You are on page 1of 1

Hiling

Ni Dianne Baruela

Gabi gabi akong tumitingin sa langit. Tinitignan ko ang mga bituin na kumikislap sa dilim habang nakaupo sa harap
ng bintana ng kwarto ko. Hindi ba’t parang nakakagaan ng pakiramdam? Yung kahit saglit lang, tahimik yung isip
mo. Kahit saglit lang ay nawawala yung problema mo.

May nabasa akong libro tungkol sa mga stars…. at tumutupad daw sila ng mga wish. Nakakatawang pakinggan dahil
tunog pambata pero parang ang sarap paniwalaan, di ba? Sabi don, magbilang daw ng nine na bituin na makikita
mo, kailangan sunod sunod hanggang siyam na araw at kapag nakumpleto mo na yung nine days – pwede ka daw
mag-wish, whatever your heart’s desire, papakinggan daw yun ng universe. Hindi ko alam kung anong meron sa
nine at wala din namang kasiguraduhan na totoo nga yun pero waala namang mawawala kung susubukan kaya tin-
ry ko din. Parang ang saya lang kasi isipin na papakinggan nga tayo ng universe.

Isa…. Dalawa… Tatlo… Apat… Lima… Anim… Pito… Walo… Siyam… patuloy lang ako sa pagbibilang. Habang
tumatagal na-eenjoy ko na din dahil ang sarap tignan ng kalangitan at mga bituin. May hiling kasi ako sa mga bituin.
Simple lang naman, sana makilala ko na yung taong naka destiny sakin. Meron akong taong gusto sa campus namin.

Paano ka naman kasi hindi mahahangaan eh, bukod sa ang gwapo gwapo mo, Ang talino mo pa. Yung mga ngiti mo,
nagpapagada ng araw ko. Yung katawan mo na ang tikas tikas, lalaking lalaki. Yung sense of humor mo, ang taas.
Kahit sino ata nagagawwa mon mapatawa kapag malungkot. Lahat ata nasayo na eh. Alam kong madaming
magagandang babae dyan na nagkakagusto rin sayo perosasabihin ko pa din.

Kasabay ng pag hiling ko sa mga bituin, sinubukan ko na din humiling tuwing 11:11 ng gabi. Uso yun diba? Yung
Make A Wish tuwing sasapit yung 11:11. So, ginawa ko din yun! “(gesture: hand clasp wishing) “Sana gusto din ako
ni Jeremy”. Maski nga tuwing 11:11AM, pinapatos ko na, kahit umaga tuwing sasapit yung oras nay un, nag-wiwish
na rin ako. Para more chance of winning!

Araw araw din tuwing umaga, kahit hindi ako palabasa ng dyaryo, tinitignan ko na din yung sinasabi ng guru sa
horoscope. Nung isang araw, sabi don, susuwertihin daw ako. At oo nga, nung pagpasok ko sa school,
nagkasalubong tayo at tinignan mo pa ako. Haaaaay, sabi ko “Thank you universe, nakikiayon ka din sakin”. Kaso
nung hapon, di ko naman akalain na babawiin agad yung saya na naramdaman ko nung araw na yun, dahil nung
paghakbang ko malapit sa pwesto mo ay hindi ko napansin yung dinadaanan ko, ayun nadulas ako, oo sa harap nya
pa. Nakakahiya. Akala ko katulad sa mga movies, ay sasaluhin mo ako. At hindi lang isang beses nya nakita, marami
pang beses nya nakita ang ka-clumsy-han ko. Sobrang nakakahiya.

“Gusto kita” dalawang salita lang pero ang tagal ko bago nasabi. Dalawang salita lang pero napakahirap aminin. Sa
totoo lang ginawa ko lang dahilan yung mga paghiling hiling ko para mapalakas yung loob ko.

At ngayon nagtatapat na ako sayo. Tama kayo, dumating nga yung araw na nagtapat ako sa kanya na gusto ko sya.
Lumuwag yung dibdib ko kasi finally nasabi ko din. Pero sana hindi na lang pala. Sana pala tinuloy ko na lang tignan
ka sa malayo. Tama na naman kayo, iniwan nya ako sa gitna ng oval at kasabay ang mga salitang “Sorry, pero may
mahal kasi akong iba eh.” Bakit ba hindi rin tayo nagugustuhan ng taong gusto natin? Totoo nga, kasing taas ka ng
bituin, na hindi ko makuha, kasing taas ka ng mga bituin sa langit dahil ang hirap mong abutin.

You might also like