You are on page 1of 46

PANUNTUNAN SA PRESENTASYON

1. Alamin ang paksang tatalakayin.


2. Magsaliksik tungkol sa paksang tatalakayin
3. Bumuo ng powerpoint presentation ng paksang
tatalakayin at iba pang kagamitang gagamitin.
4. Kailangang bumuo ng 5 aytem na pagtataya may
kinalaman sa paksa at presentasyon.
PANUNTUNAN SA PRESENTASYON

5. Dalawang linggo ang ilalaan sa pagbuo ng presentasyon.


6. Ipapasa ang nagawang presentasyon sa ibibigay na
google drive ng guro.
7. Isasagawa ang presentasyon sa araw na itinakda ng
guro.
RUBRIK
PANITIKAN
KAHULUGAN
Ang pilipinong salita na “panitikan” ay
nanggaling sa salitang “pang-titik-an” na kung
saan ang unlaping “pang” ay ginamit at
hulaping “an”.
Ang salitang “titik” naman ay galing sa
latin na “littera” na ang ibig sabihin ay
“literatura”
Isang malinaw na salamin, larawan,
repleksiyon o representasyon ng buhay,
karanasan, lipunan at kasaysayan.
Nagpapakita ng ating panlipunan at panlahing
pagkakakilanlan.
Nasasalamin dito ang pinagmulan ng isang lahi,
ang pagsulong at pag-unlad ng isang bansa sa
bawat panahong kanyang dinaanan at
pagdadaanan pa.
Pagpapahayag ng isang kaisipan , damdamin,
karanasan, at panaginip ng sangkatauhan na
nasusulat sa masining at malikhaing paraan.
KAHALAGAHAN
Lubos nating makikilala ang ating sarili bilang Pilipino at
matatalos natin ang minana nating yaman at talinong
taglay ng ating lahing pinagmulan.
Mababatid natin ang kadakilaan at karangalan ng ating
sariling tradisyon at kultura, maging ang mga naging
impluwensiya sa atin ng ibang bansa na siyang naging
sandigan ng kabihasnang tinatamasa natin sa kasalukuyan.
KAHALAGAHAN
Higit nating napapahalagahan ang kadakilaan ng
ating kasaysayan, lalo na ang pagpapakasakit ng ating
mga ninuno upang ating tamasain ang kalayaan at
kapayapaang pinakikinabangan natin sa kasalukuyang
panahon.
Mababatid natin ang pagkakatulad at pagkakaiba-iba ng
katangian ng mga panitikan ibat ibang rehiyon at
matututuhan nating ipagmalaki ang ating pagkaPilipino
KAHALAGAHAN

Matutukoy nating ang mga kalakasan at kahinaan ng


ating lahi nang sa gayo‘y mapag- ibayo pa ang ating
mabubuting katangian bilang isang lipi at mapalakas
ang ating mga kahinaan bilang isang bansa at
maiwasto ang ating mga pagkakamali bilang
isang indibidwal
KAHALAGAHAN

Mapapangalagaan natin ang ating yamang


pampanitikan na isa sa ating pinakamahalagang
yamang panlipi
Mahuhubog natin ang magiging anyo, hugis,
nilalaman at katangian ng panitikan sa kasalukuyan
at siya namang magiging sanligan ng panitikan sa
hinaharap.
KAHALAGAHAN

Malinang ang ating pagmamalasakit sa ating


sariling kultura at maging ang ating
malikhaing pag-iisip na ilan sa mga
mahahalahang pangangailangan upang tayo
ay umunlad bilang isang bansa
PANUNURING
PAMPANITIKAN
KAHULUGAN
Ito ay isang malalim na paghihimay sa
mga akdang pampanitikan sa
pamamagitan ng paglalapat ng iba’t
ibang dulog ng kritisismo para sa
mabisang pag-unawa sa malikhaing
manunulat at katha
Mga Dulog sa
Pagsusuring
Pampanitikan
KLASISMO
ang layunin ng panitikan ay maglahad
ng mga pangyayaring ukol sa
pagpapakita ng pagkakaiba sa estado
ng dalawang karakter o tauhan
ang mga pangyayari ay hindi nalalaos
bagkus nagaganap pa rin sa
kasalukuyan
HUMANISMO
ang layunin ng panitikan ay ipakita
na ang tao ang sentro ng mundo
bibigyang pansin ang kalakasan
gaya ng talino at talento ng tao.
nakasentro sa tao sa halip na sa
Diyos
REALISMO
ang panitikan ay hango sa tunay na
buhay
ang layunin ng panitikan ay ipakita ang
naranasan at nasaksihan ng manunulat
sa kanyang lipunan sa makatotohanang
paraan.
FEMINISMO
ang layunin ng panitikan ay magpakita
ng kalakasan at kakayahan ng mga
kababaihan at iangat ang pagtingin ng
lipunan sa mga kababaihan
ROMANTISISMO
ang layunin ng panitikan ay ipamalas
ang iba’t ibang paraan tao sa pag-aalay
ng pag-ibig sa kapwa, bansa, at
mundong kinalakhan
MARKISMO/MARXISMO
ang layunin ng panitikan ay ipakita na
ang tao ay may sariling kakayahang
umangat buhat sa pagdurusang dulot
ng pang-ekonomiyang kahirapan,
suliraning panlipunan, at pampolitika
BAYOGRAPIKAL
ang layunin ng panitikan ay ipamalas
ang karanasan at kasaysayan ng buhat
ng may-akda
Mga Katangian ng
Mahusay na Kritiko
sa Panitikan
1. Ang kritiko ay matapat sa sariling
itinuturing ang panunuri ng mga
akdang pampanitikan bilang isang
sining
2. Ang kritiko ay handang kilalanin
ang sarili bilang manunuri ng akdang
pampanitikan at hindi manunuri ng
lipunan, manunulat, mambabasa o
ideolohiya.
3. Ang kritiko ay laging bukas ang
pananaw sa mga pagbabagong
nagaganap sa panitikan.
4. Ang kritiko ay iginagalang ang
desisyon ng ibang mga kritiko na
patuloy na sumasandig sa ibang
disiplina gaya ng linggwistika,
kasaysayan, sikolohiya, atbp.
5. Ang kritiko ay matapat na
kumikilala sa akda bilang isang
akdang sumasailalim sa paraan ng
pagbuo o konstruksyon batay sa
sinusunod na alituntunin at batas.
6. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan
ng isang kritiko ang tigas ng damdaming
naninindigan upang maging tiyak na
kapakinabangan ng panitikan ang
kanyang pagmamalasakit
Mga Batayang Simulain
sa Panunuring
Pampanitikan
Ang pagsusuri sa akda ay dapat may
uri at katangian ng katalinuhan, seryoso
at marubdob na damdamin at ng tapat
na mithi sa kalayaan
Sa pagsusuri ng anumang akda ay
kailangang mahusay ang organisasyon
o balangkas ng lahok. Bahagi ito ng
disiplina ng pagsusuri.
Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat
maging maganda ang paksa, may
kalinisan ang wika at organisado ang
paglalahad
Sa pagsusuri ay mahalagang mahagap
ng may-akda ang kanyang piniling
paksa, mahusay ang pagtatalakay at
organisasyon ng material, malinaw ang
balangkas na kinapapalooban ng malinaw
na tesis o argumento, may naidagdag
sa kasalukuyang kaalaman tungkol sa
panitikan
Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa
pananagisag sa tula ay hindi dapat
panaigin. Ang katangian ng makasining
na tula ay ang sikad na damdamin
at lawak ng pangitain nito
Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi
siyang mabisang sukatan ng kakayahan
ng ng makata. Sa halip, ang higit na
kailangang pahalagahan at sukatin upang
makagawa ng makatarungang pagahatol
ay kung papaano ang pagkatula
Ang susuriing akda ay kailangang
napapanahon, may matibay na
kaisahan, makapangyarihan ang paggamit
ng wika at may malalim na kaalaman sa
teoryang pampanitikan
Ang susuriing akda ay kailangang
nagpapamalas ng masinop na pag-
uugnay ng mga sangkap ng pagsulat
MGA PARAAN NG
PAGSUSURI NG AKDANG
PAMPANITIKAN
SALAMAT

You might also like