You are on page 1of 3

Distansya

? (tandang pananong)

Oo, dyan tayo mag-uumpisa dahil hindi ko alam ang dahilan ng napakaraming bagay

Bakit gagawin ko ang tulang ito?

Bakit ako nagkagusto saya?

Bakit ikaw ang ginusto ko?

Bakit minahal kita?

Bakit ako masaya?

Ang daming bakit di ba? Ang daming tanong.

Uumpisahan natin ito sa mga ala-alang ating pinagsaluhan noong musmos pa

Na sa isang laro'y tayo'y naging masaya

Ngiti, tawa, pagod, pawis, dungis pero masaya

Hindi alintana ang iba na nakapalibot sa tuwina

Ngunit lahat ng umpisa ay may hangganan nga pala

ni hindi ko na rin matandaan kung paanong tayo'y pansamantalang nagkalimutan

Sa pag-alis sa kamusmusan ay paglayo ng ating mga kapalaran

Makailang ulit din sumagi ang iyong mukha sa aking isipan, di ko na matandaan kung sino sa inyo ang
una at yoong ikalawa

Pero...

Minsan, habang tinatahak ang madilim na daan patungo sa lugar kung saan ako'y kinakalinga't inaruga

Nakita kita, tiningnan kita ngunit di mo ako nakita

Ako'y patuloy ang paglayo

Minsan, isang gabing ako'y tumatawa kasama ang kaibigan, pumasok sa nakakahong lugar

Maraming tao, maingay magulo ngunit masaya

Nakita kita, ngunit hindi mo ulit ako nakita at ako'y umalis na


Minsan, naglalakad ka bitbit ang sisidlang tila tubig ang kulay, nakita kita pero di mo ulit ako nakita at
yun na.. Ang huling beses na nakita kita

Minsan, napataning ako "kilala pa kaya n'ya ako? "

Ang minsan ay hindi na naulit pa hanggang sa muli na naman kitang nalimutan

Ngunit isang gabi na ako'y abala, hawak ang isang parihabang bagay na parte na rin ng aking buhay

Pangalan mo ang nakita, kaya mata ko'y sumaya

Pagdaka'y sinulatan kita gamit itong parihabang bagay sa aking kamay

Ngunit tila hindi mo na nga ata ako kilala sapagkat ni hindi mo ito binasa

Pansamantala na naman kita nakalimutan.

Isang gabi, habang ako'y namimighati sa inabot namin sa kamay na bakal ng taong makapangyarihan...
Isang mensahe ang natanggap ko mula ako.

Dali-daling binasa at kaagad kang sinulatan.

Nag-umpisa sa isa, dalawa, tatlo hanggang sa dumami na.

At sa wakas, nakilala mo na rin ulit ako.

At doon na tayo nag-umpisa.

Masaya, ang saya. Hindi inaasahan ang mga naganap. Hindi makapaniwala.

Ngunit tila may pagdududa hindi sayo kundi sa sarili ko.

Natatakot ako hindi sakin kundi para sayo

Ilang taon akong naging mag-isa

Ilang taong nasanay nang mag-isa

Natatakot lang dahil baka masaktan kita

Nagtatanong, "mahal ba talaga kita"

Sa buong buhay ko, ngayon lang ako natakot ng ganito hindi sa sarili ko kundi para sayo.

Pero sa bawat araw at gabing magkausap tayo. Sa bawat mesaheng natatanggap ko mula ako,
nararamdaman kong, may nararamdaman ako sayo

Sa bawat gabing magkausap tayo, masaya ako dahil ramdam kong ito'y totoo
Ganito nga pala ang pakiramdam, ilang taon ding nasanay sa sarili ko lang. Ganito nga pala ang
pakiramdam ng nagmamahal at minamahal.

Hindi man tayo katulad ng iba..

Ni hindi pa nga tayo nagkikita, hindi mo pa nahahawakan ang kamay ko, ni hindi pa man lang
dumadampi ang balat ko sa balat mo, ni hindi pa tayo nag uusap ng matino, nakakatawa pero iyon ang
tunay

Malayo man sa isa't isa dagat man ang pagitan nating dalawa, hindi iyon ang mahalaga basta't totoo
tayo sa isa't isa

Di hadlang ang distansya para maipadamang mahal kita

Sa tulang ito, sana mabatid mo na.

Hihintayin ko ang pagkakataong idudulot ng maykapal na tayo ay magkita't magkasama

Wag kang mag-alala dahil hindi ako hahanap ng iba marami mang taong nakapaligid sa tuwina

Ikaw lang ang gusto ko at wala ng iba

Hindi ko man mailaan ang buong oras ko sayo pero pipilitin kong magbigay ng oras para sayo

Sana sa mga oras na'to, mabasa mo ito hanggang dulo

Ito'y mumunting regalo ko para sayo! Walang kwenta pero sana'y matalos mo ang nasa isip ko.
Maghihintay ko abutin man ng kahit gaanong katagal basta maghihintay ako... .(tuldok)

You might also like