You are on page 1of 1

Ang Engkanto

Isang araw nag-kwento ang aking Lolo tungkol sa engkanto sa may parting Del Pilar,
Naujan. Pauwi na raw ang kanyang anak galing sa trabaho ng may nadaanan itong isang
malaking puno na parang may misteryosong kung ano ang nakabalot dito. Nagpatuloy lang siya
sa paglalakad hanggang sa nalagpasan niya ang puno. Maya-maya pa, sa sobrang pagod,
huminto siya at nagpahinga ngunit napansin niya na andun ulit siya sa punong iyon. Hindi na
nya iyon pinansin pa sa kadahilanan na baka namamalik-mata lang sya at nagpatuloy muli.
Dahil sa gusto na nyang umuwi, dali-dali syang naglakad ngunit kahit anong direksyon ang
kanyang tahakin, dinadala at dinadala pa rin sya ng kanyang mga paa dun sa misteryosong
puno. Nagtanong sya sa mga tao na kanyang nasasalubong ngunit pagkaharap ng mga ito tila
ang mga mukha nila ay kakaiba. Nanlilisik ang mga mata at parang may mga nakakatakot na
presenya. Yumuko nalang sya at nagpatuloy muli sa paglalakad. Nagdasal sya ng taimtim
habang tahimik na naglalakad sa daan. Pagkamulat niya, hindi nya inaasahang nakatingin na
sa kanya ang lahat ng tao at tinatanong siya kung ayos lang ba sya at bakit para daw syang
nabalisa. Hindi daw sya naalis sa kanyang kinatatayuan, pagsasabi ng ilang mga taong
nakakita sa kanya. Dahil dito tumakbo sya ng pagkabilis-bilis hanggang sa nakarating siya sa
kanilang bahay. Nang ito ay kanyang kinuwento sa mga nakakatanda, sabi nga nila ay yun daw
ang paraan ng mga engkanto, ang magligaw ng tao. Simula nun, pag dadaan ang kanyang
anak sa parteng makikita ang punong iyon ay taimtim siyang nagdadasal upang hindi na maulit
ang nangyari. At iyon ang kwento ng aking lolo ayon sa engkanto sa puno.

You might also like