You are on page 1of 28

COLEGIO DE STA.

TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

ISANG PAG-AARAL SA ANTAS NG KATATASAN SA PAGGAMIT NG


WIKANG FILIPINO SA MGA MAG-AARAL NG IMMACULADA
CONCEPCION COLLEGE SA BAITANG 11

Justine Aquino
A-jay Cabiles
Richel Calupez
Mary Genesis Fuentes
Beverly Magdaraog
Daniela Marie Saliente
Mary Joy Sison

2021

i
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

DAHON NG PAGPAPATIBAY
Ang pananaliksik na ito na may pamagat na
ISANG PAG-AARAL SA ANTAS NG KATATASAN SA PAGGAMIT NG
WIKANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL NG IMMACULADA SA
BAITANG 11 ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga
mananaliksik na mula sa kursong Batsilyer ng Sekondaryang
Edukasyon Medyor sa Filipino na binubuo nina Justine
A-jay Cabiles Richel Calupez,Mary Genesis Fuentes,Beverly
Magdaraog,Daniela Marie Saliente
Mary Joy Sison na itinagubilin para sa pinal na depensa.

Tinanggap at pinagtibay bilang isa sa mga pangangailangan ng


BSED- EDUCATION

MARIANO G. CABAÑEZ, JR. LPT, MAEd-FIL


Dalubguro sa Filipino

Puno ng Lupon

Panilista Panilista

RONNIE A. BOUING, Ed.D.


Dekano, School of Education

i
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

DAHON NG PAGKILALA AT PASASALAMAT

Ang pananaliksik na may pamagat na ISANG PAG-AARAL SA ANTAS NG


KATATASAN SA PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL
NG IMMACULADA SA BAITANG 11 ay lubos na nagpapasalamat sa mga taong
tumulong, nag-ambag at naging bahagi ng pag-aaral upang mapalawak ang kaalaman ng
mga mananaliksik. Dahil sa inyo nabigyang kasagutan ang mga katanungan, kayo ang
nagbigay ng lakas ng loob sa mga mananaliksik upang mapagtagumpayan ang isinagawang
pananaliksik.

Sa aming Pamilya na walang sawang sumuporta sa mga mananaliksik at


handang unawain ang lahat. Maraming salamat sa mga paraang inyong ginawa
upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mananaliksik higit sa lahat sa
tiwala at pampinansyal.

Sa aming Tagapayo na si G. Mariano G. Cabañez na walang sawang


sumuporta at nagbigay ng mahabang pasensya upang ang mga mananaliksik ay
matulungan at maisaayos. Salamat sa pagbabahagi ng mga karunungan, kaalaman
at motibasyon upang magkaroon ng magandang kalalabasan ang isinagawang
pananaliksik.

ii
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

Sa aming Dekano sa Departamento ng Edukasyon sa Colegio De Sta.


Teresa De Avila Inc. na si G. Ronnie Angelo A. Bouing sa kanyang pagbibigay
payo at pagpapaalala sa aming isinasagawang pananaliksik na maging masinop at
masikap na matapos ang pag-aaral na ito upang makamit ang pagpupunyagi.

Sa aming Tagapayo na si _____________sa pagbibigay payo at mungkahi


sa isinagawang pananaliksik at pagtulong na maisagawa ang mga talatanungan ng
maayos at detalyado na makakatulong upang mas maging malinaw ang mga
kwestyuner na isinagawa ng mga mananaliksik.

Sa aming Kasapi ng Lupon na si ___________________sa pagbibigay ng


ideya sa mga kompyutasyon na dapat isasagawa ng mga mananaliksik upang mas
malinaw na maintindihan ang mga makabuluhang pagkakaiba ng mga pagsusulit
na isinagawa ng mga mag-aaral sa dalawang seksyon.

Sa aming mga kamag-aral na walang sawang sumuporta at nagpasaya sa


mga mananaliksik upang hindi lubusang maisip ang mga problema na kinaharap
ngayon panahon ng pandemya. Salamat sa pakikipagtulungan at pagsagot sa
katanungan na hindi nauunawaan ng mga mananaliksik.

iii
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

Sa mga kalahok na mula sa ikalabing isangbaitang ng mga mag-aaral sa


Paaralang Immaculada Concepcion College ,salamat sa pagsagot sa sarbey at
talatanungan na inihanda ng mga mananaliksik upang masagot ang mga suliraning
inilatag ng mga mananaliksik at makuha ang mga datos na kailangan upang
maging matagumpay ang pananaliksik na isinagawa.

At higit sa lahat sa Poong Maykapal, na siyang gumabay sa mga


mananaliksik, sa karunungang ipinagkakaloob Mo, sa mga desisyong ginawa ng
mga mananaliksik, at higit sa lahat sa kaligtasan at biyayang ipinagkaloob Mo sa
mga mananaliksik ngayong panahon ng pandemya. Inihahandog ng mga
mananaliksik ang buong tiwala at pananampalataya sa Iyo, nawa’y puspusin ang
mga mananaliksik ng Ispiritu santo na siyang patuloy na magbibigay ng
karunungan at kalakasan para sa ikabubuti ng ginawang pananaliksik.

MGA MANANALIKSIK

iv
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

DEDIKASYON

Inihahandog ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa mga


mag-aaral upang magkaroon pa sila ng mas malalim na kaalaman
patungkol sa tamang paggamit ng mga salita .Pagkakaroon ng kamalayan
na ang salita ay hindi basta lamang ginagamit subalit ito ay may tamang
paglalapat na rapat ay pagibayuhin ng bawat isa. Sa aming magulang na
walang sawang sumusuporta at nariyan kapag kinakailangan at higit sa
lahat, sa Panginoon na nagbibigay ng lakas at talino sa mga mananaliksik
upang matapos ang pananaliksik na ito upang sa hinaharap ay
makapagbibigay ng karunungan sa mga mambabasa o kapwa mag-aaral.

v
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

Dyornal Artikel

vi
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

TALAAN NG NILALAMAN

Dahon ng Pagpapatibay i
Dahon ng Pagkilala at Pasasalamat ii
Dedikasyon v
Dyornal Artikel vi
Talaan ng Nilalaman vii
Talaan ng Talahanayan viii
Talaan ng Pigura ix
Talaan ng Apendise x

Kabanata 1 ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO


Panimula 1
Kaligirang Kasaysayan ng Pag-aaral 4
Batayan Teoretikal 6
Balangkas Konseptwal 8
Paglalahad ng Suliranin 10

Hipotesis at Asumpsyon 11

Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral 12


Kahalagahan ng Pag-aaral 14
Katuturan ng mga Katawagan 16

vii
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

Talaan ng Talahanayan

viii
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

Talaan ng Pigura

ix
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

Talaan ng Apendise

x
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang Wikang Pambansa ay nagiging tulay sa pagkakaisa ng mga mamamayan at

nagbibigay daan sa ibat’ibang aspeto sa isang bansa. Ang Wikang Pambansa ang pangunahing

pangangailangan ng isang bansa sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagugnayan at

pakikipagtalastasan ng bawat mamamayan. Ang Wikang Flipino ay patuloy na umuunlad at

umusbong sa bawat dumadaan na panahon.Sa paggamit ng ibat ibang paraan katulad ng

pagpapaikli ng mga salita nagkakaroon ng mga suliranin sa gramatika.

Marami ang nahirapan sa mga pagyabong na nagaganap upang maisakatuparan ang wastong

paggamit ng wika. Iba’t ibang mga makabagong pananalita na kung saan nagkakaroon din ng

kanya-kanyang pagkakahulugan at pagbibigay ng tamang paglalapat ng mga salita.Katulad

nalamang ng mga akronim o ang paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa isang salita o

tumatayo bilang kapalit ng salita, kung kaya mapagtatanto natin kung gaano kahalaga ang ang

tamang paggamit ng mga salita.Gampanin ng bawat tao na pagyamanin ang kanyang kaalaaman

sa paggamit ng mga wastong salita sa pamamagitan nito nagiging bihasa ang tao sa tamang

paglalapat ng mga salita.

1
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

Ayon kay Espiritu (2003), kahit ano pang pamamaraan ang gamitin ng guro, ang

mahalaga ay ang pagpokus hindi lamang sa gramatika ng wika kundi sa gamit ng wika sa

komunikasyon at ang paglinang ng mag-aaralna mahusay na komunikeytor sa Filipino; na

umaalinsunod din sa paniniwala ni Chomsky (1957).Samakatuwid, para sa mga guro na

naghahangad at nagsusulong ng mabisang pagtuturo ng Filipino, malakiang maitutulong sa

pag-alam ng mga batayang teorya sa wika at gramatika at ang paglalapat nito sakaniyang

pagtuturo.

Gramatika Bilang Produkto, Proseso, at Kasanayan. Ayon kay Ross Alonzo ng Unibersidad ng

Pilipinas(1998), ang gramatika ay bahagi ng diskurso. Isa itong mahalagang sangkapna ating

ginagamit sa mga kasanayang makro ng wika, Halimbawa pakikinig, pagsasalita, pagbasa,

pagsulat at panonood. Aniya, “hindi epektiboang komunikasyon kung wala tayong

kakayahanggamitin ang gramatika at diskursong angkop sasitwasyon at kausap.” Bilang

guro, magiging higit namahusay ang ating pagtuturo kung alam natin kungpaano

natutuhan at ginagamit ang gramatika. Anggramatika ay batayang balangkas ng wika at

sabalangkas na ito mabubuo ng mga mag-aaral angkanilang gagawin at masusukat ang

kanilang pag-unlad.

Binigyang-diin niya na sa gramatika bilang produkto ay alam na alam ng guro ang perspektiba ng

gramatikabilang produkto. Nakikita ito sa libro ng gramatika kayanahahati sa bawat kabanata,

Halimbawa pananalita, parirala,at sa mga pangungusap. Iisa ang pagtingin sagramatika at istatik

ito. Ang bawat anyo ay batay sagramatikal na pagsusuri ng gramaryan o linggwista tulad ng

2
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

grammar ni Fillmore na siyang batayanng pokus ng pandiwa. Sa pamamagitan

ngpagtalakay sa mga anyong gramatikal, natutulunganang mga mag-aaral upang maunawaan

ang gramatikalna sistema ng wika at ang mga kahulugangipinapahayag nito Pinagsusunod-

sunod ang mga aralinbatay sa mga kaayusan o popularidad sa wika.

Dahil dito, nabuo ang ideya ng mga mananaliksik na tuklasin at alamin ang

Isang Pag-Aaaral sa Antas ng Katatasan sa Paggamit ng Wikang Filipino upang maipakita ang

karanasan ,adbentahe at kung ano ang mga pagbabago na naisagawa sa bawat usbong ng mga

makabagong paggamit ng wika.

3
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

Kaligirang Kasaysayan ng Pag-aaral

Malaki ang impluwensiya sa atin ng mga dayuhan pagdating sa mga salita na nalilimbag

sa bawat panahon na dumarating. Ito ang pag-aaral ng kasaysayan ng wika at pinag-ugatan ng

mga salita ito ang Etimolohiya. Binibigyan diin ditto kung paano nagka-kaiba ang anyo at

kahulugan ng mga salita. Sa pag-aaral ng etimolohiya ng wika, maaari nating Makita kung gaano

ka dinamoko at buhay ang ating wika.

Kaakibat sa pag-aaral ng etimolohiya ng anumang wika ay ang pag-aaral sa

kasaysayan,kultura at lingwistika ng lipunang mga gumagamit ng wikang ito.

Sa pagdaan ng panahon, nagkakaroon ng mga pagbabago sa pananalita at paggamit ng

mga tao ng wika. Isa sa pinakakaraniwang pagbabago ay ang pagsasama ng mga salita. Sa

pamamagitan ng pagsasama ng dalawa o higit pang mga salita, nakabubuo tayo ng bagong salita

na may tiyak na kahulugan.

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang magkaroon ng kamalayan ang mga estudyante

sa tamang paggamit ng mga salita at hindi lamang ito basta-basta ginagamit. Ang objective ng

4
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

pagaaral na ito ay para alamin kung gaano na nga ba kalawak ang kaalaman ng mga

estudyante sa baitang na k-12 sa paggamit ng mga wastong salita at mga bantas. Dito rin

susukatin kung ano-ano na ba ang kanilang nalalaman.

Napili ang paksang ito sapagkat tumatalakay ito sa pangunahing suliranin ng mga

estudyante sa pagaaral ng estraktura ng wika. Nais din sukatin ng mga mananaliksik ang

kakayahan ng mga magaaral. Ito rin ay makakatulong sa mga estudyante maging sa mga

kaguruan upang mallinang ang kakayahan ng mga mag-aaral

Pagtungkol sa pagwastong gamit ng salita Sapagkat ang usaping ito ay may malaking

gampanin sa akwisisyon ng bawat estudyante.Sapagkat ang usaping ito ay may malaking

gampanin sa akwisisyon ng bawat estudyante.

5
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

Batayan Teoretikal

Si Savignon (1972) ay nagpahayag naman ng kanyang pananawukol sa kakayahang

komunikatibo. Ayon sa kanya ang binabanggit ngmga istrukturalista na kakayahan sa tamang

pagbigkas, bokabularyo atgramatika ay isa lamang sa mga pangunahing salik na bumubuo

sapakikipagtalastasan.Sa pananaw ni Noam Chomsky , ang dahilan kung bakit

marunongmagsalita o nakabubuo na ng pangungusap ang mga bata kahit wala pangpormal na

pag-aaral, iyon ay dahil likas sa kanila na matuto ng wika. Iyon dinang kanilang magsisilbing

gabay sa pagbuo ng mga pangungusap sa kadahilangmay nakabaong gramatika sa kanilang

isipan.Kapag pinag-uusapan ang “universal grammar”, kaakibat nito ang “nativisttheory” ni

Noam Chomsky. Ibig sabihin nito, ipinanganak tayo na maykakayahang magsalita at bumuo ng

mga pangungusap kahit hindi tayotinuturuan ng ating mga magulang. Ang pagkatuto natin sa

wika aymaihahalintulad sa ating paghinga at paglakad. Ayon din kay Espiritu (2003), kahit ano

pang pamamaraan ang gamitin ng guro, ang mahalaga ay ang pagpokus hindi lamang sa

gramatika ng wika kundi sa gamit ng wika sa komunikasyon at ang paglinang ng mag-aaral

upang maging mahusay na komunikeytor sa Filipino. Ang wika ay isang behikulo sa mabisang

pagpapahayag,pagtatalakayan at pagkakaunawaan tungo sa pagkatuto ng bawat isa sa kapwa. Ito

ay daan ng pambansang pagkakaisa at kaunlaran ng isang bansa at lipunan. Ayon din kay Ross

Alonzo ng Unibersidad ng Pilipinas (1998), ang gramatika ay bahagi ng diskurso. Isa itong

mahalagang sangkap na ating ginagamit sa mga kasanayang makro ng wika, halimbawa ay ang

6
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

pakikinig,pagsasalita,pagbasa, pagsulat at panonood. Aniya, “Hindi epektibo ang komunikasyon

kung wala tayong kakayahang gamitin ang gramatika at diskursong angkop sa sitwasyon at

kausap”. Ang gramatika ay batayang balangkas ng wika at sa balangkas na ito mabubuo ng mga

mag-aaral ang kanilang gagawin at masusukat ang kanilang pag-unlad.

7
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

Balangkas Konseptwal

Isang Pag-Aaaral sa Antas ng Katatasan sa Paggamit ng Wikang Filipino ng mga Mag-

aaral ng Immaculada Concepcion College sa Baitang K-11

INPUT PROSESO OUTPUT

Nais ng mga
Ang mga mananaliksik
mananaliksik na Inaasahan ng mga
ay mamamahagi ng mga
malaman kung gaano mananaliksik sa pag-
nasabing kuwestyuner o,
nga ba katatas ang mga aaral na ito kung gaano
survey gamit ang
Gr 11 HUMMS sa nga ba katatas ang mga
Google forms sa
paaralan ng Immaculada mag-aaral ng HUMMS
HUMMS ika-11 baitang
Concepcion College sa ika-11 baitang sa
ng paaralan ng
paggamit ng wikang Immaculada
Immaculada
Filipino. Kaya’t Concepcion College.
Concepcion College
magsasagawa ang mga
upang makakalap ng
mananaliksik ng
sapat na datos o
paglilimbag ng datos sa
impormasyon hinggil sa
tulong ng pagsasagot sa
paksang tinatalakay ng
kuwestyuner o survey
mga mananaliksik.
na nag lalaman ng
katanungan hinggil sa
paksang pinag-aaralan.

Nakapaloob sa Paradimo na ito ang mga hakbang sa pag-kolekta ng mga mananaliksik ng mga

datos sa mga estudyanteng mag-sasagot ng kuwestyuner o survey. Makikita sa nasagawang

8
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

survey kung gaano nga ba katatas ang mga mag-aaral sa wastong paggamit ng Wikang Filipino

sa pag-aaral man o sa pang-araw-araw na pag-gamit nito. Dito makakakita ng mga mananaliksik

ang kinakailangan nilang datos o impormasyon para makagawa ng mga kasagutan sa pag-aaral

na kanilang sinasaliksik

9
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito na may paksang ISANG PAG-AARAL SA ANTAS NG

KATATASAN SA PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO SA MGA MAG-AARAL NG

IMMACULADA CONCEPCION COLLEGE SA BAITANG 11 naglalayong sagutin ang

mga sumusunod na suliranin:

1 Ano ang mean score ng mga mag-aaral sa mayroong sapat na kaalaman sa wastong paggamit

ng wika?

2. Ano ang mean score ng mga magaaral na wala gaanong kaalaman sa wastong paggamit ng

wika?

3. Ano ang mga pamamaraan na nakatulong sa akwisisyon sa wastong paggamit ng wika?

4.Ano ang mga naging sagabal sa pagkatuto ng mga mag-aaral?

5.Sapat ba ang kanilang unang kaalaman sa wastong paggamit ng mga salita?

10
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

Hipotesis at Asumpsyon

Ang mga sumusunod ay mga pangunahing hinuha lamang ng mga mananaliksik.

 Ang pag-aaral ng wastong paggamit ng mga salita ng mga mag-aaral na nasa baiting k-

12 ay nakabatay sa pag-alam kung gaano na ba kabihasa ang mga mag-aaral sa tamang

pag-gamit ng mga salita.

 Ang pagkatuto ng paggamit ng mga salita ay nakakatulong ito sa pag-unlad ng kasanayan

ng mga mag-aaral sa kanilang kakayahan sa pagsulat.

 Ang wastong paggamit ng mga salita sa Filipino ay sadyang nakakalito dahil may mga

salita na may parehong tunog ngunit hindi alam ng mga mag-aaral kung ano ang wastong

paggamit nito.

 Ang isa din sa dahilan kung bakit nahihirapan ang mga mag-aaral sa paggamit ng

wastong salita ay dahil hindi nila ito naiintindihan na kung kailan at paano dapat gamitin

ang mga ito.

 Kabisaan ng maayos na pagtuturo ng wastong gamit ng salita

 Nahihirapan ang mga mag-aaral na gumamit ng wastong ayos ng mga salita.

11
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

 Mabisa ang pag-aaral ng wastong gamit ng salita para sa kanilang pagkakakilanlan dito.

 Mabisa ang pagsasanay sa wastong paggamit ng mga salita dahil ito ay lubos na

makakatulong sa mga mag-aaral.

 Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral at sa mga makakabasa na kung

paano gamitin ng wasto ang mga salita. Ang pag-aaral ng salita ng Wikang Filipino ay

mahalaga dahil mapapalawak ang kaisipan ng mga makakabasa sa mga salita na hindi

nila alam kung ano ang wastong paggamit.

12
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral

Saklaw ng pananaliksik na ito ang mga piling mag-aaral sa ikalabing isang baitang ng

Imacculada Concepcion College sa taong panuruan 2021-2022 na mayroong asignaturang

Filipino upang tukuyin kung gaano sila katatas sa paggamit ng mga salita.Ang mga mananaliksik

ay kukuha ng apatnaput limang respondante na tutugon sa isasagawang sarbey.Gagamit din ng

random sampling ang mga mananaliksik kung saan ang bawat isa ay may pagkakataong mapili

sa isasagawang Sarbey.Gayundin ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng Quantitatibong

paraan kung saan masusukat nito ang kadalubhasaan ng mga mag-aaral sa paggamit ng tamang

salita.

Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng sarbey na sasagutan ng mga

mag-aaral sa pamamagitan ng Google Form upang maiwasan ang direktang

pakikisalamuha at maiwasan ang hindi inaasahang pagkalat na ikinatatakot

na Covid-19. Ito ay bilang pagsunod sa mandato ng pamahalaan at paaralan

hingil sa pag-iingat ngayong pandemya.

13
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga

sumusunod:

Mga Mag-aaral, ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral na maging

maayos at mapadali ang kakayahan nilang bumigkas at magpahayag nang tuwid at maayos sa

mga salita. At mas lalo nilang maiintindihan ang paggamit ng mga salita na ito sa Wikang

Filipino na kung paano ito gamitin ng wasto.

Mga Guro, ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga guro na mas lalong

mapalawak ang kanilang kaalaman sa kung paano ang tamang paggamit ng Wikang Filipino.

Dahil sila mismo ang may kakayahan na magturo sa mga mag-aaral at mapalawak din nila at

madagdagan ang mga kaalaman ng mga mag-aaral patungkol sa paggamit ng Wika sa Filipino sa

maayos at tama.

Kagawaran ng Edukasyon, ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang mas makita

ang mga mag-aaral na nasa baiting k-12 na nahihirapan at hindi natuturuan ng tamas a paggamit

ng mga salita sa Wikang Filipino. Upang mas lalong madagdagan ang mga nagtuturo upang

mapadali ang pagkatuto ng mga mag-aaral dahil mas magiging madali ito kung sapat ang mga

guro na magtuturo.

14
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

Mga Mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang mas madagdagan ang

kaalaman ng mga mananaliksik. Upang malaman at matukoy kung paano nga ba ang tamang

paggamit ng mga salita sa wasto at maayos.

Mga Mananaliksik sa hinaharap, makatutulong ito sa mga susunod na mananaliksik na

may ganitong paksa. Magagamit nila ito sa pananaliksik na gagawin nila upang makakuha ng

ideya at madagdagan ang kanilang kaalaman at kung paano nila ito mapapalawak pa.

15
COLEGIO DE STA. TERESA DE AVILA
School of Education
6 Kingfisher St., Zabarte Subd., Brgy. Kaligayahan, Novaliches
Quezon City 1124 Philippines

Katuturan ng mga Katawagan

Katatasan- kakayahang bumigkas at magpahayag nang tuwid at maayos sa mga salita.

Hinuha-hatol, pasiya, opinyon, o palagay na ginawâ batay sa mga katibayan at pangangatwiran

Kabisaan-pagiging mabisa o kapani-paniwala.

Kamalayan-Kaalaman tungkol sa isang bagay o paksa

Akwisisyon- o pagkatuto ng wika ay tumutukoy sa mga proseso ng pagkatutong likas sa wika.

Suliranin-isang bagay na dapat malutas o isang hindi kaaya-aya, hindi kasiya-siya o hindi

kanais-nais na sitwasyon na kailangang maitama.

Mananaliksik-isang taong nagsasaliksik o naghahanap ng mga impormasyong mahalaga at

kailangan sa isang pag-aaral.

16

You might also like