You are on page 1of 1

Umpisa ng Huling Oras

Buntong hininga na aking tinatakbo,


nahihirapan maghanap ng saklolo,
kaybilis na ng pangyayari sa akin,
daanan ko ay di na alam kung alin.

Naalala ko ang mga dating panahon,


sa may gilid ko’y naririnig ang alon,
hindi pa inaasam ako’y susunod,
ang kadiliman malapit ng sumugod.

Sikat ng araw hindi ko maalala,


kaytagal ng aking pagpikit ng mata.
Hindi ko inaasam ang pangyayari,
ako’y umiwas na sana kung sakali.

Payapa sa mundo’y aking inaasam,


upang pati ang mga bata maka-alam,
pagsikat ng kulay sa’ting kalikasan,
pagka-buhay ng rosas inaasahan.

Sa wakas nakita ko ang kagandahan,


ngunit may mapait na katotohanan.
Ngayon ay kailangan ko na tumakbo,
kadiliman ay wala pang pagbabago.

Akala ko ako ay nakatakas,


ngunit kamatayan pala ay walang takas.
Kayganda ng napagmasdan kong rosas,
ngunit kapalit pala ng aking oras.

You might also like