You are on page 1of 2

Tagupa, Kristine A.

Setyembre 14, 2020

BSN – III

Magkabiyak na bayani: Ninoy at Cory

Nobelang hindi mahahalintulad at maikukumpara sa iba. Kay gandang pag-uukit


na mga salita at kaakit-akit na kwento na nakalaan, hudyat na ating masisilayan.
Nobelang nagbibigay ‘gabay’ at ‘inspirasyon’ sa mga nakakatanda at kabataan.
Pagmamahalan at pagkakaisa, ang syang naging susi ng ating modernong panahon.
noon, hanggang ngayon.

Ayon sa aking binasa, bukod sa pagbigay-diin ng mga tauhan, mga hangarin,


mga kalagayan, sitwasyon at pangangailangan; Ang naging sentrong ugat ng
kahalagahan ng nobela na ito ay ang ginawang daan ni Ninoy Aquino at Cory Aquino
tungo sa liwanag. Gamit ang kanilang matiwasay na pag-iisip, ang kanilang kaaya-
ayang determinasyon at ang pagiging patas sa kahit anong rason, naitaguyod nila kung
ano ang tama at kung ano ang dapat gawin. Alang-alang sa mga tao, at ang mismong
bansa.

Mahalaga ang pagsusuring ginawa kung saan ang mambabasa ay nakalikom ng


higit na kaalaman tungkol sa likhang sining at ito ay magiging sandigan ng higit pang
pagpapalawak at pagsulong ng manunulat at ng panitikan. Sa pag-unlad ng Panitikang
Pilipino, napakalaking tulong ang naibahagi ng pagsusuring pampanitikan dito.
Naipamulat sa mga mamamayan ang kahalagahan ng pagtutulungan at ang
pagtataguyod ng mabuti tungo sa magandang kinabukasan. Lalong naging determinado
at palaban ang Pilipino ayon sa nobela.
Malaki ang naitulong ng pagsusuring pampanitikan sa pag unlad ng panitikang
filipino dahil sa pinahahalagahan nito ang lalim ng kuwento at ang mensahe na
binabanggit ng may-akda. Isang kapaki-pakinabang na ehersisyo bilang
pagkakakilanlan ng isang makabuluhang tema, at ang pagsisiyasat ng mga
pampanitikang kasangkapan (pananalita, matalinghagang paglalarawan, simbolismo)
na ginamit ng may-akda upang ipakita ang temang iyon. At upang maipahayag ang
kanilang mga opinyon sa isang lohikal na paraan na maaaring maunawaan ng
nakararami.

Isinagawa ang pagsusuri sa nobela sa isang paraan na tuluyang nagpabago sa


mga tao. Nabigyang pansin ang ugnayan ng pangunahing tauhan sa kapwa tao. Ang
lubos na pagmamahal ng taong bayan ang syang nagtumbas ng priyor sa ginawang
sakripisyo ni Ninoy sa buong sambayanan. Gumamit ang may akda ng mga
simbolismo, ipinapakita sa nobelang ito ang reyalidad na nangyari sa lipunan, at
simbolismo sa mga tauhan na pinahalagahan ng may akda..

Sa pagkakaroon ng kalakasan sa pagsusuring ginawa, maipapabuti ito sa


paraang patuloy na pagiging makabayan, patuloy sa pagbubukas ng kamalayan ng
mga Pilipino, ang pagkakaisa at pagmamahalan, ang pamamaraan at pagpapahalaga
ng kagandahang loob, at ang higit sa lahat ang pagiging tapat na paglilingkod sa bayan.

Kung ako man ang tatanungin, handa na ako upang maging isang tagapagsuri.
Ang Literaturang Filipino ay dapat tangkilikin at pagyamanin. Ito ang rason kung bakit
matayog pa rin tayo at may pagkakaisa. Sa pagiging tagapagsuri, isa itong oportunidad
upang hikayatin at turuan ang iba na mahalin / yakapin ang Panitikan o Literaturang
Filipino.

You might also like