You are on page 1of 2

Kamusta na? Naalala mo pa ba ako? Matagal-tagal na pala tayong hindi nagkita.

Ilang taon na ba ang lumipas? Pero yung ganda mo wala pa rin kupas. Pwede bang

tumabi muna ako sayo? Ay pak! Ang ganda ng sunset sayo oh? Dyan ka lang,

picture-an kita. Pasensya na ngayon lang ulit ako nakabalik, ilang taon din kasi ako

hindi pinayagan gawa nga ng, alam mo na, pandemic. Balak ko sana kanina pa lapitan

ka. Kaya lang mukang marami ka pang mga bisita. Hinihintay ko lang talaga na tayo

na lang dalawa.

Naaalala mo ba noong huli tayong nagtagpo dito sa dalampasigan? Ako’y nakatingala’t

naglalakad habang pinagmamasdan ang buwan. Tapos bigla mong hinawakan ang aking

paanan dahil naapakan ko pala ang saya mo sa may laylayan. Napasigaw tuloy ako sa

lamig ng haplos mo. Maghahating-gabi na kasi noon kaya napagkamalan pa kitang

multo. Tapos ikaw lang mag-isa, walang ibang kasama. Di ko alam kung bakit pero,

nagpasiya akong samahan ka pansamantala.

Hindi ka agad umimik kaya matagal tayong nagkatitigan. Pero sa panglaw ng iyong

sulyap, alam kong meron kang pinagdadaanan. Aalis na dapat ako para hindi maka

istorbo sayong pagmumuni-muni. Ngunit sa makinang mong titig at maamong tinig,

sinong hindi mabibighani? Kaya tinabihan kita habang pinagmamasdan mo ang

kalangitan. Pinagmamasdan naman kita sa tanglaw ng mga tala at ng buwan.

Kinuwentuhan kita ng nakakatawa para subukang paurungin ang umaagos mong luha.

Kung ano-ano na ring ang aking ginawang pagka-kwela, na alam kong muka akong

tanga kung meron man sa malayong nakakita, pero sapat na saking palitan ang iyong

hikbi ng malamyos mong tawa. At sa paghawi ng ng mga kurtina ng ulap na may


kubling buwan sa alapaap. Kasabay din ng aking unang pagdungaw, sa iyong mukang

sing amo ng alon sa gabing mapanglaw.

Dahil lumalalim na ang gabi kaya tinawag na ako pabalik. Magpapa-alam na sana ako

pero simbilis ng hangin ginulo mo ang aking buhok at pinabaunan ng halik. “Samahan

ulit kita bukas. Pagsapit ng takipsilim?” ang huli kong sambit sayo. Malayo na ako

nung naalala kong di ko pala natanong pangalan mo. Yung gabing iyon na rin pala ang

huli nating pagkikita. Kasi, kinabukasan ako’y naging abala sa pag-aayos ng mga

handa’t palaro at hindi ko naalala ang aking iniwang pangako. Habang pauwi, may mga

tanong na gumugulo sa isip ko. Pagbalik ko kaya dito maalala mo pa rin ako?

Matandaan mo kaya ako sa saglit nating pagtatagpo? Sa saglit na yun di ko man

lang nabanggit na, ako si (name) ano pangalan mo?

Kaya kamusta ka na? Naaalala mo pa ba ako? Takipsilim na ngayon, katulad ng aking

pinangako. Kagaya ng araw, hindi ako laging nandito, minsan malayo, minsan, tulad

ngayong takipsilim, katabi mo. Pero ilang beses man ako maglaho na tila anino

pagsapit ng gabi, babalik at babalik pa rin ako, dito, sayong tabi. (name) nga pala,

isusulat ko na sa buhangin para di ko na makalimutan pa. O bakit binura mo? Grabe

ka naman magtampo. Alam kong namiss mo ko. Kasi pati bakas ng paa ko pinupulot

mo. Katulad ka pa rin ng dati, ang tahimik parin ng… anod mo. Di ko pa pala

natatanong, ano pala pangalan mo?…

You might also like