You are on page 1of 4

Ano ang Panitikan?

Ang panitikan ay mga panulat na nagpapahayag ng mga karanasan, damdamin, kaisipan, o


kwento ng isang tao. Ito ay maaring batay sa katotohanan o gawa-gawa lamang para sa isang
layunin.

Uri ng Panitikan

Ang dalawang uri ng panitikan ay piksyo at di-piksyon. Ang piksyon ay sumasaklaw sa mga uri
ng panulit na walang katotohanan, kathang isip, o gawa-gawa lang.

Taliwas sa piksyon ay ang di-piksyon, ang uri ng panitikan o mga panulat na nagsasaad ng
totoong kwento.

Mga Halimbawa ng Panitikan

Anekdota – ito ay maikling salaysay na nagtatalakay ng pangyayari sa buhay ng tao.

Nobela – ito ay mahabang panulat na may maraming kabanata at nagtatalakay sa isang kwento
at mga sangay nito.

Pabula – ito ay mga maikling kwento na ang mga tauhan ay mga hayop at nagtuturo ng leksyon
sa mga mambabasa.

Parabula – ito ay mga maikling kwento na kadalasan ay may pagkakapareha sa mga kwento sa
Bibliya.

Alamat – ito ay panulat na nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay. Ito ay kadalasang


piksyon.

Maikling Kwento – ito ay ang mga kwentong mapupulutan ng aral.

Dula – ito ay iskrip na ginagamit sa mga pagtatanghal sa entablado at kadalasan ay marami


itong yugto.

Sanaysay – ito ay kadalasan naglalaman ng mga personal na paningin ng may-akda sa mga


bagay-bagay.

Talambuhay – ito ay nagsasaad tungkol sa buhay ng isang tao, kanyang mga naging
karanasan, at iba pang detalye tungkol sa kanya.

Kwenton Bayan – ito ay mga likhang-isip na ang mga tauhan sa kwento ay kumakatawan sa
mga uri ng tao.

Balita – ito ay ang komunikasyon na ang layunin ay ihatid sa mga mamamayan ang mga
nangyayari sa bansa.

Talumpati – ito ay isang panulat na pagpapahayag ng opinyon o mensahe ng isang tao ukol sa
isang bagay o pangyayari. Ito ay ipinapahayag sa ibabaw ng establado.
Ang kahulugan ng panitikan ay ang repleksyon ng buhay na nagsasabi o nagpapahayag ng
mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng tao. Ang
salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang"
ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura
(literature), at ang literatura ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik.
Ang panitikan ay nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at
mga karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ngpag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.

Dalawang Uri ng Panitikan

1. Patula – Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maaanyong salita sa


mga taludtod na may sukat o bilang ng mga pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng
mga taludtod sa bawat saknong.
2. Tuluyan o Prosa –  ay nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng
mga salita sa mga pangungusap.

Upang makapagbasa pa ng ibang mga bagay ukol sa paksang ito, maaari mong bisitahin ang
link na ito

Dahilan sa Pag-aaral ng Panitikang Pilipino

 At nang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng
kaisipan at taglay na katalinohan ng lahing ating pinagmulan.
 At nang malaman natin na tayo ay may dangal at dakilang tradisyon na nagsilbing
patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggaling sa iba’t ibang lugar.
 At nang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang
maiwasto ang mga ito.
 At nang malaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay
mapagbuti at mapaunlad.
 Bilang mga Pilipino na mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat
nating pag-aralan ang ating panitikan.
 Kahalagahan ng Panitikan:
 1. Sa pamamagitan ng panitikan, naipakikilala ang pagka - Pilipino at naibabahagi
ang yaman ng isip at ang angking talino ng lahing pinagmulan.
 2. Naipapabatid sa daigdig ang kadakilaan at karangalan ng tradisyong Pilipino na
sandigan ng kabuuan ng ating kultura.
 3. Nababatid ang kahinaan sa pagsulat at pagsasanay upang ito ay maisaayos at
maituwid.
 4. Nakikilala at nagagamit ang mga kakayahan sa pagsulat at maging masigasig sa
paglinang at pagpapaunlad nito.
 5. Naipadarama ang pagmamahal sa kultura sa pamamagitan ng pagpapakita ng
malasakit sa panitikan.
        Tulad ng nabanggit, sa pamamagitan ng panitikan nagkaroon ng pagkakataon ang
mga Pilipino na ipakilala ang ating lahi sa iba. Gamit ang kanilang talino at angking
kakayahan, nakalikha sila ng mga sulating na sumasalamin sa mga matandang
kaugalian at tradisyon na siyang bumubuo sa ating kultura. Nasukat din ng mga Pilipino
ang kanilang kalakasan at kahinaan sa pagsulat at paglikha kaya naman mas naging
madali para sa kanila na bumuo at luminang ng mga teksto. Maraming manunulat na
Pilipino ang natuklasan ang kakayahan at nabigyan ng pagkilala para sa kanilang mga
akda na kinapulutan ng aral at nagmulat sa mga kapwa nila Pilipino sa kagandahan ng
bansa at pagpapahalaga dito.
        Higit sa lahat, nagkaroon sila ng pagkakataon na maipadama ang kanilang
umaapaw na pagmamahal sa bansang Pilipinas sapagkat taas noo nilang
ipinagmamalaki na sila ay mula sa lahing Pilipino at ang bawat panitikan na kanilang
ginagawa ay sumasalamin sa mayamang kultura ng Pilipinas.  Tunay na mayaman ang
bansang Pilipinas hindi lamang sa mga likas na yamang taglay nito maging sa talino at
kakayahang linangin ang kultura sa pamamagitan ng paggamit ng panitikan. Kaya
naman mas maraming bansa ang nagiging interesado na bumisita at manirahan dito sa
ating bansa.

Kahalagahan ng panitikan

 1. Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos natin ang
atingpinagyaman ng isip at ang angking talino ng ating pinanggalingang lahi.
 2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig dapat nating mabatid na tayo'y may dakila at marangal
natradisyonng siya nating ginawang sandigan ng pagkabuo ng ibang kulturang
nakarating saating bansa.
 3. Upang matanto natin ang ating mga kakulangan sa pagsulat ng panitikan



 atmakapagsanay na ito'y matuwid at maayos.
 4. Upang makilala at magamit natin ang ating mga kakayahan sa pagsulat at magsikap
naito'y malinang at mapaunlad.
 5. Higit sa lahat, bilang mga Pilipinong nagmamahal sa sariling kultura ay
kailangangmaipamalas ang pamamalasakit sa ating sariling panitikan

You might also like