You are on page 1of 19

Page 1 of 19 AP 10

PANGALAN PETSA:

BAITANG AT PANGKAT: GURO:

Unang Pagtataya
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Pagtitipon ng mga taong nais matuto tungkol sa kanilang kapaligiran.

a. Academia c. Edukasyon
b. Pormal na edukasyon d. Environmental knowledge

2. Binubuo ng anim na taon ng nakabalangkas na edukasyon pagkatapos ng preschool.

a. Pormal na edukasyon c. Premaryang edukasyon
b. Inpormal na edukasyon d. Preschool

3. Isinabatas ang Batas Republika Blg. 10533 (Enhanced Basic Education Act of 2013)
a. 2013 c. 2015
b. 2014 d. 2016

4. Pangkaraniwang nag-aalok ng edukasyon sa mga batang may edad na tatlo hanggang lima.
a. Tersiyaryong edukasyon c. Sekondarya
b. Nursery d. Premaryang edukasyon

5. Ang edukasyong nakasentro sa tuwiran at praktikal na pagsasanay para sa partikular na

kasanayan.
a. Tersyaryong edukasyon c. Praktikal na edukasyon
b. K-12 program d. Bokasyonal na edukasyon

6. Tumutukoy sa tiyuretikal (theoretical) at praktikal na pag-aaral ng mga aspeto ng

pagkamamamayan.
a. pagkamamamayan c. nasyonalidad
b. Sibiko (civic) d. civic engagement

7. Ang ________ naman ay tumutukoy sa kalagayan ng isang taong kinikilala sa ilalim ng batas o
kustom (custom) bilang isang miyembro ng isang nagsasariling batas (sovereign state).
a. pagkamamamayan c. nasyonalidad
b. Sibiko (civic) d. civic engagement

8. Madalas na ginagamit bilang isang kasingkahulugan para sa terminong pagkamamamayan.

a. civic engagement c. Patriyotismo (Patriotism)
b. nasyonalidad d. pagkamamamayan

9. Ang paglutas ng problema sa komunidad (Community problem solving)

a. Sibil c. Elektoral
b. Boses pampolitka d. Social empathy

10. Pagsulat ng petisyon at pagka-canvass (Writing petitions and canvassing)

a. Social empathy c. Boses pampolitka
b. Elektoral d. Sibil
Page 2 of 19 AP 10

11. Tumutukoy sa mahabang proseso mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda kung saan ang
mga indibiduwal sa ibat’t ibang kaparaanan, ay nakikilahok sa mga aktibidad na pampolitika.
a. Political socialization c. Political empathy
b. Political science d. Politics

12. Sa pangangampanya, naipapahayag ng isang kandidato ang kaniyang mga plano o ang
tinatawag na ________
a. Paghalal c. Batas
b. Plataporma d. Resolusyon

13. Malakas ang impluwensiyang politikal ng isang ______ sa isang tao lalo na sa mga bata.
a. Pamilya c. Paaralan
b. Relihiyon d. Kaibigan

14. Sa panahon ngayon, ito ang maaring siyang pinakaimpluwensiyal na instrument sa gawaing
politikal dahil lahat ay naabot na ng teknolohiya.
a. Dyaryo c. Cell phone
b. Radyo d. Internet

15. Malaki rin ang impluwensiya ng _________ sa gawaing politikal ng isang tao. Base sa
paniniwala.
a. Kaibigan c. Relihiyon
b. Pamilya d. Paaralan

16. Ang ___________ ay may mahalagang bahagi sa gawaing politikal ng isang tao.
a. Paaralan c. Relihiyon
b. Kaibigan d. Pamilya

17. Pag-aaral gamit ang elektrinikong kasangkapan (electronic gadget), at karaniwan itong
paggamit ng kompyuter upang makapaghatid ng bahag, o ang kabuuan ng isang kurso.
a. Blended learning c. Distance learning
b. E- learning d. Home schooling

18. Ang e-learning, kapag hinaluan ng mga tradisyonal na pamamaraan sa pag-aaral, ay tinatawag
na _________.
a. Home schooling c. Blended learning
b. Distance learning d. E- learning

19. Ito ay programa ng DEPED na naglalayong matulungan ang mga hindi nakapasok sa paaralan.
a. Distance learning
b. Alternative Learning System (ALS)
c. Home education
d. Technical and Vocational Education Traning (TVET)

20. Ito ay isang nondegree na program ana naglalayong makapagbigay ng mga kaalaman at
kasanayang kailangan upang makapaghanapbuhay.
a. Non-formal education
b. Technical and Vocational Education Traning (TVET)
c. Tersiyaryong edukasyon
d. Alternative Learning System (ALS)
Page 3 of 19 AP 10

MODULE 4
Kabanata 1
_________________________________________________________________________
Mga Isyung Pang-Edukasyon

Panimula
Ang edukasyon ay hapakahalagang bagay sa buhay ng tao. Ito ay maituturing na tulay upang
umunlad ang isang tao. Ang mga Pilipino ay may malalim na pagpapahalaga sa edukasyon.
Bukambibig ng mga Plipinong magulang na ang edukasyon ang tanging kayamanang
maipamamana nila sa kanilang mga anak. Kaya’t pinagsisikapan nilang maitaguyod ang
edukasyon ng kani-kanilang mga anak.
Subalit may mahahalagang bagay na nauukol sa edukasyon na dapat pagtuunan ng pansin
a lutasin, lalo na ng pamahalaan, upang masigurong sapat o angkop ang kalidad at mabisa ang
sistema ng edukasyong maipagkakaloob sa mga Pilipino. Ang mga paksang may kinalaman
dito ay nakapaloob sa tinatawag na isyung pang-edukasyon.

Ang Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas

Ang edukasyon sa Pilipinas ay pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Eukasyon (Department

of Education o Deped). Ang sistema ng edukasyon sa bansa ay pangkaraniwan nang nahahati
sa dalawang uri-ang pormal (formal) at hindi pormal (nonformal) na edukasyon.
Ang Ipormal na edukasyon ay pangkaraniwang isinasagawa sa mga silid-aralan ng paaralan
at ang nangangasiwa ay mga gurong may sapat na kaalaman, kasanayan (Training),
kuwalipikasyon, degree, o lisensiya mula sa nakatalagang ahensiya ng pamahalaan. Ang guro
ay pangkaraniwan nang sumusunod at nagpapatupad ng kurikulum na pinagtibay ng paaralan.
Bukod dito, ang pormal na edukasyon ay highly institutionalized, bureaucratic, at pormal na
kinikilala formally recognized). Sa sistemang ito ay gumagamit ng paggagrado (grading system)
at nagkakaloob ng degree, diploma, o sertipiko.
Sa dating sistema ng edukasyon sa Pilipinas, ang pormal na edukasyon ay nahahati sa mga
yugto tulad ng preschool, primaryang edukasyon, sekondaryang edukasyon, at pagkatapos ay
tersiyaryong edukasyon.
Ang preschool ay pangkaraniwang nag-aalok ng edukasyon sa mga bata mula sa edad na
tatlo hanggang lima. Ang preschool ay tinatawag ding nursery o kindergarten. Ang mga paaralang
ito ay may kurikulum na nakasentro sa mga bata (children-centered) at naglalayong Simulang
linangin nang balance ang pisikal, intelektuwal, at moral nilang kalikasan (nature). Ang mga
preschool ay nagsisilbing tagapaghanda sa mga bata para sa primaryang edukasyon (primary
education).
Ang primaryang edukasyon ay binubuo ng unang anim na taon ng nakabalangkas na
edukasyon pagkatapos ng preschool. Tinatawag din itong elementaryang edukasyon na
karaniwang nagsisimula sa edad na anim hanggang labing-isa o labindalawa. Sa karamihan ng
mga bansa gaya ng Pilipinas, ang edukasyong elementarya ay sapilitan (compulsory) para sa
lahat ng mga bata. Sa maraming mga paaraan at mga aspeto, ang primaryang edukasyon ay
paghahanda sa mag-aaral para sekondaryang edukasyon.
Ang sekondaryang edukasyon ay pangkaraniwang sumasaklaw sa pormal na edukasyon na
nagaganap sa panahon ng adolescence ng isang mag-aaral. Sa dating sistema, ito ay binubuo
ng apat na taon lamang (first year hanggang fourth year). Ang mga paaralan na nag-aalok ng
sekondaryang edukasyon ay tinatawag na mataas na paaralan (high school). Sa dating sistema,
ang kabuuan ng sekondaryang edukasyon ay pagtuturo sa mga mag-aaral ng mga karaniwang
kaalaman at paghahanda sa kanila para sa mas mataas na edukasyon o kolehiyo. Sa bagong
sistema (sa ilalim ng K to 12 Program), ang sekondaryong edukasyon na may karagdagang
dalawang taon (senior high school-Grade 11 at 12) ay pagsasanay rin sa mga mag-aaral para sa
ilang propesyon o hanapbuhay, craft, o trade.
Ang tersiyaryong edukasyon, na tinatawag ding mas mataas na edukasyon (higher
education), ay ang hindi sapilitang (non-compulsory) antas ng edukasyon matapos ang
sekondaryang edukasyon. Ang tersiyaryong edukasyon ay pangkaraniwang tumutukoy sa
undergraduate na edukasyon (bachelor's degrees) postgradweyt (masteral at doctoral, at maging
sa mga bokasyonal na edukasyon at pagsasanay na kinukuha pagkatapos ng high school. Ang
bokasyonal na edukasyon ay isang uri ng edukasyong nakasentro sa tuwiran at praktikal na
pagsasanay para sa isang partikular na kasanayan (craft) o pangangalakal (trade). Ang
tersiyaryong edukasyon ay kinukuha sa mga kolehiyo at unibersidad, at ito ay karaniwang
nagreresulta sa pagkakaroon ng mga sertipiko, diploma, o academic degree.
Page 4 of 19 AP 10

Sa dating sistema ng edukasyon sa bansa, ang sapilitang (compulsory) basic education ay

binubuo ng anim na taong primaryang edukasyon at apat na taong sekondaryang edukasyon.
Ang preschool, koleniyo, postgradweyt, at bokasyonal na edukasyon ay hindi compulsory. Sa
ilalim ng bagong sistema (K to 12) ay may ilang pagbabago.
Ang nonformal (hindi pormal) na edukasyon naman ay tumutukoy sa ano mang organisadong
pang-edukasyong aktibidad sa labas ng establisadong pormal na sistema na inilalaan upang
tumugon sa mga tiyak na parokyano o mga learning clientele at layuning pang-edukasyon
(learning objective). Ang mga programa sa ilalim ng nonformal na edukasyon ay karaniwang
maikli lang (short-term) at boluntaryo (voluntary).
Pangkaraniwang ito ay mayroon ding payak na kurikulum at facilitator subalit humihingi ng kaunti
lamang na prerequisite. Ang hindi pormal na mga programa sa edukasyon ay kinabibilangan ng
edukasyon sa pagbasa at pagsulat (literacy education) para sa matatanda at kabataan;
programang pang-edukasyon para sa mga drop out, out-of-school-youth, at out-of-school-adult;
pang-agrikultural na pagsasanay; pangkalusugang edukasyon; edukasyon sa unyong
pangkalakalan (trade union); edukasyon ukol sa rural development; at sa papel ng kababaihan
sa pag-unlad.
Ang nonformal (hindi porma) na edukasyon ay pangkaraniwang isinasagawa sa labas ng
silid-aralan, sa mga komunidad at mga learning center, barangay hall, silid-aklatan o tahanan. Ito
ay pinangangasiwaan ng mga tacilitator, mobile teacher, o coordinator sa napagkasunduang oras
at lugar.

Pagsubok sa Kaalaman:
Gawain 1. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang numero.

________1. Isinabatas ang Batas Republika Blg. 10533 (Enhanced Basic Education
Act of 2013
a. 2013 c. 2015
b. 2014 d. 2016
________2. Ito ay programa ng DEPED na naglalayong matulungan ang mga hindi
nakapasok sa paaralan.
a. Distance learning
b. Alternative Learning System (ALS)
c. Home education
d. Technical and Vocational Education Traning (TVET)
________3. Ang edukasyong nakasentro sa tuwiran at praktikal na pagsasanay para
sa partikular na kasanayan.
a. Tersyaryong edukasyon c. Praktikal na edukasyon
b. K-12 program d. Bokasyonal na edukasyon
________4. Binubuo ng anim na taon ng nakabalangkas na edukasyon pagkatapos ng
preschool
a. Pormal na edukasyon c. Premaryang edukasyon
b. Inpormal na edukasyon d. Preschool
________5. Pagtitipon ng mga taong nais matuto tungkol sa kanilang kapaligiran.
a. Academia c. Edukasyon
b. Pormal na edukasyon d. Environmental knowledge

Gawain 2: Talakayin o bigyan ng depinisyon ang sumusunod na mga konsepto. Maaaring

gumamit ng mga sariling termino sa pagtalakay sa mga ito.

1. edukasyon
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. pormal na edukasyon
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. preschool
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Page 5 of 19 AP 10

4. primaryang edukasyon/elementaryang edukasyon

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5. Sekondaryang edukasyon
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

6. Tersiyaryong edukasyon
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

7. Nonformal na edukasyon
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

8. K to 12 Program
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

9. Alternative Learning System (ALS)

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

10. TESDA o Technical and Vocational Education Training (TVET)

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

11. Home-schooling/home education

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

12. Distance learning

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

13. E-learning
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

14. Online learning

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

15. E-learning Practitioners Association of the Philippine, Inc. (ELPAP)

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

16. TESDA Online Program (TOP)

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

17. Open High School Program (OHSP)

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

18. Expanded Tertiary Education Equivalent and Accreditation Program (ETEEAP)

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Page 6 of 19 AP 10

PANGALAN PETSA:

BAITANG AT PANGKAT: GURO:

Tuklasin

Panuto. Isulat ang tamang sagot sagot sa patlang bago ang numero.

___________________1. Ang nangangasiwa sa edukasyon sa Pilipinas.

___________________2. Ang uri ng edukasyong ito ay pangkaraniwang isinasagawa sa labas ng
silid-aralan, sa mga komunidad at learning center, barangay hall, silid-
aklatan o tahanan.
___________________3. Nilalayon nito na matulungan ang mga hindi nakapapasok sa paaralan
upang makakuha ng elementarya at sekondaryang edukasyon.
___________________4. Sa programang ito, ang tagapagturo (instructor) ay pisikal na malayo sa
tinuturan (learner) at posibleng naisagagawa ang pagtuturuan sa
magkaibang oras.
___________________5. Kinilala ito ng Commission on Higher Education (CHED) bilang National
Center of Excellence Education dahil sa naging mahalagang papel nito
na makapagbigay ng serbisyong edukasyon sa bansa.
___________________6. Ang founding president ng E-Learning Practitioners Association of the
Philippines, Inc. (ELPAP, Inc.)
___________________7. Ang lahing ito ay may pagkakilala at malalim na pagpapahalaga sa
edukasyon.
___________________8. Ang nagsisilbing tagapaghanda sa mga bata para sa primaryang
edukasyon (primary education).
___________________9. Ginagamit na sistema ng edukasyon sa halos lahat ng bansa sa buong
mundo.
___________________10. Halimbawa ng pribadong paaralan na sa kasalukuyan ay may maraming
mag-aaral sa ilalim ng programang distance education
___________________11. Isang website kung saan may mga libreng e-learning reviewer para sa
National Achievement Test (NAT) at college entrance test.
___________________12. Isang departamento nagpapatakbo ng isang extension program na
tinatawag na e-learning para sa Agrikultura at Pangisdaan katuwang ang
Agricultural Training Institute.
___________________13. Ang online program ng TESDA ay may inaalok na online na mga
kursong naglalayong maipaabot sa mga mamamayan ang teknikal na
edukasyon sa pamamagitan ng teknolohiya ng Internet.
___________________14. Nagbibigay ito ng pagkakataon para sa mga nagtapos ng elementarya,
mga high school dropout, at mga pumasa sa Philippine Education
Placement Test (PEPT) upang makumpleto ang sekondaryang
edukasyon sa pamamagitan ng distance learning.
___________________15. Isang uri ng edukasyon sa mga bata na isinasagawa sa loob ng kani-
kaniyang tahanan.
___________________16. Isang nondegree na programa na naglalayong makapagbigay ng mga
kaalaman at kasanayang kailangan upang makapaghanapbuhay.
___________________17. Ang pag-aaral gamit ang mga elektronikong kasangkapan (electronic
gadget).
___________________18. Ito ang e-learning na hinaluan ng mga tradisyonal na pamamaraan sa
pag-aaral.
___________________19. Ang isang grupong naitatag noong 2002 sa Maynila at aktibong
nagtataguyod at gumagamit ng e-learning at may layuning magtaguyod
ng paggamit ng teknolohiya ng e-learning.
___________________20. Nakaankla sa pilosopiya nito ang Open High School Program (OHSP).
Page 7 of 19 AP 10

PANGALAN PETSA:

BAITANG AT PANGKAT: GURO:

Pagtataya

Panuto. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Sa iyong sariling pananalita, ilarawan ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang bentahe ng K to 12 Program sa bansa?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3. Alin sa mga programa ng pamahalaan para sa pagkakapantay-pantay sa edukasyon ang sa

iyong palagay ay pinakamabisa? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

4. Talakayin ang hindi magandang sistema ng edukasyon sa bansa.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

5. Bumanggit ng isang programa ng pamahalaan na nagsusulong ng pagkakapantay-pantay

sa edukasyon at talakayin.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Page 8 of 19 AP 10

Kabanata 2
_________________________________________________________________________
Mga Isyung Pansibiko at Pagkamamamayan (Civics and Citizenship)

Aralin 1 Pakikilahok sa mga Gawaing Pansibiko

Panimula

Ang sibiko (civics) ay tumutukoy sa tiyuretikal (theoretica) at praktikal na pag-aaral ng mga

aspeto ng pagkamamanmayan. Ang mga karapatan at mga tungkuling nakapaloob dito, ang mga
tungkulin ng mga mamamayan sa isa’t isa bilang mga miyembro ng isang politikal na katawan at
sa pamahalaan. Ito ay kinabibilangan ng mga pag-aaral ng batas Sibil (Civil law) at civil code, at
ang pag-aaral ng pamahalaan na nakapokus sa mga papel na ginagampanan ng mga
mamamayan sa operasyon at pangangasiwa ng pamahalaan.
Sa konteksto ng tradisyong pampolitika o etikal, ang sibiko ay tumutukoy sa pagbibigay-
edukasyon sa mga tao ukol sa kanilang pagkamamamayan. Ang kasaysayan ng sibiko ay
nagsimula sa mga snaunang pilosopiya sa sibiko nina Confucius ng sinaunang China at Plato ng
sinaunang Greece.
Ang pagkamamamayan naman ay tumutukoy sa kalagayan ng isang taong kinikilala sa
ilalim ng batas o kustom (custom) bilang isang miyembro ng isang nagsasariling estado
(sovereign state). Ang isang tao ay maaaring magkaroon ng maramihang pagkamamamayan
(multiple citizenship) at ang isang tao na walang Citizenship sa ano mang estado ay sinasabing
stateless o walang estado. Kaakibat ng pagkamamamayan ang mga tungkulin, karapatan, at
pribilehiyo ng pagiging isang mamamayan ng isang estado.
Ang nasyonalidad ay madalas na ginagamit bilang isang kasingkahulugan para sa
terminong pagkamamamayan, lalo na sa internasyonal na batas, bagamat ang terminong
nasyonalidad ay tumutukoy sa pagiging kasapi ng isang tao sa isang bansa o isang malaking
grupong etniko. Sa ilang mga bansa, gaya sa United States at United Kingdom, ang nasyonalidad
at pagkamamamayan ay may magkaibang kahulugan.
Ang mga isyung pansibiko at pagkamamamayan, bilang paksa sa araling
kontemporaryong isyu, ay tumutukoy sa mga isyung may kinalaman sa pagiging isang
mamamayan ng isang indibidwal. Nakapaloob dito ang mga karapatan at tungkulin ng isang tao
bilang kabilang sa isang pangkat mamamayan ng isang estado.
Ang ilan sa mga paksa sa ilalim ng isyung pansibiko at pagkamamamayan ay ang
prosesong pandemokrasya, aspetong pampoltika, sistemang panghukuman, at pampublikong
administrasyon.

Ang Pakikilahok sa mga Gawaing Pansibiko (Civic Engagement)

Ang pakikilahok sa mga gawaing pansibiko (civic engagement) ay tumutukoy sa mga
indibiduwal at kolektibong aksiyon na disenyon upang malaman at matugunan ang mga isyu sa
kapakanang pampubliko (public concern).
Ang civic engagement ay may iba't ibang anyo, mula sa mga indibidwal na pagboboluntaryo
(individual volunteerism) hanggang sa pakikilahok Sa organisasyon o sa partisipasyong elektoral.
Kabilang dito ang pagsisikap upang tuwirang iadres o tugunan ang isang isyu, makipagtulungan
sa iba pang kasapi sa komunidad upang malutas ang isang problema, o makipag-ugnayan sa
mga institusyon ng gobyerno. Nakapaloob din dito ang pakiramdam sa personal na
responsibilidad (sense of personal responsibility) na nag-uudyok sa mga mamamayan upang
itaguyod ang kanilang mga obligasyon bilang bahagi ng ano mang komunidad.

Mga Katangiang Dapat Taglayin sa Pakikilahok sa mga Gawaing Pansibiko

May mga katangiang dapat taglayin ang isang aktibong mamamayan na nakikilahok sa mga
gawain at usaping pansibiko. Ang mga katangian at pamantayang ito na dapat taglayin ay may
kinalaman sa relasyon sa sumusunod: (1) sa Diyos, (2) sa sarili, (3) sa pamilya, (4) sa kapuwa,
(5) sa kalikasan, at (6) sa pamahalaan.

1. Ang may kinalaman sa relasyon sa Diyos

• Nananalig sa salita at kapangyarihan ng Diyos.

2. Ang may kinalaman sa relasyon sa sarili

a) Mapayapa at malaya ang isipan at katauhan.

b) Mataas ang antas ng paninindigan. Mapagpahalaga sa katotohanan at karangalan.

Page 9 of 19 AP 10

c) Kalaban ng kasinungalingan, pagsasamantala, at katiwalian.

d) Mapangalaga sa kalusugan at malinis sa tahanan. Matiwasay maaliwalas, at masagana ang

kabuhayan.

e) Mahinahon, magalang, at hindi mayabang. Maagap at matapat sa mga kausap.

f) Masipag at maayos sa gawain. Mapaghanda sa lahat ng kaganapan at mapanatag sa labi ng

panganib at kasawian.

g) Matuwid gumanap sa kalayaan at makatao sa paggamit ng kapangyarihan.

h) Tagatagubilin sa mga kamalian, kalupitan, at kalabisan sa mga mamamayan.

i) Masugid na kaaway ng karahasan at kasamaan.

j) Tagapagtaguyod ng katarungan at kapayapaan.

3. Ang may kinalaman sa relasyon sa pamilya

• Mapagmahal at mapag-aruga sa pamilya. Magalang sa mga magulang.

4. Ang may kinalaman sa relasyon sa kapuwa

a) Mabuti at matapat na kaibigan (o kapuwa-tao).

b) Mapangalaga sa kinabukasan ng kabataan at kaligtasan ng mga kapitbahay

c) Mapagkaisa sa kabutihan ng mga mamamayan at sangkatauhan. Matulungin sa mga tunay na

nangangailangan at mapagdaop-palad sa mahihina at may mga karamdaman.

d) Kumikilos at namumuno sa pagpapalaganap ng kalinisan, kalusugan, kaligtasan, kapayapaan,

katarungan, at kasaganaan ng mga mamamayan.

5. Ang may kinalaman sa relasyon sa kalikasan

• Mapangalaga at mapagkalinga sa kapaligiran at lawak ng kalikasan.

6. Ang may kinalaman sa relasyon sa pamahalaan

a) Nakikialam sa mga hindi kaayusan at kaguluhan ng lipunan. Mapanaliksik ng mga kalutasan

sa mga problema ng bayan.

b) Matulungin sa mga makatao at makabayang layunin ng pamahalaan.

c) Mapangalaga sa kultura at mabubuting kaugalian ng bayan.

d) Maalab na tagapagtanggol sa kasarinlan at kalayaan ng bayan. Mapagmahal at mapag-aruga

sa pamilya. Magalang sa mga magulang

Pagsubok sa Kaalaman:
Gawain 1. Isulat ang salitang Tama kung wasto ang isinasaad sa pahayag, Mali kung
hindi wasto.
_______1. Sa ilang mga bansa, gaya sa United States at United Kingdom, ang nasyonalidad at
pagkamamamayan ay may magkaibang kahulugan.
_______2. Ang isang tao ay maaaring magkaroon ng maramihang pagkamamamayan (multiple
citizenship).
_______3. Ang nasyonalidad ay tumutukoy sa kalagayan ng isang tao na kinikilala sa ilalim ng
batas o kustom (custom) bilang isang miyembro ng isang nagsasariling estado
(sovereign state).
_______4. Ang kasaysayan ng sibiko ay nagsimula sa mga sinaunang pilosopiya sa sibiko nina
Contucius ng sinaunang China at Plato ng sinaunang Greece.
Page 10 of 19 AP 10

_______5. Ang civic engagement ay may iba't ibang anyo, mula sa mga indibidwal na
pagbobuluntaryo individual volunteerism) hanggang sa pakikilahok sa organisasyon o
sa partisipasyong elektoral.
_______6. Ang isang aktibong mamamayang nakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko
ay dapat tagapagtaguyod ng katarungan at kapayapaan.
_______7. Nakapaloob sa pagkamamamayan ang pakiramdam sa personal na responsibilidad
(sense of personal responsibility) na nag-uudyok sa mga mamamayan upang
itaguyod ang kanilang mga obligasyon, bilang bahagi ng ano mang komunidad.
_______8. Ang sibiko (civics) ay tumutukoy sa tiyuretikal (theoretical) at praktikal na pag-aaral
ng mga aspeto ng pagkamamamayan.
_______9. Ang isang tao na walang morals sa ano mang estado ay Sinasabing stateless o
walang estado.
_______10. Ang pagboto ay isang mahalagang bahagi ng sibiko.

Gawain 2.
Maglista ng apat na katangiang dapat taglayin sa pakikilahok sa mga gawaing pansibiko na
hindi na bangit. Pumili ng isa sa mga ito na tatalakayin mo sa online class.

Gawain 3.
Mag-online sa www.OurHappySchool.com. Sa pamamagitan ng search engine nito (bandang
kanan sa itaas), hanapin ang blog na Philippine Sangguniang Kabataan (SK): Abolition or
Reformation? Basahin ang maikling artikulo at magbigay ng sariling opinyon na isusulat sa
espasyong inilaan sa ibaba.
Page 11 of 19 AP 10

PANGALAN PETSA:

BAITANG AT PANGKAT: GURO:

Pagtataya.

Panuto A. Talakayin o bigyan ng depinisyon ang sumusunod na mga konsepto. Maaaring

gumamit ng mga sariling termino sa pagtalakay sa mga ito.

1. Sibiko (Civics)
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Pagkamamamayan
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Nasyonalidad
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Pakikilahok sa gawaing pansibiko

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Panuto B. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang iyong pagkaunawa sa mga konseptong sibiko at pagkamamamayan?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Magbigay ng isang katangiang dapat taglayin sa pakikilahok sa gawaing pansibiko. Talakayin.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Bumanggit ng isang gawaing pansibiko sa pamayanan at bansa. Talakayin.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

4. Magbigay ng isang epekto ng pakikilahok sa mga gawaing pansibiko. paliwanag.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

5. Tumalakay ng tatlong katangiang dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan na nakikilahok

sa mga gawain at usaping pansibiko.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

6. Tumalakay ng tatlong gawaing pansibiko sa pamayanan at bansa.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Page 12 of 19 AP 10

Kabanata 2
_________________________________________________________________________
Mga Isyung Pansibiko at Pagkamamamayan (Civics and Citizenship)

Aralin 2 Pakikilahok sa mga Gawaing Politikal (Political Socialization)

Panimula

Nakakukuha ang mga mamamayan ng isang bansa ng mga kaalaman ukol sa mga
bagay na pampolitika sa pamamagitan ng prosesong tinatawag na gawaing politikal o political
socialization. Ano ba ang tinatawag na gawaing politikal o political socialization?

Ang Gawaing Politikal (Political Socialization)

Ang gawaing politikal o political socialization ay tumutukoy sa mahabang proseso -mula
sa pagkabata hanggang sa pagtanda-kung saan ang mga indibidwal sa iba't ibang kaparaanan,
ay nakikilahok sa mga aktibidad na pampolitika at sa gayon ay nagkakaroon ng kabatiran sa mga
isyung pampolitika at nahuhubog ang kanilang mga paniniwala, opinyon, pag-uugali, at
pagpapahalaga ukol sa mga ito. Ang political socialization ay maituturing ding proseso ng
pagsasalin ng kulturang politikal sa bagong henerasyon ng mga mamamayan sa isang bansa.

Ang Pakikilahok Sa Mga Gawaing Politikal

Ang pakikilahok sa mga gawaing politikal ay tumutukoy sa pakikiisa, pagsama, o pagsali
ng mga mamamayan (lalo na ng mga constituent) sa mga pampublikong gawaing inilulunsad ng
gobyerno. Isang magandang halimbawa ng paglahok sa gawaing politikal ay ang pagpaparehistro
at pagboto ng mga mamamayang may edad na 18 pataas (age of majority). Sa ganitong paraan
ay magagamit ng mga tao ang kanilang karapatang pumili ng ng mga taong mamumuno sa kanila-
isang karapatang ginagarantiyahan ng konstitusyon ng isang demokratikong bansa.

Ang sumusunod ay ilan pang mga halimbawa ng pakikilahok sa gawaing politikal

1. Pangangampanya

2. Pagsali sa isang partidong politikal

3. Pakikipag-ugnayan sa mga opisyal

4. Paglagda at pamamahagi ng mga petisyon

5. Pagdalo sa mga pulong na pampolitika

6. Pakikilahok sa mga rally o demonstrasyon ukol sa mga isyung pampolitika

7. Pakikilahok sa mga debate o diskusyon sa mga isying politikal

8. Pagtulong sa gobyerno sa mga programa at proyekto nito

9. Pagtakbo sa posisyon sa gobyerno

Mga Instrumento ng Gawaing Politikal

May tinatawag na instrumento ng gawaing politikal o agent of political socialization na
siyang humuhubog o nag-impluwensiya sa pag-uugali ng tao. Masasabing ang pamilya, paaralan,
kaibigan, relihiyon, at media/technology Internet ang mga pangunahing instrumento ng gawaing
politikal. Subalit may iba pang maaaring makaimpluwensiya sa gawaing politikal tulad ng lugar
ng pinaghahanapbuhayan, politikal na asosasyon, mga kinabibilangang organisasyon o club, at
mga iniidolong tao. Maaaring makaimpluwensiya ang mga ito sa mga mamamayan dahil sa
pakikihalubilo at lalo na kung ang mga ito ay mahalaga sa kanila.
Page 13 of 19 AP 10

Narito ang mga pangunahing instrumento ng gawaing politikal.

1. Pamilya
Malakas ang impluwensiyang politikal ng isang pamilya sa isang tao lalo na sa mga bata.
Ang pamilya ang pangunaning Katuwang at sandigan ng isang tao kaya't napakalaki ng
impluwensiya nito ukol sa pananaw niya maging sa politika. Dahil malaki ang paggalang ng isang
tao at pagpapahalaga sa kaniyang pamilya at ito ang palagian niyang kasama, madalas na
sinusunod nito ang ano mang kaugalian at paniniwala ng kaniyang pamilya maging sa isyung
pampoltika.
Kadalasan, kung ano ang paniniwalang politikal ng isang magulang, iyon din ang nagiging
paniniwala ng kaniyang mga anak. Subalit kapag umabot na sa hustong edad (maturity) ang isang
tao at nabubuksan na ang kaisipan sa ibang mga ideyang pampolitika, maaaring mawalan na
ng malaking impluwensiya ang pamilya.

2. Paaralan
Ang paaralan ay may mahalagang bahagi sa gawaing politikal ng isang tao. Mula sa
pagkabata, natututuhan sa paaralan ng mga bata ang pinakapangunahing kaalaman ukol sa
politika at ang mga kailangan sa pakikilahok sa gawaing pampolitika. Dito natututuhan ang ukol
sa simulain ng pagkamamamayan, kasaysayan, heograpiy Sistemang pampolitika, at iba pang
isyung pampolitika kung saan nabubuksan ang kanilang kamalayan.
Ang paaralan din ang nagpapakilala ng Karapatan ng bawat tao tulad na lamang ng pagboto.
Sa mga kolehiyo mas nahuhubog ang kaalaman ng bawat mag-aaral sa gawaing politikal dahil
dito nila mas napag-aaralan ang mga nangyayari sa lipunan.

3. Kaibigan
Ang mga kaibigan o ang kani-kaniyang grupo ng bawat nilalang, na kung saan ay may
pagkakapareho sa interes, edad, at marami pang iba ay maaari ding makaimpluwensiya sa
gawaing politikal. Sila ay maaaring mag-usap sa mga bagay na pampolitika at puwede nilang
maimpluwensiyahan ang bawat isa sa kanilang mga pananaw.
Maaari din silang magkaroon ng debate sa kani-kanilang pananaw upang mas maliwanagan
ang kanilang isipan. Maaari din nilang maipakilala ang natutuhan nila sa gawaing politikal na
nakuha nila sa loob ng tahanan at paaralan. Ngunit minsan lamang iton mangyari dahil hindi
naman ito sa lahat ng pagkakataon ay mag uusap sila sa gawaing politikal dahil hindi naman nila
prayoridad na pag-usapan ang politikal na bagay.

4. Media/Technology/Internet
Sa panahon ngayon, ito ang maaaring siyang pinakaimpluwensiyal na instrumento sa
gawaing politikal dahil lahat ay naabot na ng teknolohiya. Sa bawat telebisyon sa bahay ay
maaaring mapanood ang tungkol sa politika. Hindi lamang sa telebisyon, maging sa Internet, dahil
isa rin itong instrumentong nakapagpapaabot sa tao ng iba't ibang impormasyon.
Ayon sa pag-aaral, tumataas na ang exposure ng tao sa media simula pa noong 1960 kaya
naman talagang napakalaki ng impluwensiya ng media sa tao. Ang halos lahat ng tao ngayon ay
maaaring maka-access sa Internet. Sa mga nakikita at nababasa sa Internet ay maaaring
magbukas sa isipan ng mga netizen sa mga bagay na politikal. Sa ngayon, ginagamit na rin ng
mga politiko ang teknolohiya upang makapangampanya (online campaign). Sa media, maaaring
mai- promote ang ilang personalidad upang mas lalo silang makilala.

5. Relihiyon
Malaki rin ang impluwensiya ng relihiyon sa gawaing politikal ng isang tao. Base sa mga
paniniwala at aral ng isang relihiyon, itinuturo nito sa kaniyang mga miyembro kung paano ang
marapat na pakikilahok sa gawaing politikal tulad na lang sa pagboto, pagsunod sa batas, at
paggalang sa awtoridad. Ang isang halimbawa ay ang Iglesia ni Cristo. Tuwing halalan,
nagkakaisa ang mga mananampalatayang kaanib ng relihiyong ito sa kung sino ang ihahalal o
iboboto bilang bahagi ng kanilang doktrina at pananampalataya.
Page 14 of 19 AP 10

Pagsubok sa Kaalaman:

Gawain 1. Sa pangunguna ng iyong guro, umisip ng isa sa pangkasalukuyang mahahalagang

isyung pampolitika na kinahaharap ng sariling pamayanan at bansa na hindi nabanggit sa aklat
na ito. Magsagawa ng maikling talakayan ukol dito.

Gawain 2. Talakayin o bigyan ng depinisyon ang sumusunod na mga konsepto. Maaaring

gumamit ng mga sariling termino sa pagtalakay sa mga ito.

1. Political socialization
______________________________________________________________________

2. Pakikilahok sa gawaing politikal

3. Instrumento ng gawaing politikal o agent of political socialization

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

4. Bansang demokratiko

Gawain 3. Gumuhit ng isang larawan sa loob ng kahon patungkol sa Pakikilahok sa mga Gawaing
Politikal. Isulat ang paliwanag sa ibaba ng kahon.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Page 15 of 19 AP 10

PANGALAN PETSA:

BAITANG AT PANGKAT: GURO:

Pamprosesong Kasanayan

Panuto A. Sagutin ang sunusunod na mga tanong

1. Paano ba nagkakaroon ang isang mamamayan ng mga saoo paninwala, at pag-

uugali ukol sa politika? Paano ba siya natututo ng mga bagay na may kinalaman sa
mga isyung politikal?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Magbigay ng isang kahalagahan ng pagkakaroon ng kooperasyon ng mamamayan

at pamahalaan sa paglutas sa mga suliraning panlipulnan. Talakayin ang iyong
sagot.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Magbigay ng isang epekto ng pakikilahok sa mga gawain at usaping pampolitika.

Talakayin.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Ano-ano ang epekto ng pakikilahok ng mamamayan sa mga gawain at usaping

pampolitika?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Page 16 of 19 AP 10

PANGALAN PETSA:

BAITANG AT PANGKAT: GURO:

Pagtataya
Panuto A. Hanapin sa hanay B ang hinihinging sagot sa hanay A. Titik lamang ng sagot ang isulat
sa patlang.

A B

______1. Ang nagtuturo ng simulain ng a. Pangangampanya

pagkamamamayan,kasaysayan, heograpiya,
sistemang pampolitika at iba pang isyung pampolitika
kung saan nabubuksan ang kanilang kamalayan b. Paaralan

______2. Naipahahayag ng isang kandidato sa c. Age of majority

pamamagitan nito ang kaniyang mga plano sa
gobyerno o ang d. Pamilya
tinatawag na plataporma.
e. Pagtakbo sa posisyon
______3. Ito ay makakatulong na lumikha,
magprotekta at magpaunlad ng demokrasya. f. Media

______4. Ito ay maituturing ding proseso ng pagsasalin g. Iglesia ni Cristo

ng kulturang politikal sa bagong henerasyon ng mga
mamamayan sa isang bansa. h. Gawaing politikal

______5. Ito ang tawag sa edad na 18 pataas kung i. Kooperasyon

kalian ang isang mamamayan ay maaari nang bumoto
sa halalan. j. Agent of political socialization

______6. Isa ito sa mga halimbawa ng pakikilahok sa

gawaing politikal.

______7. Ito ang humuhubog o nag iimpluwensiya sa

pag-uugali ng tao.

______8. Ito ang pangunahing katuwang at sandigan

ng isang tao kaya’t napakalaki ng impluwensiya nito
ukol sa pananaw niya maging sa politika.

______9. Maaaring mai-promote rito ang ilang

personalidad upang mas lalo silang makilala.

______10. Ang mga mananampalatayang kaanib ng

relihiyong ito ay nagkakaisa sa kung sino ang ihahalal
o iboboto bilang bahagi ng kanilang doktrina at
pananampalataya.

______

Panuto B. Mag-online sa www.OurHappySchool.com. Sa Schoology comment section sa ilalim

nito, ilagay ang hindi mo malilimutang kaalaman o karanasan sa asignaturang ito. Gumamit ng
#Sorry'ThankYou GoodBye #MgaKontemporaryonglsyu.
Page 17 of 19 AP 10

PANGALAN PETSA:

BAITANG AT PANGKAT: GURO:

Panghuling Pagtataya

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang nondegree na program ana naglalayong makapagbigay ng mga kaalaman at

kasanayang kailangan upang makapaghanapbuhay.
a. Non-formal education
b. Technical and Vocational Education Traning (TVET)
c. Tersiyaryong edukasyon
d. Alternative Learning System (ALS)

2. Ito ay programa ng DEPED na naglalayong matulungan ang mga hindi nakapasok sa

paaralan.
a. Distance learning
b. Alternative Learning System (ALS)
c. Home education
d. Technical and Vocational Education Traning (TVET)

3. Ang e-learning, kapag hinaluan ng mga tradisyonal na pamamaraan sa pag-aaral, ay

tinatawag na _________.
a. Home schooling c. Blended learning
b. Distance learning d. E- learning

4. Pag-aaral gamit ang elektrinikong kasangkapan (electronic gadget), at karaniwan itong

paggamit ng kompyuter upang makapaghatid ng bahag, o ang kabuuan ng isang kurso.
a. Blended learning c. Distance learning
b. E- learning d. Home schooling

5. Binubuo ng anim na taon ng nakabalangkas na edukasyon pagkatapos ng preschool.

a. Pormal na edukasyon c. Premaryang edukasyon
b. Inpormal na edukasyon d. Preschool

6. Pagtitipon ng mga taong nais matuto tungkol sa kanilang kapaligiran.

a. Academia c. Edukasyon
b. Pormal na edukasyon d. Environmental knowledge

7. Ang ___________ ay may mahalagang bahagi sa gawaing politikal ng isang tao.

a. Paaralan c. Relihiyon
b. Kaibigan d. Pamilya

8. Malaki rin ang impluwensiya ng _________ sa gawaing politikal ng isang tao. Base sa
paniniwala.
a. Kaibigan c. Relihiyon
b. Pamilya d. Paaralan
Page 18 of 19 AP 10

9. Sa panahon ngayon, ito ang maaring siyang pinakaimpluwensiyal na instrument sa gawaing

politikal dahil lahat ay naabot na ng teknolohiya.
a. Dyaryo c. Cell phone
b. Radyo d. Internet

10. Malakas ang impluwensiyang politikal ng isang ______ sa isang tao lalo na sa mga bata.
a. Pamilya c. Paaralan
b. Relihiyon d. Kaibigan

11. Sa pangangampanya, naipapahayag ng isang kandidato ang kaniyang mga plano o ang
tinatawag na ________
a. Paghalal c. Batas
b. Plataporma d. Resolusyon

12. Tumutukoy sa mahabang proseso mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda kung saan
ang mga indibiduwal sa ibat’t ibang kaparaanan, ay nakikilahok sa mga aktibidad na
pampolitika.
a. Political socialization c. Political empathy
b. Political science d. Politics

13. Pagsulat ng petisyon at pagka-canvass (Writing petitions and canvassing)

a. Social empathy c. Boses pampolitka
b. Elektoral d. Sibil

14. Ang paglutas ng problema sa komunidad (Community problem solving)

a. Sibil c. Elektoral
b. Boses pampolitka d. Social empathy

15. Madalas na ginagamit bilang isang kasingkahulugan para sa terminong pagkamamamayan.

a. civic engagement c. Patriyotismo (Patriotism)
b. nasyonalidad d. pagkamamamayan

16. Ang ________ naman ay tumutukoy sa kalagayan ng isang taong kinikilala sa ilalim ng
batas o kustom (custom) bilang isang miyembro ng isang nagsasariling batas (sovereign
state).
a. pagkamamamayan c. nasyonalidad
b. Sibiko (civic) d. civic engagement

17. Tumutukoy sa tiyuretikal (theoretical) at praktikal na pag-aaral ng mga aspeto ng

pagkamamamayan.
a. pagkamamamayan c. nasyonalidad
b. Sibiko (civic) d. civic engagement

18. Ang edukasyong nakasentro sa tuwiran at praktikal na pagsasanay para sa partikular na

kasanayan.
a. Tersyaryong edukasyon c. Praktikal na edukasyon
b. K-12 program d. Bokasyonal na edukasyon

19. Pangkaraniwang nag-aalok ng edukasyon sa mga batang may edad na tatlo hanggang lima.
a. Tersiyaryong edukasyon c. Sekondarya
b. Nursery d. Premaryang edukasyon

20. Isinabatas ang Batas Republika Blg. 10533 (Enhanced Basic Education Act of 2013)
a. 2013 c. 2015
b. 2014 d. 2016
Page 19 of 19 AP 10

Mga Sanggunian:

Aklat:
• Mga Kontemporaryong Isyu Jens Micah De Guzman

Internet Links:
• Contemporary Issues. http://www.ask.com/world-view/contemporaryissues
• Critical Examination of Media Role in Globalization. (n.d). Scribd.com
• Dynasty. (n.d.) In Wikipedia.org
• Economical and political effects of Globalization. (n.d.) Cambidiawriters.com.
• Globalization and Education. (n.d). Education.stateuniversity.com. Retrieved August
19, 2016, from http://education.stateuniversity.com/pages/2010/Globalization-
Education.html
• Electing Members of Political Clans Embodies Freedom of Choice. (n.d. New8info.
inquirer.net. Retrieved February 11, 2015, from http://newsinfo.inquirer,
net/628992/electing-members-of-political-clans-embodies-freedom-of-choice
• Environmental Problems. (n.d). Stanford.edu. Retrieved September 17, 2016,
• Environmental Problems. (n.d). Scribd.com. Retrieved September 18, 2016, from
http://www.scribd.com/doc/176223559/Environmental-ProblemsEpektongPoltical Dynasties.
(n.d.) Remate.ph. Retrieved May 2, 2016, from http://
• www.remate.ph/2013/02/epekto-ng-political-dynasties/
http://dge.stanford.edu/SCOPE/SCOPE 1/SCOPE1 5.0 from Problems_21-26.pdf
• E-Learning. (n.d.). Academia.edu.
• List of Territorial Disputes. (n.d). In Wikipedia.org. Retrieved July 25, 2016, from
http://tl.wikipedia.org/wiki/List-of-territorial-disputes
Magbunga, R. (n.d.). Accessibility, Affordability and Quality of Phiippine Education.
enatomaounga.wordpress.com. Retrieved July 25, 2016, Irom https://
renatomabunga.wordpress.com/2011/12/13/accessibility-atlordability-quality-
oI-philippine-education-2011-right-to-education-situation-philippines-2nd-of-3-
series/
• Why the South China Sea Has More Oil than you think.Forbes.com
• The Role makers. Philippine Center for investigative journalism. PCIJ:Manila
• https://quizlet.com/193130377/prostitusyon-at-pang-aabuso-flash-cards/
• https://quizlet.com/268273742/aralin-10-isyu-sa-karapatang-pantao-flash-cards/
• https://quizlet.com/tr/506040181/mga-isyu-na-may-kaugnayan-sa-kasarian-flash-cards/
• https://www.sunstar.com.ph/article/17198/Lifestyle/Editorial-Ruling-on-same-sex-marriage

You might also like