You are on page 1of 36

FILIPINO 3A

BATAYANG
KAALAMAN SA
PANITIKANG FILIPINO
Ang Pilipinas ay may ipinagmamalaking
panitikan. Ang panitikang ito ay nagpapakilala
ng mga katangian, pag-uugali, gawi,
saloobin at mga paniniwala ng ating
bayan.
Hindi maipagkakaila na ang panitikang
Filipino ay mayaman at masining.
Ang panitikan ng bawat lahi ay nakaugat
sa kuturang pinanggalingan nito. Ito ay
salamin ng nakaraan, ng kasalukuyan
at ng hinaharap ng isang bansa o lahi.
Ito ay repleksyon ng buhay, pag-uugali,
pag-iisip, saloobin at mga gawi. Ang
mga anyo ng panitikan ay bahagi ng
mahalagang pamana ng
Ng ating mga ninuno. Karapat-dapat
lamang na ipagpatuloy ang pagtangkilik
nito nang sa gayon ay mapanatiling
buhay sa kabila ng mabilis na mga
pagbabagong nagaganap sa ating
pamumuhay.
Maaaring sa simula ay unang
ipinahayag ng tao ang kanyang pag-iisip
At emosyon sa pamamagitan ng pasalitang
pagpapahayag na tinatawag nating pasalindila
na unti-unting nagbabago habang dumaraan
ang panahon at nagiging sibilisado rin ang
pagpapahayag ng tao sa pamamagitan ng
paglimbag. Dito nagsimulang magsulat ang
tao sa iba’t ibang anyo ng panitikan. Sa
pamamgitan nito ay nakilala ng mga salin-lahi
ang mga
Pangyayaring naganap sa mga nakaraang
dantaon kahit ito’y matagal nang lumipas.
Napakahalaga ang papel na ginagampanan
ng panitikan sa buhay ng bawat mamamayan.
Sa pamamagitan nito ay makikilala ng
indibidwal ang kanyang pinagmulan, ang
kanyang pagkakakilanlan, at pagkatao.
Dito nahuhubog ang pagkilala sa kanya kung
sino siya at saang lahi siya nagmula. Ito ang
halaga sa paglikha ng
Aklat na ito- ang mabigyang pagkakataon
ang mga mag-aaral at iba pang mambabasa
na maihain sa kanilang harapan ang
komrehensibong pagtalakay sa simula ng
Panitikang Filipino.

A. Ano ang Panitikan?


Marami ang pagpapakahulugan ng
mga manunulat at mga dalubhasa sa
panitikan. Narito ang ilan sa kanila.
* Ang panitikan ay katumbas ng “literatura” sa
wikang Kastila at “literature” naman sa wikang
Ingles. Ito ay mula sa salitang Latin na “litera” na
ang ibig sabihin ay “letra” o “titik” (Mateo, 1996).

*Ayon sa mga dalubhasa, ang panitikan ay


pagpapahayag sa makasining na paraan sa
pamamagitan ng mga piling salita ng mga
kaisipan, damdamin, panaganip at karanasan
ng isang lahi. Ito ay bungang-isip na
isinatitik.

*Ayon naman kay Webster, ang panitikan


ay katipunan ng mga akdang nasusulat na
makilala sa pamamagitan ng malikhaing
pagpapahayag, aestetikong anyo,
pandaigdigan kaisipan at kawalang -maliw
*Inilarawan nito ang mga ugali, asal, gawi at
paraan ng pamumuhay ng mga tao sa kani-
kanilang kapanahunan, kung ano ang
saloobin, naiisip at nadarama at mga
nagaganap sa kanilang kapanahunan ay
naipahahayag ng mga makata at manunulat ng
panitikan.
*Ayon kay Ponciano B.P. Pineda, ang
panitikan ay katipunan ng magaganda,
Marangal, masisining at madamdaming
kaisipang magpapahayag ng mga karanasan at
lunggati ng isang lahi. Isinali din ni Pineda sa
katipunan ng panitikan ang mga nasusulat na
kulang sa ganda, sining at damdamin. Sinabi
rin niya na ang panitikan ay hindi maituturing
na sulating nagpaparumi ng isipan at
damdamin.
* Ang panitikan ay salamin ng lahi. Nasisinag
sa panitikan ang mga karanasan ng isang bansa
ang kaugalian, mga paniniwala, mga tradisyon,
pangarap at lungatiin ng isang lahi (Bisa, 1987).
*Ang panitikan ay kabuuan ng isang bansa,
mga kaugalian, paniniwala, pamahiin, kaisipan
at pangarap ng isang lahi na ipinahahayag sa
mga piling salita, sa isang maganda at masining
na paraan (Nicasio at Sebastian,1983)
*Ang Panitikan ay kapatid na babae ng
kasaysayan. Ang panitikan ay tulad ng
kasaysayan, nagtataglay ng mga ulat ukol sa
mga naganap sa isang lahi at mga naisip na
dakila at marangal ng lahing ito. Ang
panitikan ay nagagayakan ng magagarang
damit ng pagpapahayag at nakukulayan ng
maikling guni-guni ng may akda (Pineda at
Ongco, 1972).
*Ang Panitikan ay talaan ng buhay. Talaan
ito ng buhay sapagkat ditto nailahad ng tao
ang kanyang kaisipan at damdamin;
sapagkat ditto niya nailalarawan nang tapat,
tunay at totoo ang mga kaugalian, saloobin
at paniniwala ayon kay Arrogante (sa San
Juan, et al, 2005)
IBA PANG KONSEPTO NG
PANITIKAN
1. Ang panitikan ay buhay.
Ang panitikan ay buhay dahil inilalarawan nito
ang mga ugali, asal, gawi at paraan ng
pamumuhay ng mga tao sa kanilang kapanahunan
2. Ang panitikan ay ang kahapon, ngayon at
hinaharap ng bansa.
3. Ang panitikan ay impukan-kuhanan ng
kultura.
4. Ang Panitikan ay sining

5. Ang panitikan ay lumilinang ng


damdaming makabayan o nasyonalismo.

B. Ano ang etimolohikal na katuturan ng


Panitikan?
Ang salitang panitikan ay hango ng sa
unlaping pang, salitang ugat na titik
Hunlaping an (pang + titik * an). Ayon sa
tuntuning panggramatika, ang panlaping pang
ay nagiging pan kapag ito’y sinusundan ng
salitang nagsisimula sa mga ponemang /d, l, r, s,
t/. Nagkakaroon ng assimilasyong ganap kaya
nagging panitikan. Kung ang salitang panitikan
ay nag-uugat sa salitang titik, samakatuwid ang
wika at panitikan ay hindi maaaring
paghiwalayain.
C. Anu-anong paksa ang tinatalakay sa
Panitikan?
Ang mga karaniwang paksang tinatalakay ay
tungkol sa karanasan ng sumulat, kalikasan o
kapaligiran, Gawain ng tao, puok na tirahan,
panahon, klima, lipunan, pulitika, edukasyon,
relihiyon, mga suliranin ng tao, relasyon ng tao
sa isa’t isa. Kabihasnan, teknolohiya, mga
pangyayari o kaganapan at marami pang iba.
Ipinaliwanang ng panitikan ang kasaysayan ng
tao sa kanyang panahon.
Halimbawa, ang pinakakomprehensibong
panitikan na nagawa ng tao ay ang Bibliya.
Ang kasaysayan ng sangkatauhan simula
kina Adan at Eba hanggang sa modernong
panahon ay nakatala sa nasabing babasahin.
D. Ano ang pagkakaugnay ng panitikan sa
kasaysayan?
Ayon kina Pineda at Ongoco, ang panitikan
ay kapatid na babae ng kasaysayan. Ang
panitikan, tulad ng kasaysayan ay nagtataglay ng
mga ulat ukol sa mga nagaganap sa isang lahi at
mga naiisip na dakila at marangal ng lahing ito.
(San Juan, et al, 2005).
E. Bakit ang panitikan ay salamin ng kultura
alinmang bansa?
Dahil nasisinag sa panitikan ang mga
karanasan ng isang bansa ang mga kaugalian,
mga paniniwala, mga tradisyon, pangarap at
lunggatiin ng isang lahi.

F. Anu-ano ang mga layunin kung bakit pag-


aaralan ng mga Filipino ang kanilang sariling
panitikan?
a. Mababatid natin na tayo ay may sariling
kalinangan o kultura na maipagmamalaki sa
ibang lahi sa daigdig at malaman at ang ating
minanang yaman ng kaisipan at taglay na
katalinuhan ng lahing ating pinagmulan.
B. Maipaalam sa bawat Pilipino ang
kahalagahan ng kanyang pagiging Pilipino
kundi man ay mas malalim nating
pagpapadama,
c. Magsisilbing gabay upang tayo’y mahubog
na maging isang taong may damdaming
marangal, makatao at kahali-halina.
d. Makita at masuri ang magaganda at
mahuhusay na mga sinulat na akda ang mga
kamalian at kapintasan ng ating panitikan at
makapagsanay upang maiwasto ang mga ito.
e. Mamulat ang ating kamalayan at sensibilidad
at matamo ang magandang saloobin at
pagpapahalaga sa kagalingang hatid ng panitikan
(Pangkalinawan, et al: 2006 at Sauco, et al: 2004)
G. Anu-ano ang mga anyo at uri ng panitikan?

PANITIKAN

ANYONG
ANYONG PATULA
TULUYAN
ANYONG TULUYAN
* ALAMAT * PABULA
* ANEKDOTA * PARABULA
* BALITA * SANAYSAY
* DULA * TALAMBUHAY
* EDITORYAL * TALUMPATI
* KASAYSAYAN * ULAT/ REPORT
* MAIKLING KUWENTO
* METOLOHIYA
* NOBELA
ANYONG PATULA
* TULANG LIRIKO * TULANG PASALAYSAY
PASTORAL EPIKO
DALIT AWIT
PASYON KORIDO
ODA
ELIHIYA
SONETO
AWIT/ KANTA
PANUBONG
*TULANG PADULA * TULANG
PATNIGAN
ZARSUELA DUPLO
MORO-MORO BALAGTASAN
SENAKULO KARAGATAN
TIBAG
PANUNULUYAN
PAGKILALA SA IBA’T IBANG GENRE NG
PANITIKAN
Ang akdang pampanitikan ay maaaring
anyong tuluyan o patula. Maraming uri ang
anyong tuluyan at patula. Ang bawat uri nito ay
nagtataglay ng kanya-kanyang katangian.
A. Anyong Tuluyan
1. Alamat- kuwento o salaysay na nagpapsalin-
salin sa bibig ng mga tao at karaniwang tungkol
sa pinagmulan ng mga bagay-bagay
2. Anekdota- kwento o salaysay na ang pangyayari
ay hango sa tunay na karanasan, nakawiwili at
kapupulutan ng aral.

3.Balita –paglalahad ng mga pang-araw-araw na


pangyayari sa kapaligiran at maging sa ibang bansa.

4. Dula –kuwento o salaysay na sinulat para


itanghal sa entablado, may mga tauhang gumaganap
na naglalarawan ng buhay o ugali ng tao.
5.Editoryal –isang sanaysay na naglalahad ng
kuru-kuru o patnugot o editor ng isang
pahayagan.

6. Kasaysayan- Ito’y tala o mga nakasulat


tungkol sa mga ulat na matagal nang nakaraan o
nakalipas na

7.Maikling Kuwento- kuwento o salaysay na


nag-iiwan ng isang impresyon o kakintalan sa
sa mambabasa.
8.Mitolohiya- kuwento o salaysay hinggil sa
pinagmulan ng sansinukuban, kalipunan ng
iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa,
kuwento ng tao at ng mga mahiwagang nilikha.

9.Nobela –Kuwento o salaysay na mahaba,


maraming tauhan at tagpuan na nahahati sa mga
kabanata.
10. Pabula – kuwento o salaysay na ang
karaniwang nagsisiganap ay mga hayop. Nag-
iiwan ito ng magandang aral sa mambabasa.

11. Parabula –kuwento o salaysay hango sa


banal na kasulatan na naglalayong mailarawan
ang isang katotohanang moral o ispiritwal sa
isang matalinghagang paraan.

12. Sanaysay- ito’y tumatalakay sa isang tang-


ing paksa. Ang sariling opinion o pananaw ay
kitang-kita sa sumulat. Maaaring pormal o di-
pormal ang paglalahad.

13.Talambuhay-kuwento o salaysay ng buhay


ng isang tao

14.Talumpati-salaysay na sinulat upang


bigkasin sa harap ng maraming tao na may
layuning umakit, magpaliwanag, at iba pa.
15. Ulat- ito’y karaniwang nasusulat sapagkat
ito’y palagiang tala at napagkukunan ng
madaliang impormasyon. Ito ay bunga ng
isinasagawang pananaliksik, pagsusuri, pag-aaral,
pagbabasa at iba pa.

B. ANYONG PATULA
1. Tulang Liriko
-Naglalahad ito ng mga saloobing damdamin,
imahinasyon at karanasang maaaring sariling
may-akda o nang ibang tao.
-Nagtataglay ito ng karanasan, guniguni,
kaisipan at maaring nadama ng mga may-akda o
ng ibang ito. Madaling maunawaan ng
mambabasa ang uri ng tulang ito dahil sa
kaiklian at kapayakan.

MGA URI NG TULANG LIRIKO


a. Pastoral-isang tula na naglalayong ilarawan o
ipahayag ang tunay na buhay sa kabundukan.
b. Dalit-awit na pumupuri sa Diyos o sa mahal
na Birhen Maria at nagtataglay ng mga
pilosopiya ng buhay at patakaran ng relihiyon.

c. Pasyon-ito ay isang aklat na patula na


naglalarawan sa buhay, pasakit at pagdurusa ni
Hesukristo. Ito ay karaniwang inaawit sa
panahon ng mga mahal na araw.

You might also like