You are on page 1of 8

Trisha Mae B.

Tabones
BEEd-II

Ano ang kahulugan ng Panitikan?

1.)Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin,


mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na
paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung
saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman
ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin
na litterana nangunguhulugang titik.

Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga


karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig,
kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak
at pangamba.

2.) Nanggaling ang salitang panitikan mula sa ‘pang|titik|an’, kung saan ikinabit
ang unlaping pang- at hulaping -an sa ugat na titik. Ang may-bahid kanluraning
salitang literatura ang isa pang katawagan para sa larangan ng panitikan. Nagmula
ang salitang literatura sa salitang Latin - littera - na nangangahulugang "titik".
Ito ay talaan ng buhay.
Nagpapahayag ng damdamin at karanasan ng isang bansa na nasusulat na
makahulugan, maganda at masining na paglalahad. Masasalamin ito ayon sa ideya,
damdamin at isipan ng tao tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, galit,
pagka-awa, paghihiganti at iba pa.
Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan,
pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming
tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti,
pagkasuklam, sindak at pangamba.
Ang kasaysayan ng panitikan ay nahahalintulad sa kasaysayan ng isang
bagay lahi o bansa.
Ang panitikan ay nagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan,
hangarin at diwa ng mga tao.

May iba’t ibang mga manunulat at mga dalubahasang Pilipino ang nagbigay
ng kahulugan sa panitikan ayon sa kanilang pananaw bilang mamamayan ng
Pilipinas. Kabilang sa mga ito sina Joey Arrogante, Zeus Salazar, at Patronicio V.
Villafuerte, bukod pa sa iba.

Noong 1983, para kay Arrogante, isang talaan ng buhay ang panitikan kung
saan nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang
kulay ng buhay at buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng
isang tao sa pamamagitan ng malikhaing pamamaraan.

Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas na


nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang
makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang ideyang nagpupumiglas upang
makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang karanasang pantaong natatangi sa
sangkatauhan.

3.) Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat


ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang
maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas
lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at
diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis,
may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang
sulating pampanitikan. Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan,
pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng
damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot,
paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Ito ang isang dahilan kung bakit
pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan. Ang Iliad ni Homer, ang
isang halimbawa ng mga mabuting likhaing pampanitikang kanluranin, maging
ang Aeneid ni Vergil.

4. Ang panitikan ay ang mainaw na pagsusulat ng may anyo pananaw ang diwang
sanhi na matagal na pagkawili at gana sa makatuwid may hugis punto de bista at
makakapagpahaba ng interes na bumabasa ng isang sulatin pampanitikan.
Ito rin ay nag sasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan,
pananampalataya at ang mga karanasang kaugnay ng ibat-ibang uri ng damdaming
tulad ng pag-ibig,kaligayahan,kalungkutan,pag-asa,pag-kapoot paghihiganti,
pagkasuklam, sindak at pangamba.

5. Sa payak nitong kahulugan, ang panitikan ay ang kahit anong nasusulat na gawa
ng tao. Kabilang na dito ang mga libro, nobela, tula at iba pang komposisyong
mayroong halaga sa lipunan. Ito ay ginagamit ng mga tao upang magpahayag ng
kanilang mga nararamdaman, mga naiisip, mga karanasan, at mga hangarin sa
pamamagitan ng pagsulat.
Ang salitang ito ay tinatawag ding literatura (literature). Ito ay nagmula sa
salitang Latin na “litera” na nangangahulugang “titik“. Ang salitang Tagalog
naman na “panitikan” ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ay nanggaling sa
salitang ugat na “TITIK”, na dinagdagan ng panlaping “pang- at -an”.
Samakatuwid, ito ay pinaikling salita na PANG+TITIK+AN. Sa pagtagal ng
panahon, ang konseptong ito ay nabago. Kung noon ay ang mga nasusulat lamang
na gawa ng tao ang maituturing na literatura, ngayon, kabilang na din dito ang
nabibigkas na mga akda (oral literature).
Ang panitikan ay maituturing ding sining na nabuo sa pamamagitan ng
grupo ng mga salita. Karamihan sa literatura ay naipapahayag sa pamamagitan ng
pagsulat, at ang iba naman ay naipasa sa pamamagitan ng paggamit ng bibig o
pagsasalita.

Ang panitikan ay maaring mabuo sa anyong tuluyan (prose) o anyong patula


(poetry). Ito din ay maaring maging piksyon (kathang-isip) at di-piksyon (batay sa
totoong pangyayari).

Ayon sa pinakabagong depinisyon sa Webster’s New Collegiate Dictionary,


ang panitikan ay ang mga sulatin na naglalaman at nagpapakita ng kahusayan sa
anyo ng pagpapahayag. Nagpapahayag din ito ng mga ediya ng permanente at
pangkalahatang kapakinabangan.

Batay naman sa librong “Pilosopiya ng Literatura” na isinulat ni G. Azarias,


ang literatura ay ang pagpapahayag ng nararamdaman ng tao tungkol sa iba’t-ibang
bagay dito sa daigdig, tulad ng kanilang pamumuhay, pamahalaan, lipunan, at
ugnayan ng kanilang kaluluwa sa dakilang lumikha.

Napakaraming depinisyon ang maiuugnay sa panitikan o literatura. Maaring


ito ay nanggaling sa libro o sa ating sarili. Ngunit tatandaan mo, ang
pinakamagandang kahulugan ng literatura ay manggagaling sa iyong sarili.
References

http://panitikankarunungangbayan.blogspot.com/2015/04/ano-ang-panitikan-ang-
panitikan-ay.html

https://www.scribd.com/doc/33306673/Ano-Ang-Panitikan-HANDOUT
https://tl.wikipedia.org/wiki/Panitikan

http://howardraycodagreat.blogspot.com/2012/06/ano-ang-panitikan-panitikan-ay-
ang.html

https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-panitikan/
Bakit mahalaga ang Panitikan sa Pilipinas?

Ang panitikan ay isang bagay na karamihan ng mga tao ay nakasalamuha.


Ito ay isang napakalapad at kamangha-manghang paksa. Ang pag-aaral ng iba’t
ibang uri ng literatura ay nakapagpapalawak ng imahinasyon at nakapagpapabuti
sa paraan ng pagbabasa at pagsusulat. Malaki ang kaugnayan ng pagbabasa sa
pagsusulat dahil sa pagbabasa at pagsusulat nalilikha ang magagaling na
manunulat. Lampas sa mga batayang benepisyo, and pag-aaral ng literatura ay
nakatutulong upang maranasan na makita ang buong mundo.

Sa pamamagitan ng panitikan, naipakikilala ang pagka - Pilipino at


naibabahagi ang yaman ng isip at ang angking talino ng lahing pinagmulan.
Naipapabatid sa daigdig ang kadakilaan at karangalan ng tradisyong Pilipino na
sandigan ng kabuuan ng ating kultura. Nababatid ang kahinaan sa pagsulat at
pagsasanay upang ito ay maisaayos at maituwid. Nakikilala at nagagamit ang mga
kakayahan sa pagsulat at maging masigasig sa paglinang at pagpapaunlad nito.
Naipadarama ang pagmamahal sa kultura sa pamamagitan ng pagpapakita ng
malasakit sa panitikan.

       Sa pamamagitan ng panitikan nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na


ipakilala ang ating lahi sa iba. Gamit ang kanilang talino at angking kakayahan,
nakalikha sila ng mga sulating na sumasalamin sa mga matandang kaugalian at
tradisyon na siyang bumubuo sa ating kultura. Nasukat din ng mga Pilipino ang
kanilang kalakasan at kahinaan sa pagsulat at paglikha kaya naman mas naging
madali para sa kanila na bumuo at luminang ng mga teksto. Maraming manunulat
na Pilipino ang natuklasan ang kakayahan at nabigyan ng pagkilala para sa
kanilang mga akda na kinapulutan ng aral at nagmulat sa mga kapwa nila Pilipino
sa kagandahan ng bansa at pagpapahalaga dito.

 Higit sa lahat, mahalaga ang panitikan sa Pilipinas dahil nagkaroon ang mga
Pilipino ng pagkakataon na maipadama ang kanilang umaapaw na pagmamahal sa
bansang Pilipinas sapagkat taas noo nilang ipinagmamalaki na sila ay mula sa
lahing Pilipino at ang bawat panitikan na kanilang ginagawa ay sumasalamin sa
mayamang kultura ng Pilipinas.  Tunay na mayaman ang bansang Pilipinas hindi
lamang sa mga likas na yamang taglay nito maging sa talino at kakayahang
linangin ang kultura sa pamamagitan ng paggamit ng panitikan. Kaya naman mas
maraming bansa ang nagiging interesado na bumisita at manirahan dito sa ating
bansa.

You might also like