You are on page 1of 3

Paksa: Pagsasabatas ng Sogie Bill

Magandang araw! Ang paksang aking ibabahagi sa inyo ay tungkol sa


pagsasabatas ng SOGIE Bill o ang Sexual Orientation and Gender Identity and
Expression Equality Bill na naglalayong bigyang pantay na pagtingin ang babae, lalaki
at lalo’t higit ang mga miyembro ng komunidad ng LGBT. Dito pinapakita ang
pagbibigay respeto sa kahit anong kasarian man meron ang isang tao.

Marami sa atin ang nanawagan na maisabatas na ang mga panukalang


magpapataw ng parusa sa magsasagawa ng diskriminasyong nakabatay sa "sexual
orientation" at "gender identity or expression" (SOGIE bill) — bagay na proprotekta sa
mga lesbyana, bakla, bisexual, transgender atbp.

Kung maisasabatas ang SOGIE Bill, ito ay magdudulot ng adbentahe sa


pagpapalawig ng karapatang pangkasarian at kasarian. Iilan sa mga ito ay una,
kikilalanin ang karapatan ng lahat ng kasarian ukol sa kanilang pangangailangan.
Ikalawa, maaring magtaguyod ito ng mabuting pakikitungo ng lahat ng kasarian sa
bawat isa sa loob ng bansa. Huli, masusugpo ang diskriminasyon hinggil sa kasarian at
pangkasarian na magpapalawak sa karapatang pantao.

Ang bawat tao ay may pantay-pantay na karapatan, kung kaya’t marapat lamang na
tayo ay magtulungan upang respetuhin ang bawat isa. Tayo man ay may iba’t-ibang
paniniwala, kulay ng balat, dayalekto at higit sa lahat, kasarian, ang pagmamahal sa
bawat isa bilang kapwa Pilipino ang dapat na pairalin tungo sa progresibong bansa.

 Muling nanawagan ang ilang sektor na maisabatas na ang mga panukalang


magpapataw ng parusa sa magsasagawa ng diskriminasyong nakabatay sa "sexual
orientation" at "gender identity or expression" (SOGIE bill) — bagay na proprotekta sa
mga lesbyana, bakla, bisexual, transgender atbp.

Naging mainit ang diskusyon dito kamakailan matapos arestuhin ang isang transwoman
sa isang mall sa Quezon City na nais gumamit ng banyo ng babae kahit may anti-
discrimination ordinance na umiiral sa lungsod.

Sa kasalukuyan, may dalawang panukala na tumatalakay sa SOGIE:

 Senate Bill 159, o Anti-Discrimination Act, sa Senado


 House Bill 258, o SOGIE Equality Act, sa Kamara

Pero bilang konsepto, ano ba talaga ang SOGIE?

Isyu ng 'sexual orientation'


Magkamukha ang pakahulugan dito ng dalawang panukala ngunit may kaonting
pagkakaiba.

Tinutukoy nito ang direksyon ng emosyonal at sekswal na pagkaakit o gawi ng isang


tao.

Sa SB 159 ni Sen. Risa Hontiveros, inihati niya ito  sa tatlo:

 Homosexual orientation - pagka-akit sa kaparehong sex


 Bisexual orientation - pagka-akit sa parehong sex
 Heterosexual orientation - pagka-akit sa kaibang sex

Sa HB 258 ng Bayan Muna party-list, dinagdagan nila ito ng ika-apat:

 Asexual orientation - kawalan ng sexual attraction o pagkaakit kaninuman

Kaiba sa gender expression at identidad, tumutukoy ang "sex" sa mga "male," "female"
o "intersex" na nakabatay sa ari, gonads at chromosome patterns ng isang tao.

Ang mga intersex ay may mga katangian ng sex na hindi pasok sa karaniwang ideya ng
katawang male o female.

Usapin ng 'gender'
Maaaring hatiin sa dalawang susing konsepto ang gender: expression at identity.

Ayon sa SB 159, ang gender expression ay ang sumusunod: 

"[O]utward manifestations of the cultural traits that enable a person to identify as male
or female according to patterns that, at a particular moment in history, a given society
defines as gender appropriate."

Ito naman ang gender expression ayon sa HB 258:

"[T]he way a person communicates gender identity to others through behavior, clothing,
hairstyles, communication or speech pattern, or body characteristics."
Magkamukha naman ang pakahulugan nila sa gender identity, na personal na
pagkakakilanlan sa sarili sa pamamagitan ng pananamit, kagustuhan at pag-uugali
kaugnay ng mga "masculine" at "feminine" conventions.

Oras na hindi tumugma ang male o female identity ng isang tao sa kanyang "sex,"
kinikilalang transgender ang isang tao.

Sa sitwasyon ni Diez, isa siyang transwoman dahil kinikilala niya ang sarili bilang babae
habang pang-lalaki ang orihinal niyang pangangatawan.

Iba ang transwomen sa mga bakla. Kinikilala ng bakla ang sarili bilang lalaki habang
lalaki rin ang gusto.

Iba rin ang transmen sa mga lesbyana. Kinikilala ng lesbyana ang sarili bilang babae
habang babae rin ang gusto.

Gayunpaman, hindi nangangahulugan na pinili lang ng mga trans na maging kung sino
sila.

Posibleng magkagusto ang transwoman sa isang cis female (babaeng tugma ang
identity sa sex) kahit tinitignan niya ang sarili bilang babae.

Posible ring magkagusto ang transman sa isang cis male (lalaking tugma ang identity
sa sex) kahit tinitignan niya ang sarili bilang lalaki.

Marami pang ibang kategorya ng gender maliban sa mga nabanggit.

Parusa kung maipasa ang anti-SOGIE bill


Kung maisasabatas ang SB 159 o HB 258, depende sa sitwasyon, maaaring patawan
ng multang P100,000 hanggang P500,000 ang mga lalabag nito.

Pwede ring makulong ng mula isang taon hanggang 12 taon ang mga nabanggit.

You might also like