You are on page 1of 3

Tamang pag-ibig sa maling panahon,

Maling oras, maling pagkakataon.

Bibigyan kita ng apat na yugtong nais kong iyong maalala.

Magsimula tayo sa umpisa kung saan tayo nagkakilala.

Sa loob ng apat na sulok ng kwartong naglalaman ng maraming tao,

Ang tanging namukod tangi sa 'kin ay ang mga ngiti mo.

Nadala ako sa malamlam mong mga mata,

Sa labi mong maganda ang pagkakakurba,

At habang tinititigan kita,

Naisip kong marahil madaming oras ang ginugol sa iyo ng Dakilang Manlilikha. Lumakas ang
pagkabog ng puso ko nang nagkatitigan na tayong dalawa, Naramdaman ko yung 'slow motion' na
sinasabi ng iba,

Lahat ay tumigil, pati ang ingay ay humupa,

Duon nalaman ko, may ninakaw ka sakin na mukang kailanman ay hinding hindi ko na mababawi
pa. Naging kaibigan kita, sobrang lapit pa nga,

Umabot sa puntong magkapatid na ang naging turingan natin sa isa't isa. Walang araw na di tayo
magkasama,

At sa mga araw na yun ay walang oras na hindi ako masaya.

Sayo, sayo ko naramdaman na masaya parin pala kahit magkatabi lamang tayong dalawa, Kahit
walang nagsasalita at kahit wala tayong ginagawa,

Basta magkatabi tayo at magkalapit kung san ramdam natin ang init, Init ng nagaalab na
damdaming tayo lamang ang nakakaintindi.

Akala ko kaibigan lang ang magiging parte mo sa story ng buhay ko, Ngunit ang di ko alam ay
may mas malalim pang dahilan kung ba't nakilala kita sa malaking mundong ito. Dumako tayo sa
yugto kung saan inamin mong gusto mo na ako,

Oo, umamin ka, at maski ako'y nagulat sa malaking balitang ito.


Masaya ako nun! Totoo, yun na ata ang siyang pinakamaligayang araw ng buhay ko. Ngunit nang
panahong iyon ay natatakot pa ako.

Natatakot masaktan ang isang katulad mo,

inosente at walang alam sa mundong ginagalawan mo.

Hindi ko kaya dahil natatakot ako para sating dalawa.

Sinubukan kong pigilan, hindi dahil di kita gusto, pero dahil ang saktan ka ay wala sa aking plano.
Ngunit nang tumagal ay mas napalapit ang loob ko sa 'yo,

Nadala na ako sa malambing na boses mo,

Nabihag ako sa kung paanong titigan ako ng mga mata mo,

At dahil dun ay umusbong na ang salitang "tayo."

Ikatlong yugto ay ang pinakamagulo,

Ito ang yugto kung saan ka nagsimulang magbago.

Ang dating mahigpit na kapit ay unti-unting nanghina,

Dahil sa kamalian ng pagmamahalan nating dalawa.

Hindi pa... hindi pa ito ang tamang oras para sa 'ting dalawa,

Yan ang lagi nating naririnig sa iba.

Nagumpisa nang gumuho ang mundong sabay nating binuo,

Dahil ang kwento pala nati'y nalalapit na sa dulo.

Kasabay ng pag-agos ng napakaraming luha,

Kasabay ng mga nabitawang masasakit na salita.

Mahal ko! Nangako ka diba?

Nangako ka na hanggang sa dulo ay magkasama parin tayong dalawa? Ngunit ano? Nasan ka?
Nasan na ang init ng nagaalab na pagibig na dati mong pinadama? Mahal ko, bakit nanlamig ka
na?
Sabi ko naman sayo wag kang makikinig sa sinasabi ng iba,

Sabi ko naman sayo ay tumingin ka lamang sa aking mga mata...

Ngunit hindi, pinakinggan mo sila.

Mas pinakinggan mo ang sigaw ng iba na "hiwalayan mo na yan, tama na!" kesa sa mahinang
bulong kong

"wag, manatili ka mahal dahil hindi ko kaya.. Hindi ko kaya ng wala ka.." At huli ay ang yugto
kung san pinagsisihan natin ang lahat,

Ang rasong mahal kita ay hindi na pala sapat.

Hindi na sapat upang kumapit pa,

Hindi na sapat pagkat nakakasawa na.

Ang sakit isiping ang dating matamis nating umpisa ay nagtapos sa pagsisisi nating dalawa, Mahal
parin kita, ngunit ngayong ako'y napagod na,

Ang hirap palang kumapit kung ang isa ay bumitaw na.

Marahil tayo para sa isa't isa ay hindi talaga nararapat,

Sapagkat nagmahalan tayo sa panahong hindi pa dapat.

Hindi pa tayo handa, Hindi pa natin kaya.

Kaya naman ang pagbitaw ang naging hudyat ng pagtatapos nating dalawa. Wag mong isiping
sinukuan na kita kaya nalikha ko itong tula na naglalaman ng storya nating dalawa, Hindi.

Ayokong isiping ito na ang huli,

Ngunit marahil ito nga ang mas makakabuti,

Kung hindi pa dapat ay wag na muna nating ipilit,

Kaya mahal, bitaw na, pagkat luluwagan ko na ang aking kapit.

You might also like