You are on page 1of 33

Kay Estella Zeehandelaar ni Ruth Elynia S.

Mabanglo

Japara, Mayo 25, 1899

Ibig na ibig kong makilala ng isang babaeng moderno iyong babaeng malaya, nakapagmamalakit
makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masiglat maagap na hinaharap ang
buhay, puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kundi maging
ang kabutihan ng buong sangkatauhan.

Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa pusot isip koy
hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae
na tumatanaw sa malayong kanluran.

Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang
ipagkaloob ang sarili sa mga nagtratrabaho;t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit
nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi maaaring suwayin. Balang araw maaaring lumuwag ang
tali at kamiy pawalan, ngunit lubhang malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating
iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na hebenerasyon. Alam mo ba kung paano mahalin
ang bago at batang panahong ito ng buong pusot kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian
at kumbensyon ng sariling bayan. Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking
mga kababayan ang lahat ng mga institusyon naming. Wala akong iniisip gabit araw kindi ang
makagawa ng paraang malabanan ang mga lumang tradisyon naming. Alam kong para sa aking
sariliy magagawa king iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na matibay pa
sa alinmang lumanag tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na inuukol ko sa mga
pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May
karapatan ba akong was akin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at
kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin ng buong pagsuyo?

Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong-silang na Europe
ay nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos
pa akoy may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang emansipasyon; may isang naiibang
kabuluhan ito, isang kahulugang hindi maaabot ng aking pang-unawa. Gumigising ito para sa
hangarin ang pagsasarili at kalayaan- isang paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso koy
sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang
mithiin kong magising ang aking bayan.

Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot sa akin, at sa kasiyahan ng
ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala ntio ang binhing sumupling sa aking puso,
nag-ugat, sukmibol hanggang sa lumakas at sumigla.

Ngayoy kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo.

Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Akoy may anim na kapatid na lalki at
babae. Ang lolo kong si Pangeran Ario Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang
progresibo noong kapanahunan niya. Siya rin ang kaunaunahang regent ng gitnang Java na nagbukas
ng pinto para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat-ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak
niyay may edukasyong European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig
o umibig sa kanlurang minana sa kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng
pagpapalaking nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga pinsan kot nakatatandang kapatid na lalaki
ay nag-aral sa Hoogere-Burger School, sng pinakamataas na institusyon ng karunungang
matatagpuan ditto sa India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang kapatid kong lalakiy tatlong taon na
ngayong nag-aaral sa Netherlands at naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang dalawa pa.
Samantala, kaming mga babaey bahagya nang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil na
rin sa kahigpitan n gaming lumang tradisyon at kumbensyon. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin
ang mga babae, lalot kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa eskwela.
Ipinagbabawal n gaming kaugalian na lumabas man lamang ng bahay ang babae. Hindi kami
pinapayagang pumunta saan man, liban lamang kung sa paaralan, at ang tanginglugar na
pagtuturong maipagmamalaki ng syudad naming na bukas sa mga babae ay ang libreng grammar
school ng mga European.

Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taonng gulang, ako ay itinali sa bahay-kinailangang


ikahon ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-uganayan sa mundong nasa labas ng bahay,
ang mundong hindi ko na makikita marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang
estranghero, isang di-kilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin
nang di ko namamalayan. Noong banding huli, nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong
European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin, isang musmos pa na
nagmamahal sa buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang mga magulang ko; nakulong
ako nang tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makapal na pader, at hindi
ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas.

Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang naiwan sa akiy
pagbabasa ng mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman
ipinagbawal. Ito-ito lamang ang nagiisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na
panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay lalo nang nagging kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo
sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay kot kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan kot
tagapagligtas-ang Diwa ng panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang mga yabag niya. Nayanig
sa paglapit niya ang palalot matatag na balangkas ng mga lumang tradisyon. Nabuksan ang mga
pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba namay pilit at bahagya lamang ngunit bumukas
pa rin at pinapasok ang mga di-inanyayahang panauhin.

Sa wakes, nakita kong muli ang mundo sa labas nang akoy maglabing-anim na taon. Salamat sa
Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang Malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong
bridegroom. At mabilis pang sumunod ang mga pangyayari nagpabalik sa aming mga babae ng mga
nawala naming kalayaan.

Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang Prinsesa (bilang Reyna
Wilhemina ng Netherland), opisyal na inihandog sa amin ng mga magulang naming an gaming
kalayaan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aming buhay, pinyagan kaming umalis sa bayan naming
at pumunta sa siyudad na pinadarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakila
tagumpay iyon! Ang maipakita ng mga kabataang babaeng tulang naming ang sarili sa labas, na
imposibleng mangyari noon. Nasindak ang mundo nagging usap-usapan ang krimeng iyon na
ditoy wala pang nakagagawa. Nagsaya an gaming mga kaibigang European, at para naman sa amin,
walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan. LAgi, ibig kong makarating sa
malayo, mas malayo. Wala akong hangaring makapamista, o malibang. Hindi iyon ang dahilan ng
paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo ng mag-isa, mag-aral,
hindia para mapailalim sa sinuman, at higit sa lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan.

Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang
magagawa ng isang babaeng Muslim. Ito ang pinakamalaking maipagkakaloob ng isang katutubong
babae sa kanyang pamilya.

At ang pag-aasawa para sa amin-mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At paano
nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para
sa lalaki at hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwagay para sa
kanya lang?

Si Kesa at Morito ni Ryunosuke Akutagawa

Salin ni Luwalhati Bautista

I. Monologo ni Morito
Sa pagkakatingin sa buwan habang nag-iisip, naglalakad si Morito sa ibabaw ng mga lagas na dahon
sa labs ng bakod ng kanyang bahay.

Sumikat na ngayon ang buwan. Karaniwang hinihintay ko nang may pagkainip ang pagsikat ng
buwan. Pero, ngayong gabi, ang maliwanag na sikat ng buwan ay yanig na sumisindak sa akin.
Kinikilabutan akong isipin na ang gabing ito ay magwawasak ng aking kasalukuyang sarili at gagawin
akong isang karumal-dumal na mamamatay-tao. Isipn na lang na kapag ang mga kamay na ito ay
namula ng dugo! Anong kasumpa-sumpang nilalang ang tingin ko sa aking sarili kapag nagkaganoon!
Ang puso koy di nabagbag sa sakit kung papatay ako ng isang kaaway na kinasusuklaman ko, pero
ngayong gabi ay kailangan kong patayin ang isang lalaking hindi ko kinasusuklaman.

Matagal ko na siyang kilala. Kahit kamakailan ko lamang nalaman ang kanyang pangalan, Wataru
Saemonno-jo, mulat sapul pay kilala ko na ang kanyang magandang mukha. Nang matuklasan kong
asawa siya ni Kesa, totoong sandali din akong nag-apoy sa paninibugho. Pero, ngayon ang panibugho
koy napawi na, hindi nag-iwan ng anumang bakas sa aking isip o puso. Kaya para sa aking karibal sa
pag-ibig, wala akong mungkahi o masamang hangarin. Manapa mabuti ang hangarin ko para sa
kanya. Nang sabihin sa akin ng tiya ko, si Komorogawa, kung paano niya pinagsikapan at
pinagsakitang makuha ang puso ni Kesa, nadama ko ang simpatya sa kanya. Naunawaan ko, na sa
buong hangarin niya na mapangasawa ito, pinaghirapan pa niyang matutong sumulat ng tula. Hindi ko
maisip na ang simple at nakababagot na lalaking iyon ay sumusulat ng mga tula ng pag-ibig, at isang
ngiti na gumuguhit sa aking mga labi sa kabila ng damdamin ko. Hindi ito ngiti ng pang-uyam;
naaantig ako sa pagkamasuyo ng isang lalaki na ginagawa ang lahat para makuha ang isang babae.
Posible pa rin na ang kanyang masimbuyong pag-ibig ang nagtulak sa kanyang sambahin ang
minamahal kong si Kesa ay nakapagdulot sa akin ng kasiyahan.

Pero mahal ko ba talaga si Kesa? Ang aming pag-iibigan ay maaaring paghiwalayin sa dalawang
baitang, ang nakaraan at ang kasalukuyan. Minahal ko siya bago siya ikinasal kay Wataru, o iyon ang
aking palagay. Pero ngayong tumingin ako sa aking puso, nakikita ko na marami akong motibo. Ano
ang gusto ko sa kanya? Siya ang klase ng babaeng kinadaramhan ko ng mga hangaring makalaman
kahit noong mga panahong akoy wala pang bahid-dungis. Kung mapahihitulutan ang eksaheradong
pahayag, ang pag-ibig ko sa kanyay hindi hihigit pa sa isang sentimental na bersyon ng motibong
nagtutulak kay Adan sa piling ni Eba. Malinaw ito sa mga pag-aalinlangan ko na patuloy siyang
mahalin kung sakaling ang aking hangarin ay matupad. Bagamat nananatili siya sa isip ko sa
sumunod na tatlong taon pagkaraang maputol ang aming ugnayan, hindi ko tiyakag masasabi na
mahal ko siya. Sa kasunod na pakikipag-ugnayan ko sa kanya, ang pinakamalaking ipinagsisisi ko ay
iyong hindi ko siya nakilala nang lubos. Pinarurusahan ng kawalang-kasiyahan, nahulog ako sa
kasalukuyang relasyon, na gumigimbal sa akin, gayunman, alam kong mangyayari. Ngayoy
itinatanong kog muli sa aking sarili, Mahal ko ba siya talaga?

Nang makita ko uli siya tatlong taon pagkaraan, sa pagdiriwang na kaugnay ng pagkakayari ng tulay
ng Watanabe, ginawa ko ang lahat ng paraan para makita siya nang patago. Sa huliy nagtagumpay
ako. Hindi lang ako nagtagumpay na makita siya, kund inangkin ko pa ang kanyang katawan na gaya
ng pinapangarap ko. Sa pagkakataong iyon, ang panghihinayang na di ko siya nakilala nang pisikal ay
hindi ang tanging nangibabaw sa akin. Nang maupo ako sa tabi niya sa nababanigang silid ng bahay ni
Koromogawa, napansin ko na malaking bahagi ng aking panghihinayang ang naglaho na. Malamang
ang aking hangarin ay pinahina ng pangyayaring hindi na ako malinis. Pero ang pinakapangunahing
dahilan ay hindi siya ang inaasahan kong maging siya. Nang nakaupo kaming magkaharap,
natuklasan ko na hindi siya ang imahen ng malabantayog na kagandahang binuo ko sa isip sa
nakaraaang tatlong taon. Malayo siya sa idolong pinakaasam-asam ko sa aking puso. Ang kanyang
mukha, na makapal na nakukulapulan ng matingkad na pulbos ay pinaglahuan na ng maaking bahagi
ng dating kasariwaan at makinis na panghalina. Sa ilalim ng mga mata niyay nakahugis ang
nangingitim na guhit. Ang tanging hindi nagbago sa kanya ay ang kanyang malinaw, bilog, maiitim na
mga mata. Nang makita ko siya sa bagong paninging ito, nagimbal ako, at sa kabila ng aking
damdamin ay di ko mapigilang iiwas ang aking mga mata.

Kung gayoy paano ko nagawang makipagtalik sa isang babaeng napakanipis ng pagkakabigkis ko?
Unay itinulak ako ng kakatuwang kagustuhan na mapangingibabawan ang dating hangarin ng puso
ko. Sa pagkakaupong magkaharap, binigyan nya ako ng isang eksaheradong kwento ng kanyang pag-
ibig sa kanyang asawa. Wala siyang iniwan kundi hungkag na na alingawngaw sa aking tainga.
Mayroon siyang hambog na ideya tungkol sa kanyang asawa, naisip ko. May hinala rin ako na
maaaring itoy tulak ng kanyang kagustuhang huwag nang pagningasin pa ang aking pagnanasa.
Kasabay nito, patindi nang patindi ang dating hangarin kong ihantad ang kanyang kasinungalingan?
Kung sasabihin ninyo sa akin, minamahal kong mambabasa, na ang sariling kayabangan ko ang
nagtutulak sa akin para maghinalang kasinungalingan ang kanyang pahayag, hindi ko maitatatwa ang
inyong bintag. Anot anuman, pinaniniwalaan ko noon at pinaniniwalaan ko hanggang ngayon, na iyon
ay kasinungalingan.

Pero hindi ang hangaring makapanlupig ang tanging ngumangatngat sa aking nang mga sandaling
iyon. Pinamumulahan akong banggitin ito, pinangingibabawan ako ng pagnanasa. Hindi iyon basta
panghihinayang lang na hindi ko nakilala ang kanyang katawan. Iyon ay hamak na kalibugan mismo
na hindi nangangailangan na ang kabilang panig ay maging ang babaeng iyon. Marahil ay walang
lalaking umarkila ng babae sa isang bahay-putahan na magiging mas hamak pa sa akin nang mga
sandaling iyon.

Anot anuman, batay sa ganyang ibat ibang motibo, nagkaroon ako ng relasyon kay Kesa. O,
manapa, inalisan ko siya ng dangal. Bilang pagbabalik sa unang tanong na binitawan ko, hindi ko
kailangang itanong pa ngayon sa aking sarili kung mahal ko siya. Nang matapos ang lahat, sapilitan
kong ibangon siya sa aking mga bisigang babaeng ito na umiiyak na ibinagsak ang kanyang sarili. At
nagmukha siyang walang dangal kaysa sa akin. Ang kanyang nakasabog na buhok at nagpapawis na
katawan, ang lahat ay indikasyon ng kapangitan ng kanyang isip at katawan. Hindi kamaliang sabihin
na simula nang araw na iyon, sa puso koy nagkaroon ako ng bagong pagkamuhi sa kanya. At
ngayong gabiy papatayin ko ang isang lalaking hindi ko kinamumuhian, para sa kapakanan ng
babaeng hindi ko iniibig.

Patayin natin si Wataru, bulong ko sa tainga ni Kesa. Baliw na nga ako para gawin ang
napakagarapal na mungkahing iyon. Wala sa loob ko na inihinga ko sa tainga niya ang nakaraang
hangarin ko na hamunin ng labanan si Wataru at pagwagian ang kanyang pag-ibig. Anot anuman,
Patayn natin si Wataru, bulong ko, at tiyak na tiyak bumulong ako nang nagtatagis ang mga ngipin,
sa kabila ng aking damdamin. Kapag naaalala ko ngayon, hindi ko masasabi kung ano ang nag-
uudyok sa akin para gawin ang padalos-dalos na bagaya na iyon. Ang tanging naiisip ko bilang
paliwanag dito ay ginusto kong tagpian ang relasyon sa kasalukuyan, at habang tumitindi ang
paghamak at pagkasuklam ko sa kanya, lalo kong kinaiinipan na mawasak ko ang kanyang dangal.
Wala nang mas aangkop pa sa mga layuning ito kundi patayin ang asawang ipinangangalandakan
niyang mahal niya, at makuha ang kanyang pagsang-ayon mula sa kanyang pagpapatumpik-tumpik.
Kaya tulad ng isang lalaking binabangungot, nakapanaig ako sa kanya na maisakatuparan naming
dalawa ang pagpatay na hindi ko gusto. Kung iyan ay hindi sapat para ipaliwanag ang aking motibo sa
pagmungkahing patayin si Wataru, wala ng paliwanag na dapat tangkain, maliban sa isang
kapangyarihang banyag sa mga mortal (marahil ay demonyo o diablo) ang nagtataboy sa akin sa
makasalanang daan. Nagpupumilit at paulit-ulit na ibinulong ko ang ganoot ganoon ding bagay sa
tainga niya.

Sa huliy nag-angat siya ng mukha at sinabi, oo, dapat mo ngang patayin si Wataru. Hindi lamang ako
nasorpresa sa biglaang pagsang-ayon niya, kundi nakakita ako ng mahiwagang kinang sa kanyang
mga mata na hindi ko napansin noon. Taksil na babae!iyon ang naging tingin ko sa kanya. Gumuhit
na nag-iinit na utak ko ang iglap na pagkabigo at panghihilakbotat oo, pagkasuklam. Kung maaari
lang ay babawiin ko ang pangako ko noon din. Sa gayoy mapangangalanan ko siyang mang-aapid, at
ang aking konsensyay makapagkanlong sa makatuwirang pagngingitngit. Pero hindi ko nagawa.
Inaamin ko agad kong nakita na imposible iyon sa saglit na bigla siyang tumitig sa akin. Nagbago ang
kanyang anyo, na para bang nakita niya ang laman ng aking puso. Nahulog ako sa malungkot na
kalagayang pakikipagtipan para paslangin ang kanyang asawa dahil sa takot ko na paghigantihan niya
ako kapag nabigo akong tuparin ang aking bahagi sa usapan. Ngayon ang takot na ito ay mahigpit at
matatag na dumaklot sa akin. Magtawa kayo kung ibig ninyo, sa aking karuwagan. Ito ang gawa ng
isang hindi nakaalam kung gaano kahamak ang kanyang kalaguyo. Kapag hindi ko pinatay ang
kanyang asawa, papatayin niya ako kahit na anong paraan. Kailangan kong patayin ang kanyang
asawa at kung hindi ay papatayin niya ako, desperadong naisip ko, sa pagkakatingin ko sa kanyang
walang luha pero umiiyak na mga mata. Pagkatapos kong bitawan ang aking pangako, hindi ba may
nasilip akong ngiti sa kanyang bibig at biloy na gumuhit sa kanyang maputlang pisngi? Ay, dahil sa
kasumpa-sumpang pangakong ito, idadagdag ko ang krimen na buktot na pagpaslang sa
pinakamaitim na pusong maaaring maisip. Kung tatalikuran ko ang nakatakdang pakikipagtipan na
magaganap ngayong gabi. Hindi, ipinagbabawal iyon ng aking pangako. Lagpas dito ang kayang
batahin. Isa pa, natatakot ako sa kanyang paghihiganti. Totoong-totoo ito. Pero may ibang nag-
uudyok sa akin para gawin iyon. Ano ito? Ano ang malaking kapangyarihang iyon na nagbubunsod sa
akin, sa duwag na ako, para patayin ang isang inosenteng lalaki? Hindi ko masasabi. Hindi ko
masasabi. Pero posibleng hind, hindi maaari. Pinandidirihan ko siya. Kinasusuklaman ko siya. Pero
ganunpaman, maaari ring dahil mahal ko siya.

Si Morito, na patuloy sa paglalakad ay hindi na nagsalita pa. ang pag-awit ng isang balada ay
pumailanlang sa gabi.

Ang isipan ng tao ay nasa dilim, walang ilaw na makapagbibigay-liwanag. Nagsisindi ito ng apoy ng
makamundong paghahangad, upang humayo at lumitaw, sa loob lang ng isang iglap.

II. Monologo ni Kesa

Gabi, sa ilalim ng isang lampara, nakatayo si Kesa, nakatalikod sa ilawan, nag-iisip nang malalim at
kagat-kagat ang manggas ng kanyang kimono.

Darating ba siya o hindi, ewan ko. Imposibleng hindi. Lumulubog na ang buwan, pero walang marinig
kahit isang yabag, kaya maaaring nagbago ang isip niya. Kapag hindi siya dumating. . .Araw-araw
akong mabubuhay sa kahihiyan, tulad sa isang puta. Paano ako nalubog sa kahihiyan at kasamaan?
Mawawalan ako ng dangal at tatapak-tapakan na lang, sa pagkakabilad ng kahihiyan ko. Gayunmay
kailangan kong manahimik na parang pipi. Kapag nagkagayon ay dadalhin ko hanggang kabila ng
libingan ang aking pagsisisi. Sigurado akong darating siya. Mula noong nakaraang araw, iyon na ang
aking pananalig. Natatakot siya sa akin. Talaga, kung ang aasahan ko lang ang ay ang sarili ko, hindi
ako makasisiguro sa kanya. Pero umaasa ako sa kanya. Umaasa ako sa kanyang pagkamakasarili.
Umaasa ako sa buktot na takot na pinupukaw ng pagkamakasarili sa kanya.

Pero ngayong hindi ko na magawang umasa sa sarili ko, napakahamak ko nang nilalang! Hanggang
noong tatlong taon na ang nakararaan ay may tiwala ako sa aking sarili, at higit sa lahat sa aking
kagandahan. Mas matapat kung sasabihin nating, Hanggang noong araw na iyon kaysa noong
tatlong taong nakararaan. Noong araw na iyong makita ko siya sa silid ng bahay ng aking tiya, isang
sulyap sa kanyang mga mata at nakita ko ang aking kapangitn na nasasalamin sa kanyang isip.
Kinausap niya ako nang masuyo at mapagmahal, na akala koy walang problema. Pero paano pa
maaaliw angpuso ng isang babae sa sandaling matuklasan niya ang kapangitan ng kanyang pagkatao?
Nagimbal ako, nayanig, nagdalamhati. Di hamak na mabuti pa ang nakasisindak na pagkabalisang
dala ng paglalaho ng buwan na nakita ko sa aking kamusmusan sa mga bisig ng aking taga-pag-
alaga, kung ihahambing sa malamultong pagkalunos na nagpakulimlim sa isipan ko nang mga
sandaling iyon. Naglahong lahat ng pangarap at pangitain sa aking puso. Ang kalungkutan ng isang
maunos na madaling-araw ay tahimik na bumalot sa akin. Nangatal sa kalungkutan, sa hukli ay
isinuko ko ang aking katawan, na para na ring patay, sa mga bisig ng lalaking hindi ko iniibigsa mga
bisig ng isang makamundong lalaki na nasusuklam at nandidiri sa akin. Hindi ko na ba makakaya ang
aking kalungkutan mula nang buong linaw na maipamukha sa akin ang aking kapangitan? Sinikap ko
bang mailibing ang lahat sa hibang ng mga sandaling iyon na sumubsob ako sa kanyang dibdib? O
itinutulak din ako ng kahiya-hiyang paghahangad lang na gaya rin niya? Maisip ko lang iyon ay
nilulukob na ako ng kahihiyan! Kahihiyan! Kahihiyan! Lalo na noong ilayo ko na ang aking sarili sa
kanyang mga bisig, hiyang-hiya ako.

Ang pagkainis at kalungkutan ay naghatid ng walang katapusang luha sa aking mga mata sa kabila ng
pagsisiklap ko na huwag umiyak. Hindi lamang ako nagdadalamhati sapagkat nawalan ako ng dangal,
higit sa lahat ay nahihirapan akot nagdurusa dahil akoy pinandidirihang tulad sa isang asong
ketongin na kinasusuklaman at pinarurusahan. Ano ang aking nagawa mula noon? Ang meron lang
akoy ang pinakamalabong alaala niyon na para bang isa iyong bagay sa malayong nakalipas.
Natatandaan ko lang ang kanyang mahabang tinig na bumubulong, Patayin natin si Wataru, at
dumampi sa aking tainga ang kanyang bigote habang ako ay humihikbi. Pagkarinig sa mga salitang
ito, kakatwang nakadama ako ng sigla. Oo, sumigla akot lumiwanag na tulad ng sinag ng buwan,
kung ang sinag ng buwan ay matatawag na maliwanag. Bakit hind, hindi ba ako inaliw ng mga
salitang iyon? Ay, hindi ba akohindi ba ang isang babaey isang nilalang na nakadarama ng
kaligayahan sa pag-ibig ng isang lalaki sukdulang patayin niya ang sarili niyang asawa?

Nagpatuloy ako sa pagluha sa loob nang may lungkot at masiglang pakiramdam na tulad sa sinag ng
buwan. Kailan ako nangakong makikipagtulungan sa pagpaslang sa aking asawa?

Noon lamang pumasok sa isip ko ang aking asawa. Matapat kong sinasabing noon lang. Hanggang
sa mga oras na iyon, ang isip koy buong-buong nakatuon sa aking sarili at sa aking kahihiyan.
Pagkaraay nakita ko ang larawan ng nakangiting mukha ng aking asawa. Malamang na nang
sandaling maalala ko ang kanyang mukha, gumuhit sa isip ko ang plano. Nang mga sandaling iyon ay
desidido na akong mamatay, at ikinagagalak ko ang aking desisyon. Pero nang huminto na ako sa
pag-iyak, nang magtaas ako ng mukha, at tumingala sa kanyang mukha para matagpuan ang
kapangitan kong nasasalamin doon, dama koy naglahong lahat ang aking kaligayahan. Ipinagunita
nito sa akin ang kadiliman ng paglalaho ng buwan na nakita ko kasama ng aking taga-pag-alaga.
Iyon, tulad ng nangyari, ay iglap na nagpalaya sa lahat ng masamang ispiritung nagtatago sa ilalim ng
aking kaligayahan. Dahil nga ba sa pagmamahal ko sa aking asawa kaya mamamatay ako para sa
kanya? Hindi, kundi dahil lang sa resonableng pangangatuwirang ito, ibig kong pagbayaran ang
pagkakasala kong pakikipagtalik sa iba. Dahil walang tapang na magpapakamatay, nasa akin ang
buktot na hangaring makapag-iwan ng magandang impresyon sa mga tao. Ang kabuktutan kong ito
ay maaari na rin sigurong palampasin. Sa ilalim ng pagkukunwaring mamamatay ako sa aking asawa,
hindi ba ako nagpaplanong ipaghiganti ang aking sarili laban sa pagmungkahi sa akin ng aking
kalaguyo, sa kanyang pandidiri sa akin, sa kanyang buhong na pagnanasa? Pinatutunayan ito ng isang
sulyap sa kanyang mukha na pumawi ng mahiwagang kislap tulad sa mapulang liwanag ng buwan, at
nagpapalamig sa aking puso sa matinding pagdadalamhati. Mamamatay ako, hindi para asa aking
asawa kundi para sa aking sarili. Mamamatay ako, para parusahan ang aking kalaguyo sa pananakit
niya sa aking puso at para sa aking hinanakit sa pagdungis niya sa aking katawan. Ay, hindi lang ako
walang karapatang mabuhay kundi wala ring karapatang mamatay.

Pero ngayon, gaano kainam pang mamatay na lang kahit sa pinakakahiya-hiyang paraan kaysa
mabuhay. Nakangiti nang pilit, paulit-ulit kong ipinangako na papatayin namin ang aking asawa. Dahil
matalas ang pakiramdam niya, marahil ay natunugan niya sa mga salita ko kung ano ang mangyayari
kapag hindi niya tinupad ang kanyang pangako. Kaya mukhang imposible na pagkatapos niyang
mangako ng ganoon ay aatrasan niya iyon. Tunog ba iyon ng hangin? Kapag naiisip ko na ang mga
dinaramdam ko mula noong araw na iyon ay matatapos na sa wakas ngayong gabi, nakakahinga ako.
Tiyak na ang bukas ay maghuhunos ang kanyang malamig na liwanag sa aking katawang walang ulo.
Kapag nakita iyon ng aking asawa, siyay. . . hindi, hindi ko siya inisip. Mahal ako ng aking asawa.
Pero wala akong lakas na gantihan ang kanyang pag-ibig. Isang lalaki lang ang maaari kong mahalin.
At ang lalaking iyon ay darating ngayong gabi para patayin ako. Kahit ang gaserang itoy
napakaliwanag para sa akin, akoy pinahihirapan ng aking mangingibig.

Hinipan ni Kesa ang ilawan. Hindi nagtagal at narinig ang mahinang tunog ng isang nabuksang
kandado, at bumaha sa loob ang maputlang sinag ng buwan.

Kay Estella Zeehandelaar ni Vilas Manwat

Salin ni Luwalhati Bautista

Si Nai Phan ay isa sa mga sikat sa kapit-bahayan. Hindi dahil isa siyang mananayaw na ang paay
singgaan ng saboy ng bituin; hindi rin dahil ginawa niyang bukod-tangi ang sarili sa larangan ng
pulitika o panitikan. Marahil, ang kanyang talino sa pagsasangkap sa isang masarap na luto ng
sinangag ang kanyang naging tuntungan sa kawalang-hanggan, pero kahit hindi naging katangi-tangi
ang nalalaman niya sa pagluluto, magiging tanyag pa rin siya, dahil handa niyang pahintulutan ang
kanyang mga parokayano sa walang limitasyong pangungutang.

Mahilig siyang mamigay ng matamis sa mga bata nang hindi naghahanap ng pera. Mangyari pang
dahilan ito lagi para magreklamo ang kanyang asawa, pero sasabihin niya: Ang dalawampung satang
na halaga ng matamis ay hindi ipinahihirap ng pamilya. Pag ang Than Khun, isang mataas na opisyal
na naninirahan sa may iskinita, ay gusto ng isang masarap na kape, sasabihin nito sa anak: Magdala
ka rito ng kape mula sa tindahan ni Nai Phan. Marami siyang maglagay ng gatas; iisipin mong nag-
aalaga siya ng baka para doon!

Sa iskinita ding iyon naninirahan ang isang lasenggo na hilig nang lumitaw sa kaninan at tumula ng
mga berso mula sa kwento nina Khun Chang at Khun Phaen; makikinig si Nai Phan nang taimtim ang
atensyon. Matapos magpalabas, hihingi ang lasenggo ng isang libreng baso ng tsaang may yelo, na
malugod namang ipagkakaloob ni Nai Phan, na may kasama pang doughnut para kumpleto.

Pag maulan, sasabihin ni Nai Phan sa mga estudyanteng dalagita: Mga binibini, nahihirapan na kayo
sa pagtatampisaw sa putik. Mula ngayon, pwede nyong bitbitin ang inyong mga sapatos hanggang sa
aking tindahan at doon nyo isuot. Lagi niyang binibigyan ang mga ito ng malinis na tubig para
panghugas ng paa.

Pero eksakatong gabi-gabi, isasara niya ang kanyang tindahan. Sasabihin sa kanya ng mga kaibigan
niya, Dapat kang magbukas at magsilbi sa gabi; dyan maganda ang negosyo, mas madali kang
yayaman.

Masayang tatawa si Nai Phan at sasabihin, Mas masarap matulog kaysa magpayaman nang mabilis.

Ang sagot na itoy may pinupukaw sa puso ng mga nakakarinig na mas mayaman kaysa kay Nai Phan,
pero hindi pa rin kuntento sa yaman nila, bagkus ay nagkukumagkag pang magpundar ng mas malaki
pang kayamanan.

Ang mga taong naninirahan sa iskinita, pauwi sa kani-kanilang bahay sa kalaliman ng gabi pagkaraan
ng maghapong ginugol sa paghahabol ng pera, ay makatatanaw kay Nai Phan na nakahilig sa kanyang
maliit na silyang de-tiklop, kuntentong nakikipag-usap sa asawa. At maiisip nila sa kanilang sarili,
Ang saya-saya nilang tingnan, malayo sa paghahangad sa kayamanan. Mas mabuti pa sila sa amin.

Isang gabi ay nagpunta sa sinehan ang kanyang asawa, at nag-iisia si Nai Phan. Papadilim na at
naghahanda na siyang magsara ng tindahan nang mabilis na pumasok ang isang kabataang lalaki.

Anong maipaglilingkod ko sa inyo sir? Tanong ni Nai Phan. Sa halip na sumagot, naglabas ng baril
ang estranghero at itinapat iyon sa puso niya. Hindi ito maunawaan ni Nai Phan, pero nadaman niya
na hindi maganda ang mga pangyayari.

Iabot mo ang salapi mo, marahas na sabi ng kabataang lalaki. Lahat! Kung anuman meron ka.
Mukhang patayan ang uso sa mga panahong ito; nagbabarilan ang mga tao sa ibat ibang dako araw-
araw. Pag pinatay kita, wala nang ispesyal doon, at pag napatay mo ako, hindi na rin masyadong
nakapagtataka, kaya bilisan mo na. pag hindi ko nakuha ang salapi, patitikimin kita ng mga bala.

Hindi nanginig si Nai Phan. Kalmante siyang nakatayo at sinabi niya sa tinig na parang nakikipag-usap
lang; Ibibigay ko sayo ang pera, pero hindi dahil sa baril mo, ibibigay ko sayo dahil mukhang
kailangang-kailangan mo iyon. Baka nakasalalay ditoy buhay at kamatayan. Eto. . . lahat ng perang
meron ako ay nandito. Kunin mo na at umuwi ka na agad. Sinong nakakaalam? Siguroy may sakit
ang iyong ina; baka nga maraming taong naghihintay doon, iniisip kung mag-uuwi ka ng pera o hindi.
Maraming buhay ang maaaring mnakadepende sa pag-uwi mo na may dalang pera. Hindi ko sasabihin
sa mga pulis. Mga siyam na raan ang cash dito; higit pa. . .kunin mo na.

Inilagay niya ang salapi sa mesa pero ang binatang holdaper ay tila hindi nagkalakas-loob na hipuin
iyon.

Bakit hindi mo kunin? tanong ni Nai Phan. Tingnan mo, bakit kita lolokohin? Alam kong hirap na
hirap ka. Hirap tayong lahat sa mga araw na ito. Hindi ako naniniwalang masama kang tao. Sino ang
gustong maging magnanakaw kung maiiwasan niya? Maaari ding nagkaatake ang iyong ama at
kailangan mo siyang alagaan. Dalhin mo sa kanya ang perang ito, pero huwag mong ubusin lahat sa
gamot. Maniwalak ka sa akin, magagamot ng doktor ang katawan, pero kailangan ng tao ang lunas
pati sa kanyang isip at kaluluwa. Bumili ka ng ilang mababangong bulaklak, isang kuwintas ng
bulaklak para sa iyong ina na mailalagay niya sa harap ng sagradong imahen sa bahay. Iyon ang
ginagawa ko gabi-gabi. Hindi mo kailangang malaman kung ano ang kabanalan o kung saan ito
nananahan. Sapat na ang makadama ka ng kapayapaan sa iyong sarili. Iyon ang langit. Ay!at itabi
mo ang iyong barilgiginhawa agad ang pakiramdam mo. Ang isang lalaking may dalang baril ay
hindi nakakakilala nbg kapayapaan, ang puso niyay naghihirap sa takot at pag-aalinlangan, at sa
amoy ng panganib. Hindi tayo liligaya habang ang ating mga kamay ay nagsisikip sa mga sandata.

Inilagay ng kabataang lalaki ang baril sa kanyang bulsa, tulad ng isang masunuring bata. Itinaas niya
ang mga kamay sa pagpupugay sa wai kay Nai Phan, na kilala sa kanyang sinangag at kape at
pagbubukas-palad.

Dapat na barilin ko ang aking sarili imbis na barilin ka, sabi ng kabataang lalaki.

Huwag kang magsalita na parang baliw, sabi ng tagapamahala ng tindahan, habang inaabot ang
pera sa binata. Ito na lahat iyon. Dalhin mo at iyo nang lahat. Hindi ito pagbibigay na ginawa sa galit.
Alam ko na puno ang mga bilangguan, pero hindi ng mga kriminal. Isa kang lalaking tulad ko, tulad
ng ibang lalaki; kahit sinong lalaki, kahit isang ministro, ay ganyan din ang gagawin ko kung
desperado.

Naupo ang kabataang holdaper. Hindi pa kita nakita kailanman, at hindi pa ako nakakita kailanman
ng gaya mo kung magsalita. Hindi ko kukunin ang pera mo, pero itinabi ko na ang aking baril.
Ngayoy uuwi na ako sa aking ina na gaya ng sabi mo, umubo siya ng ilang ulit bago nagpatuloy.
Masama akong anak. Lahat ng perang ibinigay sa akin ng aking inay inubos ko sa karera ng kabayo;
yong kakaunting natiray inubos ko sa pag-iinom.

Lahat ng taoy nagkakamali. Ano ba ang buhay kundi magkahalong eksperimento, pagkakamalit mga
kabiguan? sabi ni Nai Phan.

Hindi, malakas ang katawan ko, alam mo, pagpapatuloy ngkabataang lalaki. Narinig mo ba ang ubo
ko? Natatakot ako na mayroon na akong T.B. iyon ang dapat sa akin, sa palagay ko, dahil meron
akong mga ginawang masasamadapat talagang mamatay na ako agad-agad. Hindi ako dapat
mabuhay, pasanin lang ako sa mundo. Salamat, at paalam.

Hindi mo kailangang umalis agad. Dito ka muna sandali at mag-usap tayo. Gusto kitang makilala.
Saan ka nakatira? Ano ang mga hilig mo? Ibig kong sabihin, ano ang mga pinaniniwalaan mo?
Walang pag-asang umiling ang kabataang lalaki. Hindi ko alam kung saan ako papunta ngayon. Saan
ako maaaring pumunta? Ano ang mga pinaniniwalaan ko? Hindi ko alam. Mukhang walag anupaman
sa mundong ito na karapat-dapat na paniwalaan. Naging isang miserableng nilikha na ako mula nang
araw na akoy ipinanganak; hindi nakapagtataka na hindi ko gusto ang aking mga kapwa-tao. Minsan,
ang tingin koy pananagutan ng lahat ang mga kasamaan ko. Ayokong makisalamuha sa mga tao.
Hindi ako nagtitiwala sa kahit kanino. Kinasusuklaman ko ang paraan ng pakikipag-usap ng tao sa
isat isa, kung paano nila gugulin ang kanilang buhay, kung paano nila mahalin at purihin ang isat isa,
kung paano sila tumawa at ngumiti.

Tumango nang may pagkaunawa si Nai Phan. Lahat ng taoy ganon ang pakiramdam kung minsan.

Kaya mo ba akong paniwalaan?. Hindi ako interesado sa kahit ano. Sawang-sawa na ako sa lahat.
Ang buong mundo ay parang hungkag. Walang kahulugan, walang anupaman na mapangangapitan o
maigagalang ng tao. Kung talagang gusto kong magtrabaho, sa palagay ko ay maaari akong humanap
ng gawain. Pero nasusuklam akong makita ang sangkatauhan, ayokong tumanggap ng kahit na anong
pabor mula sa kanila. Mananatili ako nang isang linggo sa isang trabaho, dalawang linggo, sa isa pa
hindi ako nagtatagal kahit saan.

Nagbabasa ka ba ng libro?

Dati. Pero umayaw na ako. Ni hindi na ako nagbabasa ng dyaryo ngayon. Bakit pa? alam na alam ko
kung anong laman nila. Wala kundi barilan, nakawan, patayan! Binabago nila ang mga lugar at mga
pangalan, pero ganun at ganon din ang mga istorya.

Hinimas ng kabataang lalaki ang kanyang baba at masusing naningkit ang mga mata kay Nai Phan.
Suwerte mo na hindi ka nagpakita ng anumang takot o galit nang pagbantaan kita ng baril, tiyak na
papatayin kita. Ang daigdig na itoy punung-puno ng mga lalaki na gustong magpakita ng galit, mga
lalaking marurumi ang isip, na laging bumubulalas na nabubulok na raw ang sibilisasyon at moralidad.
Hindi ako naniniwala na dahil lang daan-daan o libo-libo ang napasama, ganun na rin ang dapat gawin
ng lahat ng tao. Alam ko na ngayon na hindi ako naparito dahil sa pera kundi para patunayan sa sarili
ko na tama ang aking paniniwala. Naiisip ko palagi kahit pa nawawalan na ng pag-asa ang mundo at
lumulubog na sa kalaliman, pinarumi at dinungisan ng kasalanan ng tao, may natitira pa rin kahit
isang tao na hindi tao dahil lang ganun ang itsura niya, kundi isang tunay na taong nilalang. Alam niya
kung paaanong magmahal ng iba, kung paano mapagwawagian ang paggalang ng ibang tao. Pero
hindi ko ganap na pinanaligan iyon dahil wala pa akong nakitang ganun. Sa loob ng maraming taon ay
iniisip ko: Sanay makakita ako ng isang tao na hindi pa naging buktot kasabay ng kabuktutan ng
mundo, para mapaniwalaan ko na may natitira pang kabutihan, para magkaroon ako ng lakas para
patuloy na mabuhay. Ngayoy nakatagpo ako ng isang taong ganun. Ibinigay mo sa akin ang lahat ng
hinahangad ko. Wala ka nang dapat ibigay. Uuwi na ako ngayon. Mangyari pa, sa isip ko, hindi ko na
kamumuhian uli ang daigdig. Natuklasan ko sa wakas ang uri ng buhay na gusto kong tuntunin.

Mukhang naging mas masigla na ang estranghero. Tumindig na siya para umalis at pagkaraan, naalala
niya, inilabas niya ang baril. Iniabot niya iyon sa may-ari ng tindahan.

Sanay kunin mo ito. Hindi ko na ito kailangan. Iyan ang tatak ng mababangis. Sinumang lalaki na
magdadala ng baril ay walang awa o paggalang sa iba, wala siyang iginagalang kundi ang baril. Ang
mga bandidoy maaaring mabuhay sa kanilang baril, pero ang buhay nilay laging gagambalain ng
katotohanan na ang mga kaaway nilay maaaring sumalakay sa kanila nang wala silang kahandaan.
Wala silang panahon para panoorin ang paglubog ng araw o para umawit. Pag ang taoy walang
panahon para umawit, mabuti pang maging kuliglig na lang o ibong mynah.

Ngumiti nang masaya ang holdaper, at kumakaway ng pamamaalam, idinugtong nito: Babalik ako
para makita ka uli, pero huwag mo nang ipakita uli sa akin ang aking baril. Yan ang kaaway ng isang
malinis na buhay. Paalam.
Nawala sa dilim ang estranghero. Yumuko si Nai Phan, ang may-ari ng tindahan, para bisitahin ang
pinakabago niyang pag-aari. Iniisip niya na bukas ay ipagbibili niya iyon. Kailangang-kailangan niya
ng bagong pansala ng kape.

Plop! Click! ni Dobu Kachiri

Koto: Isa akong koto na nakatira sa pook na ito. Ngayon tatawagin ko si kukuichi para kunsultahin
siya. Nariyan ba si Kikuichi?

Kikuichi: Nariyan na!

Koto: Nasaan ka?

Kikuichi: Heto na ako.

Koto: May mahalaga akong kailangan sa iyo. Dahil matagal na rin naman akong hindi nakakalabas ng
bahay, ang daming oras na nakabitin sa kamay ko. Gusto kong magbiyahe at nang makapagmasid
naman ng mga tanawin. Ano sa tingin mo?

Kikuichi: Sa totoo lang, iminumungkahi ko nga sana sa iyo, ekselenteng ideya.

Koto: Ano pang hinihintay natin kung ganun. Maghanda ka ng sake.

Kikuichi: nakahanda na ako.

Koto: Ano sa palagay mo? Nagtatawanan na siguro ang mga taong makita ang dalawang paris natin
na namamasyal at nagmamasid sa mga tanawin. Pero ang pagbibiyahe sa bagong lugar ang
nakapagpapagaan ng pakiramdam bukod pa sa kasayahang nalalasap mo.

Kikuichi: Wala naman sa palagay kong mag-iisip na para tayong gago. Kaya, kapag naramdaman
mong gusto mong magbiyahe, dapat lang na ilang ulit tayong magbiyahe. Nakabubuti iyon sa inyo,
amo.

Koto: Nasa labas na tayo ngayon. Marahil nasa gitna tayo ng bukirin. Ang lungkot dito.

Kikuichi: Nasa gitna nga tayo ng bukirin.

Koto: kapag nasa kapatagan ako, parang lumalawak ang aking puso at gumagaan ang pakiramdam
ko.

Kikuichi: Gaya ng sabi mo, kasiya-siya ang magbiyahe.

Koto: Makinig ka! Noon ko pa gustong sabihin sa iyo na hindi sa habambuhay ka na lamang umaawit
ng mga maiikling awit o bumibigkas ng mga kwento. Bakit di mo ensayuhin ang LABANAN SA HEIKE,
ang pamosong epiko?

Kikuichi: Gusto ko nga sanang hingin ang tulong mo tungkol dyan. Masuerte na lang at ikaw mismo
ang nagbukas tungkol diyan. Kung maituturo mo sa akin iyan, tatanawin kong utang na loob.

Kooto: Ituturo ko kung ganun. Wala rin lang tao sa paligid, bibigkasin ko sa iyo ang isang berso.

Kikuichi: Sadyang kay buti mo. Sige, makikinig ako.

Koto: Umabot sa krisis ang lambanan sa Ichi no TAni, at nauwi sa isang malaking giyera. Natalo ang
mga dakilang Heike, at nagsisugod ang mga mandirigma ng Genjisilang sabik sa kabantugan.
Parang mga trigong nagbagsakan sa harap ng mga armas-pandigma. Kalunos-lunos na pagdanak ng
dugo! Walang katapusang kaguluhan! Putol ang baba ng ilan, at ang iba namay pananangis, pilit
pinaglalapat ang kanilang mga sugatang talampakan sa duguang baba, ang sugatang baba sa
duguang talampakan. Ay, kahabag-habag na tanawin! Tatlo o apat na raang mga mandirigma ang
nagkalat sa kapatagan!. . . .

Kikuichi: Kagila-gilalas palang talaga ang epikong yan. Nagagalak akong marinig.
Koto: Halikat pumunta tayo doon sa malayu-layo. Sumunod ka sa akin.

Kikuichi: Sige lang, susunod ako.

Koto: Maraming bumibigkas ng Heike, pero wala akong alam na nakabibigkas ito nang mainam. Kaya
kailangang pag-aralan mo itong mabuti.

Kikuichi: Iinsayuhin kong mabuti, at inaasahan kong tuturuan mo akong muli.

Koto: Sakalit maitalaga ako sa posisyon ng Kengyo, gagawin kitang isang koto.

Kikuichi: Napakabuti mo ngang talaga.

Koto: Ano yon? Nakakarinig ako ng alon ng tubig. Siguroy malapit tayo sa dagat.

Kikuichi: oo nga, pakiramdam koy dagat nga iyon.

Koto: Kailangan nating tawirin ito. Anong dapat nating gawin?

Kikuichi: Ano nga bang dapat nating gawin?

Nagdaraan: (Sa mga manonood) Dito lang ako nakatira. Dahil may lalakarin ako sa kabilang bundok,
kailangan kong magmadali. Ano itong nakikita ko? Dalawang bulag ang nagbabalak lumusong sa
dagat. Paano kaya nila magagawa iyon? Titigil muna ako rito at panoorin sila pansumandali.

Koto: Halika! Maghagis ka ng bato para matantiya natin ang lalim ng dagat.

Kikuichi: Sige, ayan, naghagis na ako. PLOP!

Koto: Malalim doon.

Kikuichi: Malalim na malalim doon.

Koto: Subukan mo sa ibang direksyon.

Kikuichi: Sige. Ayan, naghagis ulit ako. CLICK!

Koto: Mababaw doon.

Kikuichi: Mukha ngang mababaw doon.

Koto: Kung gayon, lumakad na tayo nang painut-inot. Halika na!

Kikuichi: Pero amo, teka muna sandali.

Koto: bakit?

Kikuichi: Bubuhatin ko na kayo sa likod ko.

Koto: Naku! Hindi na kailangan. Basta sumunod ka sa akin.

Kikuichi: Pero kaua nga ako narito para pagsilbihan kayo. Para na rin sa kabutihan ng aking kaluluwa.
Hayaan niyo ng buhatin ko kayo.

Koto: Hindi, huwag na, dahil hindi ka rin nakakakita baka maaksidente pa tayo. Maghawakan na lang
tayo sa isat isa saka lumakad ng painut-inot.

Kikuichi: Pero ito ang pagkakataon ko para makatulong sa inyo. Kailangang mabuhat ko kayo sa aking
likuran.

Koto: O sige, sige. Dahil mapilit ka, papayag akong buhatin mo ako. Pero kailangang maghanda na
muna tayo. Ihanda mo na rin ang sarili mo.

Kikuichi: Salamat, nakahanda na ako.


Nagdaraan: Mautak ang mga bulag na iyon. Sinusubukan nila ang lalim ng dagat sa pamamagitan ng
paghahagis ng bato. Masuwerte talaga akong aso. Ako ang magpapabuhat patawid sa dagat.
(Papatong siya sa likod ni Kikuichi).

Kikuichi: Humawak kayong mabuti. Ngayon sisimulan ko nang magpainut-inot sa dagat. Sana naman
hindi masyadong malalim. Ayan, nakarating na ako sa kabila. Nagawa ko na ito nang walang kahirap-
hirao, at natutuwa akot wala ring disgrasya.

Nagdaraan: (Sa mga manonood). Hindi ko inaasahan ang swerteng ito. Tuwang tuwa ako.

Koto: Ano kikuichi? Nakahanda ka na ba? Walang sumasagot? Hindi ko ito maintindihan. Ki-kui-chi!
Na-sa-an ka!!!!?

Kikuichi: Na-ri-to a-ko!!!!

Koto: Bakit di mo pa ako buhatin patawid?

Kikuichi: Pero kabubuhat ko lang sa inyo!!!!

Koto: kabubuhat mo lang sa akin? Pero naghahanda pa lang ako. Hindi mo pa ako nabubuhat. Ang
hayop na yon mag-isa palang tumawid.

Kikuichi: (Magmamadaling tumawid sa pinanggalingan) Kailan kayo tumawid na muli rito amo?

Koto: Kailan? Abat walang-hiya tong taong ito. Umaayaw na yata. Madali kat buhatin mo na ako
agad.

Kikuichi: Hindi ko maintindihan ito. Di bale, tatawid na lang ako uli. Kumapit na kayo sa likod ko.

Koto: Huwag kang magalaw.

Kikuichi: Lalakad na ako nang painot-inot. Mukhang napakalalim dito.

Koto: Basta mag-ingat ka at huwag kang masyadong magalaw.

Kikuichi: Opo, opo. Ang lalim naman nito! Naku! Tulungan ninyo ako saklolo!!

Nagdaraan: Nakakaaliw pagmasdan ang kawawang mga bulag!

Koto: Nakakapanggalit itong nangyayari sa atin. Basang-basa na ako. Kaya nga ba tumanggi na
akong pabuhat sayo noong una pa.

Kikuichi: Ipagpaumanhin ninyo. Patutuyuin ko kayo. Talaga namang nag-iingat ako, pero natalisod
ako. Patawarin ninyo ako.

Koto: Nauunawaan kong aksidente ang nangyari, at wala tayong magagawa roon. May nangyari ba sa
sake?

Kikuichi: Anong sabi nyo? Ah, ang bote ng Sake. Heto, hindi nadisgrasya.

Koto: giniginawa na ako. Tagayan mo ako.

Kikuichi: Sige po.

Nagdaraan: Abay may isa pa pala akong suwerte. Akong iinom noon.

Kikuichi: Nagtatagay na po ako. Glug, glug.

Koto: Tama na yan. Mawawala rin ang ginaw ko pagnainom ko na ito.

Kikuichi: Sigurado, amo.

Nagdaraan: (Sa mga manonood). Ang sarap nito!

Koto: Ano na, Kikuichi? Bakit di mo ako tinatagayan?


Kikuichi: Pero katatagay ko lang pot ibinigay ko sa inyo.

Koto: iyon din ang akala ko, pero wala ni isang patak ang baso ko.

Kikuichi: Talagang hindi ko maintindihan ito. Magtatagay uli ako heto, pupunuin ko na ang baso.

Koto: sige bilisan mo.

Kikuichi: Eto na, glug, glug.

Nagdaraan: (sa mga manonood). Abay may kasunod pa! walang kasing sarap ang sakeng ito!

Koto: Tama yan, uminom ka rin ng kaunti.

Kikuichi: Pwede po ba? Salamat sa kabaitan ninyo. Napakasarap ng sake di po ba?

Koto: o, bakit hindi mo pa ako tinatagayan?

Kikuichi: Pero katatagay ko lang po ng isang punong baso para sa inyo.

Koto: Akala ko nga, pero ni isang patak, wala pa rin ang baso ko. Kamuhi-muhi kang tarantado ka. Ni
isang patak di mo man lang ako pinatikim, kasi sinosolo mong pag-inom.

Kikuichi: Naku! Hindi ganyan magsalita ang amo ko. Bakit ko naman sosolohin ito nang hindi inuuna
ang amo ko? Mali ang akusasyon ninyo sa akin. Nakadalawa na po kayong tagay.

Koto: Abat talga bang ginagalit mo ako? Hindi ka lang gago, dinadaya mo ako at pinalalabas na
iniinom ko ang tinatagay mo nang di mo alam. Tagayan mo ako ulit.

Kikuichi: Gusto ko pa sana. Pero, ipagpaumanhin ninyo! Wala na pong natira.

Koto: Ano? Ni isang patak wala nang natira?

Nagdaraan: (sa mga manonood). Talagang nakakaaliw ito. Pag-aawayin ko sila. Bang! Bang!

Koto: Aray! Aray ko! Abat sobra na ito. Matapos mo akong agawan ng inumin, ngayon naman ay may
gana ka pang bugbugin ako.

Kikuichi: Anong sinabi ninyo? Bugbugin?

Koto: Sinaktan mo na ako, ulol!

Kikuichi: Itinabi ko lang po ang bote ng sake. Ni hindi nakaturo sa direksyon ninyo ang kamay ko.

Koto: A, hindi pala? At sino ang mananakit sa akin, aber? Sino, sabi?

Kikuichi: Aray, aray ko po! Inaakusahan nyo na nga po ako ng kung anu-anong hindi ko naman
ginawa, ngayon naman sinasaktan nyo pa ako. Bakit binubugbog ninyo ang isang walang kasalanang
katulad ko?

Koto: Abat hindi nga nakatutok sa iyo ang kamay k o.

Kikuichi: Hindi nakatutok? Sinong nanakit sa akin? Magasalita kayo, sino pa?

Koto: Aray! Aray ko! Kikuichi, ano ba? Bakit mo ba ako sinasaktan?

Kikuichi: Nasa binti ko ang mga kamay ko.

Koto: nasa binti mo? Kaninong mga kamay ang sumuntok sa akin?

Kikuichi: Aray! Tama na! huwag ninyong abusuhin ang inosenteng tulad ko, amo.

Koto: Anong abusuhin?

Kikuichi: Ano pa nga bang ginagawa ninyo?

Koto: Ni hindi nga dumadapo ang kamay ko sa iyo.


Kikuichi: Di dumadapo? Kung gayoy sinong nanuntok sa akin?

Koto: Aray! Ano ka ba?

Kikuichi: Aray ko po, tama na!

Nagdaraan: Nakakatuwa talaga ito. Paiikutin ko sila sa ibat ibang pakana. Pero teka, Abat tinutuluyan
na nilang magsuntukan. Delikado pa ang manatili pa rito. Kailangang makaalis na ako rito habang
may araw pa.

Koto: Nauubos ng pasensya ko. Hindi kita patatakasin lintik ka!

Kikuichi: Bakit ako sinasaktan?

Silang Dalawa: Araaaayyyyy. . .. .!!!!

Kikuichi: Ikinahihiya ko kayo amo. Hawak ko na kayo ngayon. Nagpapanggap lang pala kayong
mabait. Santo-santito!

Koto: Huwag! Sandali lang! matapos mo akong bugbugin, tatakbuhan mo ako. Wala bang ibang tao
rito? Hulihin ninyo siya. Hulihin ninyo! Huwag nyo siyang patatakasin!

Ang Ama ni _____________

Salin ni Mauro R. Avena

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay
sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa
labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsay inuuwi ng ama malaking supot ng mainit
na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng
ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong
magkagulo sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na
mabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat kahit itoy sansubo lang ng masarap na pagkain , sa
mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang
maiiwan sa maliliit.

Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos, at isang babae,
onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng
bagay kung wala ang ina, upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na
nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay
maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.

Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-
palad nito sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at
masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nilay masayang
nakiupo sa kanilat kumain ng kaunti.

Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayoy hindi nag-uuwi ng pagkain ang ama; ang
katunayay ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi
ng kanilang ina. Sa kabila niyoy umaasa pa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama,
naninipat ang mga matang titingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri
nito. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga
batay magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa
malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang
mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at
kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay mamamaga, kayat mahihiya itong lumabas upang
maglaba sa malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga
bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas
na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama at silay magtatanong kung ano ang ginagawa nito.

Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may pagkakataong ilalayo
ng mga bata si Mui Mui. Ang dahilay si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang
kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa
galis na nagkalat sa kanyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga paste, gayong pauli-ulit
siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang halinghing. Mahaba at
matinis, iyon ay tunatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay,
namamaluktot ng pahiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya
sa kanya ang pinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina na pagagalitan
naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer na
nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang
halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at itoy nakakabulahaw na
sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, itoy tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon ng buong
lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na sa tingin nito, sa kabuuan, ay
ang sanhi ng kanyang kabuwisitan.

Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa kanyang trabaho
sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang mahaabang halinghing at di mapatahan ng dalawang
pinakamatandang bata gayung binalaan nilang papaluin ito. Walang anu-ano, ang kamao ng ama ay
bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling
walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahang gulo.
Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig na tubig.

Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang umiyak habang ang
bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon may isang kilometro ang layo doon sa tabi
ng gulod. Ilan sa taga-nayon na nakakatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa
ama na buong araw na nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam
nilang nawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay sa
mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulang humagulgol. Ang balita
tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kanyang amo, isang matigas
ang loob pero mabait na tao, na noon diy nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kanyang
asawa at mga anak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip ang
munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalaki mismo). Nang makita
niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay
ng kanyang anak, ang lalaki ay napaiyak at kinailangang muling libangin.

Ngayoy naging napakalawak ang kanyang awa sa sarili bilang isang malupit na inulilang ama na
ipinaglalamay ang wala-sa-panahong pagkamatay ng kanyang dugo at laman. Mula sa kanyang awa
sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata, kayat madalamhati siyang
nagtatawag, Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak! Nakita niya ito sa libingan sa tabi
ng gulod payat, maputla, at napakaliit at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa
matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng
mga kapit-bahay, na ang ibay lumayo na may luha sa mga mata at bubulong-bulong, Maaring
lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata.

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo. Mayroong siyang naisip.
Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kanyang
amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang
papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi niya gagastahin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang
pasiya na lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanong nila.
Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi itong
dalang muli ang mga bote ng beer.
Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na may mas maliit na
supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita,
pero iyon bay kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang mabuti. Mayroong supot ng ubas at isang
kahon yata ng biskwit;. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng
pinakamatandang lalakiy biskwit; nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon sa tindahan ni Ho
Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi, yong katulad ng minsay
ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira doon sa malaking bahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal
ay nagkasiya sa pangdidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon.
Kayat nagtalo at nanghula ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama.
Inip silang lumabas ito ng kanyang kwarto.

Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa. Hindi dumating ang
senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga kamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha
nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na
wariy kanila na sana, nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig
ng ama. Tingnan natin kung saan siya pupunta. Nagpumilit na sumama ang kambal at ang apat ay
sumunod nang malayu-layo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at
sisigawang bumalik sa baha, pero ngayoy nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang
sila napuna.

Dumating ito sa libingan sa tabing-gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod na kaniyang hinintuan.


Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing
nagsalita, Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito.
Sanay tanggapin mo. Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa
pinagkukublihang mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay
nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama. Naiwan sa
katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay
dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas
nagsalu-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang di nila mararanasang muli.

Tahanan ng Isang Sugarol ni ____________

Salin ni Rustica Carpio

Ang maputing ulap sa maaliwalas na langit ay matingkad na nakukulayan, parang bahaghari. Mabilis
na papunta sa kanluran ang lumulubog na araw.

Dahil tapos nang magalaba, mabagal na tumayo si Lian-chiao sa tabi ng balon. Sandali siyang
napapikit nang maramdamang tila may mga bituing lumilipad sa harap niya, gustong mawala ang mga
bituing nakahihilo.

Si Siao-lan, ang anak niyang babae na tatlong taong gulang ay hubad na nakaupo sa tabi ng
palanggana at naglalaro ng tubig.

Inay, tapos na po ba kayong maglaba? Ako na ang magsasampay. Si Ah Yue iyon na mas matanda
kay Siao-lan nang mga tatlo o apat na taon. Nagdidilig siya ng mga gulay na Chai-sim sa kabilang
gilid. Nang makitang tapos nang maglaba ang ina, mabilis siyang tumakbo para kunin ang mga labada
at isampay sa alambreng nakatali sa dalawang poste sa loob ng kubong walang dingding.

Hindi sinagot ni Lian-chiao si Ah Yue. Tumango lamang siya, nakatayo pa rin at nakapikitnagpipilit
na mabawi ang lakas. Payat siya at maliit, mga biente-singko anyos, at naksuot ng kupas na asul na
sam-fu. Medyo nakangiwi ang kanyang mga labi. May pangit at nagingitim na bukol sa kanyang noo.
Halatang napalo siya ng isang matigas na bagay kamakailan lamang. Malaki ang kanyang tiyan.
Madaling mapansing nagdadalantao siya at malapit nang manganak.
Nang dumilat si Lian-chiao, nakatayo na si Ah Yue sa isang bangkito at isa-isang isinampay ang mga
damit sa alambre. Dahil mataas ang alambre, kailangang tumingkayad siya at tumingala. Habang
minamasdan ang maliit na katawan niyon at ang alanganing paraan ng pagsasampay ng mga damit sa
alambre, biglang nahabag si Lian-chaio. Mahina niyang sinabi, Ah Yue, mag-iingat ka. Baka ka
mahulog!

Opo! sagot ni Ah Yue. Bigla iyong pumihit, nangangambang tumingin at nagtanong, Inay, luto na
ba ang hapunan? Kung hindi, kagagalitan at bubugbugin na naman tayo ni Itay!

Nakapukaw kay Lian-chiao ang huling sinabi niyon. Bigla siyang kinabahan. Kahit mayroon pang
kaning lamig na natira sa pananghalian, lulutuin pa ang mga gulay. Kapag walang nakain pag-uwi ng
asawa niyang sugarol, tiyak na may mangyayari. Hindi sinasadyay nahipo niya ang namamagang
bahagi ng noo. Tumahip ang kanyang puso. Nagmamadali siyang naligo sa tabi ng balon at
pagkatapos ay tinulungan si Siao-lan sa paglilinis ng katawan nito. Pinuno niya ang dalawang balde ng
tubig at kinarga ang mga ito sa pingga pauwi.

Ang nakahilis na sinag ng lumulubog na araw ay tumama sa kanyang katawan, sa malaki at bilog na
tiyan, sa dalawang umuugang balde ng tubig sa pingga, sa umiika niyang paa, at sa hubad na si Siao-
lan na naglalakad sa kanyang likuran, palinga-linga.

Pagod na si Lian-chiao sa walng tigil na pagtatrabaho, ngunit hindi siya puwedeng magbagal ng kilos.
Mabilis niyang sinidihan ang apoy sa pugon, hiniwa ang mga gulay, pakulo ang tubig, nilinis ang mga
kawali at iba pang kasangkapan sa kusina.

Ang pugon ay yari sa luwad at may mga gatla na sa ibat ibang bahagi. Sa tabi ng pugon ay may
maliit na lalagyan ng panggatong. Wala na iyong laman. Kinakailangang isantabi muna ni Lian-chiao
ang sipit ng kalan para manguha ng panggatong. Tumulong si Siao-lan at may dalang isa o dalawang
piraso tuwing papasok, ikinakalat sa lahat ng lugar.

Abala sa gawain si Lian-chiao. Tinanglawan ng liwanag na nagmumula sa apoy ang mga guhit ng
pagod at puyat sa kanyang mukha. Walang makasisisi sa kanya. Mula ala-sais ng umaga, nang
bumangon siya para maghanda ng almusal, hindi na siya natigil sa paggawa hangga ngayon, maliban
sa sandaling pahinga noong tanghalian. Noong umagay nanguha siya ng mga punla ng palay at
itinanim sa bukid, at noong hapon ay nagsibak siya ng kahoy na panggatong at namitas ng ta-feng-ho
isang damong panggamot na gagamitin niyang pampaligo pagkapanganak. Malapit nang isilang ang
sanggol at hindi maaaring hindi siya handa. Kung hindi niya ihahanda agad ang mga kailangan, anong
mangyayari sa bahay kung bigla na lang siyang ipasok sa ospital? Walang alam ang sugarol niyang
asawa kundi humilata sa kama sa kuta ng opyo at magmadyong araw-araw sa Hsiang Chi Coffee
Shop. Kung hindi niya aasikasuhin ang mga bagay-bagay ngayon, sino ang tutulong sa kanya? Bukod
sa gawain sa bahay, kailangan niyang lagyan ng pataba ang mga gulay at pipino na nakatanim sa gilid
ng bahay, at bunutin ang ligaw na damo. Kung hindi ay bubugbugin siya ng kanyang asawa kapag
naging masama ang ani. Masakit pa nga ang kanyang noo dahil sa suntok nito dalawang araw na ang
nakararaan dahil nagkamali siyang sagutin iyon.

Sssst . . . Inilagay niya sa kawali ang mga dahon ng kamote. Ang buong bahay ay napuno ng bango
ng nilulutong gulay.

Nakaupo si Siao-lan sa loob ng bahay, dinidilaan ang mga labi at tinitingnan ang nakatatandang
kapatid na nakatayo pa rin sa kuwadradong bangko sa labas.

Di kaginsa-ginsay isang tinig na tila tunog ng basag na kampanana nagbuhat sa labas ng pinto. Ah
Yue! Hindi ka ba natatakot mahulog diyan? Ang taas ng naaaakyat mo, ha? Gusto mo na bang dalawin
ang hari ng kadiliman?

Itay . . . nagsasampay lang ako. . . kiming sagot ni Ah Yue.


Halos kasimbilis ng kidlat, isang parang-kawayang lalaki ang pumasok sa bahay at sandaling tumayo,
galit. Lintik! Gabi nay hindi pa luto ang hapunan. Umalis ka ba para hanapin ang kalaguyo mo?

Sandali na lang . . . maluluto na . . . Ipiprito ko na lang ang inasnang isda. Pagkatapos . . .


pagkatapos ay puwede na tayong . . . maghapunan. Walang lakas ng loob si Lian-chiao na tumingala
man lamang. Inilagay niya sa isang palatito ang pinipritong talbos ng kamote at naglagay pa ng ilang
patak na langis sa kawali. Bahagyang nanginginig ang kanyang mga kamay habang hinuhugasan ang
inasnang isda. Hindi siya naglakas-loob na tumutol sa ingay ng kanyang asawa.

Si Li Hua, ang asawa ni Lian-chiao, ay larawan ng isang tunay na manghihitit ng opyo: payat at
matangkad, may maiitim na ngipin at namumulang mga mata. Matapos nakapamaywang na sigawan
ang bawat isa, nagsimula siyang maghubad, at marahas na nagtanong, Handa na ba ang tubig na
pampaligo?

Ihahanda ko na ang tubig, ihahanda ko na . . .

Mabilis niyang itinabi ang siyansi, ibinuhos ang isang kaldero ng kumukulong tubig sa isang balde na
kauuwi lamang niya. Pagkatapos ay binuhat iyon nang dalawang kamay sa luma at sira-sirang banyo.
Yukung-yuko siya dahil sa bigat ng tubig. Umaalog ang malaki niyang tiyan, at nakangiwi ang
maputlang mukha, nagpapakita ng hirap at marahil ay kawalang pag-asa.

Sumagitsit sa kawali ang inasnang isda dahil sa init ng mantika.

Masusunog na ang inasnang isda. Hindi mo ba naaamoy? Napakabagal mong kumilos. Wala kang
alam kundi kumain! Walang tigil sa pagmumura sa asawa si Li Hua habang ang babaey papunta sa
banyo.

Nagtago sa isang sulok ng bahay ang dalawang bata, nanginginig sa takot. Hindi sila nagkalakas-loob
na magsalita. Kabisado na nila ang nangyayari, baka natalo na naman sa sugal si Li Hua.

Pagkatapos kumain at habang pinupunasan ang namamantikang nguso, kinuha ni Li Hua ang lalagyan
ng tsa. Humigop siya ng kaunting tsa at pagkatapos ay, pwe! lumura sa lupa. Niligis ng kanan
niyang paa ang malapot na laway sa sahig.

Inaakalang aalis na naman ang lalaki, mabilis na ibinaba ni Lian-chiao, na kumakain pa, ang mangkok
at chopsticks, at nagkakandautal na , Ama ni Ah Yue, aalis ka na naman? Akoy . . .

Ano? Hindi ako aalis? Napakalakas ng boses ni Li Hua. Natalo ako ng beinte dolyar ngayong hapon
sa Hsiang Chi Coffee Shop. Bakit hindi ako babalik para mabawi ang natalo sa akin? Pag hindi ako
nanalo ngayong gabi, hindi ko na tatawagin ang sarili kong eksperto sa madyong!

Puwede bang bigyan mo ako ng ilang dolyar? Nag-order ako ng dalawampung itlog kay Ying malapit
na akong manganak. Kailangang bumili ako ng ilang itlog para lutuin sa luya at alak. Minasdan ni
Lian-chiao ang malaki niyang tiyan. Masyadong mahina at mababa ang kanyang boses.

Nang marinig na kailangan niya ng pera, biglang nagtaas ng kilay si Li Hua. Lalong pumula ang mga
mata niyang dati nang namumula. Ibinuka niya ang bibig, ipinakikita ang dalawang hanay ng bungi-
bungi at maiitim na ngipin. Hindi! Hindi! Sinong may sabi sa iyong bumili ka ng masarap na pagkain
kung wala kang pera? Kung kaya mong mag-order, bakit hindi mo kayang magbayad?

Lumura na naman sa sahig ang lalaki at dinilaan ang nguso. Humakbang ang mahahaba niyang binti
at lumabas ang tila-kawayan niyang katawan.

Nakatayo sa gitna ng bahay si Lian-chiao, nakabuka ang medyo laylay na bibig, natitigilan at hindi
makakilos.

Mahangin at maginaw nang gabing iyon. Habang nakahigang walang tinag sa matigas na higaang
kahoy, hindi makatulog si Lian-chiao. Naglalakbay ang kanyang isip. Kahit pagod na pagod siya at
mabigat na ang mga mata pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho, gising na gising pa rin ang
kanyang isip.

Ang mga lumipas na pangyayari ay parang ulap sa bundok na mabagal na pumapailanglang sa


lambak, naaanod, naaanod kasinggaan ng usok. Sa lahat ng mga taong patay na o buhay pa, ang
larawan ng kanyang ina ang namumukod na lumalantad. Sa kagustuhang magkaapo kaagad, pinag-
asawa nito ang tila bulaklak na anak niya si Lian-chiao na kinse anyos pa lamang noon. At ang
masama pa, sa kasabikang magkaroon ng mainam na buhay pagtanda niya, at laban sa payo ng mga
kamag-anak at kaibigan nila, pinili niya para maging manugang si Li Hua, na anak ng nooy isang
mayamang negosyante. Lahat ng kanyang pag-asa ay nabigo. Isang taon pagkaraang makasal si
Lian-chiao at lumipat ng bahay, ang inay namatay sa kanser sa dibdib. Paano niya malalaman na
dahil sa ipinagkasundong kasal, mawawala sa kanyng anak ang katahimikan at kaligayahan sa buong
buhay nito?

Nagbuntung-hininga nang malalim si Lian-chiao. Nanlabo ang kanyang mga mata dahil sa luhang
napigil ang pagpatak. Ngayon, ang taong lumilitaw sa isip niya ay ang kanyang asawa, ang walang
silbi at tila kawayang si Li Hua. Winaldas niyang lahat ang manang iniwan ng ama niya. Marami siyang
bisyo: pagsusugal, paglalasing, paghitit ng opyo, pagpunta sa bahay-aliwan eksperto siya sa lahat
ng ito. Ang pinakamalakas na dagok kay Lian-chiao ay ang pagkamapamahiin ni Li Hua. Naniniwala ito
sa manghuhulang nagsabi na pulos babae ang isisilang ni Lian-chiao at hindi ito kailanman
maghahatid sa kanya ng yaman o suwerte. Sa madaling sabi, si Lian-chiao ang pinanggagalingan ng
kasawiang-palad. Dahil dito, napakasama ng pakikitungo niya kay Lian-chiao.

Walang magawa si Lian-chiao kundi tahimik na pagtiisan ang hindi makatuwiran at kung minsan, ay
malupit na pakikitungo nito sa kanya. Kung nagkaroon siya ng lakas ng loob na magmaktol at
mangatuwira, mandidilat agad iyon, at luluran siya sa mukha mismo, humihiyaw, Ikaw ang sumpa
ng pamilya! Sinong may sabi sa iyong magpakasal ka sa akin? Luka-luka! Kung gusto mong lumayas,
puwede ka nang umalis ngayon din. Alis! Alis! Sinong pumipigil sa iyo?

Tumulo sa pisngi ang luha ni Lian-chiao. Dahan-dahan siyang bumaling.

Nasipa na nina Ah Yue at Siao-lan ang kumot, Mahimbing na natutulog ang dalawa, magkayakap.
Kinuha ni Lian-chiao ang kumot at itinakip sa kanila. Pumikit siya ngunit hindi pa rin makatulog. Nag-
aalala siya. Malapit na siyang manganak. Makukunan kaya siya? Mahirap sabihin. Sa kabila ng
kanyang pagbubuntis, kailangan niyang magbuhat ng mabibigat na bagay kasimbigat ng animnapu
o pitumpung katies araw-araw. Mga ilang araw pa lang ang nakararaan ay bumagsak siya habang
nagsisibak ng kahoy na panggatong. Sino ang gagarantiyang hindi naapektuhan ang bata sa loob ng
kanyang tiyan? Halimbawang malaglag ang bata, at mamatay siya, sino ang mag-aalaga sa dalawa
niyang anak na babae? At kung maayos siyang makapanganak, ano ang mangyayari kung iyoy babae
na naman? Hindi kaya siya palayasin ng kanyang asawa? Ang inam sana kung sa pagkakataong itoy
lalaki naman ang isilang niya. Sa gayon ay hindi na siya gaanong pagmamalupitan ng asawa niya.
Kahit paanot gaganda na ang hinaharap. Alam na alam niyang habang buhay nang magiging
meserable ang kanyang buhay. Ang tanging pag-asa na lamang niya ay ang kanyang mga anak.
Malupit ang buhay.

Unti-unti, nagdilim ang paningin ni Lian-chiao. Inaantok na siya. Pero biglang naging kakaiba ang
pakiramdam niya sa kanyang tiyan. Sumasakit na iyon.

Natanto niyang lalabas na ang bata. Pero gabing-gabi na, at wala pa sa bahay ang asawa niya! Ano
ang gagawin niya ngayon? Naisip niyang papuntahin si Ah Yue sa Hsiang Chi Coffee Shop para
sunduin ang kanyang ama, ngunit nang makitang nahihimbing ng tulog si Ah Yue, nag-atubili siyang
gisingin ang bata. Naisip niya: hindi ba si Ah Yue ay nagdaranas din ng hirap sa buhay tulad niya?
Bagamat bata pa, si Ah Yue ay nagbubuhat na ng mabibigat na bagay at gumagawa ng trabahong
para sa matanda lamang. Bakit hindi bayaang matulog muna siya? Bukod doon, mahangin sa labas.
Kung gigisingin niya ito at palalabasin, tiyak na sisipunin ito. Kung magkasakit si Ah Yue, sino ang
mag-aalaga sa kanya? Sino ang mag-aalaga kay Siao-lan? . . . Wala nang malamang gawin si Lian-
chiao.

Tumitindi na ang hilab ng kanyang tiyan. Nanlalamig na sa pawis ang mga palad niya.

Wala na siyang magagawa. Nagpumilit siyang bumangon. Hawak ang isang gasera, nagpasiya siyang
magtungo sa Hsiang Chi Coffee Shop para hanapin ang asawa.

Pagbukas niya ng pinto, nahagip siya ng malakas na hangin. Nanginig siya at halos mamatay ang ilaw
niya. Isinara ni Lian-chiao ang pinto at mabagal na lumakad papunta sa kapihan.

Bagamat hindi kalayuan sa bahay nila ang Hsiang Chi, sa katayuan niyay parang kung ilang milya ang
layo noon.

Walang buwan nang gabing iyon, iilang bituin ang kumikislap sa langit. Napakadilim at walang
makikita sa lampas sa sampung yarda. Basa ng panggabing hamog ang daan at madulas.

Idiniin ni Lian-chiao ang kaliwang kamay sa kanyang tiyan, umuusad ng mga dalawa o tatlong
hakbang. Sa malamlam na ilaw, ang mukha niyay ninenerbiyos sa sakit at butil-butil na pawis ang
tumutulo mula sa kanyang noo.

Kokak, Kokak. Umiiyak ang mga palaka sa mga pilapil sa gawing kaliwa ng maliit na kalsada.
Binasag ng malungkot nilang pagkokak ang katahimikan ng gabi.

Muling bumugso ang hangin. Tuluyan nang namatay ang ilaw sa gasera. Si Lian-chiao, at ang lahat ng
bagay sa kanyang paligid, ay dagling nakulong ng kadiliman. Hindi siya makasulong at hindi rin siya
makaurong. Ilang sandali siyang tumayo roon, walang tinag at hindi malaman ang gagawin. Parang
hinihiwa ng isang matalim na kutsilyo ang tiyan niya. Natutuliro siya at nahihilo. Kras. Nalaglag ang
gasera mula sa nanginginig niyang mga daliri, nagkapira-piraso. Hindi na maisip ni Lian-chiao kung
ano ang nangyayari. Sinapo niya ng dalawang kamay ang kanyang ulo, nagpupumilit na manatili
siyang nakatayo.

Pagkalipas ng ilang sandali, medyo nanumbalik ang lakas ni Lian-chiao, at unti-unting nasanay ang
mga mata niya sa dilim. Lumakad siyang muli, mabagal, hindi matatag. Kung ilang beses na halos
madapa siya dahil sa madulas na kalsada. Madalas siyang huminto dahil sa sumusumpong na sakit.
Tatayo siya, yuyuko nang mababa hanggang ang sakit ay humupa ngunit ilang sandali lamang.

Narating din sa wakas ni Lian-chiao ang Hsiang Chi Coffee Shop. Napakaliwanag sa loob at maingay:
ang kalantog ng mga pitsa ng madyong sa mesa, ang maingay na boses ng mga sugarol, umuungol o
tumatawa. . . .

Nanghihinang itinaas ni Lian-chiao ang kaliwang kamay at kumatok sa pinto.

Marahil ay buhos na buhos ang isip ng mga tao sa pagsusugal, o baka naman napakahina ng katok
niya. Walang lumapit para buksan ang pinto. Hindi na matiis ni Lian-chiao ang sakit, at kumatok uli
siya nang buong lakas.

Isang matabang babae ang nagbukas ng pinto. Iyon ang may-bahay ng may-ari ng kapihan. Si Lian-
chiao na nakasandal nang husto sa pinto, ay bumagsak sa loob.

Noong una ay nagulat ang matabang babae sa biglang pagpasok niya. Ngunit nang matanto niya kung
sino ang babae, maliksi niya iyong tinulungan at inakay papasok.

Si Li Hua, na dadampot na lamang ng pitsa, ay namangha rin sa biglang pagdating ni Lian-chiao.


Ngunit nakapagpigil siya at mabagsik na nagtanong, Anong nangyari? Bakit gabing-gabi nay narito
ka pa? Pung! Teka, teka! Red Centre ba yon? Ha! Maganda! Magaganda ang pitsa niya at medyo
ninenerbiyos siya, matamang nakatingin sa mesa.
Tinulungan ng maybahay ng towkay si Lian-chiao na maupo sa silyang rattan. Sapo ng dalawang
kamay ni Lian-chiao ang kanyang tiyan, humahalinghing, Ang tiyan ko masakit dalhin agad
dalhin ninyo ako sa ospital

Ano? Ngayon na? Mananalo ako sa larong ito. Sandali. Pung! Ang galing! Ang gandang pitsa nito. Ito
talaga ang kailangan ko. Ha, ha! Quadruple! Unang apat, pangalawang apat Isang libo dalawang
daan at walumpu at dalawang libo limang daan at animnapu!

Malaki ang panalong iyon. Nagsimula siya sa ilang chips lamang, ngunit ngayon ay isang bunton na
ang nasa harap niya. Tuwang-tuwa si Li Hua at hindi niya mapigil ang katatawa, maluwang na
maluwang ang nangingitim na bibig. Habang sinasamsam at inaayos ang mga chips, ngumiti siya sa
taong nakaupo sa harap niya. Ha, ha, Lumpong Chun! Napakagaling nitong siyamnapung libong
galing sa iyo! Napakagaling! Ha, ha. . .

AI-YO YO

Hoy lumakad ka na. Manganganak na ang misis mo! may humimok kay Li Hua.

Walang magawa si Li Hua kundi hilingin sa isang miron na maglaro para sa kanya. Galit na tiningnan
niya si Lian-chiao at nag-aatubiling tumayo. Pumayag ang maybahay ng towkay na ipaarkila sa kanya
ang Morris Minor nito sa dalawang dolyar bawat oras, at dodoblehin sa gabi.

Tinulungan ng maybahay si Lian-chiao na makasakay sa kotse. Si Li Hua, na umuungol pa, ay


nagpunta sa kasilyas sa likod ng kapihan.

Bagamat hindi na gaanong humihilab ang tiyan niya, balisa si Lian-chiao. Bigla siyang nakakita ng ilaw
na mabilis na papalapit sa dako nila. Bahagyang kumislap ang munting ilaw, dahil marahil sa hangin.
Habang papalapit iyon, ay nakita niya si Ah Yueng pangku-pangko ang nakababatang kapatid. Kapwa
sila umiiyak at namumula na ang kanilang mga mata.

Ah Yue, Ah Yue! Bakit dinala mo rito ang kapatid mo? Sisipunin kayo! Lumabas sa kotse si Lian-
chiao, nilapitan ang maliliit na batang babae, hindi malaman kung ano ang gagawin.

Humagulgol ng iyak si Siao-lan. Kaagad siyang inaliw ni Lian-chiao.

Habang pinapahiran ang luha at ilong, marahang nagsalita si Ah Yue, Nagising ako sa iyak ni Siao-
lan. Hianahanap niya ang Nanay. Hindi ko makita si Nanay sa bahay. Naisip kong baka narito kayo,
kaya dinala ko siya rito

Nang malaman ni Ah Yue na papunta sa ospital ang kanyang ina, kumibot nang kaunti ang ilong niya
at ang bibig niya ay lumaylay sa mga sulok. Luhaan ang mga mata niya.

Ah Yue, huwag kang umiyak. Mabait ka di ba? Alagaan mong mabuti ang kapatid mo. Uuwi ang
Nanay pagkaraan ng dalawa o tatlong araw. Pagkahatid sa akin sa ospital, uuwi ang Tatay ninyo
Habang inaaliw si Ah Yue, napaiyak na rin si Lian-chiao. Hindi niyang makayang isipin na aalis siya ng
mga ilang araw, iiwan ang dalawang munting bata sa bahay na walang mag-aalaga sa kanila.

Ibinaba ni Ah yue ang nakababatang kapatid, at sa pagitan ng mga hikbi, Inay, dadalawin ko kayo
bukas, kasama ang kapatid ko. Sasabihin ko kay Itay na isama kami roon. May isa pang dolyar sa
aking lata ng sigarilyo. Dadalhin ko iyon para magamit mo muna

Magiliw na hinawakan ni Lian-chiao ang munting ulo ng anak. Hindi siya makapagsalita dahil sa pag-
aalala.

Lumabas si Li Hua. Kinagalitan ang dalawang bata gaya ng dati. Pagkatapos ay pumasok sa kotse,
binuhay ang makina at pinatakbo.

Patuloy ang madyong sa Hsiang Chi. Ang gabi ay ginulo ng mga tunog ng pitsa, Khe-takhe-ta at
paminsan-minsan, ng malakas ng pung!
Malamig na kumislap ang mga bituin sa langit. Malakas ang hihip ng hangin. Isang munting ilaw ang
mabagal na kumikilos sa daan. Si Ah Yue, pangko sa likod ang umiiyak at inaantok na kapatid,
mabagal at atubiling naglalakad patungo sa kanilang luma at hungkag na bahay. . . .

Mabuhay Ka, Anak Ko ni Pin Yathay

Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo

Ginising ako ng ingay ng digmaan, ng sipol at ugong ng mga tingga. Habang nakahigay namalayan ko
ang iba pang ingay; ngalngal ng mga kotseng nagliligid, ingit ng mga karetang hila ng baka, mga
manaka-nakang sigaw. Tiningnan ko ang aking relo. Alas singko ng umaga. Bumangon ako,
dumungaw sa bintana at minasdan ang paligid nang buong pagtataka. Ang kalye ay bumabaha sa tao
at sasakyang mabagal na naglalakbay sa maputlang liwanag ng bukang-liwayway. Waring lumuwas na
sa bayan ang buong bansa. Abril 17, 1975 noon, napagtanto kong patapos na ang digmaang-bayan.

Thay, dear? Gising na si Any, tahimik na nakahiga sa dilim. Siguroy pinanonood niya ako,
naghihintay ng reaksiyon ko.

Dali ka, Any. Hindi ako nakaramdam ng takot, bagkus ay tensiyon na pinatitindi ng kaalamang oras
na para kumilos. Kailangang kumilos kami agad para maiwasan ang labanan. Katapusan na ito. Ilang
sandali na lang at darating na ang Khmer Rouge.

Naintindihan agad ni Any ang sinabi ko. Mabilis siyang tumayot nagbihis; maliksi ngunit malamyos
ang kanyang kilos at sa isang wagwag ng kanyang uloy naiayos ang buhok niyang hanggang balikat.
Anong mangyayari? tanong niya.

Huwag kang mag-alala, sabi kong nagmamadaling pumunta sa sala para kunin ang mga gamit
namin. Mahihirapan tayo sa umpisa, pero magiging normal din ang lahat. Nagising sa boses namin
ang mga bata. Nagsimulang maghabulan ang dalawang nakatatanda ang siyam-na-taong si Sudath
at si Nawath na limang taon sa loob ng dalawang kuwartong apartment na bumubuo ng lugar namin
sa bahay ng aking biyenan. Kailangang mabihisan muna ang mga bata at pumunta na tayo agad sa
bayan bago makarating dito ang sundalo.

Nawath! tawag ni Any. Narinig ni Nawath ang tawag dahil nakikipagbuno ito kay Sudath sa kama.
Nawath, lalapit ka pag tinatawag ka! muling taway ni Any na lalong nilakasan ang boses. Kung
minsay iniisip kong medyo mabagsik sa mga bata, pero talagang malilikot ang dalawa kaya
kailangang higpitan nang kaunti. Nahagip niya ang papatakbong si Nawath at binihisan, hindi iniintindi
ang pag-angal nito. Naghihikab na bumangon ang beybi pang si Staud, at saka inaantok na
nagpalinga-linga. Sige na, Sudath, sabi ko sa panganay na lalaki. Magbihis ka na. Hindi mo ba
nakikitang nagmamadali tayo?

Hindi naman mahirap balutin ang kakaunting kailangan namin. Isang linggo na naming alam, mula
nang mag-alisan ang mga Amerikano noong Abril 12, na halos tapos na ang limang taong
lumalaganap na labanan sa pagitan ng mga rebeldeng Khmer Rouge ng Cambodia at ng gobyernong
Republikano ni Marshal Lon Nol. Hinihintay na lang namin kung saan magmumula at kailan darating
ang Khmer Rouge. Dalawang araw bago ito, nagbanta na ang ingay ng papalapit na giyera para
maghanap na kami ng pansamantalang malilipatan sakaling tamaan ang bahay. Pinuntahan ko ang
aking mga magulang at nakipagkasundong magkita-kita ang buong pamilya sa bahay ng pinsan kong
si Oan na nakatira sa malapit sa bayan, sakaling lumubha ang sitwasyon. Pinuno na namin ng gasolina
ang lahat ng kotse. Wala na kaming dapat gawin ngayon kundi mag-empake ng dalawang maletang
damit, kasama ang mga alahas ni Any, ang mga naipon namin at ang aking mga dolyar talong
libong lahat na puro tig-iisang daan. Dinala ko ang isang maliit na radyo para makarinig ng mga balita
at isang casette recorder na may kasamang reserbang baterya. Nagtangay din ako ng ilang bagay
na magagamit ko sa propesyon mga librong teknikal ukol sa irigasyon at pagbabai-baitang ng lupa,
isang diksiyunaryong French-English, at mga bolpen at papel.

Sipa ng sipa si Nawath habang pilit siyang sinasapatusan ni Any. Nang mga sandali ring iyon,
pumasok si Anyung na nakatatandang kapatid na babae ni Any. Sinabi nitong handa na sa pag-alis
ang kanilang mga magulang. Habang binibihisan ni Anyung si Staud ng t-shirt at shorts, nagbalot
naman si Any ng mga biskwit at kendi para sa mga bata. Sinisiyasat ko ang aking dadalhin mga
libro, relo, pera, mga papeles na mapagkikilanlan, radyo at minsan ko pang tiningnan ang paligid,
iniisip kung mas mabuti kaya kung pinaalis ko ng bansa ang aking pamilya. Hindi, katulad ng lahat,
ayokong-ayoko sa bulok na rehimen ni Lon Nol. Wala akong dapat ikatakot sa Khmer Rouge.

Inapura ko ang aking pamilya para sumama na sa mga magulang ni Any na nooy sakay na ng
kanilang Austin. Ikinarga ko ang mga bagahe namin sa aking Fiat, habang isinisigaw ang mga habilin
sa kabila ng kaguluhan sa siyudad ratatat ng machine gun, pagsabog ng mga bomba sa malayo, at
patuloy ba andar ng mga sasakyan.

Ang kalyeng iyon, na isa sa maluluwang na lansangan sa Phnom Penh ay isang agos ng mga tao,
kotse, kareta, bisikleta, trak, motorsiklo, at ilang karetang puno ng tao at kagamitan, nag-uunahan sa
maputlang liwanag ng madaling-araw. Ang ilang pamilyay naglalakad; inaakay ng mga ama ang mga
bisikletang puno ng mga kagamitang pambahay, may kilik namang bata ang mga ina. Kitang-kitang
balisa ang lahat, malungkot ang mga mukha, ngunit kakatwang tahimik. Waring hindi natural ang
pagkapasensiyoso ng mga nagmamaneho ng kotse, sumasabay sa lakad ng mga tao nang hindi man
lang bumubusina, isang bagay na hindi mangyayari noong nagsisikip ang trapik sa Phnom Penh, ilang
araw pa lang ang nakararaan. Mayroon pang ilang grupo ng mga sundalo ng bumagsak na Republika
na naglalakad nang tatlu-tatlo o apat-apat, nakasakbat sa balikat ang mga riple, walang takot na
nagbibiruan pa, natutuwang tapos na ang giyera.

May isandaang yarda na ang nalalakad namin, mga taong parang duming lumulutang sa ilog, nang
makarinig ako ng isang pagsabog. Sa gawing kanan ko, sa may kantong malapit sa aming bahay,
isang balumbon ng usok ang lumabas. Ilang minuto pay dumating ang mga ambulansiya at bumbero,
nagtutunugan ang mga kampana at nagkikindatan ang mga ilaw. Humarang sila sa aming daraanan at
wala kaming nagawa kundi tumigil muna.

Sa kabila ng pagmamadali ng mga taong nakapalibot sa amin, sa kabilang kalapitan ng labanan,


nadama kong malayo kami sa panganib. Kahit tapos na ang maraming taon ng digmaang-bayan at sa
kabila ng mga babala ng aking ama ukol sa kalikasan ng Khmer Rouge, naniniwala akong babalik din
sa dati ang lahat, gaya ng nakilala kong Cambodia bago nagkaroon ng digmaang-bayan.

Buhat ako sa Oudong, isang nayong may dalawamput limang milya ang layo sa hilaga ng Phnom
Penh. Doon namuhay ang ama kong si Chhor bilang isang maliit na negosyante. Hindi siya mayaman
tatlo lamang ang kuwarto ng bahay naming may bubong na pulang tisa at sahig na matigas na lupa
ngunit mataas ang pangarap niya at ng aking inang si Loan para sa akin, ang panganay sa limang
magkakapatid. Ipinadala nila ako sa Phnom Penh para magkaroon ng magandang edukasyon sa
haiskul. Magaling akong estudyante. At nang akoy edad disisiete, ako ang pinakamahusay sa
matematika sa buong bansa.

Hindi ko iniisip ang pulitika noon. Maituturing na karurukan ng katatagan ang mga taon ng aking
kabataan kung ikukumpara sa mga sumunod na panahon. Walang kinikilingan ang Cambodia, popular
ang aming pinunong si Prinsipe Sihanouk, tila walang kahirap-hirap na umuunlad ang bansa, at waring
napakalayo ng digmaan sa Vietnam. Wala ring usap-usapan tungkol sa pakikisangkot ng Amerika sa
Southeast Asia.

Bilang isang matalinong estudyante, naging karapat-dapat akong iskolar ng gobyerno sa ibang bansa.
Nakaugalian nang papag-aralin sa France ang estudyanteng Canbodian, ngunit naging sentro ng
oposisyon laban kay Sihanouk ang France, kaya sa Montreal ako ipinadala kasama ng iba. Doon ako
nag-aral ng inhenyeriya.

Bumalik ako sa Cambodia noong 1965, sa isang bagong buhay. Nagtrabaho ako sa Ministry of Public
Works, at nagpakasal sa una kong asawa, si Thary. Tulad nang karaniwang nangyayari sa mga
bagong kasal, tumira kami sa bahay ng mga magulang ni Thary. Malaking bahay iyon dahil isang
mayamang opisyal sa Ministry of Finance ang kanyang amang si Mr. Khem. Ipinanganak ang
panganay naming si Sudath noong 1967. Mukhang patungo na kami noon sa isang magandang
kinabukasan.

Gayunman, kung babalikan ko ang nakaraan, mangilan-ngilan nang palatandaan ng kawalang-


kasiyahan sa paligid. Itinuring ni Sihanouk ang sarili bilang ama ng bansa. Hindi nagtagal at umugong
ang usapan tungkol sa nepotismo at kabulukan. Sumabay dito ang lumulubhang digmaan sa Vietnam.
Dahil masigasig si Sihanouk na panatilihin ang magandang pakikipag-ugnayan sa kanyang
makapangyarihang kapitbahay, lihim siyang nakipagkasundo na magagamit ng mga North Vietnamese
ang malalayong lugar sa silangang bahagi ng Cambodia sa paghahatid ng mga sundalo at armas sa
South Vietnam. Naging dahilan ito ng pagtuligsa ng Estados Unidos. Nalagay sa alanganin ang
tradisyunal na niyutralidad ng Cambodia.

Bilang reaksiyon sa mga pangyayaring ito, sinuportahan ng mga di-nasisiyahang Cambodian ang
maliit na grupo ng mga rebeldeng Khmer Rouge, na ang karamihay pinangungunahan ng mga
intelektuwal na nag-aral sa France.

Hindi ito gaanong nakaapekto sa aming buhay. Ako mismoy maraming problemang pansarili.
Dumating sa buhay ko ang isang trahedya noong 1969. Habang hinihintay namin ang pagsilang ng
aming pangalawang anak, nagsakit ng hepatitis si Thary na nooy beinte kuatro anyos lang. Hindi na
siya gumaling. Namatay sila kapwa ng aming anak nang manganak siya. Isang taon ko siyang
ipinagluksa. Umasa na lamang ako sa dalawang nakababatang kapatid ni Thary: si Anyung, beinte
uno, at lalo na kay Any, disinuebe, sa pag-aalaga kay Sudath habang akoy nasa trabaho.

Nang lumaon, at parang iyon na ang pinakanatural na mangyayari, umibig ako kay Any. Maganda
siyang babae, maitim ang buhok na hanggang balikat at balingkinitan ang katawan. Sa edad na
beinte, naging kaligayahan na niyang balikatin ang trabahong-bahay at minahal niya si Sudath na
parang sariling anak. Nagpakasal kami. Noong 1971, ipinanganak ang aming anak na lalaki, si
Nawath. At noong 1973, si Staud naman.

Noong mga unang taon ng dekada sitenta, nataas ako ng puwesto at naging direktor ng Department
of New Works and Equipment sa ministri. Ang posisyong ito ang nagbigay sa akin at sa aking pamilya
ng proteksiyon laban sa kahirapang pampulitika at pangkabuhayan na bunga ng lumalaganap na
digmaang-bayan. Walang nalalaman si Any kundi ang nangyayari sa bahay ng kanyang mga
magulang, hindi rin niya inuusisa ang aking mga paniniwalang pampulitika. Sa aking palagay,
masyado kaming kampante, tulad ng iba panag kakilala ko.

Naging kapansin-pansin na ang pagkawala ng niyutralidad nang panahong ito dahiil sa naging
patakaran ni Sihanouk na bigyang kasiyahan ang lahat. Dumami ang mga North Vietnamese sa bansa
humigit-kumulang sa apatnapung libo kaya ipinag-utos ni Presidente Nixon na bombahin ang mga
ito, isang lihim na ekstensiyon ng dimaang sa huliy makakasira sa kanya at sa amin. Taliwas sa
inaasahan ang naging epekto ng mga pagsalakay lalo nitong inakit ang pagpasok ng mga komunista
sa Cambodia.

Noong 1970, pinabagsak ni Lon Nol, na Punong Ministro at pinuno ng armi, si Sihanouk. Nangako
itong lilinisin ang kabulukan at palalayasin ang mga Vietnamese. Tumakas si Sihanouk patungong
Peking, at ang nakapagtataka, nagpahayag siya ng suporta sa mga gerilyang Khmer Rouge na dati
niyang kalaban. Tinawag niyang tagapagpalaya ang mga rebelde na karamihay binubuo ng mga
magsasaka, at hindi na niya binigyang-halag ang ideolohiyang komunista ng mga ito.
Sa simulay malaki ang pag-asa namin kay Lon Nol. Ngunit sa pagdaraan ng panahon, naging malinaw
na hindi niya kayang gampanan ang tungkuling ipinataw niya sa sarili. Inatake siya at naparalisado
ang kalahati ng kanyang katawan. Nagpatuloy sa kabulukan at pagwawalambahala ang
administrasyon at sandatahang lakas. Nabigo ang arming sugpuin ang alinman sa mga North
Vietnamese at Khmer Rouge sa kabila ng tulong ng Estados Unidos. Walang nakinabang kundi Khmer
Rouge na tinatangkilik ng mga Intsik. Bumagsak ang bansa sa isang pangkalahatang digmaang-
bayan. Sinabayan ito ng nakasasakal na inflation na pumuwersa sa aming mga maaaring mangibang
bansa na magtago ng salaping dayuhan, lalo na ng dolyar. Noong 1970, umabot sa 60 riel ang kapalit
ng isang dolyar, at 2,000 naman noong 1975.

Kakatwang kaming mga propesyonal at intelektuwal sa Phnom Penh ay naniwala rin sa palagay ni
Sihanouk na makabayan at hindi komunista ang mga rebelde. Dahil na rin ito sa mga hindi
maikakailang pagkukulang ni Lon Nol. At totoo namang ang kanilang programa, na itinataguyod din
ng United Front of Kampuchea ni Sihanouk na nakabase sa Peking, ay hindi bumanggit ng
komunismo. Sa halip, gumagamit sila ng mga nakapagpapahinahong salita gaya ng Ang mga
mamamayang Cambodian, Pambangsang Kalayaan, Kapayapaan, Niyutralidad, Kalayaan, at
Demokrasya.

Ako may sumapi na rin sa oposisyon kay Lon Nol. Nagtatag ako ng organisasyong tinawag naming
Bees Club, isang propesyonal na may magkakaparehong kaisipan mga opisyal ng mga gobyerno,
propesor sa unibersidad, mga opisyal, at ilang oposisyonistang pulitiko. Laban kami sa mga diktador,
mga komunista at sa rehimen ni Lon Nol, ngunit wala kaming tinatangkilik. Itinuturing naming ang
mga Amerikano ay magkahalong biyaya laban sila sa komunista pero sinusuportahan nila ang bulok
at walang-silbing si Lon NoI. Ibig naming magkaroon ng isang pamahalaan na may pambansang
pagkakaisa, at kung posible, isang koalisyong pamahalaan, kasama na ang Khmer Rouge.

Naniniwala akong higit sa lahat, bayani ang Khmer Rouge dahil marami akong kilalang nagtataguyod
sa kanila at sumapi sa kanila. Ulit-ulit na sinabi ni Ama na nagkakamali ako dahil nakita at nakausap
niya ang di mabilang na nagsitakas bago sila lumipat sa siyudad, kasama ang buong pamilya, noong
1972. Madalas kong siyang sabihan noon na huwag mawalan ng pag-asa; iginigiit ko pang
nabubulagan lang siya sa propaganda ng pamahalaan. Tutal, sabi ko pa, may sarilingtauhan sa mga
gerilya si Sihanouk at tiyak na hindi nila susuportahan ang mga taong pumapatay ng mga kababayan
at naninira ng mga pagoda. Maaaring komunista ang iba, sabi ko, pero higit sa lahat, Cambodian
silang gaya namin.

Noong mga unang araw ng Marso 1975, nagkaroon ng pala-palagay na mababago ang pamahalaan;
na pupuwersahin ng Khmer Rouge si Lon Nol na magbitiw, at inisip naming susundan ito ng maayos
na pagtatatag ng isang bagong rehimen. Kahit papaano, inakala kong magiging isa si Sihanouk sa
solusyong pulitikal, kung ano man iyon. Ngunit noong ika-isa ng Abril, nahikayat umalis si Lon Nol, at
nawala ang huling sagabal sa pagkakaroon ng maaayos na kasunduan. Naiwanan ang pamumuno ng
gobyerno sa mga kamay ni Long Boret. Alam kong wala na akong dapat ikatakot nang bumagsak ang
dating rehimen. Isa lamang akong karaniwang inhinyero. Hindi namin kailangang umalis nang bansa.
Hinintay ko ang pagtatapos ng digmaan at umasang magkakaroon ako ng bahagi sa pagbubuo ng
bagong Cambodia.

***

Sa kakapalan ng tao, inabot ng dalawang oras bago namin nalakbay ang dalawang milyang distansiya
papunta sa Psar Silep, isang residensiyal na lugar malapit sa ilog. Ito ang sentro ng siyudad, ang
pinakamagandang bahagi ng Phnom Penh malalapad ang mga kalyeng natatamnan ng mga puno at
magkakahiwalay na mga villa na istilong French colonial. Malaki ang pook na ito, may sapat na lugar
para sa mga puno at halaman. Dito nakatira ang pinsan kong si Oan. Dalawang palapag ang bahay
niya, protektado ng mataas na bakod na yari sa tisa at may pintuang bakal. Magandang tagpuan iyon
dahil nag-iisa si Oan sa malaking bahay. May ilang linggo nang nakaalis ng bansa ang asawat anak
niyang lalaki, kasama ng kanyang mga biyenan.

Nang makapunta sina Anyung at mga biyenan ko sa bahay ng isang tiyahin, ipinasok ko naman ang
Fiat sa kalsadang kinatatayuan ng bahay ni Oan. Nagulat ako pagkakita sa marami kong kamag-anak
si Oan at ang dalawa niyang kapatid na babae kasama ang kani-kanilang pamilya, ang aking
dalawang kapatid na babae, dalawang lalaki at mga pamilya nila, at ang aming mga magulang
tatlumpo lahat. Naglapitan ang lahat sa amin, tuwang-tuwa nang makita kami. May isang oras na sila
roon at nag-aalala na sa amin.

Nang nakikipaglaro na sa mga pinsan nila ang mga bata, naghanda ng pagkain ang mga babae.
Gumagawa ang lahat maliban kay Vuoch na nakikipaghuntahan sa mga lalaki. Si Vouch, dalawamput
isa, ang intelektuwal ng pamilya. Nasa ikatlong taon na siya sa unibersidad, nag-aaral ng inhinyeriya
na pambihira para sa isang babaing Cambodian. Nakahiligan niya ang simpleng pananamit at mabigat
na pagsasalita, wariy determinadong takasan ang tradisyunal na papel ng babae at igiit ang sarili sa
daigdig ng mga lalaki. Magiliw siyang gaya ng nakatatandang kapatid na babaeng si Keng kung
nakikipag-usap sa aming ina, kay Any o sa mga bata, pero madaling mapako ang atensiyon niya sa
mga usapang pampulitika.

May bukas na radyo sa isang mesa, pero walang balita, puro tugtog militar. Tinanong ako ng kapatid
kong lalaking si Theng kung ano sa palagay ko ang nangyayari sa bayan. Dalawang taon lang ang
kabataan sa akin ni Theng, may asawa siya at tatlong anak, dalawang lalaki at isang sanggol na
babae. Medyo bilib siya sa akin sa mga usaping pampulitika, hindi lamang dahil nakatatanda ako sa
kanya, kundi dahil sa posisyon ko sa ministri. Titser siya sa primarya, nakatira sa mga magulang
namin, at mas interesado sa basketbol kaysa pulitika. Bagay naman iyon sa katawan niya kaya mas
napakikinabangan siya kung mabigat na trabahong dapat gawin. A, sabi kong nakatitiyak, pag-
uusapan siyempre yan ng mga opisyal ng magkabilang panig

E bakit hindi pa nila ibalita sa radyo? sabat ni Vouch.

Nakapagtataka nga, sabi kong hindi tumitingin sa kanya para makaiwas. Pero wala namang dapat
ipag-alala. Hindi magtatagal at magkakaroon ng isang bagong gobyerno at muling mamumuno si
Prinsipe Sihanouk. Makikita mo.

At makabubuti sa kanyang huwag na niyang ulitin ang mga dating pagkakamali niya.

Bahagyang katahimikan ang nagdaan. Para maputol ito, may isang nagsabi: Ano sa palagay mo,
Sarun?

Nagkatinginan kaming lahat. Kawawang Sarun. Titser siya noon bago maaksidente sa isang motorsiklo
na ikinabagok ng kanyang ulo, dalawang taon na ang nakararaan. Hindi na siya katulad ng dati. Datiy
masayahin siya at mapaglaro, ngayoy lagi siyang malungkutin at mainisin. Kadalasan ay mahiyain
siya na pang bata, pero minsay galit na galit o nagsasalita ng mga bagay na walang kaugnayan sa
pinag-uusapan. Sabihin pay naalis siya sa eskuwela, pero hindi maunawaan kung bakit. Ang hindi
nagbago sa kanyay ang pagmamahal niya sa asawang si Keng at sa limang-taong anak na babaing si
Srey Rath.

Ano sa palagay ko? ani ni Sarun sa dating matamlay na ngiti. ewan ko. Pero kung mababalik si
Sihanouk, siguro makukuha ko uli yung dati kong trabaho. Ano sa palagay mo Thay?

Naniniwala siyang naging biktima siya ng isang sabwatan at hindi makabubuting pag-usapan pa ang
tungkol doon. Ngumiti akot nagkibit-balikat.
Ano ang inginiti-ngiti mo riyan, Thay? tila nanunumbat ang boses ni Keng mula sa kusina.
Siguradong mababalik sa trabaho si Sarun pag maayos na ang lahat. Sarun, dear, puwede bang
tawagin mo na si Srey? Maghahain na kami.

Bilib kaming lahat kay Keng. Mapalad si Sarun dahil sa kanyang katapatan at pangangalaga.

Noon dumating ang pinsan kong si Sim. Nakangisi siya na para bang kababalik mula sa pamamasyal
sa buong bayan.

Sim! tawag ni Oan na gulat na gulat. Bat nag-iisa ka? Nasan ang mga magulang mo?

Wala pa ba sila dito? Akala koy napahinto siyang nakasimangot.

Halika na, Sim, sabi ng tatay ko ko na kilalang-kilala si Sim mula pagkabata. Disiotso na si Sim at
nasa haiskul, pero hindi siya matalino. Wala siyang ginawa kundi maglakwatsa kasama ng mga
kaibigan.

Akala koy naririto na sila, tiyong. Nanood ako ng nasusunog na bahay, tapos, hindi ko sila makita
kaya nagpunta na ko rito. Aalis uli akot hahanapin ko sila.

Loko ka ba, tumigil ka na lang dito. Hindi sila maaano. Peligroso nang lumabas uli.

Doon nga kami pumirmi, paupu-upo kahit saan, pakain-kain ng kanin, ulam at prutas na inihanda ni
Any at ng iba pang nasa kusina. Pinag-usapan namin ang mangyayari sa kabila ng ingay ng mga
nagsisitakas sa labas at ng tugtog ng radyo. Inulit ko ang paniniwalang magkakaroon ng solusyong
pulitikal. Karaniwang umaayon o nananahimik lang ang iba. Kapag tutol si Theng, lalong maraming
angal ang isa ko pang kapatid na si Thoeon. Hindi siya lumaki sa amin, Nakisama siya sa kanyang
mga biyenan, kaya medyo malayo ang kanyang loob. Sumasali rin sa usapan si Vouch. Samantalay
nanonood lang si Any, tahimik at minamasdan kung sino ang nagsasalita, na karaniwan niyang
ginagawa kapag maraming tao. Bahagya ring sumasali si Oan kahit nasa bahay niya kami. Mayaman
nga siya pero hindi siya gaanong matalino. Sinuwerte siyang makapag-asawa ng may-kaya may-ari
ng ilang sinehan ang biyenan niyang lalaki.

Ngunit hindi madaling papaniwalain ang aking ama. Paulit-ulit ang babala niyang komunista ang
Khmer Rouge. Mataas siya, malakas at may matatag na pagkatao, gayundin sa pangangatwan. Hindi
siya masalita at inirerespeto siya sa kanyang paniniwala. Pero naiinis ako sa mga prediksiyon niya.
Narinig ko noon. Paulit-ulit ko nang nasabi sa kanyang walag dapat ipag-alala.

Tsismis lang yan, tay, propaganda, sabi kong hindi ipinahahalata ang pagkainis. Wala namang
binabanggit tungkol sa komunismo ang kanilang programa. Kaibigan ko ang ilan sa mga taong iyon.
Hindi sila magsisinungaling. Bakit pa? Mayaman ang ating bansa. Hindi nila kailangang gumawa ng
kalupitan para pakainin ng taumbayan.

Tumahimik ang aking ama. Ang aking naman ang nagsalita. Mukha siyang mahina, maliit, kung
ikukumpara sa mga anak niyang babae. Buong buhay niyay nagugol sa pag-aalaga sa pamilya sa
nayon. Pero kung narinig mo siyang magsalita, mahuhulaan mong sa kanya nagmana si Vouch.

Igalang mo naman ang tatay mo, Thay, aniyang mahina pero matigas. Nakausap namin ang mga
taong nagsisitakas, napatay ang kanilang pamilya, sinunog ang kanilang mga bahay. Malupit ang
Khmer Rouge. Komunista sila, gaya ng mga tauhan ni Mao sa China. Kapag sila ang namuno,
katapusan na ng relihiyon natin. Kalimutan mo na ang kaligayahan.

Ang inay naman!, sabi ko. Anong komunista ang sinasabi nyo? Iyong iba sa kanila siguro, pero alam
nilang napakarelihiyoso ng mga Cambodian at mapagmahal sa buhay para tanggapin ang komunismo.
Makabayan muna sila bago komunista. Susundin nila ang gusto ng mga tao. Alam kong tama ako.
Mga tanging impormasyon ang ibinibigay sa akin ng mga kakilala ko. Isa pay nakapangibang-bansa
na akot may malawak na pananaw. At anong nalalaman ng mga magulang ko, na simpleng
negsyante lang, tungkol sa tunay na sitwasyon?
May isang oras kaming nag-usap-usap. Mayat mayay natitigil kami dahil sa sigaw ng mga bata at
manaka-nakang pagsabog sa may kalayuan. Pagkatapos, nang bandang alas diyes, isang boses na
noon lamang namin narinig ang nagpatigil sa tugtog-militar sa radyo: makinig kayo! Abangan ang
isang importanteng pahayag! napatigil ang lahat at tinawag ang mga kamag-anak na nasa kusina at
bakuran. Kinawayan ko si Any na mabilis namang pumasok matapos tingnan si Nawath na
nakikipaglaro sa kanyang mga pinsan.

Namayani ang katahimikan.

Narinig sa radyo ang mahinang boses ng Patriarkong Budhista na si Huot Tat. Nagkatinginan kaming
lahat at tiwalang napangiti. Hindi lamang siya ang may pinakamataas na awtoridad na panrelihiyon,
ang simbolo ng katatagan; miyembro rin siya ng aming pamilya, amain ng aking ama.

Malapit ako sa kanya. Sinubaybayan niyang mabuti ang aking pag-aaral at dahil na rin dito kung bakit
nakatagpo ako ng lakas sa mga aral ng Buddhismo noong estudyante pa ako. Waring angkop iyon sa
aking mga aspirasyon at pagkatao. Nakasalalay sa sarili ang kaligtasan, turo ni Buddha.

Walang magagawa ang Diyos kung di ka magkukusa. Lahat ng kabutihan at kasamaan ay


magbubunga, maaaring sa buhay na ito o sa susunod, ngunit laging malaya ang taong paunlarin ang
sarili, magpakabuti, pagandahin ang ugali, sa pamamagitan ng pagdarasal na patnubayan siya at
bigyan ng malinaw na pananaw, sa paggawa ng mabuti, at mahusay na paggamit ng kakayahan at
talinong kaloob sa kanya. Natitiyak kong nagawa ko ang pinakamabuting magagawa ko, maraming
salamat sa impluwensiya ni Huot Tat.

Kaya tulad ng ibay sabik akong marinig ang sasabihin ng matanda, -- marahil ay mas sabik pa at
makatagpo ng katiyakan sa sasabihin ng kagalang-galang na matandang hindi mapag-aalinlanganan
ang kalagayan, na ang patnubay ay tiyak na kakailanganin ng bagong rehimen.

Huwag kayong mag-alala, sabi niya. Itigil na ang labanan. Darating na ang kapayapaan. Nakaraan
na ang ating bansa sa isang mahirap na pagsubok. Kailangang muli natin itong itayo. Iyon lamang, at
iyon lamang naman ang kailangan.

Pagkaraay isa pang boses ang narinig. Kay Heneral Mey Sichan iyon, ang puno ng sandatahang lakas
ng Republikano. Dapat nang sumuko ang lahat ng sundalo, sabi niya, para maiwasan ang pagdanak
ng dugo samantalang ipinagpapatuloy ang pakikipagnegosasyon sa ating mga kapatid.

Tapos na ang lahat, naisip ko. Mabuti, bulong ko kay Any sabay yakap. Lumuwag ang pakiramdam
naming lahat.

Ngunit ilang sandali lang at natabunan ang boses ng heneral ng di maunawaang ingay. Pagkaraay isa
pang boses ang sumingit, mas malakas, parang may umagaw sa mikropono.Ang digmaan ay
naipanalo sa pamamagitan ng sandata, hindi ng negosasyon! Sumuko na ang mga puwersa ng
gobyerno! Nanalo ang mga rebelde! Tapos na ngayon ang digmaan!

Pagkaraay nakatatakot na katahimikan. Walang musika, lahat ay natigil. Nawala ang mga ngiti
namin. May nagpatay at muling nagbukas ng radyo, tinetesting. Wala. Naglalakihan ang mga matang
nagkatinginan kami.

Sa katahimikan, namalayan ko ang tinig ng mga tao sa kalye, at ang ingay ng mga makina. Panatag
kaming nakakulong sa bahay, gayundi ang mga kapitbahay. Pero sa labas, libu-libong mga tao ang
nagsisiksikan patungo sa sentro ng Phnom Penh. Saan sila pupunta? Naipalagay ko lang na tutuloy
sila sa mga pagoda, sa mga unibersidad o sa bakuran ng mga gusaling pampubliko, hanggang sa
matapos ang labanan.

Isang oras ang lumipas. Patuloy na naglaro ang mga bata samantalang mahinang nag-usap-usap ang
matatanda. Pagkaraay narinig namin ang sigaw ng pagsasaya sa kalayuan. Tumalong palabas ng
bakod si Sim para alamin kung ano ang nangyayari, pagkatapos ay mabilis siyang bumalik at
sumigaw, Ang mga Khmer Rouge!

Talaga nga palang tapos na. Nagmamadali naming binuksan ang pinto para manood.

Sa buong paligid, nagbitin ang mga puting tuwalya, kumot, damit, at anumang puting
maiwawagayway ng mga tao. Nagsimulang dumami ang mga tao sa kalye, palayo sa amin. Isang uri
ng prusisyon ang wariy panonoorin nila sa Preah Monivong, isang pangunahing kalyeng nagmumula
sa timog at kumukrus sa tabing kalye namin, may ilang yarda ang layo. Matapos isenyas kay Any na
bantayan ang mga bata, nakipagsiksikan ako sa mga taong nasa harap kasama ng iba pa. Noon ako
unang nakakita ng mga sundalong Khmer Rouge.

Malinis ang kalye, lahat ng tao ay nakatayo sa bangketa. Sa gitna ng kalsada, isa-isang naglalakad
ang mga sundalong noon ko lamang nakita, nahahati sa pangkat ng tiglilimampu. Lahat sila ay
nakaunipormeng itim na tila padyama ang yari, walang dekorasyon pero maayos na nakabutones.
Nakasumbrerong Intsik sila at sandalyas ng Ho Chi Minh na yari sa gulong ng kotse. Ang ilan ay may
dalang AK47, ang iba namay mga rocket launchers. Lahat silay may tsekerd na kramar mga
bandanang nakapulupot sa kanilang leeg o sumbrero. Hindi sila nagmamartsa ngunit hindi sila
mukhang nanlalata. Nakatitig lamang sila sa unahan ng linya, walang kangiti-ngiti. Lahat silay
mukhang wala pang disiotso anyos. Ang tanawing ito ay magiging pamilyar pagkaraan sa buong
mundo sa pamamagitan ng mga retrato at pelikula, ngunit ni wala kaming babala kung ano ang itsura
nila.

Hindi ako nabigla o nangamba; gayunmay nakadama ako ng pag-aalala sa katigasan ng mukha ang
mga kabataang sundalo, lalo na ng makita ko ang magandang pagtanggap sa kanila ng mga tao.
Nagpapalakpakan at walang takot na sinundan ng mga tao ang hanay ng mga sundalo, ngunit ang
kasabikan at kasiglahan nilay walang epekto sa mabalasik na mga kabataan. Nakatanaw lamang sila
sa malayo, walang damdamin, blangko, parang mga robot.

Ngunit masyado kaming nasisiyahan para bigyang pansin ang kanilang inuugali. Tapos na ang giyera.
Ni hindi kami nasaktan. Kaya nagyayakapan ang mga tao at nagwawagaywayan ng mga puting tela.
Sa halip na matakot, kaming lahat ay nagtiwala sa kawalang pakialam ng Khmer Rouge.

Minsan lang akong ninerbiyos. Isang trak ng militar na minamaneho ng isang sundalong Republikano
ang biglang lumitaw sa daan, pauwi na siguro at natutuwang tapos na ang labanan. Isang Khmer
Rouge ang sumenyas at nag-utos na siyay bumaba. Mabilis na tumalon at tumakbong palayo ang
lalaki ngunit maagap siyang hinabol at nahuli ng isang Khmer Rouge na may kipkip na baril. Isinalya
nito sa pader ang sundalo at tinutukan ng riple. Pagkaraay mahinahon nitong inutusan ang sundalong
hubarin ang kanyang uniporme at iwan ang sasakyan. Sumunod naman ang lalaki at lumayo na ang
Khmer Rouge. Muli akong nakahinga, mas nakasisigurong maaayos ang lahat.

Masaya kaming bumalik sa bahay ni Oan, nagbibiruan, nagkukuwentuhan, nagpaplano. Sabi koy
iuuwi ko na ang aking pamilya. May ibang nagsabing pupunta sila tabing-dagat at magsaya. Mukhang
pabalik na sa normal ang lahat. Sakay ng kanilang Austin, dumaan sa bahay ang mga magulang ni
Any para sabihing babalik na sila sa kanilang bahay. Kami man ay paalis na ng sabihin ni Oan, Bakit
hindi pa kayo rito mananghalian? Bakit nga ba hindi. Matitingnan naman ng mga biyenan ko ang
bahay namin habang wala pa kami. Naglalaro ang mga bata sa bakuran. Mag-aalas onse pa lamang,
walang dahilan para magmadali. Naiwan kami, masayang nag-uusap.

Nanananghalian kami at nag-iisip ako kung papasok na ako sa trabaho kinabukasan, nang isang lalaki
ang dumating. Halos hindi makahinga. Siya ay katiwala sa bahay ng mga biyenan ni Oan na nakatira
may isang milya ang layo, sa gawing dinaanan ng Khmer Rouge. Ipinagkatiwala nila sa taong iyon ang
bahay nang umalis sila sa Cambodia kasama ang asawa at nag-iisang anak ni Oan. Nakatayo ito
ngayon sa may pintuan, takot na takot at gulung-gulo ang ayos. Pinalayas kami ng mga Khmer
Rouge sa aming mga bahay! Pinagsabihan kaming umalis ng siyudad! sabi nitong halos hindi
makapgsalita. Anong gagawin ko?

Agad nagbago ang pakiramdam namin. Nahinto kami sa pagkain at pinagtatanong siya:

Sigurado ka ba?

Bakit?

Baka nagkamali ka lang ng pag-intindi?

Wala kaming narinig na sinabi nilang ganon.

Nagbibiro ba siya? Mag-alisan kami, parang hindi kapani-paniwala!

Kailangang malaman namin ang totoo kaya nagtanong kami sa mga kapitbahay para malaman ang
mga pangyayari. Sila may nakarinig ng mga usap-usapan ukol sa ebakwasyon. Pero walang balita sa
radyo parang nakabubuhay ng loob ang kawalan ng opisyal na babala.

Hindi namin alam ang ang gagawin. Aalis ba kami sa bahay ni Oan? Desperado na kaming makasagap
ng impormasyon para makapagplano. Iminungkahi kong konsultahin namin ang aming amain, ang
Patriarkang si Huot Tat na nakatira sa Onalon Pagoda sa tabi ng ilog dalawang milya ang layo. Tiyak
na alam niya kung ano ang nangyayari. Hihingi kami ng payo sa kanya, makakukuha rin kami ng
proteksiyon.

Wala nang makaisip kung ano ang mas mabuting gawin. Sumakay kaming lahat sa tatlong kotse sa
aking Fiat, sa Puegeot ng aking kapatid na si Theng, at sa Mercedez Benz ni Oan. Muli, napasama
kami sa mabagal na prusisyon ng mga tumatakas. Nagsisikip pa rin ang mga kalye. Napasama na sa
mga papunta sa sentro ng bayan ang mga taong pinalayas sa kanilang mga bahay. Tila tulala ang
lahat ngunit walang kaguluhan o ingay, isang pulutong lamang ng mabagal na umuusad patungo sa
kung saan, mga taong naglalakad, nagbibisikleta, sakay ng trishaw, at mga kotse. Paminsan-minsay
isang putok ang naririnig mula sa kalayuan. Ang mga ganitong pagunita na labanan ay nagpaalisto sa
amin dahil hindi namin alam kung sino ang binabaril nino. Kakatwang agad-agad ay naging masunurin
at magalang ang lahat, maingat na sinusunod ang tuntunin sa daan, takot waring makaaksidente,
takot waring mapansin.

Nang sumunod na na isang oras, minsan lamang akong nakakita ng Khmer Rouge, nang lumabas sa
katabing kalye ang tatlumpu sa kanila, tahimik na nagmamartsa sa isang hanay sa gitna ng daan,
hindi alintana ang mga taong nakapaligid sa kanila. Pinaraan sila ng mga kotse at mga taong
nagdaraan. Nagmartsa sila nang hindi kami pinapansin, wariy iniiwasang mahawa sa amin.

May sariling bakuran ang pagoda ng Patriarka. Isa iyong mataas, dalawang-palapag na templong may
bubong na tisang kulay dilaw. Nakatayo iyon sa tabing-ilog, tumutunghay sa pinagtatapuan ng ilog ng
Mekong at Tonle Sap. Sa paligid niyon, kasama ng mga puno at hardin ng mga bulaklak, ay ang
tirahan ng mga monghe. Ipinarada namin ang mga kotse, dinala ang mga bata at nagpunta sa bahay
ng Patriarka. Matapos kaming ituro sa isang malaking bulwagang puno na rin ng may isandaang
katao, ilan sa amin ang mga magulang ko, ako, si Oan, at ang mga kapatid kong lalaki ang
nagpunta sa tanggapan ng Patriarka.

Kakatwang malakas pa ang Patriarka sa kanyang walumput limang taon, matatag na nakataas ang
ulo niyang ahit, at mukhang bata pa ang malapad niyang mukha. Nakasuot siya ng robang dilaw na
hantad ang isang balikat, at napaliligiran ng mga monghe at sibilyan. Malinaw na maraming tao ang
nag-isip nang katulad namin, ang magpunta sa pagoda para malaman kung ano ang nangyayari at
hinginang proteksiyon ng Patriarka. Agad kong nakilala ang dalawang lalaki, si Heneral Chhim-
Chhuon, dating aide-de-camp ni Marshal Lon Nol, at si Heneral Mao Sum Khem, Chief Operations Co-
ordinator ng sandatahang lakas ng Republikano. Ngunit parang mapagpakumbaba na at nag-
aalinlangan ang dalawang ito na datiy palaban. Halatang badigard nila ang ibang lalaking
nakasibilyan. Lumuhod kaming kasama ng iba pang naroon at ginawa ang tatlong ulit na pagpupugay
na ang mga kamay ay magsalikop sa may noo. Pagkaraay magkakrus ang mga binting naupo kami at
nakinig ng mga usapan.

Dalawang pangunahing tanong ang lumilitaw: paano kikilos ang mga opisyal na Republikano sa harap
ng mga Khmer Rouge? At bakit pinaaalis sa mga bahay nila ang mga mamamayan dahil lumalabas
sa mga report na pinalilikas ang mga tao sa siyudad. Iginigiit ng Pariarka na maging mahinahon ang
lahat. Marahil ay wala namang pangkalahatang ebakwasyon, sabi niya. Walang binabanggit na
pangkalahatang deportasyon ang programa ng Khmer Rouge. Hindi makatwiran, kung gayon, na
magkaroon ng ebakwasyon. Narinig kong sinabi niya, Manatili kayong mahinahon at maghintay ng
utos.

Isang monghe ang inutusan ng Patriarka na tumelepono sa presidente ng Cambodian Red Cross at
kay Chau Sau, ang sekretaryo-heneral ng Opposition Democratic Party. Dapat sanang makapagbigay
ng impormasyon ang dalawang ito, pero tila wala silang nalalaman kundi ang deklarasyon ng Red
Cross na niyutral ang Hotel Le Phnom at ang French Embassy.

May isang nagpatahimik sa lahat at itinuro ang transistor na nasa mesang katabi ng Patriarka. Buhay
na naman ang istasyon ng gobyerno at may maikling mensaha. Tinatawagan ang lahat ng ministro at
nakatataas na opisyal ng sandatahang lakas sa Ministry of Information sa ganap na alas kuwatro ng
hapon. Alam na ninyo ngayon ang gagawin, sabi ng Patriarka, magpapadala rin ako ng sarili kong
kinatawan.

Makaraang umalis ang mga heneral at isang monghe, nagpalakad-lakad kami, nagtatanungan kung
ano ang ibig sabihin ng lahat ng iyon, iniisip kung pupunta kami sa French Embassy o sa hotel Le
Phnom. Nanatiling nakaupo ang Patriarka sa kanyang bangko, mahinahong naghihintay.

Naging lalong kainip-inip ang paghihintay habang humahapon. Nagtatalo ang loob ko kung aalis kami,
ngunit waring nakatatakot ang kawalan ng katiyakan, ang posibilidad na mahuli kami habang
lumilikas, ang kaimposiblehan ng pagpaplano. Sa isang pagkakataon, humingi ako ng permiso sa
Patriarka na matawagan ang French Embassy. Nang humingi ng asylum, sinabi ng nakausap ko na
imposible para sa sinumang Cambodian ang pumasok sa French Embassy dahil guwardiyado ng mga
Khmer Rouge ang pintuan. Kahit na Patriarka mismo ang dumating, sabi ng kausap ko, hindi siya
papasukin ng Khmer Rouge. Ibinaba ko ang telepono, gulat na gulat na may Cambodian na hindi
kumikilala sa awtoridad ng Patriarka. Sa kauna-unahang pagkakataon, napagtanto kong naipit kami.

Tinangka kong tawagan ang mga biyenan ko at si Anyung sa bahay. Walang sagot. Wala kaming
magawa kundi maghintay. Nagpalakad-lakad ako, pilit na pinapayapa ang loob ni Any sa pagsasabi ng
tungkol sa mga tawag at sa pamamagitan ng bahagyang pakikipag-usap sa mga bata. Masasaya
naman ang mga anak ko, nakikipaglaro sa mga kasing-edad nila.

Nang magtakip-silim, mga alas sais, dumating ang kinatawan ng Patriarka. Sinundan ko siya habang
nakikipagsiksikan sa karamihan ng mga tao patungo sa Patriarka, na nagtaas ng kamay para
patahimikin ang lahat. Pinilit kong basahin kung may magandang mensahe sa kanyang mukha, ngunit
blangko iyon.

Sabi niyay maraming mga nakatataas na opisyal na Republikano at mga ministro sa miting; naroon
din ang Prime Minister na si Long Boret. Naupo ang monghe sa tabi ng isang opisyal ng khmer Rouge
na nakipag-usap naman sa kanya nang buong galang. Pinuri ng opisyal ang mga kabutihan ng Khmer
rouge at sinabing maisasagawa na ang muling pagtatatag ng bansa sa tulong ng mga dating opisyal,
intelektuwal at teknisyan. Nang itanong ng isang monghe ang tungkol sa ebakwasyon, umiling ang
opisyal. Wala raw kabuluhan ang ganoong utos. Bakit daw iuutos ang pagpapalikas ng mga taong may
malakas na pangangatwan gayong kakailanganin sila sa pagsasaayos ng ekonomiya.? Sabi niya sa
akin: nasa iyo ang aking palabra de honor, wala akong narinig na ganoong utos. Isa lamang iyong
maniobra ng imperyalista. Ibig lamang nilang matakot ang mga taumbayan.

Nakahinga ako nang maluwag at ibinalita ko kay Any na hindi totoo ang usap-usapan ukol sa
ebakwasyon, ngunit marami pang nagsisilikas ang dumating sa pagoda at nagsabing patuloy pa rin
ang pagpapaalis sa mga tao. Tumindi ang aking pag-aalala. Alinman sa nagsisinungaling o walang
nalalaman ang opisyal. Tumanggi ang monghe nang tanungin ni Oan, hindi raw maaaring
magsinungaling ang opisyal. Ngunit maaari ring wala siyang nalalaman.

Sumapit ang gabi. Muli kong tinawagan ang mga biyenan ko pero wala pa ring sagot. Nakikini-kinita
ko ang pangit na larawan: ang mga magulang ni Any at ang kapatid niyang si Anyung, kasama ng
agos ng mga nagsisilikas, hindi malaman kung saan patungo. Sinulyapan ko siya para pumayapa ang
kanyang loob.

Dahil sa matinding pagod at pag-aalala, nakatulog kami sa mga banig na inilatag sa baldosang sahig
ng pagoda lahat kaming tatlumpu na nahahati sa ibat ibang pamilya. Kakatwang pati ang mga bata,
pati na si Nawath, ay naging masunurin sa aming kakaibang kalagayan at kalituhan. Ibinalot ko ang
aking sa ilang damit at binuksan sa Voice of America sa Cambodian para makibalita. Wala. Pinatay ko
ang radyo, pero hindi ako makatulog. Manaka-naka ang dating at alis ng mga taong naghahanap ng
matutulugan, at bawat dumating ay nagpapatotoong patuloy ang ebakwasyon. Daan-daan ang
nagsisiksikan sa pagoda at sa bakura nito, habang libu-libo naman ang mabilis na papalabas ng
bayan.

Nang natutulog na kaming lahat mga alas nuwebe siguro ng gabi isang opisyal ng Khmer Rouge
na may hawak na pistola ang pumasok. Mga kasing-edad ko siya, mga treinta anyos. Sa masakit na
liwanag ng mga bombilya, naghihinalang tiningnan niya kami, nakatutok ang baril sa mga natutulog
na parang may inaasahang lalaban sa kanya. Pagkaraay nakita niya ang anim na bisikleta at tatlong
motorsiklong nakaparada sa may pintuan.

Kanino ang motorsiklong ito? sigaw niya. Walang sumagot. Isinuksok niya ang baril at pinuntahan
ang mga bisikleta. Isang asul na Honda na mukhang bagung-bago ang kinuha niya. Nakakadena ito sa
dalawa pang motorsiklo. Dalawang bese niyang sinabi: sino ang may-ari ng motorsiklong ito? At
pagkaraan, Kailangan ito ng Angkar!

Angkar ang Organisasyon: iyon ang kauna-unahang pagkakataon na narinig kong ginamit sa
ganoong paraan ang salitang iyon.

Wala pa ring nagsalita. Inihiga ng opisyal ang motorsiklo, inilabas ang kanyang baril at itinutok sa
kadena. Dalawang beses siyang nagpaputok, magkasunod. Naputol ang kadena. Nakatatakot ang
pagpunit ng mga putok sa katahimikan, lalot iisiping may mga batang natutulog. Nagising ang mga
bata, nagpalinga-linga, natulala. Ilang saglit pa, sakay ng motorsiklong umalis ang opisyal, iniwan
kaming natitigilan. Tiningnan ko si Any. Sinenyasan ko siyang manahimik.

Makailang sandaliy ibnulong sa akin ni Any, Paano niya nagawa ang ganon?

Anong magagawa natin? sagot ko.

Isang matagal na tingin ang ipinukol sa akin ng aking ama.

Siguro naman, hindi lahat silay ganon, nagtatanggol na sabi ko sa kanya, pabulong din.

Labinlimang minuto pagkatapos, dalawa pang sundalo ang dumating at walang imik na kinuha ang
dalawa pang motorsiklo.

Naging maliwanag sa akin at sa lahat ng naroon, na hindi pagnanakaw o pang-aangkin lamang ang
mga kilos na iyon. May kahalagahan ang Patriarka na higit pa sa kanyang kalagayang panrelihiyon.
Iginagalang siya, maging sa pinakamalalayong kanayunan sa Cambodia, ngunit dito, sa isang iglap ay
napanoog namin ang tatlong taong parang hindi alam kung saan sila naroon, wala ni paggalang para
sa Patriarka. Iyon ang unang babala na mawawasak na ang mabubuting kaugaliang taglay namin sa
loob ng maraming dantaon.

Bago muling nakatulog, itinanong ng panganay naming si Sudath, Kailan tayo uuwi, itay? Hindi ako
nakakibo. Si Any ang sumagot, Matulog ka na anak, uuwi na tayo bukas. Hindi ko na iyon
mapaniwalaan, at siya man, sa palagay ko.

You might also like