You are on page 1of 22

GE 06: Kontekstwalisadong Komonikasyon sa Filipino

Republic of the Philippines


APAYAO STATE COLLEGE
Luna, Apayao, Philippines 3813

Kontekstwalisadong
Komonikasyon sa Filipino

Worktext para sa ika-1 hanggang ika-3 linggo

Inihanda nina:

Evelyn P. Alvarez
Shery Ann p. Tumamao
Devina T. Gamiao
Reclien Tagsay

1
GE 06: Kontekstwalisadong Komonikasyon sa Filipino

Vision

“Empowering lives and communities through stewardship for


cultural sensitivity and biodiversity”

Mission

Apayao State College is committed to provide empowering and holistic


development of citizens by providing quality and innovative instruction,
strong research, responsive community engagement and entrepreneurship
in order to prime the development of Apayao Province, the Cordillera
Administrative Region.

ASC GOALS

• Transformative and empowering education


• Increase capacity and performance in research and innovation.
• Create a significant and highly visible development impact in the
region.
• Generate additional resources for strategic investment programs
and initiatives
• Transparent, responsive, unifying and empowering governance.

2
GE 06: Kontekstwalisadong Komonikasyon sa Filipino

I. KOWD ng KURSO: GE 06

II. TITULO NG KURSO: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA

FILIPINO

III. Credit: 3.0 units No. of Hours: 3 orass/linggo

IV. Prerequisite : FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

V. PAGLALARAWAN SA KURSO:

Ang KOMFIL ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa


kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa
kani-kanilang mga komunidad sa partikular, at sa buong lipunang Pilipino sa
pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pakikinig at pagsasalita,
gayundin sa kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang tradisyonal at modernong midya na
makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.

VI. BALANGKAS SA PAGKATUTO


BILANG NG PAKSA NAKATALAGANG
LINGGO SA TAO SA
PAGTUTURO PAGSUSULAT
1 Batayang oryentasyon sa asignatura. Devina T. Gamiao
⚫ Pagtuturo at pagpapaliwanag sa
VMGO (Vision, Mision, Goals and
Objectives) ng institusyon.
⚫ Batayang deskripsiyon at
layunin ng asignatura
⚫ Pangunahing pangangailangan
ng asignatura.
⚫ Pagpapaliwanag sa gagamiting
pormula ng paggrado sa mga
gawain.
⚫ Pagtatakda ng mga panuntunan sa
klase

2 Ang Pagtataguyod ng Wikang Devina T. Gamiao


Pambansa sa Mas Mataas na Antas ng
Edukasyon at Lagpas Pa
3
GE 06: Kontekstwalisadong Komonikasyon sa Filipino

3 Vayasyon at Rehistro ng Wika Devina T. Gamiao


⚫ Varyasyon ng wika
⚫ Angpapel ng Wikang Pambansa sa
Gitna ng Pagkakaiba-iba ng wika sa
bansa
⚫ Rehistro at Mga varayti ng wika
4-5 Pagpoproseo ng Impormasyon Para sa Devina T. Gamiao
Komunikasyon
• Pagpili ng Batis (Sources) ng
Impormasyon
• Pagbabasa at Pananaliksik ng
Impormasyon
• Pagbubuod at Paguugnay-ugnay ng
Impormasyon
• Pagbubuo ng Sariling Pagsusuri Batay
sa Impormasyon

6 Mga Gawing Pangkomunikasyon ng Evelyn P. Alvarez


mga Pilipino
• Tsismisan
• Umpukan
• Talakayan
• Pagbabahay-bahay
• Pulong-bayan
• Komunikasyong Di Berbal (Kumpas
atbp.)
• Mga Ekspresyong Lokal
7-8 Mga Napapanahong Isyung Lokal at Evelyn P. Alvarez
Nasyonal
• Korapsyon
• Konsepto ng “Bayani”
• Kalagayan ng serbisyong pabahay,
pangkalusugan, transportasyon,
edukasyon atbp.
• Bagyo, baha, polusyon, mabilis na
urbanisasyon, malawakang pag(ka)wasak
ng/sa kalikasan, climate change atbp
•Kultural/politikal/lingguwis
tikong/ekonomikong
4
GE 06: Kontekstwalisadong Komonikasyon sa Filipino
dislokasyon/displacement
/marhinalisasyon ng mga lumad at iba
pang katutubong pangkat/pambansang
minorya, mga maralitang tagalungsod
(urban poor), manggagawang
kontraktwal, magsasaka, tindero/a, tsuper
ng dyip at traysikel, kabataang
manggagawa, out-ofschool youth,
migrante atbp. sa panahon/bunsod ng
globalisasyon
• Kahirapan, malnutrisyon, (kawalan ng)
seguridad sa pagkain
9 PANGGITNANG PAGSUSULIT
10-11 Mga Proyekto ng Pamahalaan Tungo Reclein Tagsay
sa Kagalingag Pambayan at
Pambansang Kaunlaran
⚫ Kagwaran ng Kalusugan
⚫ Kagawaran ng Edukasyon
⚫ Payapa at Masaganang Pamayanan
⚫ ASEAN Economic Community
⚫ Iba Pang Programa ng Pamahalaan
12-13 Sining at Kultura ng Filipinas sa Reclein Tagsay
Panahon ng Globalisasyon
⚫ Ang Konsepto ng mga filipino sa
Bayani, Pinuno at Manggagawa
⚫ Bayani
⚫ OFW’s, Magigiting na Bayani
⚫ Isyung Pangjultural
⚫ Ang mga kaugaliang Filipino at mga
Isyung Kultural
14 Ang Pakikibahagi ng Kabataan sa Shery Ann P.
Usaping Panlipunan Tumamao
⚫ Pakikibahagi ng Kabataan sa Usaping
Panlipunan
⚫ Mga dahilan ng Paglahok, Epekto sa
Sarili at Lipunan
16-17 Mga Tiyak na Sitwasyong Shery Ann P.
Pangkomunikasyon Tumamao
• Forum, Lektyur, Seminar • Worksyap
•Symposium at Kumperensya
• Roundtable at Small Group Discussion
5
GE 06: Kontekstwalisadong Komonikasyon sa Filipino
•Kondukta ng Pulong/Miting/Asembliya
• Pasalitang Pag-uulat sa Maliit at
Malaking Pangkat • Programa sa Radyo at
Telebisyon
• Video Conferencing
• Komunikasyon sa Social Media
18 PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

MGA TUNTUNIN

• Hindi magbibigay ng espesyal na pagsusulit ang guro sa mga mag-


aaral na liban sa araw ng pagsusulit, maliban na lamang kung ang
mag-aaral ay may balido at katanggap-tanggap na rason.
• Kinakailangan ng mga mag-aaral na gumawa at magsumite ng mga
akademikong papel at sulating papel sa takdang araw na
napagkasunduan ng buong klase.
• Ang anumang akademiko o sulating papel na hindi naisumite sa
takdang araw ay may kaukulang bawas na marka.
• Responsibilidad ng mga mag-aaral na alamin ang paksang tinalakay
sa mga araw na siya ay liban upang makahabol sa talakayan sa
klase.
• Ang magsisilbing grado para sa pinal na pagsusulit ay magmumula
sa pananaliksik na isasagawa ng mga mag-aaral.
• Malaya ang guro na gumamit ng iba’tibang teksto at kontekstong
gagamitin sa pag-aaral.
• Ang iba pang tuntunin ay pag-uusapan sa loob ng klase.

MGA KAHINGIAN

• Mga mahaba at maikling pagsusulit


• Pakikibahagi sa mga Gawain
• Pagsulat ng mga akademikong papel

6
GE 06: Kontekstwalisadong Komonikasyon sa Filipino
SISTEMA NG PAGMAMARKA

Maikling Pagsusulit 15%


Midterm/Final 40%
Natatanging Aktibidad /Kalahok 25%
Pinal naProyekto 20%

Kabuuan 100%

PAALALA

Tulad ng mga naunang bagay, dapat mo ring pahalagahan ang work text
na ito kaya basahin mo ang mga sumusunod na tagubilin:

✓ Ingatan mo ang work text na ito kaya hwag mo itong susulatan.


Iwasan mo itong madumihan, mapunit o matupi at lalo mong
iwasan na ito ay mabasa.
✓ Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel.
✓ Sagutin mo ang lahat ng pagsusulit. Magsimula ka sa Ano na ang
alam mo? Upangmalaman mo ang kahinaan mo nadapat mong
pag-ukulan nang pansin.
✓ Basahing mabuti ang bawat nagahi.
✓ Sagutin mo ang mga inihandang gawain at pagsasanay.
Pagkatapos, kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto.

7
GE 06: Kontekstwalisadong Komonikasyon sa Filipino

GAWAIN

I. Ipaliwanag sa sariling pag-unawa ang ibig ipahiwatig ng Vision,


Vision, Goals and Objectives ng Apayao State College bilang isang
mag-aaral.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

II. Isalin sa wikang Filipino at wikaing nakagisnan ang VMGO ng Apayao


State College

8
GE 06: Kontekstwalisadong Komonikasyon sa Filipino
ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA
SA MAS MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT
LAGPAS PA
Alam mo ba na ang wika ay integral na bahagi ng tao pagkapanganak
niya? Integral dahil kakambal niya ito noong nasilayan niya ang liwanag sa
mundong ating ginagalawan.

Ang wika ay sadyang napakahalaga sa buhay ng tao. Ito ang


kaniyang instrumento o kasangkapan sa pagbabahagi ng kaniyang
nadarama at opinyon. Sa pamamagitan din ng wika ay nasasalamin ang
kultura ng mga tao na gumagamit nito. Kaya, mapalad tayo dahil may sarili
tayong Wikang Pambansa na daluyan ng karunungan— daan tungo sa pag-
unlad ng bayan.

Sa araling ito, layunin ng pag-aaral na:


Pangkaalaman:
1. Maipaliwanag ang kabuluhan ng Wikang Filipino bilang mabisang wika
sa
kontekstwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong
bansa.
2. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang
pambansa,
pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang kaunlaran.
Pangkasanayan:
1. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong
pangkomunikasyon
sa lipunang Filipino.
2. Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng
tradisyonal
at modernong midyang akma sa kontekstong Filipino.
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng
impormasyon
at analisis na akma sa iba’t ibang konteksto.
Halagahan:
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling paraan ng pagpapahayag ng
mga Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.
2. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa
pakikipagpalitangideya.

9
GE 06: Kontekstwalisadong Komonikasyon sa Filipino

Ang Wikang Pambansa


Ang Filipinas ay katulad ng karamihan sa mga bansa ngayon sa
mundo na binubuo ng mga mamamayang may iba-ibang nasyonalidad at
iba-ibang wikang katutubo. Itinuturing ang wika na isang mabisang bigkis
sa pagkakaisa at pagkakaunawaan. Ang pagkakaroon ng isang wikang
pambansa, sa gayon, ay para sa pambansang pagkakaunawaan. Sa wikang
ito sumisibol ang damdamin ng pagkakaisa ng mga mamamayang may iba-
ibang wikang katutubo. Katulong ito ng pambansang watawat, pambansang
awit, at iba pang pambansang sagisag sa pagtatag ng isang pambansang
pamahalaan (Almario, 2014).

Dagdag pa ni G. Virgilio S. Almario, Alagad ng Sining sa Literatura at


Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), malimit na hinihirang
na wikang pambansa ang sinasalita ng dominante at/o pinakamaraming
pangkat. Maaaring maging dominante ang wika ng isang pangkat na
gumanap ng pangunahing tungkulin sa kasaysayan ng paglaya ng bansa.
Maaari ding maging dominante ang wika sa pook na sentro ng komersyo,
edukasyon, kultura, at gawaing pampolitika. Sa ganitong paraan lumitaw
na wikang pambansa ng Pransya ang wika ng Paris, ng Great Britain ang
wika ng London, ng Tsina ang wika ng Beijing, ng Espanya ang wika ng
Castilla, ng Rusya ang wika ng Moskba, at ng marami pang bansa.

Maraming bansa sa Aprika at Timog Amerika ang nagpanitili sa wika


ng kanilang mananakop bilang wikang pambansa. Espanyol ang wikang
pambansa ng Mexico, Cuba, Bolivia, Argentina, Chile, at iba pang bansa
kahit nagrebolusyon ang mga ito laban sa sumakop na Espanya. Portuges
ang wikang pambansa ng Brazil pagkatapos palayain ng Portugal. Pranses
ang wikang pambansa sa Algeria. Ingles ang wikang pambansa ng Timog
Aprika. Portuges ang wika ng Angola. Sa kabilang dako, hindi pinanatili ng
Indonesia ang Dutch katulad ng hindi pagpapanatili ng Malaysia sa Ingles,
at tulad ng Filipinas na pinili ang pagbuo ng katutubong wikang pambansa
(Almario, 2014).

Ang Wikang Pambansang Filipino ay dumaan sa hindi mabilang na


kontrobersya at nagpapatuloy pa ito hanggang sa kasalukuyan. Hindi na ito
bago sa atin, alam na natin ito. Dapat nating maintindindihan na habang
nagdaraan ang Filipino sa samo’t saring mga pagsubok ay lalong tumatatag
ang pundasyon para lalo pa itong malinang at magamit sa mahusay at
malawakang pamamaraan.

10
GE 06: Kontekstwalisadong Komonikasyon sa Filipino
Mga Isyung Pangwika
Narito ang kasaysayan ukol sa mga kontrobersyang pinagdaanan ng
Wikang Pambansa.

• Una. Ang napagkaisahang pasiya sa 1934 Kumbensyong


Konstitusyonal na pumili ng isang katutubong wika upang
pagbatayan ng Wikang Pambansa ay produkto ng Nasyonalista at
Kontra-Kolonyalista.
Matatandaan na hindi nagkasundo ang mga delegado sa 1934
Kumbensyong Konstitusyonal kung aling katutubong wika ang dapat
na ideklarang wikang pambansa. Sa unang diskusyon pa lamang, o
sa pamamagitan ng talumpati ni Felipe R. Jose noong 13 Agosto
1934, ay Tagalog na ang liyamadong katutubong wika. Ngunit
sinalungat ito ng mga delegadong nagnanais na wika nila ang
maiproklama. Pangunahing naging kalaban ng mga Tagalista ang
mga delegadong nagpasok sa Sebwano at Ilokano. Ang mga
delegadong ito ang humati sa nasyonalismong pangwika noong
1934, muli noong 1972, at hanggang ngayon, lalo na sa likod ng
panukalang Federalismong Pampolitika (Almario, 2015).

• Ikalawa. Ang paglapastangang ginagawa ni Gng. Arroyo sa wikang


Filipino. Noong nasa posisyon siya bilang Pangulo ng ating bansa ay
inilabas niya ang Executive Order Blg. 210 na may pamagat na
“Establishing the Policy to Strengthen the use of English as a Second
Language in the Education System”. Nilayon ng naturang EO na
palakasin ang Ingles sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mas
maraming oras sa paggamit nito (ng Ingles) bilang wikang panturo,
bagay na kwinestyon sa Korte Suprema noong Abril 27, 2007.

Para sa mas malinaw na kabatiran, ilan sa pinakamahahalagang


isinasaad ng EO 210 ay ang sumusunod:

… ang wikang Ingles ay ituturo bilang pangalawang wika sa


lahat ng antas ng sistema ng edukasyon, simula sa unang
baitang.

… ang wikang Ingles ay nararapat gamitin bilang midyum


sa pagtuturo ng asignaturang English, Math at Science
hanggang sa ikatlong baitang.

11
GE 06: Kontekstwalisadong Komonikasyon sa Filipino
… ang wikang Ingles ay gagamitin bilang pangunahing wika
sa pagtuturo sa lahat ng institusyong pampubliko sa antas
sekundarya.

… at bilang pangunahing midyum sa pagtuturo, ang bilang


ng oras na ilalaan sa mga asignaturang ituturo sa Ingles sa
antas ng sekundarya ay hindi bababa ng 70% ng kabuoang
oras na inilaan sa lahat ng larangan ng pagkatuto (learning
areas).

… ang wikang Filipino ay mananatiling midyum ng


pagtuturo sa asignaturang Filipino at Araling Panlipunan.

Bakit ito ang ninais ni Gng. Arroyo, ano ang kaniyang naging batayan sa
pag-uutos na palakasin ang Ingles bilang wikang panturo? Ito ang katwiran.
Mahina sa Ingles ang mga estudyante, ayon sa taya ng noo’y Pangulo.
Nagulat siya nang malaman na maraming bakanteng trabaho sa mga call
center ang di napupunan dahil bumabagsak sa eksaminasyon sa Ingles ang
mga aplikante. Dagdag pa niya, Ingles ang wika ng Information and
Communication Technology o ICT. Ang solusyon ng Pangulo sa problema
ay ang agarang pagpapalakas sa Ingles bilang wikang panturo.

Ang naging hakbang na ito ng noo’y Pangulong Arroyo ay itinuturing na


hindi makatwiran. Ito ay dahil sinalaula nito ang konstitusyong pangwika
upang tugunan ang trabaho sa mga call center. Ang pangangailangan sa
mga kababayan nating mahusay mag-Ingles para punan ang mga posisyon
sa mga call center ay pansamantala at limitado lamang. Dahil ang totoo,
may 40,000 hanggang 60,000 trabaho lamang ang naghihintay sa mga call
center. Hindi makatwirang ibatay ang patakarang pangwika ng buong
sistemang pang-edukasyon sa kakarampot na trabaho lamang.

Bukod dito ay inihain ngayon sa Kongreso ang House Bill No. 5091 o “An
Act to Strengthen and Enhance the Use of English as the Medium of
Instruction in the Educational System” ni Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ng
Ikalawang Distrito ng Pampanga.

• Ikatlo. Ang panukalang pagpaslang ng Commission on Higher


Education (CHED) sa Filipino, Panitikan at Philippine Government and
Constitution bilang mga asignatura sa kolehiyo.

12
GE 06: Kontekstwalisadong Komonikasyon sa Filipino
Narito ang mahahalagang pangyayari, petsa at mga taong kasangkot sa
pagtatanggol ng wikang Pambansa para sa mas Mataas na Antas ng
Edukasyon at Lagpas pa.

Taong Inilantad ang plano ng gobyerno na pagbabawas ng mga


2011 asignatura sa Kolehiyo
Oktubre 3, sa pagtataguyod ni Dr. David Michael M. San Juan,
2011 convenor ng Tanggol Wika, Associate Professor,
Departamento ng Filipino, De La Salle University-Manila at
sinimulan ang pagpapalaganap ng isang petisyon na may
layuning “urging the Commission on Higher Education
(CHED) and the Department of Education (DepEd) to
consider issuing an immediate moratorium on the
implementation of the senior high school/junior college and
Revised General Education Curriculum (RGEC) components
of the K to 12 Program which might cause the downsizing
or even abolition of the Filipino departments in a number of
universities (other departments would surely be downsized
too).”

Agosto 29, Sa isang presentasyon ay inilahad ni DepEd Assistant


2012 Secretary Tonisito M. C. Umali, Esq. na walang
asignaturang Filipino sa bagong Revised General Education
Curriculum (RGEC).

Disyembre Sa pamumuno ni Prop. Ramilito Correa, may-akda at noo’y


7, 2012 pangalawang tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng
DLSU, inilabas ng Departamento ng Filipino ng DLSU ang
“Posisyong Papel para sa Bagong CHED Curriculum” na may
pamagat na “Isulong ang Ating Wikang Pambansang
Filipino, Itaguyod ang Konstitusyunal na Karapatan ng
Filipino, Ituro sa Kolehiyo ang Filipino bilang Larangan at
Asignaturang may Mataas na Antas.”

13
GE 06: Kontekstwalisadong Komonikasyon sa Filipino
Mayo 31, Sa pagtataguyod ni Dr. Aurora Batnag, dating direktor sa
2013 Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), pinagtibay ng mga
gurong delegado sa isang Pambansang Kongreso ng
Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang
Filipino (PSLLF) ang isang resolusyon hinggil sa “Pagtiyak
sa Katayuang Akademiko bilang Asignatura sa Antas
Tersyarya”. Humigit kumulang 200 guro ang nakipagkaisa
sa hangaring ito.

Hunyo 28, Inilabas ng CHED ang CMO No. 20, Series of 2013 na
2013 nagtakda ng core courses sa bagong kurikulum sa antas
tersarya sa ilalim ng K to 12: “Understanding the Self;
Readings in Philippine History; The Contemporary World;
Mathematics in the Modern World; Purporsive
Communication; Art Appreciation; Science, Technology and
Society; Ethics.” Kumpirmadong walang asignaturang
Filipino sa planong kurikulum ng CHED sa ilalim ng K to 12.

Marso 3, Pagbuo ng panibagong liham-petisyon na naka-address sa


2014 CHED. Punamunuan ito nina Dr. David Michael M. San
Juan, convenor Tanggol Wika sa udyok nina Dr. Fanny
Garcia at Dr. Maria Lucille Roxas (kapwa mula sa DLSU).
Kasama sina Prop. Jonathan Geronimo, Prop. Crizel Sicat-
De Laza ng University of Santo Tomas (UST), mga kaibigan
at mga kakilalang guro mula sa iba’t ibang unibersidad.
Nilahukan ito ng mga guro mula sa iba’t ibang unibersidad
gaya ng UST, UP Diliman at UP Manila, Ateneo de Manila
University, PNU, San Beda College-Manila, PUP-Manila,
National Teachers College, Miriam College (MC) atbp., at
mga samahang pangwika gaya ng PSLLF, Pambansang
Asosasyon ng Mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS), at
Sanggunian sa Filipino (SANGFIL) at humigit- kumulang
200 pirma.

Mayo 23, Pinagtibay ng National Commission on Culture and the Arts-


2014 National Committee on Language and Translation/NCCA-
14
GE 06: Kontekstwalisadong Komonikasyon sa Filipino
NCLT ang isang resolusyon na “HUMIHILING SA
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED), AT
KONGRESO AT SENADO NG REPUBLIKA NG FILIPINAS, NA
AGARANG MAGSAGAWA NG MGA HAKBANG UPANG ISAMA
SA BAGONG GENERAL EDUCATION CURRICULUM (GEC) SA
ANTAS TERSYARYA ANG MANDATORY NA 9 YUNIT NG
ASIGNATURANG FILIPINO” na nagsasaad na: “...puspusan
lamang masusunod ang Konstitusyong 1987 sa paggamit
ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon, at
bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon
kung mananatili sa antas tersyarya ang asignaturang
Filipino...”

Hunyo 20, Inilabas naman ng KWF ang “KAPASYAHAN NG KALIPUNAN


2014 NG MGA KOMISYONER BLG. 14-26 SERYE NG 2014... NA
NAGLILINAW SA TINDIG NG KOMISYON SA WIKANG
FILIPINO (KWF) HINGGIL SA COMMISSION ON HIGHER
EDUCATION (CHED) MEMORANDUM BLG. 20, S. 2013.”
Iginigiit ng nasabing kapasyahan ng KWF ang “pagtuturo
ng siyam (9) na yunit sa Wikang Filipino, na hindi pag-uulit
lamang ng mga sabjek sa Filipino sa antas sekundarya,
kundi naglalayong magamit at maituro ang wika mula sa
iba’t ibang disiplina—na pagkilala sa Filipino bilang pintuan
ng karunungan at hindi lamang daluyan ng pagkatuto, at
upang matiyak ang pagpapatuloy ng intelektuwalisasyon ng
Filipino” at pagtitiyak na “kalahati o apat (4) sa panukalang
Core Courses, bukod sa kursong Rizal, na nakasaad sa
Memorandum Order Blg. 20, s. 2013 ay ituro gamit ang
Wikang Filipino.”

Hunyo 2, Sa inisyatiba ni Dr. Antonio Contreras ng DLSU ay


2014 nakipagdiyalogo sa 2 komisyuner ng CHED na sina
Commissioner Alex Brillantes at Commissioner Cynthia
Bautista ang mga propesor ng DLSU, ADMU, UPD, UST, MC,
at Marinduque State University.

15
GE 06: Kontekstwalisadong Komonikasyon sa Filipino
Hunyo 16, Sa pagtataguyod nina Dr. David Michael M. San Juan,
2014 convenor Tanggol Wika at Dr. Antonio Contreras at
paglahok ng mga guro, napagkasunduan sa diyalogo na
muling sumulat sa CHED ang mga guro upang pormal na i-
reconvene ang Technical Panel/Technical Working Group sa
Filipino at ang General Education Committee, kasama ang
mga kinatawan ng mga unibersidad na naggigiit ng
pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa antas tersyarya.

Hunyo 21, Bienvenido Lumbera, National Artist – Isa sa mga


2014 Tagapagsalita sa Forum at paglahok ng halos 500 delegado
mula sa mga kolehiyo, unibersidad at organisasyong
pangwika at pangkultura, nabuo ang Tanggol Wika sa isang
konsultatibong forum sa DLSU – Manila.

Hulyo 4, Nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa mga naisin


2014 ng Tanggol Wika.

Agosto Inilabas ang dokumentaryong gaya ng “Sulong Wikang


2014 Filipino” (panayam kay Dr. Bienvenido Lumbera) at “Sulong
Wikang Filipino: Edukasyong Filipino, Para Kanino?”

Setyembre Inilabas ang dokumentaryong “Sa Madaling Salita:


2014 Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa”.

Abril 15, Nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika, sa


2015 pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera, ACT Teachers
Partylist Rep. Antonio Tinio, Anakpawis Partylist Rep.
Fernando Hicap, Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon, at
mahigit 100 propesor mula sa iba’t ibang kolehiyo at
unibersidad. Inihanda nina Atty. Maneeka Sarzan (abogado
ng ACT Teachers Partylist), Atty. Gregorio Fabros (abogado
ng ACT), at Dr. David Michael San Juan, ang nasabing
petisyon.

16
GE 06: Kontekstwalisadong Komonikasyon sa Filipino
(Ito ang kauna-unahang buong petisyon sa wikang
pambansa) at opisyal na nakatala bilang G.R. No. 217451
(Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining,
et al. vs. Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, at
Punong Komisyuner ng Komisyon sa Lalong Mataas na
Edukasyon/Commissioner on Higher Education [CHED] Dr.
Patricia Licuanan).
Abril 21, Halos isang linggo pagkatapos ng pagsasampa ng kasong
2015 ito ay kinatigan ng Korte Suprema ang Tanggol Wika sa
pamamagitan ng paglalabas ng temporary restraining order
(TRO).

Hulyo 18, Lumabas ang CHED Memo na may paksang Clarification on


2016 the Implementation of CHED Memorandum Order (CMO)
No. 20, Series of 2013 Entitled “General Education
Curriculum; Holistic Understandings, Intellectual and Civic
Competencies”.

Setyembre Sa pamumuno ng Departamento ng Filipinolohiya ng PUP


23, 2016 na pinamumunuan ni Prop. Marvin Lai, tumulong ang
Tanggol Wika sa pagbubuo ng kapatid na organisasyong
Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol
Kasaysayan) na naglalayon namang itaguyod ang
panunumbalik ng asignaturang Philippine History sa
hayskul (sa ilalim ng K to 12 ay wala nang required na
Philippine History subject).

Hulyo 11, Lumabas ang isa pang memorandum ng tagapangulo ng


2017 CHED – Dr. Patricia Licuanan at may paksang Clarification
on the Offering of Filipino at Panitikan Courses in All Higher
Education Programs), na hindi naman nila gaanong
ipinalaganap.

Agosto 9, Natanggap ng Tanggol Wika ang isang “manifestation and


2017 motion” sa Korte Suprema ng Office of the Solicitor General.

17
GE 06: Kontekstwalisadong Komonikasyon sa Filipino
Agosto 25, Pormal na itinatag sa PUP ang Kilos Na Para sa Makabayang
2017 Edukasyon (KMEd).

18
GE 06: Kontekstwalisadong Komonikasyon sa Filipino

GAWAIN
I. Panuto: Piliin sa choices kung ano ang tinutukoy o itinatanong sa
bawat aytem. Bilugan ang titik ng iyong sagot. (15 pts.)

1. Ito ay integral na bahagi ng tao pagkapanganak niya.


a. wika c. komunikasyon
b. liwanag d. salita

2. Ito ang kahulugan ng CHED.


a. Commission on Higher Education Department
b. Commission on Higher Education
c. Committee on Higher Education
d. Commission on Higher Evolution of Education

3. Siya ang tagapangulo ng CHED na nagpatibay sa CHED Memo No. 20,


s. 2013.
a. Patricia Soledad c. Patricia Licuanan
b. Virgilio S. Almario d. Prospero De Vera

4. Siya ang kasalukuyang tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino.


a. Patricia Soledad c. Patricia Licuanan
b. Virgilio S. Almario d. Prospero De Vera

5. Alin sa mga bansang nasa ibaba ang hindi niyakap ang wika ng bansang
sumakop sa kanila?
a. Mexico b. Bolivia c. Angola d. Indonesia

6. Aling katutubong wika ng Filipinas ang liyamado noong 1934


kumbensyong konstitusyonal?
a. Sebwano b. Bikol c. Tagalog d.
Ilokano

7. Anong trabaho ang nag-udyok kay Gng. Arroyo para ilabas ang Executive
Order Blg. 210 na may pamagat na “Establishing the Policy to Strengthen
the use of English as a Second Language in the Education System ”?
a. care giver b. call center c. construction worker
d. teacher

19
GE 06: Kontekstwalisadong Komonikasyon sa Filipino

8. Anong House Bill ni Gng. Arroyo ang nakahain sa Kongreso na itinuturing


na naman na Anti-Filipino?
a. House Bill No. 5094 c. House Bill No. 5092
b. House Bill No. 5093 d. House Bill No. 5091

9. Siya ang convenor ng Tanggol Wika na nagpasimuno sa petisyon na may


layuning ipahinto ang implementasyon ng Revised General Education
Curriculum (RGEC) Components ng K to 12.
a. Dr. David Michael Sa Juan c. Dr. Aurora Batnag
b. Dr. Bienvenido Lumbera d. Dr. Fanny Garcia

10. Petsa nang ilabas ng CHED ang CMO No. 20, s. 2013.
a. Agosto 29, 2012 c. Hunyo 28, 2013
b. Disyembre 7, 2012 d. Mayo 31, 2013

11. Siya ang nanguna sa resolusyon hinggil sa pagtiyak sa katayuang


akademiko ng Filipino bilang asignatura sa antas tersarya.
a. Dr. David Michael Sa Juan c. Dr. Aurora Batnag
b. Dr. Bienvenido Lumbera d. Dr. Fanny Garcia

12. Siya ay isa sa mga Tagapagsalita sa konsultatibong forum sa DLSU na


itinuturing na de-kalibre dahil sa siya ay Alagad ng Sining.
a. Dr. David Michael Sa Juan c. Dr. Aurora Batnag
b. Dr. Bienvenido Lumbera d. Dr. Fanny Garcia

13. Ito ang petsa kung kailan nagsampa na ng kaso sa Korte Suprema ang
Tanggol Wika sa pangunguna ni Bienvenido Lumbera.
a. Abril 15, 2015 c. Hulyo 4, 2014
b. Hunyo 16, 2014 d. Hunyo 21, 2014

14. Petsa kung kailan nabuo at naitatag ang Tanggol Wika.


a. Abril 15, 2015 c. Hulyo 4, 2014
b. Hunyo 16, 2014 d. Hunyo 21, 2014

15. Noong Hunyo 2, 2014 ay nabigyan ng pagkakataong makipagdiyalogo


sa dalawang Komisyoner ng CHED ang mga tagapagtaguyod ng wika
para pag-usapan ang hinggil sa Memo Order No. 20, s. 2013. Ito ay sa
pamamagitan ng inisyatiba ni:
a. Dr. David Michael Sa Juan c. Dr. Antonio Contreras
b. Dr. Bienvenido Lumbera d. Prop. Marvin Lai

20
GE 06: Kontekstwalisadong Komonikasyon sa Filipino
II. Pumili ng dalawa mula sa bilang 1-5. Magbigay ng kani-kaniyang
karanasan at obserbasyon batay sa paggamit ng Wikang Filipino
sa:

1. lugar umpukan
2. paaralan
3. pamilihang bayan
4. paradahan
5. kapilya/simbaha

III. Talakayin ang iba’t ibang isyung pangwika at tukuyin ang


pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito.
Isyung pangwika

Mga Pagkakatulad at Pagkakaiba

1934 Executive Order CHED Memo No.


Kumbensyon 210 20, s. 2013

IV. Ipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng


wikang pambansa, pagpapatibay ng kolektibong identidad, at
pambansang kaunlaran.

21
GE 06: Kontekstwalisadong Komonikasyon sa Filipino

22

You might also like