Professional Documents
Culture Documents
Ayon kay Arogante (1983) ang panitikan ay ang talaan ng buhay ang panitikan sapgkat dito isinisiwalat
ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na
kanyang kinabibilangan at pinapangarap.
Ayon kay Salazar (1995:2), ang panitikan ang siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan.
“Panitikan ang siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan ng mga tao at isa itong
kasangkapang makapangyarihan na maaring magpalaya sa mga ideyang nagpupumiglas para makalaya o
makawala. Isa rin itong kakaibang karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan.”
– Zeus Salazar.
Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan,
hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan
at patula.
Ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng
matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng
mambabasa ang isang sulating pampanitikan.
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping"pang" ay
ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura
ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik.
1. ang iba’t ibang anyo ng panitikan ay para sa paglilibang, sa kasiyahan ng emosyon o damdamin, sa
impormasyon, at sa edukasyon
2. ang iba’t ibang halimbawa ng panitikan ay para matutunan ang gustong ipahayag ng may-akda
3. kahit na ano ang panitikan pa man para sa iyo o kahit ano-ano pa man ang uri ng panitikan na isusulat mo,
ito ay para maipahayag ang sarili at para makilala ang kalinangan sa panitikan
5. para mabatid ang mga minanang kaisipan at mga taglay na katalinuhan at karunungan ng ating mga ninuno
7. para ipamamana ang nagsisilbing gabay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnan
8. para mabatid ang mga kaisipan sa panitikan at makapagsanay para mas maiwasto ito.
9. para malaman ang mga kagalingan sa pagsulat at pagsikaping mapagbuti at mapaunlad pa ito
Malaki ang kontribusiyon ng Panitikan sa Kasaysayan sapagkat dito natin makikita kung ano ang buhay ng
mga tao noon. Sa pamamagitan ng mga tula, Nobela, Kantahin, o talumpati nalalaman kung ano ang
obserbasiyon ng mga may-akda sa kanilang paligid at sa kanilang mga buhay.
Ang panitikan at sining ay parehas na mahalaga sa isang lahi at parehas na mahalaga para sa mundo. Ito
ang repleksyon o salamin ng kaugalian, kultura at tradisyon ng mga tao.
Ang kahalagahan ng panitikan lalo na kung ano ang panitikang Pilipino sa pag-aaral sa larangan na ito
ay para makilala ang kalinangang Pilipino at para mabatid na rin ang mga minanang kaisipan at taglay na
katalinuhan at karunungan ng ating ninunong lahi.
Ito rin ay upang mabatid ang mga kaisipan sa panitikan at makapagsanay para mas maiwasto ito habang
nalalaman ang mga kagalingan sa pagsulat at pagsikaping mapagbuti at mapaunlad pa ito.