You are on page 1of 1

Ano ang paninindigan mo sa pantay patay na kasarian?

May iba’t ibang uri ng kasarian tulad ng lesbian, gay, bisexual, transgender at iba pa. Sa kasalukuyang
panahon ngayon ay mas dumarami pa ang iba’t ibang uri ng kasarian ngunit karamihan sa ating lipunan
ay hindi parin matanggap tanggap ito. Ang mga miyembro ng LGBTQI+ay minsang hinaharap ang mga
diskriminasyon at pang- aapi ng bawat taong hindi sumasang-ayon sa LGBTQI+ Community. May
magagandang na idulot ang pagkapantay-pantay ng kasarian ito ay ang pagkapantay-pantay ng tingin ng
bawat tao sa isa’t isa. Kailangan nating manindigan para sa pagkapantay-pantay ng kasarian upang
magkaroon ng kapayapaan ng ating bansa. Matutulungan din nila ang ating bansa na umunlad dahil sa
aking pananaw ay karamihan ng mahuhusay at talentadong indibidwal ay kasapi ng LGBTQI+. Kagaya ng
sa LGBTQI+ Community ang mga babae ay nangangailangan din ng mga karagdagang karapatan upang
magkaroon pa sila ng daan na mabibigay sa kanila ng mas malayang pagkilos tulad ng mga lalaki sa ating
lipunan. Dahil noong unang panahon ating nakasanayan na ang babae ay dapat nasa bahay lamang dahil
sa wala itong lakas bumuhay ng pamilya, samantala ang lalaki ay dapat mag hanap buhay para kaniyang
mabuhay ang sariling pamilya.

You might also like