You are on page 1of 1

1. Ano ang Panitikan?

-ito ay kahit anong nasusulat na gawa ng tao


-Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng
mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
-Ang panitikan ay “bungang isip na isinatitik”. Ito rin ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng katha na tumutulong sa
wastong ikauunawa ng noon, ngayon at bukas ng isang bansa. Ito rin ay pagpapahayag ng damdamin at mga
karanasan ng sangkatauhan na nasusulat sa masinining at makahulugang mga pahayag. (Rufino Alejandro at Julian
Pineda).
-Talaan ng buhay ang panitikan sapgkat dito isinisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay,
ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap. Arogante (1983)
- Ang panitikan ang siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan. Salazar (1995:2)
-Ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag,
aestitikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang- maliw. Webster –Ang panitikan ay nagmula sa salitang titik.
Ang tunay na panitikan ay pagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan, at panaginip ng sangkatauhan na
nasusulat sa masining o malikhaing paraan, sa pamamagitan ng aestitikong anyo at kinaapapalooban ng
pandaigdigang kaisipan at dahil nasusulat ang panitikan, natitiyak ang kawalang-maliw nito.

2. Ano- ano ang mga kahalagahan ng panitikan?


-Ang panitikan ay mahalaga sapagkat sa pamamagitan ng mga ito ay nagkakaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino
na ipakilala ang ating lahi sa iba sa pamamagitan ng talino at angking kakayahan. Ang ating panitikan ay may kahalagahan
sa ating buhay sapagkat ito ay naglalarawan ng ating kultura, paniniwala, mga tradisyon, at karanasan ng ating sinaunang
lahi.
-Naipapakita natin ang pagmamahal natin sa ating kultura sa pamamagitan ng pagtanggap sa ating panitikan. Maaari
nating pag-aralan ang mga nakaraang pangyayari sa ating kasaysayan. Sa kasalukuyang panahon ang mga kaalaman
nating napag-aralan ay makakatulong at ito ay pwede pa nating maipasa sa susunod na henerasyon bilang isang
karunungan.
-Dahil sa panitikan, ang mga tao ay may ang kakayahang kumonekta sa iba mula sa nakaraan at makakatulong ito na
sumalamin sa kasalukuyan panahon. Ang higit pa dito'y nauunawaan natin ang kultura at tradisyon ng ibang tao.
-Sa pamamagitan ng Panitikan, nagkakaroon tayo ng pagkakataon na makisalamuha sa mga kultura ng ibang bansa at
makabasa ng mga kuwento ng iba’t ibang panahon.
-Ang panitikan ay nagsisilbing tulay para makita at mabatid natin ang kaugnayan ng kasalukuyan sa nakaraan upang
sa ganoon maharap natin ang darating ng may lakas at talino.

3. May nabasa ka na bang akdang pampanitikan na sa tingin mo ay may nagawa o naitulong sa pananaw mo sa buhay?

You might also like