You are on page 1of 1

Tula para sa Hinahangaan

noong una kitang nakita, akoy nabihag mo na


sa maamo mong mukha, akoy nakatulala
mga matatamis mong ngiti, ako'y parang nakikiliti
kay gandang binibini, nakaupo saking tabi.

mga araw na lumipas, isang linggo ang nagwakas


ngayon ay nagagalak, at ikay ulit na mamamasdan
di ko mawari, kung ano ang nadarama
basta't ika'y aking makita, sigla ang dala

isang buwan ang nagdaan, ikaw ay kaibigan na


labis na natutuwa sapagkat tayo'y magkalapit loob na
lalong napamangha sa kabaitan mong pinadama
kay saya ng araw ko dahil sayo tuwina

tuwing gabi, bago matulog ika'y naalala


di ko labis mapagtanto kung ano nga ba ang nadarama
basta't kasama ka, labis na saya ang nadarama
ngayon alam ko na, mahal na yata kita.

sa kasamaang palad ako'y napabuntong hininga


napapaisip kung bagay ba tayong dalawa
ang isang tulad mo ay imposibleng makamit
lalo na't ako'y ubod ng pangit

kaya't hanggang ngayon ay wala pang sinasabi


walang lakas ng loob,upang aking maibahagi
labis na pagmamahal at paghanga
sana balang araw, sa iyo itoy masabi.

- Eriel Ace Yesan

You might also like