You are on page 1of 4

Ang tulang to ay para sa taong mamahalin ko

Sa taong hindi ko pa alam kung sino

Sa taong ang tagal dumating, na traffic siguro.

IKAW.

Ikaw ang aking araw at gabi.

Dahil sayo ako ay natutong magmuni-muni

Nililibang ang oras, hinihintay ang iyong pagdating

Iniisip ko kung ako pa ba ay iyong sisiputin.

Ilang tao na ang dumaan

Ilang tao na rin ang nagparamdam

Bawat tao ay may kanya-kanyang paraan

Pero bakit tila may parang kulang?

Marami na akong nagustuhan

Marami na akong naramdaman

Ngunit ni isa sa mga yon, wala pa ring mapusuan.

IKAW.

Para sayo to

Hindi pa kita kilala ngunit sinasabi ko sayo, ang pag ibig ko ay totoo.

Hindi pa tayo nagkikita ngunit alam ko,

Pag tayo’y nagkita, mayayanig ang ating mundo.

oo. Mayayanig ang ating mundo sapagkat

Isa nanamang kaluluwa ay nagkita at mag iisa

Kaluluwang sa isat-isa ay itinakda.

na tila parang isang propesiya

na mga pangalan natin ay nakatala.

Na sa pagdating ng panahon,

Tayo’y magsasama at magkikita.


IKAW.

Na walang pangalan

Na para kahit kanino lang

Tulang isinulat para kanino man

Ikaw na lang talaga ang kulang.

Hindi naman sa ako ay nagmamadali

Inaasam ko nga ang bawat sandali

Na ako’y malaya pa at hindi muna magkamali.

Ngunit kung dumating ka na talaga

At dala ang sinasabi nilang tadhana

Mahihinuha ko na

Na ako’y para sayo at ika’y para sa akin talaga.

IKAW.

Nasan ka kaya

Ikaw rin ba ay malaya?

San ka kaya nakatira?

Taga dito ka ba? O taga ibang bansa?

Hindi na yon mahalaga

Ang mahalaga ay yong tayo ay magkita

Kahit saan man yan

Hilaga o kanluran

Sa Timog o silangan

Kahit sa ibang bayan pa yan

Magkikita at magkikita pa rin tayo

Kahit anong oras o kung kahit saan pa man.


IKAW.

Kung nasan ka man

Sana ikaw ay masaya

Masaya sa piling ng iba

Kahit sya muna

At moment nyo pa

Dadating ang panahon na maglalaho ang nararamdaman nyo sa isa’t isa

Wag kang matakot buksan ang puso sa iba

Marami pang tao ang magbibigay sayo ng saya

Kaya ikaw. Wag kang mangamba

May mga tao pang hindi mo pa na kilala

Hindi mo alam yung taong yun nasalubong mo na

Yung taong nasa yo na pala.

Yung taong di mo inaakala

IKAW

Hindi ko alam kung kelan ang yung dating

kay tagal na panahon nang ika’y aking pangarapin

taong hindi ko kailanagang hanapin

kung ika’y para sa akin. Ika’y darating.

Ikaw ang aking araw at gabi

ang mga tala sa gitna ng dilim

ang liwanag sa pagsapit ng umaga

at ang unang tao gusto kong makita.

You might also like