You are on page 1of 8

“Argumentatibo

patungkol sa One
Child Policy”

UNANG PANGKAT
CSS/A & BEAUTY CARE-11

Ipinasa nina:
Dianne Ruiz
Michelle Ann Jordan
Caren Buenafe
Ginalyn Tala-tala
Joshua Saludares
Carlo Denolan
Dianne Ruiz
Nasa panig ng Sang-ayon sa ONE CHILD POLICY.
Sang-ayon ako sa One child policy sapagkat satingin ko maganda ang maidudulot
nito sa ating bansa. May punto ka kaya ngang gawin ng isang magulang lahat
para sa kanyang mga anak ngunit hindi naman lahat ng magulang magagawa ito
lalo na at mahirap makahanap ng trabaho sa pilipinas na makakapagbigay sa
kanilang pamilya ng sapat na kita. Ang pagkakaroon ng isang anak ay
napakalaking responsibilidad na para sa isang magulang. Responsibilidad na
kahit isang anak lamang ay hindi madaling panagutan at bigyan ng magandang
kinabukasan. Ayon kay Rizal ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan ngunit
paano ito mangyayari kung mismong ang mga magulang hindi kayang bigyan ng
maganda at maayos na kinabukasan ang mga kabataang sinasabi nilang pag-asa
ng bayan.

Tingnan na lamang natin ang mga kabataang nasa lansangan. Mga kabataang sa
murang edad ay kaya ng magbanat ng buto upang may maipakain lamang sa
kanilang sarili. Mga kabataang sa murang edad ay kaya ng itaguyod ang sarili
dahil sa kahirapan. Mga responsibilidad ito na dapat ang kanilang mga magulang
ang gumagawa. Mga obligasyon ng magulang na ang mga kabataan ang
sumasalo. Nanaisin mo bang maranasan ito ng iyong magiging mga anak?. Ang
pagkakaroon ng isang anak ay napakalaking pasanin na paano pa ang higit sa
isa?. Karamihan ng pamilya ay kayang magpalaki ng higit pa sa isang anak
gayun pa man mas higit parin ang mga pamilya na hindi kayang magpalaki ng
higit sa isang anak. Kadalasan sa magulang sapat lamang para sa kanilang
sarili ang kinikita kaya nasasabi nila na isusubo na lamang nila ibibigay pa nila
para sa kanilang mga anak.

Sa hirap ng buhay dito sa pilipinas hindi madaling makahanap ng maayos na


trabaho ang mga taong hindi nakapag tapos ng pag-aaral at hindi mataas ang
antas sa buhay na nagdudulot upang maghanap sila ng trabaho sa ibang bansa .
marami ang ating mga kababayan na pinipiling manirahan sa ibang bansa upang
magtrabaho para sa kanilang mga anak. Kung maipapatupad sa pilipinas ang
One child policy malaki ang maitutulong nito upang manatiling sapat, maayos at
mas mabibigyan ng pasin ng isang magulang ang kanyang nagiisang anak. Malaki
din ang maitutulong nito sa pagbaba ng populasyon ng mga kabataang nakakalat
sa lansangan. Makakabuti ito hindi lamang sa mga kabataan kundi pati narin sa
mga magulang dahil hindi na mabigat ang kanilang papasanin at hindi na nila
kailangang kumayod ng husto at lalo na maibibigay na nila ang kanilang buong
atensyon sa nag-iisa nilang anak. Dahil para sa akin sapat na ang isang anak
para buuin ang isang Masaya at sama-samang pamilya. Hindi nakikita sa bilang
ng membro ng pamilya ang pagmamahal at saya nakikita ito sa pagkakaisa.
Ginalyn Tala-tala

Nasa panig ng Sang-ayon

Sang-ayon ako sa One child policy dahil maraming magaganda ang

naidudulot nito sa ating bansa. Una, benepisyo para sa mga magulang na iisa lang

ang anak dahil maaari na nilang matuunan ng pansin ang pangangalaga at

mabibigyan nila ito ng mas maayos na edukasyon. Pangalawa, makokontrol nito

ang paglobo ng ating populasyon na naging 0.7% at maaari nitong maiwasan ang

pagkakaroon ng 400 milyon na tao na nabubuhay sa ating bansa. Pangatlo,

oportunidad sa trabaho sa kanilang paglaki, dahil sa hindi karamihan ng mga

kabataansa patakarang One child policy maaari na silang makahanap ng mas

maganda at mabuting trabaho, at panghuli, ang pangangalaga sa kanilang

pamilya ay mabibigyan na ng sapat na atensyon at magandang kalusugan na

siyang dahilan para mamuhay sila ng komportable at Masaya.


Michelle Ann S. Jordan

Nasa panig ng Di sang-ayon

Hindi ako sang-ayon sa One child policy sapagkat tama ka na mapapakain


mo ito ng tatlong beses sa isang araw at mas matutuunan ng pansin ngunit alam
naman nating lahat na ang ating mga magulang ay gagawin ang lahat upang
matustusan ang pangangailangan ng kanilang mga anak kahit na ang buhay pa
nila ang kapalit. Kaya nga tayo binigyan ng katuwang sa buhay para
magtulungan at makasama mo sa habang buhay. Makikita mo naman sa dami ng
anak na mahal na mahal nila ang isat-isa. Inisip nyo ba ang pwedeng maidulot
nito sa magulang at anak kung maipapatupad ang One child policy. Marami itong
maidudulot kagaya nalang ng sapilitang pagpapalaglag ng bata, mapipilitan ang
mga magulang na ipalaglag ang kanilang ikalawang anak dahil sa takot sa batas.
Sapilitang pagpapaampon, sa pagpapatupad ng patakarang ito ay mapipilitan
din ang mga magulang na hindi gustong ipalaglag ang kanilang ikalawang anak
na itago ito o ipaampon upang maligtas lamang ang bata sa kamay ng batas.
Malaki rin ang pasanin ng nagiisang anak sapagkat kapag matanda na at may
kapansanan na ang kaniyang mga magulang mahihirapan itong alagaan ito at ang
kanyang magiging sariling pamilya lalo na kung nagtatrabaho pa ito dahilan ng
pagtatrabaho nito ay ang pagtaas ng bilihin at mababang sweldo sa ating bansa na
nagiging malaking pasanin ng nagiisang anak. Hindi katulad ng pagkakaroon ng
kapatid na maaaring maging karamay at katuwang sa lahat ng bagay. Ang
pagkakaroon ng iisang anak ay maaaring maging malaking kalungkutan sa
hinaharap.
Carlo Denolan

Nasa panig ng Di Sang-ayon

Hindi ako sumasang-ayon sa One child policy dahil naniniwala parin akong

mas masaya ang magkaroon ng maraming kapatid. Napakalungkot ang magisa.

Matutuonan nga ito ng pansin ng magulang ang nagiisang anak gayun pa man ay

hindi maiiwasan ng anak na maghanap ng kalaro, kasama at karamay na maaari

nitong masandalan sa kalungkutan na magkapatid lamang ang

magkakaintindihan. Sa ibang sitwasyon din ay hindi maiiwasan ng magulang na

maghanap ng kiliti sa isat-isa na nagbubunga sa pagkakaroon nila ng higit sa

isang anak. Hindi talaga ako sang-ayon sa One child policy sapagkat pag may

kapatid ka alam mong may masasandalan ka pagdating ng panahon kahit na

minsan hindi kayo magkasundo mananaig parin ang inyong pagmamahal sa isat-

isa na dahilan ng pagkabuo at pagkakaisa ng inyong pamilya sa hirap man o

ginhawa. Basta nagkakaisa kahit gaano pa man kayo karami makakaya ninyong

lagpasan lahat ng pagsubok manatili lang kayong masaya at nagtutulungan lahat

ng pagsubok makakaya yan dahil yan ang diwa ng isang pamilya.


Joshua Saludares

Nasa panig ng Di Sang-ayon

Hindi ako sang-ayon sa One child policy sapagkat kung ang pagbabasehan

ng pagpapatupad nito ay para kumonti ang populasyon ng ating bansa hindi ito

magandang solusyon. Sapagkat unang-una nawawalan ng karapatan ang mga

mag asawa na gustong magkaroon ng malaking pamilya na gawin ito sa takot na

managot sa batas. Pangalawa, kung maipapatupad ito mabibigay nga ng

magulang ang lahat ng kanyang atensyon sa nagiisang anak ngunit maaari itong

magulot ng paglaki ng ulo at sakim nito na gugustuhin na nitong makuha ang lahat

ng gusto niya dahil sa isip nito madali nalamang niya itong makukuha. Kadalasan

din ng nagiisang anak ay hindi marunong ng gawaing bahay dahil nagiging tamad

sapagkat kadalasan sa kanila ay umaasa na lamang sa magulang. Ang

pagkakaroon ng maraming anak ay napakasaya ayon nga sa karamihan “mas

marami, mas masaya”.


Caren Buenafe

Nasa panig ng Sang-ayon

Sang-ayon po ako sa One child policy dahil mas matutuunan mo ng pansin

ang iyong nagiisang anak at mabibigyan mo ito ng magandang kinabukasan,

mapapaaral mo ito sa magandang paaralan, masisiguro mong mapapakain mo ito

ng tatlong beses sa isang araw o higit pa. Sang-ayon ako sa pagpapatupad ng

batas na ito dahil sa panahon ngayon mahirap makahanap ng maayos na trabaho

na malaki ang pasahod na pera para sa pang araw-araw na gastos ng iyong

pamilya lalo na kung galing ka sa mahirap na pamilya. Bago ka bumuo ng

malaking pamilya dapat iniisip mo ang magiging kinabukasan nila, dapat

nagpaplano kayo ng asawa mo kung kaya nyo bang palakihin ito ng maayos at

maibigay dito ang pangangailangan nito hindi lamang materyal kundi narin sa

atensyon at pagkalinga. Mas marami, mas masaya tama ka pero kaya mo bang

panagutan at ibigay ang pangangailangan nila kung mismong sarili mo hindi mo

maibigay pangangailangan mo? Nasa tao na siguro kung nanaisin niyang maging

masaya kahit alam niyang nahihirapan na siya, pero nasa tao rin ang desisyon

para baguhin ito lalo na kung pipiliin niya lang ang alam niyang tama at

mabibigyan hindi lamang siya kundi pati na rin ang magiging pamilya niya ng

magandang kinabukasan na siguradong hindi niya pagsisisihan at

magpapasalamat pa siya sa Diyos dahil naging matalino siya sa pagpili ng tama

para sa kanyang magiging anak/pamilya.

You might also like