You are on page 1of 7

OVERA, ZANDRA KATHLEEN M.

BSED-FILIPINO

PANUNURING PAMPANITIKAN

Ang Panitikan ay isang mabisang instrument upang mapabago ang damdamin at isipan
ng Tao, at mapakilos siya ayon sa idinikta ng kanyang puso at isip.

-Talaan ng buhay ang panitikan sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa


ARROGANTE malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng daigdig
2013 na kanyang kinabibilangan at pinapangarap.

-Ang panitikan ay Katipunan ng mga akdang masusulat na makilala sa


WEBSTER pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestitikong anyo,
pandadaigdigang kaisipan at kawalang-maliw.
1947

ATIENZA, -Ang tunay na panitikan ay walang kamatayan nagpapahayag


RAMOS, ng damdamin ng tao blang ganti niya sa kanyang pang-araw-araw
ZALAZAR na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanyang kapaligiran.
at NOZAL

-Inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas


ZEUS na nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong
SALAZAR kasangkapang makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang
1995 ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong
kakaibang karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan.

-Nagpapahayag ng damdamin hinggil sa mga bagay-bagay sa


HONORIO
daigdig sa pamumuhay sa lipunan at sa pamahalaan at sa kaugnayan ng
AZARIAS
kaluluwa sa bathalang lumikha.

-Kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan. Nasasalamin ang mga


MARIA layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guni-guni ng mga
RAMOS mamamayan na nasusulat o binabanggit sa maganda, makulay,
makahulugan, matalinghaga at masining na mga pahayag
-Maraming mga paraan para bigyang kahulugan ang panitikan.
Unang-una, maaari itong ituring na isang likhang-isip gamit ang mga
TERRY malikhaing salita o talinghaga. Ito ang tinatawag na “fiction”. Subalit
EAGLETON nagbigay siya ng argumento na hindi lahat ng malikhaing akda ay
matatawag na panitikan. Kabilang dito ang mga komiks, pelikula,
telebisyon, at pocketbooks (romance novels) na bunga ng isang
malikhaing pag-iisip subalit hindi itinuturing na panitikan

-Ang panitikan ay Katipunan ng magaganda, mararangal, masisining


At madamdaming kaisipang nagpapahayag ng mga karanasan at
PONCIANO Lunggati ng isang lahi.Maliwanag na di isinasali ni Pineda sa
B.P. PINEDA Katipunan ng panitikan ang mga nasusulat na kulang sa ganda, sining
At damdamin. Hindi rin maituturing na panitikan ang mga sulating
Nagpaparumi ng isipan at damdamin.

SIMPLICIO -Ang panitikan ay salamin ng lahi, Nasisinag sa panitikan ang mga


BISA Karanasan ng isang bansa ang mga kaugalian, mga paniniwala, mga
1987 Tradisyon, pangarap at lunggatiin ng isang lahi.

“Ang panitikan ay nasusulat na tala ng pinakamabuting kaisipan at


W.J. LONG Damdamin ng tao.”

-Ang panitikan ay kabuuan ng mga karanasan ng isang bansa, mga


PAZ N. Kaugalian, paniniwala, pamahiin, kaisipan, at pangarap ng isang
NICASIO AT Lahi na ipinahahayag sa mga piling salita, sa isang maganda at
FEDERICO B. Masining na paraan, nakasulat man o hindi.
SEBASTIAN
1985

TERESITA -Ang panitikan ay lakas na nag-uugnay sa damdamin ng mga tao


P.CAPILI- Upang makita ang katwiran at katarungan, dahil dito’y masasabing
SAYO Lumilinang ang panitikan sa nasyonalismo ng mga mamamayan.
1987

G.K.R. “Ang panitikan ay kapatid na babae ng kasaysayan.Ang panitikan


PINEDA AT Tulad ng kasaysayan, ay nagtataglay ng mga ulat ukol sa mga
T.C. ONGOCO Nagaganap sa isang lahi at mga naisip na dakila at marangal ng
1972 Lahing ito.”
“Ang panitikan ay nagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan
At pagpapahayag ng paraang nagpaparanas sa bumabasa ng kaisipan
LYDIA FER At damdamin ng manunulat, at sa paraang abot-kaya ng
GONZALES Mangangatha o manunulat. Sa panitikan nakakatalamitan ng isipan
1982 ng mambabasa ang isipan ng manunulat ng iba’t ibang panahon ng
iba’t ibang bansa”

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG PANITIKAN

Isa sa magandang katangiang angkin ng pagkatao ng isang Pilipino ay ang


pagpapahalaga, marunong siyang magpahalaga sa mga bagay-bagay sa kanyang
kapaligiran, sa kanyang pamilya, sa kanyang mga kaibigan at kautangan ng loob, sa
kanyang gawain at sa gawain ng kanyang kapwa, kabilang sa pinahahalagahan ng
isang tao’y ang kanyang pagkatao, ang kanyan dangal na kanyang itinuturing na
yamang ihaharap p isususlit sa Dakilang lumikha pagdating sa dulo ng kanyang
paglalakbay sa mundong ito.

Bagamat nararapat na pahalagahan ng tao ang maraming bagay, di maitatanggi


ang bawat isa sa kanila ay may natatanging pagpapahalaga sa mga bagay na higit na
nalalapit sa puso niya. Halimbawa, malapit sa isang isa ang kanyang anak sa eskultor
kung kaya’t malapit din sa puso niya ang inukit nitong obra maestra, dahilan, kaya’t
pinakaiingitan niya ito.

Sa isang manunulat, natural na napakahalaga sa kanya ang mga bunga ng


imahinasyon at isipang naisasatitik niya.

Sa puntong iyo, paano magiging mahalaga sa mag-aaral at sa lipunan ng mga


propesyunal ang manitikan kung di ito malapit sa kanilang puso? Hinding hindi
mapapahalagahan ng isang tao ang alinamang banyaga sa knya.kung gayon,upang
mapahalagahan ang isang tao,bagay, o anupaman, dapat na makilala ang mga ito o dili
kaya’y magkaroon ng lubos na kaalaman ukol dito, Sa tanging hakbang sa ganito
rin,pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan. Mahalagang alam at ramdam natin
ang sariling panitikan, ang ating sariling kikilalanin ang mga manunulat at kanilang
mga isinulat upang mapapalalin pa ang pagpapahalaga at pagbabandila sa mga ito.

May kaakibat na kahalagan ang panitikan para sa mga Pilipino. Isa itong uri ng
mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari-sariling
mga buhay, upang matugunan ang kanilang mga suliranin, at upang maunawaan ang
diwa ng kalikasan ng pagiging makatao. Maaaring mawala o maubos ang mga
kayamanan ng isang tao, at maging ang kanyang pagiging makabayan, subalit hindi
ang panitikan. Isang halimbawa nito ang pangdadayuhan ng ibang mga Pilipino.
Bagaman nilisan nila ang kanilang bayang sinilangan, ang panitikan ang kanilang
tulay sa naiwan nilang bansa.
MGA URI NG PANITIKAN

May sariling panitikan ang bawat lahi sa siyang kasisinagan ng kanyang


kultura, kaugalian, kabihasnan at tradisyon. Ang Pilipinas ay may sarili nang
panitikan bago paman dumating ang mga kastila. Dala ng mga ninuno na naninirahan
sa ating bansa ang mga bugtong, pamahiin, mga alamat, mito at iba pa. Ang mga
uring ito ng panitikan ay nagpasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan sapagkat
noong mga panahong iyon ay di pa natutuklasan ang pag-iimprenta.Ang uri ng
panitikan ay nagpasalin-salin mula sa kwentuhan, awitan, at tulaang pasalita ay
tinatawag na panitikang pasalindila.

May ilang mga pananaliksik ang nagsasabing natukoy sng panitikan ng bansa
mula sa mga larawang iginuhit sa mga kweba, gayundin sa mga tulang nakasulat sa
dahon at sanga ng kahoy.Ito ang kauna-unahang anyo ng panitikang pasulat. Higit na
nagiging matatag at tiyak ang mga pangyayari at karanasan sa isang akdang
nakasulat.Mula nang matutuhan ng mga katutubo ang pagsulat sa tulong ng alibata na
dala ng mga malay lalo pang napatatag at napaunlad ang panitikang pasulat. Bunga
nito,ang mga dating inaawit, ikinukuwento tinutula ay naisasatitik, sa ngayon, ang
mga kaisipan, saloobing mga pangarap, mithiin at hangarin sa buhay ay naisasatitik at
naisasaimprenta na rin. Tinatawag na panitikang pasulat o pasalinsulat ang uri ng
ganitong panitikan.

Dahil sa pagsilang ng panahong elektroniko na pawang lahat ng bagay ay


pinapadali sa pamamagitan ng elektroniko gaya ng kompyuter, maging ang
paglaganap ng panitikan ay nakisakay sa mga kableng tagapangalat nito. Sa isang
pindot sa buton ay maaaring makarating sa bansang nais tunguhin sa pamamagitan ng
pagseserf sa mga websayt na nakakonekta sa internet saan mang sulok ng daigdig; o
di kayay mangyayaring makipagkwentuhan sa mga banyaga sa pamamagitan naman
ng pakikipagtsat at e-mail. Sa pagsilang ng ganitong uri ng daluyan ng komunikasyon,
maigaragdag natin ang isang bagong uei ng panitikan, ang uring pasalintroniko.

Sa Gayon, mauri natin ang panitikan sa tatlo:

PASALINDILA- Ang anyo ng panitikan ang paglilipat ay naisasagawa sa


pamamagitan ng dila o bibig. Ang mga halimbawa nito ay alamat, mito, awiting
bayan, salawikain, bugtong, palaisipan.

PASALINSULAT- naisatitik ang ating mga sinaunang panitikan nang matutuhan ng


mga katutubo ang paraan ng pagsulat. Kung noong unang ay mga konkretong
larawang may kwento ang matatagpuang nakaguhit sa mga kuweba, sa mga balakbak
ng kahoy at sa mga dahoon ngayon ay mga nakatitik na sa papel, o kaya ay
nakaimprenta na ang mga akdang pampanitikan.

PASALINTRONIKO- Ang dating mga titik na nalilimbag ng mga simpleng


makinilya ay napalitan ng mga sopistikadong kompyuter. Hindi na nasisiyaham amg
mga tao lalo na ang mga kabataan sa paggamit ng makinilya. Higit na madali ay
mabilis ang trabaho sakompyuter kaysa makinilya: kaya nga’t hindi kataka-takang
mas ibigin ito ng mgs manunulat kaysa sa makinilya. Ang maghapong
pagmamakinilya ay katumbas lamang ng isang oras sa pagkokompyuter; sa ganitong
sitwasyon, nag kakaroon ng ikatlong uri ng panitikan, ang pasalintroniko.
May Tatlong pangkalahatang anyo ang panitikan; ang tuluyan o prosa patula, at ang
panitikang patanghal o itinatanghal.

1.TULUYAN O PROSA

Ito ang uri ng panitikang nasusulat nang papangungusap, wala itong sukat at
wala ring tugma. Ang mga halimbawa nito ay ang maikling kwento, nobela, anekdota,
sanaysay, salaysay, atbp.

NOBELA- Mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na


pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap
ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa
kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod
at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling
ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang
pinakabuod ng nobela.

May mga uri ito tulad ng:

-Nobela ng tauhan
-Nobela ng pangyayari
-Nobela ng romansa
-Nobela ng kasaysayan
-Nobela ng pagbabago
-Nobela ng layunin

MAIKLING KWENTO- Ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang


pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula,
isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o
iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

Ang mga uri ng maikling kwento ay ang mga sumusunod:

-Kwento ng katutubong kulay


-Kwento ng madulang pangyayari
-Kwento ng pakikipagsapalaran
-Kwento ng kababalaghan
-Kwento ng tauhan
-Kwento ng sikolohiko

KWENTONG BAYAN- Ay mga kathang isip na kuwento o salaysay na ang mga


kumakatawan ay ang mga pag-uugali at mga uro ng mga mamamayan sa isang
lipunan. Ito ay nabuo ng mga manunulat upang kanilang maipahayag ang mga
sinaunang pamumuhay at upang maging gabay ng mga tao sa kasalukuyang
pamumuhay. Maari nilang gawing basehan lalo na ang mga wastong pag-uugali at
mga aral na gustong ibigay ng kuwento

-Alamat -Pabula
-Mito
ANEKDOTA- Isang mahalagang pangyayari/ karanasan sa buhay ng isang kilalang
tao.

PARABULA- Mga talinghaga mula sa banal ng kasulatan, mismong sa bibig ni hesus


nagmula.

TALAMBUHAY- Kasaysayan/ mga pangyayari sa buhay ng isang tao. May


dalawang ui nito:

-Pansarili
-Talambuhay ng ibang tao

BALITA- Mga pangyayaring kasalukuyang nagaganao sa loob at labas ng bansa.

SANAYSAY- Paglalahad ng kuro-kuro o opinion ng sumusulat hinggil sa isang


paksa, may dalawang uri ito:

-Pormal
-Impormal

PANGULONG TUDLING/ EDITORYAL- Opinyon ng patnugot ng isang babasahin


hinggi sa isang pinakamainit sa isyu ng mga balita.

DULA- Ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng galaw, kilos at mga pananalita na


ninanais ipaabot ng awtor.

May dulang nasulat nang pangungusap, samantalang mayroon din namang nakasulat
ng patula. Magkagayunman, kung ang dula ay itinatanghal, maituturing itong
panitikan na nasa anyong patanghal.

Ang mga uri ng Dula:

-Komedya -Saynete
-Trahedya -Persa
-Melodrama

2. PATULA- Ito naman ang uri ng panitikang nasusulat nang pasaknong. Sa


Tradisyunal na tuntunin ay dapat itong magtaglay ng sukat, tugma at talinghaga gaya
ng pananaw ni Lope K. Santos. Samantala, sa pananaw ng repormistang tulad ni
Alejandro Abadilla ang pagtatakda ng sukat at tugma ay paglilimita sa kalayaanh nais
ipakita ng akdang kaya ito ay maaaring walang sukat at wala ring tugma gayaong
pinanatili ang pagtatagalay ng talinghaga.

Sa matandang panitikan o sa panahon ng ating mga ninuno, napakayaman ng


ating bansa sa ganitong anyo ng panitikan. Nauuri ito sa apat:

A.TULANG LIRIKO- Ito ay uri ng tulang nagpapahayag ng pag-ibig, paghanga,


panimdim at poot o kalungkutan. Karaniwan itong mag sukat at tugma, samantalang
may ilang uri ng inaawit o nilalapatan ng himig. Nahahati rin sa iba pang uri ang
tulang liriko:
a.1. KANTAHIN – Ito’y tulang may sukat at tugma at ang layunin ay para awitin.

Mga halimbawa:
-Paruparong Bukid, Bahay-Kubo, Leron leron Sinta

a.2. ANG SONETO- Ito’y isang uri ng tula na may 14 na taludtod.

a.3. ANG ELEHIYA- Isang uri ng tula na nagpapahayag ng panimdim sa isang


minamahal na namatay.

a.4. ANG ODA- Ang osa ay isang tulang paghanga o papuri sa isang bagay

halimbawa:

Ode to the nigthigale

a.5. DALIT- Isang tula ng papuri sa Diyos at sa mga santo.

B.TULANG PASALAYSAY- Tulang nagsasalaysay ng buhay sa paraang patula.


May sukat at tugma ang mga ganitong tula.

C. TULANG PADULA- Ang uri ng tula na isinasadula o kaya ay itinatanghal sa


dulaan ng ang mga tauhang gumagaganap ay nag-uusap nang patula.

c.1. awit- Florante at laura


c.2. korido- ibong Adarna
c.3. epiko- kabayanihan

D. DULANG PATNIGAN- Ito ay ang mga uri ng tulang naglalaman ng


pangangatwirang may mahusay na pagpapatnig-patnig. Ang ating mga ninuno ay
magagaling sa patnigang patula. Ang ating mga ninuno ay magagaling sa patnigang
patula kung nga’t pati pagpapalitan ng kuro, damdamin at katwiran ay sa paraang
patula rin ipinapahayag. May tatlong uri ang tulang patnigan:

d.1. karagatan
d.2. duplo- pagalingan sa pagbigkas at pagbibigay katwiran
d.3. balagtasan- ipinapahayag ang saloobin

3.PATANGHAL

Ito ay uri ng panitikang isinasadula sa entablado, sa bahay, bakuran, paaralan o


kahit saan. Hindi masasabing patanghal ang isang uri ng panitikan hangga’t hindi
naitatanghal sa tanghalan. Simple man ang dula, tula, kwento at iba pang anyo ng
panitikan kung ito ay ihinantad sa intablado o ipinalabas sa mga lansangan tulad ng
senakulo, maituturing na ito ay panitikang patanghal, Ang dula ang karaniwang anyo
ng panitikang natutunghayan natin sa entablado.

You might also like