labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na may edad na labingwalong
(18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga
hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.

Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit at maaring kasuhan


ng batas na ito?

Ang mga maaring magsagawa ng krimeng ito at maaring managot sa ilalim ng batas na ito ay
ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-in partners
na lalaki, mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual or
datingrelationship” sa babae.

http://www.bcs.gov.ph/files/sp/Pinay_Komiks.pdf

Pamprosesong Tanong

1. Tungkol saan ang Anti-Violence Against Women Act?


2. Sino-sino ang binibigyang proteksiyon ng batas na ito? Sa iyong palagay bakit binalangkas
ang ganitong uri ng batas?
3. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong na maipabatid at mapairal ang batas na ito?

Magna Carta Of Women

Bukod saAnti-Violence Against Women Act, ang Magna Carta for Women ay isa ring batas na
nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan. Basahin ang teksto upang malaman mo kung patungkol saan
ang batas na ito.

Ano ang Magna Carta for Women

Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng
diskriminasiyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at
lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na
ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o CEDAW.

Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad
ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga
karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.

RESPONSIBILIDAD NG PAMAHALAAN

6 Page Prof Johanie M. Gumampong-Calimba


Itinalaga ng Magna Carta for Women ang Pamahalaan bilang pangunahing tagapagpatupad
(“primary duty bearer”) ng komprehensibong batas na ito.Ginawa na tuwirang responsibilidad ng
pamahalaan na proteksyunan ang kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasiyon at ipagtanggol ang
kanilang mga karapatan.

Katuwang ang mga ahensya at yunit nito, maglalatag ang pamahalaan ng mga nararapat at
mabisang paraan upang maisakatuparan ang mga layunin ng batas. Kabilang sa mga paraan na ito ang
paglikha at pagpapatupad ng mga batas, patakaran at programa na nagsasaalang-alang sa mga
pangangailangan ng mga babae, tungo sa kanilang kahusayan at kabutihan. Gagawa rin ng mga
hakbang ang pamahalaan upang marepaso o maalis ang mga batas, patakaran, programa, at polisiya na
nagpapalala sa diskriminasiyon laban sa kababaihan.

Ang isa pang hamon ng batas sa pamahalaan ay ang basagin ang mga stereotype at tanggalin ang
mga istrukturang panlipunan tulad ng kostumbre, tradisyon, paniniwala, salita at gawi na
nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga babae at lalaki.

SINO ANG SAKLAW NG MAGNA CARTA?

Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon,
relihiyon, uri o pinagmulan ethnicity ay saklaw ng Magna Carta. Binibigyan ng batas na ito nang
nabubukod na pansin ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, may kapansanan, mga babae sa
iba’t ibang larangan, Marginalized Women, at Women in Especially Difficult Circumstances.

Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o nasa di panatag na
kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan namatamo ang mga batayang
pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang mga kababaihang manggagawa, maralitang
tagalungsod, magsasaka at manggagawang bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at
katutubo.

Ang tinatawag naming Women in Especially Difficult Circumstances ay ang mga babaeng nasa
mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at
armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, “illegal recruitment”, “human trafficking” at mga
babaeng nakakulong.

Pamprosesong mga Tanong

1. Ano ang mga batas na para sa kababaihan, kalalakihan at LGBT?


2. Bakit walang partikular na batas para sa lalaki? Paano ito nakaapekto sa mga babae at LGBT?
3. May pantay bang karapatan ang lalaki , babae at LGBT?
4. Makakatutulong ba ang mga batas na ito upang matugunan ang mga isyung may kinalaman sa
karahasan at pang-aabuso sa babae , lalaki at LGBT?

#HeForShe

7 Page Prof Johanie M. Gumampong-Calimba


Ang HeForShe.org ay isang pinag-isang kampanya ng UN Women para sa pagakakapantay-
pantay ng kasarian. Ito rin ay naglalayong isama ang mga kalalakihan sa laban sa di-pantay na pagtrato
sa mga kababaihan at para sa karapatan ng mga kababaihan. Noong ika-20 ng Setyembre taong 2014 sa
punong- tanggapan ng
United Nations, pinangunahan ni Emma Watson ang isang ang kampanya para sa HeForShe.org.

Gawain 1 Identifikasyon. Isulat ang tamang sagot batay sa isinasaad ng mga pangungusap.

1. Saan nagtipon-tipon ang SOGI na galing sa iba’t ibang bahagi ng daigdig?


2. Ang pangunahing taga taguyod na itinalaga ng pamahalaan para proteksyunan ang kababaihan.
3. Mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki.
4. Isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China ang pagpapaliit ng paa hanggang tatlong pulgada.
5. Samahan ng mga kababaihan sa Pilipinas laban sa iba’t ibang paraan ng karahasan.
6. Panlipunang gampanin, kilos at Gawain na itinakda ng lipunan para sa babae at lalaki.
7. Kinikilala bilang “National Human Rights Institution” ng Pilipinas.
8. Nagtataguyod sa pagka panay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga
batas sa Pilipinas.
9. Nilalarawan bilang International Bill for Women o kilala din bilang the Womens’s Convention.
10. Isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at maihahalintulad sa mga sinaunang priestess
at Shaman.
11. Mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na kalagayan.
12. Isang pinag-isang kampanya ng UN Women para sa pagakakapantay-pantay ng kasarian.
13. kilusang politikal na nagmula sa Afghanistan.
14. Kauna-unahang transgender na miymebro ng Kongreso na siyang kinatawan ng lalawigan ng
Bataan.
15. Chief Executive Officer ng ZALORA, isang kilalang online fashion retailer.
16. Mamamahayag at tinawag ng New York Time na “the most prominent open gay on American
television.
17. Tinawag ni Oprah Winfrey na “the talented girl in the world.” Isa sa sumikat na awit niya ay ang
Pyramid.
18. Chair, Presidente, at CEO ng Lockheed Martin Corporation, na kilala sa paggawa ng mga armas
pandigma at panseguridad, at iba pang mga makabagong teknolohiya.
19. Isang propesor sa kilalang pamantasan, kolumnista, manunulat, at mamamahayag. Nakilala siya sa
pagtatag ng ang Ladlad.
20. Matagumpay na artista sa pelikula at telebisyon, nakilala siya sa longestrunning Philippine TV
drama na Maalaala Mo Kaya.
21. Ang CEO ng Apple Inc. na gumagawa ng iPhone, iPad, at iba pang Apple products. Bago mapunta
sa Apple Corporation .
22. Isang artista, manunulat, stand-up comedian at host ng isa sa pinakamatagumpay na talk- show sa
Amerika .
23. Mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian.
24. Mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian
25. Mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian.

8 Page Prof Johanie M. Gumampong-Calimba


Gawain 2. Isulat ang buong kahulugan ng mga sumusunod na mga salita

1. UNDP
2. USAID
3. LGBT
4. NGO
5. VAWC

Gawain 3. Enumerasyon

1-7 Seven Deadly Sins Against Women


8-16 Mga personalidad na kilala sa kanilang larangan
17-22 Prinsipyo ng Yogakarta
23-26 Domestic Violence
27-33 Saklaw ng Magna Carta
34-40 Mga bansang may sanagay ang Zalora

9 Page Prof Johanie M. Gumampong-Calimba


Sagotan papel
sa Aralin Panlipun 10

Name:__________________________________Grade&Sec________________Iskor_______

Teacher:_________________________________________________Date:________________

I.
1. 11. 21.
2. 12. 22.
3. 13. 23.
4. 14. 24.
5. 15. 25.
6. 16.
7. 17.
8. 18.
9. 19.
10. 20.

III.
1.

2.

3.

4.

5.

VI.
1. 11. 21. 31.
2. 12. 22. 32.
3. 13. 23. 33.
4. 14. 24. 34.
5. 15. 25. 35.
6. 16. 26. 36.
7. 17. 27. 37.
8. 18. 28. 38.
9. 19. 29. 39.
10. 20. 30. 40.

10 Page Prof Johanie M. Gumampong-Calimba


11 Page Prof Johanie M. Gumampong-Calimba

You might also like