You are on page 1of 35

1

LEARNING GUIDE

Week No.: __1__

PAKSA Bisyon, Misyon ng Pamantasan at Layunin ng Programa

Introduksyon: Ang Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa mas
mataas na antas ng edukasyon at lagpas pa

INAASAHANG KAKAYAHAN:
Pagkatapos ng araling ito, magagawa ng bawat estudyante na:
1. Makasuri sa kasalukuyang estado ng Wikang Pambansa sa konteksto ng mataas na
Edukasyon;
2. Makatalakay sa mahahalagang gampanin ng Mataas na edukasyon sa pagpapalakas ng
Wikang Pambansa;
3. Makabuo ng makabuluhang mungkahi sa pagpapalakas ng Filipino at pagpapakalat nito
sa konteksto ng Mataas na Edukasyon.

NILALAMAN
Pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa mas mataas na antas ng edukasyon at lampas
pa. Ano ang kaalaman mo sa mga sumusunod na sitwasyon ng paggamit ng Filipino sa
Mataas na Edukasyon? Lagyan mo ng tsek (/) ang hanay ng iyong kaalaman sa mga
sitwasyon na nakatala sa unang hanay.
Sitwasyon Filipi- Hindi ko
KNOWS Filipin-
ko ‘to KNOWS
‘to
1.Ginagamit sa karaniwang usapan ang Filipino.
2. Nakikipag-ugnayan ang mga mag-aaral sa social media sites at
pages na binuo para sa Unibersidad.
1. Ginagamit ang Filipno sa pagpapaliwanag ng konseptong
Agham at Matematika.
2. Tinatalakay ang mga Pilipinasadong konsepto sa loob ng silid.

3. Ang mga transaksyon ay ginagawa sa wikang sarili.

4. Ang mga saliksik ay inilahad o ipinapapakalat sa
pamamagitan ng wikang Filipino.
5. Ang mga aklat tungkol sa Agham at Matematika ay nakasulat
sa Filipino
6. Binibisita ng mag-aaral ang mga internet site na gumagamit at
nagtataguyod ng Filipino.
7. Ang mga paskil ay nakasulat sa wikang Filipino.

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
2

Pag-usapan natin sa klase ang tugon ng bawat isa. Gawin nating gabay ang mga
sumusunod na panubok na tanong.
• Ilang tsek ang inilaan para sa Filipi-KNOWS at hindi Flipino-KNOWS?
• Ano ang dahilan ng higit na bilang mo sa isang hanay?
• Bakit nangyayari ang mga ganitong sitwasyon?
• Paanong matutugunan ang higit na kaalaman sa paggamit ng Filipino sa
Unibersidad.

Filipino sa Mataas na Edukasyon

Bahagi ng patuloy na paglinang ng Filipino ang mga gawaing isinakatuparan sa mga
paaralan na maituturing na bahagi ng kumokontrol o makapangyarihang larang/domeyn. Para
kay Almirio (2008), Punong Komisyoner (2013) ng KWF, mas mabuting magsimula sa
kolehiyo/unibersidad. Sinabi pa niya na mabilis ang paglaganap ng anumang wika mula sa
sentro ng karunungan tungo sa mababang antas.
Nabibilang sa makapangyarihang domeyn o larang pangwika ang
kolehiyo/unibersidad o ang mataas na antas ng edukasyon. Inilahad pa rin ni Almario
(2008) na may suliranin sa nabanggit na domeyn. Ang mga suliraning ito ay pagtanggap at
pagpapatanggap. Hindi nagtitiwala ang mga karamihan at hindi sila naniniwalang kailangan
ang Filipino sa kapakanan ng larang ng Lalong Mataas na Edukasyon/ Higher Education
Institution (HEI).

Tersarya(Kolehiyo at Unibersidad)

Secondarya (Junior at Senior High School)

Elementarya

Ganito ang hinarap na hamon ng Filipino sa kolehiyo. Dumating ang taong 2013 nang
ilabas ang CMO No. 3 na tungkol sa bagong General Education Curriculum, walang tiyak na
kurso sa Filipino. Sa halip, nagpasabi na maaaring ituro sa Filipino at Ingles bilang mga
midyum ng pagtuturo ang mga inilahad na kurso. Inilipat umano ang mga asignatura tungong
Senior High School.

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
3

Asignaturang Filipino sa Senior High Mga Kurso sa General Education sa

School Kolehiyo na Maaaring Ituro sa Filipino at
Ingles (Magkahiwalay/ Magkaiba)
• Komunikasyon at Pananaliksik sa • Understanding the Self/Pag-unawa
Wika at Kulturang Filipino sa Sarili
• Pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang • Readings in Philippine History/Mga
Teksto Tungo sa Pananaliksik Babasahin Hinggil sa Kasaysayan ng
• Pagsulat sa iba’t ibang Larangan Pilipinas
• The Contemporary World/
Kasalukuyang Daigdig
• Mathematics in the Modern World/
Matematika sa Makabagaong
Daigdig
• Purposive Communication/
Malayuning Komuniukasyon
• Art Appreciatio/ Pagpapahalaga sa
Sining
• Science Technology and Society/
Agham, Teknolohiya at Lipunan
• Ethics/ Etika
• The life and Works of Rizal/ Ang
Buhay at mga Akda ni Rizal

Magkaiba ang karanasan sa paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo kaysa

sa isinulong na magkaroon ng kursong Filipino sa Mataas na Eduksyon.

midyum FILIPINO
isang disiplina
sa pagtuturo

Banghay 1. Paggamit ng Filipino Bilang Medyum ng Pagtuturo

Sa pananaliksik ni San Juan (2015) sa mga prospectus sa mga unibersidad sa maraming

bansang Europeo sa Estados Unidos, at sa Timog- Silangang Asya at iba pa, bahagi ng General

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
4

Education Curriculum (GEC) o ng katumbas nito, ang pag-aaral ng wikang Pambansa bilang
isang disiplina at salamin ng pambansang kaakuhan. Binanggit pa ni Guillermo sa nasabing
saliksik na ang Bahasa Indonesia at Bahasa Melayuay kakailanganing kurso sa mga
Unibersidad sa Indonesia at Malaysia.

Pagtatangkang Burahin ang Filipino sa Mataas na Edukasyon

Lumulutang ang isyu ng pagtatangkang burahin ang Filipino sa Mataas na Edukasyon

nang tukuyin na ito ay binaba sa Senior High School.

Ang pagtatangkang burahin ang Filipino sa kolehiyo ay nagbigay-daan sa pagkatatag

ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/ TANGGOL WIKA sa isang
konsultatibong forum noong Hunyo 21, 2014. Ito ay dinaluhan ng limandaang delegado mula
sa iba-ibang kolehiyo, unibersidad at paaralan, mga samahang pangwika at kultural.

Patuloy na nakipaglaban ang nasabing alyansa sa pamamagitan ng aktibong

paglulunsad ng mga programa sa desiminasyon ng sama-samang pagkilos tungo sa
pagkakamit ng mabuting layon. Sa papel na inilahad ni San Juan (2017) na Alyansa ng mga
Tgapagtanggol ng Wikang Filipino/ TANGGOL WIKA: Internal na Kuwento, Mga Susing
Argumento at Dokumento (2014-2017), tinalakay ang labing-apaty na argumento hinggil sa
pagpapanatili ng Filipino.

Narito ang lagom ng mga argumentong inilahad. Lagyan mo ng (/) tsek ang hanay ng
iyong pagsang-ayon o hindi.
Argumento Sang- Di
ayon Sang-
ayon
1. Walang makabuluhang argumento ang mga anti-Filipino-
ang kampong Tanggal Wika- sa pagpapatanggal sa Filipino
at Panitikan
2. Dapat may Filipino ay panitikan sa kolehiyo dahil ang ibang
asignatura na nasa Junior at/o Senior High School ay may
katumbas pa rin sa kolehiyo
3. Ang Filipino ay disiplina, asignatrura, bukod na larangan ng
pag-aaral, at hindi simpleng wikang panturo lamang.
4. Para maging epektibong wikang panturo ang Filipino,
kailangang ituro at linangin din ito bilang asignatura/ kurso
5. Bahagi ng College Readiness Standards ang Filipino at
Panitikan
6. Sa ibang bansa, may espasyo rin sa kurikulum ang sariling
wika bilang asignatura, bukod pa sa pagiging wikang
panturo nito.

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
5

7. Binigyan ng DepEd at CHEd ng espasyo ang mga wikang

dayuhan sa kurikulum kaya lalong dapat wikang dayuhan sa
kurikulum kaya lalong dapat na may Espasyo para sa
Wikang Pambansa.
8. Pinag-aaralan din sa ibang bansa ang Filipino- at may
potensyal itong maging isang nagungunang wikang global-
kaya lalong dapat itong pag-aralan sa Pilipinas.
9. Malapit ang Filipino sa Bahasa Melayu, Bahasa Indonesia,
at Brunie Malay, mga wikang ginagamit sa Malaysia,
Singapore,Indonesia at Brunie, na mga bansang kasapi ng
ASEAN, at mahalagang wika ito sa konteksto mismo ng
ASEAN integration.
10. Mababa pa rin ang average score ng mga estudyante sa
Filipino sa National Achievement Test.
11. Filipino ang wika ng mayorya,ng midya, at ng mga kilusang
panlipunan; ang wika sa demokratiko at mapagpalayang
domeyn na mahalaga sa pagbabagonh panlipunan.
12. Multilingwalismo ang kasanayang akma sa Siglo 21
13. Hindi pinaunlad, hindi napaunlad at hindi mapapaunlad ng
pagsandig sa wikang dayuhan ang ekonomiya ng bansa.
14. May sapat na materyal at nilalaman na maituturo sa Filipino
at panitikan sa kolehiyo.

Pag-usapan sa klase ang kani-kanyang pananaw hinggil sa inilahad sa itaas.

May Filipino sa Kolehiyo at Unibersidad

Nagbunga ang makabuluhang adbokasiya. Dumating ang Abril, 2018, ipinalabas ang
CMO No. 4 na may paksang Policy on the Offering of Filipino and Panitikan Subjects in All
Higher Education Programs as Part of the New General Education Curriculum. Simula sa
Akademikong Taon ng 2018-2019, magpapatuloy na maituro ang mga kursong Filipino at
Panitikan sa lahat ng programa sa Mataas na Edukasyon.

Ang minimum na yunit na kakailangin na inilhad ng CMO No. 59 noong 1996 at CMO
No. 4, nang 19997 ay mananatili.
• Para sa mga larang na kaugnay ng Humanidades, Agham-Panlipunan at komunikasyon,
may 9 na yunit sa Filipino at 6 na unit na Panitikan.
• Sa iba pang larang, 6 na yunit sa Filipino at isang kuro sa Panitikan.

Malaya ang mga Institusyon sa paglalagay sa angkop na semester ng mga nabanggit na

mga kurso. Dagdag pa, iniutos din na ipagpatuloy ang pagkakaroon ng mga Kagawaran ng
Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad nang ipagpatuloy ang pagkakaroon ng mga nasabing
kurso.

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
6

Mahihinuha sa memo na hinihiling ang mas mataas na antas ng kurso sa Filipino,

kumpara sa dati na inilagay na sa antas ng Senior High School. Wala man tiyak na deskripsyong
inilahad, ang Tanggol-Wika ay nagmungkahi ng mga kursong Filipino at Panitikan. Ang iba-
ibang Kolehiyo at Unibersidad ay sumusunod dito, samantala ang iba ay bumuo ng mga
kursong tumutugon sa kakailanganin ng mga pag-aaral at thrust ng kani-kanilang Institusyon.

Dating Kurso sa Filipino Mga Bagong Kursong Filipino ( mula sa

mungkahi ng Tanggol-Wika)
Komunikasyon sa Akademikong Filipino Kontekswalisadong Komunikasyon sa
Filipino (KOMFIL)
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Filipino sa iba’t ibang Disiplina ( FILDIS)
Masining na Pagpapahayag Dalumat ng/sa Filipino (DALUMAT-FIL)-
iba ito sa dating kurso
Philippine Literature of the Region Sosyedad at Literatura/Panitikang
Panlipunan (SINESOS)- iba ito sa dating
kurso
Master Works of the World Sinesosyedad/ Pelikulang Panlipunan
(SINESOS)- iba ito sa dating kurso

Samantala, sa pinakahuling pangyayari, ibinaba nitong Oktubre 9, 2018 ang pasya (G.R
216930, 217451, 217752, 218045, 218098, 218123) NG Korte Suprema hinngil sa pag-alis ng
TRO sa mga kursong Filipino at Panitikan sa antas-Tersarya. Isusumite ng Tanggol Wika ang
motion for reconsideration dito.

Hindi naman maitatanggi na inaaral din bilang kurso ang Filipino sa mga banyagang
bansa. Sa pananaliksik ni San Juan (2015), itinala niya ang mga Intitusyong akademiko sa labas
ng bansa na nagtuturo ng Wikang Pambansa. Nagmula ang tala mula sa pagsusuri sa mga
website ng mga Kolehiyo at Unibersidad. Sa bilang, may dalawampung (20) institusyon ang
nagtuturo ng Filipino bilang required sa core courses, sampung (10) paaralan sa high school at
humugit kumulang na limampung (50) iba pang institusyon na nagtuturo rin ng Philippine
studies.

Kolehiyo/ Unibersidad na Institusyon sa Sekondarya na Iba pang Kolehiyo/

Nagtuturo ng Filipino Nagtuturo ng Filipino Unibersidad na Nagtuturo
bilang bahagi ng g Filipino at Philippine
kakailanganing Core Studies
courses
• Princeton • Bahrain • University of
University • China Hawaii Manoa
• Illinois State • Eat Timor • University of
University • Greece Michigan
• California State • Kuwait • Osaka University
University • Libya • Kyoto University

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
7

• Columbia • Oman • Sorbonne

University • Qatar University(France)
• University of • Kingdom of Saudi Arabia • University
Alabama • UAE of Melbourne
• Yale University • University
• Harvard University of Pennsylvania
• Washington • University
University of Washington
• University of • Beijing University
Michigan

Pantulong na Kawing

Panoorin sa video site na Youtube ang mga nakatalang pamagat sa ibaba.

Iminumungkahaing magbukas ito ng makabuluhang talakayan upang mas mapalalim pa ang
pagkaunawa sa paksa.

➢ Sulong Wikang Filipino. Isa itong higit sa limang minutong panayam kay Bienvenido
PAGSUSURI SA Pambansang
Lumbera, PAG-UNLADAlagad ng Panitikan, na pagsusuri sa CMO.20 na hinggil sa Bagong
General Education ng Filipino at Panitikan sa Pilipinas at All UP Academic Employees
Union.
➢ Sulong Wikang Filipino, Edukasyong Pilipino, Para Kanino? Tinugunan at nilinaw ng labing-
isang minutong video na ito ang mga pagpapahayag at paglalahad ng Dep-Ed tungkol sa
CHED tungkol sa edukasyon ng mga Pilipino. Dagdag pa, ang tungkol sa pagbura ng Filipino
bilang asignatura, wikang panturo at wika ng pananaliksik.
➢ Speak in English Zone ni Joel Costa Malabanan. Panoorin ang awit-pagtatanghal ni
Malabanan sa panahong tinangkang palawakin ang oras ng pag-aaral ng Ingles sa paaralan
sa ilalim ng Pamahalaang Arroyo.

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
8

PAGSUSURI NG PAG-UNLAD

TALAKAY 1

Ako,si_______________________________________________mula sa
kursong____________________________________ ay matapat na tumutugon sa mga tanong
bilang pagkatawan sa aking pagkaunawa sa katatapos na aralin.

Mula sa pagtutuk sa nilalaman, talakayin ang mga sumusunod:

• Ano ang mahalagang gampanin ng pamahalaan sa pagpalaganap at pagpapaunlad ng

Wikang Pambansa?
_____________________________________________________________________

• Paano makatutulong ang mga nabibilang sa makapangyarihang domeyn sa
pagpapalakas ng Wikang Pambansa?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
• Paano palalakasin sa larang ng edukasyon at nang lampas pa ang Wikang Pambansa?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
• Anu-ano ang mga benepisyo ng mga HEI sa Wikang Pambansa
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
• Anu-ano ang mga suliraning makaharap sa pagpapalakas ng Wikang Pambansa sa mga
HEI?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
9

Pangkatang Talakay
WIKAWIT

Talakayin ng pangkat ang estado ng panimulang implementasyon ng mga bagong kurso

sa Filipino sa sariling Institusyon. Lagumin ang inyong talakay sa pigurang nakalahad sa ibaba.

Hal.Kontekstw
alisadong
Komunikasyo
n sa Filipino

FIL

SANGGUNIAN
Mortera, M. O. (2019). Pantulong sa Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino:
Kursong Filipino sa Mataas na Edukasyon. Books Atbp. Publishing Corp.

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
10

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
11

LEARNING GUIDE

Week No.: __2_

PAKSA : Pagharap sa mga Hamon sa Wikang Pambansa

INAASAHANG KAKAYAHAN
Pagkatapos ng araling ito, magagawa ng bawat estudyante na:
1. Makapagsuri sa mga gampanin ng mga institusyon ng Mataas na Edukasyon sa
pagtataguyod ng Filipino;
2. Makapaglahad sa mga hamon at hakbang nang maisakatuparan ang mga pagpapalakas
ng Filipino;
3. Makapagtaya sa kahandaan ng piling HEI sa pagsasakatuparan ng mga hakbang sa
pagpapalakas ng Filipino.

NILALAMAN

Pagharap sa mga Hamon sa Wikang Pambansa

Sa mga artikulong Debunkin PH Language Myths ni David Michael San Juan mula
sa opinion.inquirer.net., binigyang matwid ang nakagawiang puna at pagkilala sa wikang
Filipino.

Narito ang mga tala sa unang hanay. Samantala, hinihiling ng ikalawa at ikatlong hanay
ang iyong tugon hinggil sa iyong paniniwala o hindi sa mga puna at pagkilalang nabanggit

Mga Puna Naniniwala ako Hindi ako

naniniwala
Ang Filipino ay itinakda ng imperial Manila.
Ang Filipino ay Tagalog din.
Ang paggamit ng Filipino ay makasisira sa iba pang
mga wika sa Pilipinas.
Mas praktikal ang paggamit ng Ingles kaysa
Filipino bilang Pambansang Lingua Franca
Ang paggamit ng Filipino bilang medium ng
pagtuturo ay makakaapekto nang negatibo sa pag-
aaral ng Ingles.
Sapat ang mga kursong Filipino sa mga Elementary
hanggang Senior High School
Ang mga bansang gumagamit ng banyagang wika
bilang medyum sa pagtuturo sa kolehiyo ay mas
maunlad kaysa mga bansang gumagamit ng
sariling wika. Makapagdadala ang kasanayan sa
paggamit ng Ingles ng mga banyagang

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
12

mamumuhunan kaya kailangang bigyan ng

prayoridad ang Ingles kaysa Filipino.
Hindi pa intelektwalisado ang Filipino. Hindi ito
maaaring gagamitin bilang medyum ng pagtuturo
sa kolehiyo.

Sa katotohan, nagiging hamon parin ( bagaman hindi dapat) ang Ingles sa pagtataguyod
ng Wikang Pambansa.
Narito ang mga pagpapahayag na pagpuna na panig sa Ingles at katapat na paglilinaw
na nakakiling sa Wikang Pambansa.

Panig sa Ingles Pagkiling sa Wikang Pambansa

Mapanghamon ang Ingles lalo idinidikit
Sa pahayag ni Miclat sa Constantino (2005),
ditto ang taguring internasyonal na wika
hindi naman nababatay sa kaalaman sa
at wika ng globalisasyon. Ingles ang globalisasyon. Binanggit niya na
ang kaunlaran ng mga bansang hindi
gumagamit ng Ingles tulad ng South korea,
Japan, Israel, Malaysia, Vietnam, India,
China at Thailand. Kasama pa ang Germany,
France, Czechoslovakia at marami pang
ibang bansa sa Europa.
Sa Ingles nakatuon ang wika at Inilahad sa kartilya ng Wikang Filipio bilang
globalisasyon. wika ng Edukasyon/ Primer on the Filipino
Language as a Language of Education (2004)
Ng Pambansang Komite sa Wika at Salin ng
Pambansang Komisyon para sa Kultura at
Sining (NCCA) ang mg paliwanang ng mga
Iskolar sa wika at globalisasyon. Sa
kasalukuyan sabay-sabay na pinaunlad ang
pandaigdigang wika,rehiyonal na wika, at
local na wika. Ngunit napauunlad din ang
mga rehiyonal na wika o wikang
magsisilbing lingua franca ng magkakalapit
na bansa.
Kaya ng Ingles ang magtungo a Tinugunan naman ito ni Almario sa Zafra
makinabang sa globalisasyon (2008) ng estratehiyang gamitin ang Wikang
Pambansa sa lahat ng sector ng
kapangyarihan sa lipunan sa ika-21 siglo.
Maisasagawa lamang ito sa pamamagitan ng
tinatawag niyang sulating pluralista.
Nangangahulugan itong hindi lamang isang
paraan ang gamitin kundi maluwag sa iba’t
ibang paraan ng pagpapa-unlad at

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
13

pagpapalaganap ng wika tulad ng pagsasalin

at ebalwasyon.

Sa kasalukuyang konteksto ng panahon, dapat na linawin na hindi kalaban ang Ingles.

Maaaring suliranin ang ugali at pagtanaw ng Pilipino hinggil sa mga ito. Walang suliranin sa
aspekto ng wikang ginagamit kundi ang taong gumagamit. Tunay, taglay ng anumang wika
ang potensyal na matamo ang intelektwalisasyon. Nakalulungkot, maaaring Pilipino ang
nahihirapang magtaglay nito.

Pantulong na Kawing

Panoorin sa video sharing site na Youtube ang mga nakatalang pamagat sa ibaba.
Iminumungkahing magbukas ito ng makabuluhang talakayan upang mas mapailalim pa ang
pagkaunawa sa paksa.

➢ Sa Madaling Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa. Sa pamamagitan ng

Panayam sa mga propesor at tagapagtaguyod ng Filipino sa UP, nilinaw ang saysay ng
wikang Filino sa kultura, kasaysayan at pambansang pagkakaisa. Ang higit na labingwalong
minutong (18 min.) dokumentaryong ito ay binuo ng Sentro ng Wikang Filipino- UP Diliman.

PAGSURI NG PAG-UNLAD

TALAKAY 2

Ako si _____________________________________________________________________
Mula sa kursong__________________________________________________________ ay
matapat na tumutugon sa mga tanong bilang pagkatawan sa aking pagkaunawa sa
katatapos na aralin.

Mula sa pagtutok sa nilalaman, talakayin ang mga sumusunod:

• Anu-ano ang mga hamon sa tuluyang pagsasakatuparan ng programa para sa

pagtataguyod ng Wikang Pambansa?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
• Paano ang mga tiyak na paggamit ng Filipino at Ingles bilang medyum ng pakikipag-
ugnayan ng mga Pilipino?

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
14

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
• Paano makakatulong ang mga hakbang sa pagtataguyod ng Filipino tungo sa
globalisasyon?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
• Ano ang halaga ng pagsasalin (translation) sa pagtataguyod ng Filipino?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

• Ano ang tulong ng paggamit ng iba’t ibang paraan (simulating pluralista) ng

Unibersidad sa pagpapalaganap ng Filipino?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

SANGGUNIAN
Mortera, M. O. (2019). Pantulong sa Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino:
Kursong Filipino sa Mataas na Edukasyon. Books Atbp. Publishing Corp.

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
15

LEARNING GUIDE

Week No.: __3__

PAKSA: Pagproseso ng Impormasyon para sa Komunikasyon

INAASAHANG KAKAYAHAN:

Pagkatapos ng araling ito, magagawa ng bawat estudyante na:

1. Makapagsuri sa katangian ng Filipino bilang isang disiplina at kakayahan nitong
maging hanguan ng talino;
2. Makapagtalakay sa gampanin ng Filipino bilang isang disiplina;
3. Makapaglikom ng mahahalagang patunay ng pagturing sa Filipino bilang isang
disiplina.

NILALAMAN
Personal na Sabi-Sarbey (P.S.S)
• Anu-anong kawaning (link/site) gamit ang internet ang madalas mong dalawin upang
pagkunan ng mahahalagang pagkatuto?
Itala at iranggo mo ang kahalagahan ng mga ito para sa iyo bilang estudyante sa kolehiyo.
Ilagay ang mga bilang na isa hanggang sampu.Bilang 1 ang pinakamataas.

RANGGO MGA KAWING

___________________ _____________________________________________

Itala mo sa itaas ang iyong pagraranggo

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
16

Pagproseso ng Impormasyon para sa Komunikasyon

Pagpapalakas ng Gawaing Pananaliksik

Ang pagkilala sa Filipino bilang isang disiplina ay hindi lamang usapin ng Filipino na
mahalagang batis ng talino. Kaya, ang layong intelektwalisasyon ay gawaing institusyunal at
hindi lamang sa instruksyon kundi aabot pa sa gawaing pananaliksik.

Wika ng Saliksik Batis ng Talino

Filipino

Disiplina Intelektwalisado

Binanggit ni Almario (2016), na sa kontekstong Filipino ang saliksik ay katutubo at

sinaunang salita mula sa Vocabulario nina Noceda at Sanlucar. Nangangahulugan ito na
hanapin sa lahat ng sulok.
Mahalaga ang maingat na pagproseso ng impormasyon kapag isinasagawa ang
pagahahanap sa lahat ng sulok ng batis ang talino. Ang paghahanap na ito ay
maisasakatuparan lamang tangi ng mga Pilipino gamit ang kanilang sariling wika. Mahalaga
ang gampanin ng paaralan dito. Magsisimula ang pagpapakalat ng kultura ng pananaliksik
mula sa kapaligiran tungong paaralan hanggang sa muling pagbalik sa kapaligiran.

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
17

Nagsasaliksik
Nagsasaliksik
Elementarya
Nagsasaliksik
Sekondarya (JHS
and SHS) Tersarya

Kailangang patuloy na linangin ang edukasyon sa Filipino sa pamamagitan ng

pananaliksik tungkol sa Pantayong Pananaw.

Ang konseptong Pantayong Pananaw ay mula sa panghalip na tayo at perspektiba na

magpapakilala ng mula sa Pilipino at para sa Pilipino o maka-Filipino at maka-Pilipinong
pamumuhay ( kinuha noong 2012, Pebrero,15 sa http://kyotoreview.cseas.kyoto-
u.ac.jp/issue2/article_247.html).

PANTAYONG PANANAW= TAYO

(MAKA-PILIPINO AT MAKA-FILIPINO)

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
18

Edukasyon
sa Filipino
Pananaliksik
sa Filipino

Pantayong
Pananaw
bilang lente

Sa paliwanag ni Salazar (1968), makikita ang Pantayong Pananaw batay sa pahayag sa

ibaba.

“… kung ang isang grupo ng tao ay nag-uusap lamang hinggil sa sarili at sa isa’t isa,
iyan ay parang sistemang “ closed circuit;” pagka’t nagkakaintindihan ang lahat.
Samakatuwid, ang lipunan at kultura natin ay may” pantayong pananaw” kung tayong
lahat ay gumagamit ng mga konsepto at ugali na alam natin lahat ang kahulugan, pati
ang relasyon ng kahulugang ito sa isa’t isa. Ito ay nangyayari lamang kung iisa ang
“code”- ibig sabihin, may isang pangkabuuang pag-uunay at pagkakaugnay ng mga
kahulugan, kaisipan at ugali. Mahalaga at pundamental pa nga) rito ang iisang wika.”

Sa pagsuri ng malapit na ugnayan ng mga tao sa perspektibong Pantao, ang gamit na

koda, sa pagkakataong ito ay nais tukuying wika sa loob ng institution.
Dala-dala rin ng konseptong Pantao ni Salazar ang dapat taglaying nasyonalismo sa
pangkat ng mga tao o komunidad na magtataglay niyon. Sa saliksik na ito, ilalapat ang
Filipinasyon sa domeyn ng edukasyon na tiyak na kikilala sa nasyonalismo at makabayang uri
ng Sistema.
Katulad ng isinaad sa Artikulo XIV, seksyon 3 ng Konstitusyon ng 1987, ang mga
akademikong Institusyon ay naglalayong:

…ikintal ang patriotism at nasyonalismo, itaguyod ang pagmamahal sa

sangkatauhan, ang paggalang sa karapatang panatao, ang pagpapahalaga sa papel ng
pambansang bayani sa makasaysayang pag-unlad ng bansa, ituro ang mga Karapatan at
pananagutan ng mamamayan, patatagin ang etikal at espiritwal na mga pagpapahalaga,
hubugin ang katanging moral at personal na disiplina, hikayatin ang kritikal at

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
19

malikhaing pag-iisip, palawakin ang siyentipiko at teknikal na kaalaman, at isulong ang

bokasyonal na kahusayan.

Sinabi ni Diokno at Sepeda (2012), ang realidad ng Sistema ng edukasyon sa

kasalukuyan na bunga ng misedukasyon o maledukasyon ng mal-edukasyon ng maraming
henerasyon ng mga Pilipino ay tila hindi tumutugon sa pagsasakatuparan ng layunin ng
nakasaad sa Saligang Batas. Hindi ito uri ng edukasyon na tutulong para sanayin ang pangarap
ng isang dakilang bayan para sa mga anak sapagakat hindi ito isang edukasyon ng at para sa
Pilipino kundi isang uri ng kolonyal na edukasyon na maglilingkod sa mga banyaga.
Samakatuwid, dapat lumaya ang Sistema ng edukasyon mula sa tanikala ng kolonyalismo para
umunlad ang sambayanan.

Iminungkahi ni Sepeda (2012) sa papel na Isang Pagpapanibago ng Edukasyon sa

Filipinas Batay sa Isang Makabayang Pilosopiya ang ilang katangiang dapat taglayin ang isang
makabayang uri ng Sistema ng edukasyon. Sinabi niyang dapat may pagkiling sa pagganit ng
sariling wika bilang pangunahing wika sa talakayan at pagkatuto. Ang paggamit ng wikang
Filipino sa akademya at pananaliksik ay isang pagpapatuloy ng mga pagsisiskapng ilang mga
Pilipinong dalubhasa na palayain ang sariling wika sa kolonyal ng nakatraan at kasalukuyan.

Dagdag pa ni De Mesa sa nabanggit na papel (2012), na sa pamamagitan ng sariling

wika, nakagagamit ng isang paraan ng pagkakaintindihan na kinalakihan at kinalalahukan ng
lahat. At sa paraang ito maiiwasan ang maraming pagkalayo ng mga pananaw at damdamin sa
mga kapwa Pilipinong pinaglilingkuran sa laranan ng pag-unawa at pananampalataya kaya ang
wika ay maaaring ituring na tahanan ng pagkatao.

Pagtiyak sa Batis ng Impormasyon

Sa pagproseso ng mga impormasyon para sa anumang Gawain komunikasyon,
iminungkahi nina Salazar at Lim (2017) ang pagtiyak ng mga angkop na batis ng impormasyon
sa kontekstong Filipino. Narito ang tala.

• Pagtatanong sa mga kaanak, kapitbahay o mga opisyal ng barangay hinggil sa mga

suliranin nhg pamayanan.
• Pagmamasid sa pamayanan na nakatuon sa mga gawi ng tao, kapaligiran/kalikasan.
• Pagdalaw sa munisipyo at paghingi ng pahintulot na masuri ang mga opisyal na
dokumento.
• Pagtatanong sa iba pang mga sektor ng pamayanan.

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
20

Sa pamamagitan ng pagdalaw sa mga aklatan at mga website, mapupunan ang

pangangailangan sa presentasyon ng mga kaugnay na literal at pag-aaral. Narito ang tala ng
mga maaaring gawing sanggunian.

Iba Pang Sanggunian

• Aklat,ensyklopidya, almanac at ibang katulad na reperensya

• Artikulong inilathala sa mga dyornal, magasin, pahayagan at iba pang publikasyon
• Manuskrito, monograp, talumpati at mga liham
• Konstitusyon at mga batas
• Buletin, sirkular at kautusan
• Pampubliko at pribadong record
• Papel mula sa mga panayam
• Opisyal na pampublikong ulat

Kasanayang Pagbabasa at Pananaliksik ng Impormasyon

Sa ibang pagbasa (tinutukoy na kasingkahulugan ng pag-aaral ayon sa Webster online

Dictionary) ng mga palaaral tulad nina Smith at Dechant (Villamin et.al.,2001), hinimay sa
iba’t ibang pagkilala ang pagbasa bilang iba-iba ring proseso. Narito ang mga iyon na tinapatan
ng mga kaugnay na konsepto ng pagbasa ayon sa iba’t ibang paham at website tungkol sa larang
na ito.

Konsepto ng Pagbasa Bilang Proseso Kaugnay na Konsepto/Kahulugan ng Pagbasa

Ito ay proseso ng pagtugon sa wikang Ang pagbasa ay pagtugon sa wika bilang
pasulat o pasimbolo. pangkaisipang representasyon ng kahulugan o
kahalagahan niyon (Free Online Dictionary, 2009)
Ito ay proseso ng pagkilala at Ang pagbasa at pagkilala at persepsyon na
persepyon. ginagamitan ng mata bilang kabahagi ng pisikal na
pagproseso na sinusundan at tinutumbasan ng
mental na pagtugon (Villamin et. al., 2001)
Ito ang prosesong ginagamitan ng Ang pagbasa ay ang pagkilala sa titik gamit ng mata
pandamdam. at tainga, binabasa saka pinakikinggan (Plato).

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
21

Ito ay proseso ng pagsasakatuparan Ang pagbabasa ay pagsasakatuparan ng interes

ng interes. upang makapaglibang at gawing kapakipakinabang
ang mga libreng oras (Smith at Dechant sa Tejero,
2004)
Ito ay proseso ng pag-unlad at Ang pagbasa ay kinabibilangan ng mga yugtong
kabahagi ng paglaki kahandaan sa pagbasa (preschool),panimulang
pagbasa (unag baitang sa elementarya), mabilis na
paglaki (ikalawa at ika-apat na baiting) at malawak
na pagbasa (ikalima at ika-anim na baitang sa
elementarya, mga taon sa sekondarya hanggang
kolehiyo) (Badayos, 1999/ Tejero, 2014).
Ito ay proseso ng pagkatuto. Sa pre-school hanggang sa unang baitang sa
elementarya, ang yugto ay pagkatuto upang
makapagbasa. Samantala, sa ikalawang baitang sa
kolehiyo, ang yugto ng pagbabasa upang matuto
(Shalley Umans at Villamin, et al.)
Ito ay prosesong ginagamitan ng mga Ang pagbasa ay kinabibilangan ng mga
kasangkapan sa pagkatuto. kasangkapan sa pagkatuto tulad ng aklat (bilang
pangunahin) at iba pang aklat sanggunian na
magbubunsod sa mga sumusunod na gawain:
pagkilala at paggamit sa mga bahagi ng aklat,
paggamit ng diksyunaryo, pa-alpabetong pag-aayos
ng mga salita, paggamit ng Sistema ng
klasipikasyon (Dewey Decimal o Library of
Congress) at kard catalog.

Ang mga inilahad sa itaas ay mga batayang kaalamang naka batay sa kaalamang may
malakaing tulong sa mga estudyante sa pagkakatuparan ng kritikal na pagbasa bilang tugon sa
pangangailangan sa domeyn-akademiko.

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
22

Kasanayan sa Paglalagom at Pag-uugnay ng Impormasyon

Kailangang ilahad lamang ang mga konseptong may mahalagang kaugnay sa pag-aaral
ng bago (Sampung taon ang nakaraan mula sa panahon ng paghsasagawa ng saliksik maliban
sa mga impormasyon at teoryang maituturing na klasiko).

Ang mga ito ay dapat ding obhetibo at walang pagkiling. Ang pagiging obhetibo ay
makikita sa pamamagitan ng maayos na pagkilala sa mga pinaghanguan (tatalakayin sa mga
sumusunod na bahagi ang paraang APA).

Hindi mahalaga kung kaunti o marami ang mga ilalahad. Kailangang sasapat na
pansuporta ito sa paksa at mga kaugnay na suliranin.

Ang paglalagom ay nagsisilbing pundasyon ng saliksik. Ang proseso ng rebyu sa mga

ito ay malaking tulong sa kabuuan ng pagsasakatuparan ng saliksik.

Ito ay magtatakda sa pagbuo ng mga partikular na suliranin, hipotesis, konseptwal at

teoretikal na batayan. Ito rin ay batayan sa pagpili at paglapat ng angkop na pamaraan ng
pananaliksik, teknik sa pagkuha ng sampol at estadistikang pormula.

Makakatulong din ito sa presentasyon, pagsusuri at interpretasyon ng mga datos.

Magiging pansuporta ang mga konseptong makakalap sa resulta ng saliksik. Dagdag pa,
magbibigay-daan pa ito sa pagbuo ng bahaging natuklasan, konklusyon at mga
rekomendasyon.

Pagsulat ng Sariling Pagsusuri Batay sa Impormasyon

Ang mga ito ay isinusulat at inilalahad din nang pasalita para sa layunin ng
pagpapakalat (dissemination). Sa antas-tersarya, malaki ang pangangailangan ng knowledge
production kaya hinikayat na maisakatuparan ang pananaliksik saka pagbuo ng akademikong
papel. May mabuting ambag ito sa pagbubuti ng estado ng Unibersidad o anumang institusyong
bukas at sumasabay sa pagbabago at handa sa integrasyon at/o multidisiplinaryong
pagtataguyod ng pagkatuto.

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
23

Papel sa Pagsusuri

Sabi ni Cruz (2003), ang pagkikritiko sa ating bayan ay tulad ng pagtawid sa kalye sa
Maynila.

Pinatutunayan nito ang gawaing panunuri sa bansa ay pagtitiyak ng interpretasyon

batay sa sariling karanasan at kaalaman. Napakaraming sikolohiya ang maaaring ilapat-katulad
ng maraming sasakyang maaaring sampahan at kabanggain ng manunuri habang tumatawid sa
daan.

Sa layong maitampok ang anumang anyo ng teksto (panitikan, isyu, kalakaran at

mismong tao), isinasagwa ang pagsusuri- pag-alaman, pagtantya, pagkilatis, pagtimbang,
pagbusisi, pagsipat, pagpuna at kritika. Maaaring ito ay politikal at pampanitikan kung
nakaugnay sa larang-akademiko.

Maaaring gawing sanggunian ang mga sumusunod na tanong sa panunuri.

• Ano ang sinabi ng teksto?

• Paano ito sinabi/sinasabi?
• Kailan ito nabuo?
• Sino ang bumuo?
• Para kanino ito?

Binabasa ang teksto batay sa paraang tekstuwal, kontekstuwal at pagbasa sa subteksto

at intertekstuwal.

Ang pagsusuri at tekstuwal kung ang tuon ay nilalaman at elementong bumuo rito.
Walang puwang ang intensyon ng awtor at ang paghahari ng damdamin sa teksto.

Kontekstuwal ang pagsusuri kung ang binibigyang diin ay ang kondisyong ( lipunan at
kasaysayan ) namamayani sa teksto. Samantala, binabasa ang sub-text kapag nakatuon sa mga
detalyeng hindi hayagang sinabi ng teksto.

Ang pag-uugnay ng teksto sa iba pang anyo ng teksto ay tinatawag na pagsusuring

intertekstuwal.

Narito ang ilang bahagi ng isang halimbawa ng panunuri na naglakip ng mga nabanggit
na paraan ng pagsusuri. Tunghayan ang Kakambalan ng Dalawang Nobela (Bosque, 2010)

Sa Bayolohiya, ponemang maaaring maganap sa isang babae tuwing siya ay

nagbubuntis. Mula sa isang itlog na napasukan ng semilya ay maghahati-hati ito sa
ilang bahagi upang maging isang ganap na organismo, ngunit may mga pagkakataon

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
24

na ang isang embryo ay nahahati sa dalawa at nakabubuo pa ng isa pang organismo-

hanggang sa makabuo ng kambal.

May kinikilalang dalawang uri ng kambal: identical at fraternal. Ang identical

na kambal ay magkamukha sa pisyolohikal na aspekto. Sa kabilang banda, ang
fraternal na kambal ay maaaring babae-lalaking kambal, o kapuwa ng kasarian ngunit
magkaiba ng hitsura.

Mula sa mga pag-aaral hinggil sa mga paksang tumatalakay sa pagbasa ng

Noli- Me Tangere at El Filibusterismo, sikapin nating alamin kung ang dalawang
nobela ni Dr. Jose Rizal ay kambal.

Kapuwa isinilang ang dalawang nobela noong panahon ng pananakop ng mga

Kastila at pagbalikwas ng mga Pilipino ( 1886 AT 1891) sa mga mananakop.

Kung tatanungin ang pangalan ng kambal, may pagbasa ring ganito. Maaaring
maiugnay ang Noli Me Tangere sa kuwadrong ipininta ni Lavinia Fontano (1581).
Hindi maitatangging maaaring naging sandigan ito ni Rizal sa pagbuo niya ng nobela
dahil (1) malawak si Rizal sa Humanidades ng daigdig at (2) Malaki ang impluwensiya
ni Balagtas, na humalaw sa isang kuwadro sa pagbuo ng Florante at Laura.

May mga tagapagsalin na nagkakaroon ng banggaan hinggil sa wastong salin

ng El Filibusterismo sa Filipino, may mga nagsasabing ito ay dapat isalin sa bilang
Ang Filibusterismo, may ilan namang nagsasabing ito ay marapat na isalin bilang Ang
Subersibo.

Kambal man, may unang iniluwal. Sino ang panganay? Superior ang Noli Me
Tangere kung pagbabatayan ang historical na aspekto, at ang El Filibusterismo naman
batay sa pagkakasulat nito pagkat higit na pumapaibabaw ang pag-ibig sa bayan at
Kalayaan. Ngunit may isa pang uri ng kambal, magkadikit.

Magkadikit ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo hindi makakatayo ang

isa nang wala ang isa.

Ang susunod na halimbawa ay ilang bahagi ng panunuri sa awit ( sa Pagitan ng mga

Hita nina Layoc et al., 2015).

Mula sa pagbasa sa liriko, makikita ang awit bilang queer. Binanggit ni Song
(2010) isang kritiko, na pinakikita ng queer ang pagbalikwas sa normalisasyon ng
natural at panloob.Heteronormativity ang terminong naglalarawan sa set ng mga
norm batay sa hinuha na ang lahat ay heterosekswal, binabantayan nito ang kasariang
lalaki/babae at monogamous, kahanayniyon ang hinuha at tiyak na permanency at
katatagan ng mgs pagkakakilanlan.

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
25

Sinusuri ng teoryang queer ang homonormality, na ang mga di heterosekswal

na relasyon ay inaasahang magpakita ng pagkakahulma sa mga kaayusang
heteronormative. Halimbawa niyon ay ang pagiging gender normative, monogamous,
at pagkaugat sa karelasyon. Samakatuwid, praktikal na ng Teoryang Queer ang
resistance ng inaasahan na ang lahat ay monogamous, cis-gendered, at heterosekswal
na uri ng relasyon.

Sa awit na “Pare mahal mo raw ako,” makikita ang normalisasyon ng

kontruksyon ng gender stereotyping na maaaring tumulay sa konseptong lalaki-para-
sa-babae at kailanma’y hindi maaaring maging lalaki-para-sa-kapuwa-lalaki.
Pinagdurugtong ito ng konsepto ng masculinity. Anti-Chodorow (1978), pinaliliwanag
ng psychoanalytic theory na ang masculinity ay isang mekanismong nagdedepensa at
pormasyong nagbabalanse ng pagkalalaki ng isang indibidwal.

Papel na Teknikal

Inilahad ito para sa layuning maihalata sa journal o artikulo sa mga publikasyon.

Maaaring talakayin ang mga isyu at kalakaran sa edukasyon, pilosopiya, lipunan, pulitika,
kultura, ekonomiya, kalusugan, kalikasan at iba pang sektor. Ito ay maaaring papel-saliksik o
sanaysay na mula sa saliksik.

Ang nilalaman ng mga ito ay hango sa masikap na pananaliksik ng tagapagpahayag.

Inaasahan na sa pagsapit ng tersarya ay taglay na ang kasanayan sa pagkalap ng mga datos at
iba pang paraan ng pag-aaral.

Sinabi ni Salazar (2017), reponsibilidad ng mananaliksik na tiyaking mapagkatiwalaan

ang kanyang sinasangguni. Kahit tinatagurian ang kasalukuyan bilang panahon ng
impormasyon, sa internet man o sa mga nakalimbag na aklat, ang walang batayan at sadyang
kasangkapan lamang ng mga institusyong politikal, ekonomiko, at/o relihiyoso. Binanggit pa
niya, may maikli ngunit komprehensibong buod ng sulatin at karaniwa’y 100-300 salita.
Ipinakilala nito sa mambabasa ang paksa, layon, pangunahing argumento, metodolohiya at
resulta ng pananaliksik.

Basahin ang isang halimbawa ng bahagi ng saliksik na URIAN: Pagbuo at Balidasyon

ng Kontekswalisadong Multiple Intelligence na Modyul sa Filipino sa Alternarive Learning
System nina Delica et al. (2018) na tumatalakay sa mungkahing kagamitan sa larang ng
edukasyon.

Gamit ang apat na dalungurong Filipino sa ALS sa sekondarya sa Addition

Hills Integrated School na nagsilbing tagasuri ng nilikhang modyul na pumaksa sa
Masabing Pagsulat bilang pinamahirap na makrong kasanayan. Nailahad at
nabigyang interpretasyon sa pamamagitan ng pamamaraang deskriptibo at disenyong

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
26

kuwalitatibo at kuwantitatibo ang pagsusuri ng mga eksperto at mga mag-aaral.

Itinatampok ng papel na ito ang makabagong modyul na nakaangkla sa kasalukuyang
kalakaran batay sa kahingian ng makabagong pagtingin sa paglalapat ng talino na
Contextualize Multiple Intelligence- isa sa katangian ng indibidwalismo tungo sa pag-
abot sa globalisasyon.

Naipakita nito na nakatulong sa [pag-abot ng bisa ng modyul ang

pagsasakonteksto nito batay sa kasalukuyang kalakaran. Ang paggamit ng social
media sites bilang lunsaran ng mga usaping panlipunan at linangang-medyum ng
pagtinging Contextualized M.I

Binigyang-diin din nito ang lubusang pagsasaalang-alang ng mga aspekto sa

pagbuo at pagbalidong modyul, katibayan nito ang pagtugon sa pangangailangan ng
mga mag-aaral, pag-uugnay sa buhay, malinaw na paglalahad ng layunin,
nakapupukaw ng interes, naunawaan ang wika, at mapanghamong Gawain tungo sap
ag-abot sa kapakipakinabangan nito.

Samakatuwid, tinatampok ng pag-aaral na ito na ang pagsasakonteksto ng

modyul sa kasalukuyan bilang pagsandig sa pagtinging Contextualized MI ay hakbang
sa pagtugon sa kahingian ng bagong siglo at pangangailangan ng makabagong
edukasyon tungo sa pagbuo ng bagong pedagohiya sa pagsasakatuparan ng pagtuturo
ng Filipino bilang tugon sa bagong kurikulom.

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
27

Pantulong kawing

Panoorin sa video sharing site na Youtube ang mga nakatalang pamagat sa ibaba.
Imunumungkahing magbukas ito ng makabuluhang talakayan upang mas mapailalim pa
ang pagkaunawa sa paksa.

➢ Pagsulat at Pananaliksik sa Wikang Filipino. Tinatalakay sa higit na

tatlumpung minutong video na ito nina Prof. Clemen Aquino, Prof. Luna Sicat-
Cleto at Prof. Rommel Rodriguez ang halaga ng pananaliksik sa Filipino at
pagtataguyod ng maka-Pilipinong talion sa pagsulat at pagkalap-pagtipon ng
impormasyon para sa komuniksyon. Ito ay mula sa Emerging Interdisciplinary
Reseach (EIDR) Project ng UP.

Samantala, basahin ang kasunod na pamagat ng artikulo mula sa GMA

NEWS online.

➢ Filipino, ang Pambansang Wikang Dapat Pang Ipaglaban ni Antonio Contreras

(2014). Tintalakay rito ang pagkakaroon at pagsasaalang-alang ng gahum sa
Pilipino na makakatulong sa mga hakbang tungo sa pagtatampok ng
pambansang wika sa mga iba-ibang disiplina. Dagdag pa ang paglalahad sa mga
balakid ng pagsusulong sa wikang Filipino bilang malinaw na daluyan ng talion.

PAGSURI NG PAG-UNLAD

Talakay 3

Ako si____________________________________________________ mula sa

kursong _______________________________________________ ay matapat na tumutugon
sa mga tanong bilang pagkatawan sa aking pagkaunawa sa katatapos na aralin

Mula sa pagtutok sa nilalaman, talakayin ang mga sumusunod:

• Ano ang maliwanag na paglalarawan sa Filipino bilang wika ng saliksik?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
28

• Bakit mahalagang mailapat ang Pantayong Pananaw sa isang maka-P/Filipinong

edukasyon?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
• Anu-ano ang mahahalagang ambag ng pananaliksik sa pagatataguyod ng Filipino
bilang isang disiplina?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
• Anu-ano ang mga hamon sa hindi ganap na pagkatuparan ng maka-P/Filipinong
edukasyon?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
• Ipaliwanag mo ang pagsang-ayon o iyong pagtatangi sa kasunod na pahayag. Kailangan
ang isaandaang Pilipinisasyon sa mga Unibersidad upang kilalanin ang Filipino bilang
isang disiplina.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

SANGGUNIAN

Mortera.M.O. (2019). Pantulong sa Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino:

Kursong Filipino sa Mataas na Edukasyon. Books Atbp. Publishing Corp.

GMA NEWS online http://kyotoreview.cseas.kyoto-u.ac.jp/issue2/article_247.html).

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
29

LEARNING GUIDE

Week No.: __4__

PAKSA Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino

INAASAHANG KAKAYAHAN

Pagkatapos ng araling ito, magagawa ng bawat estudyante na:

1. Makapagmatuwid sa saysay ng komunikasyon sa sariling buhay at pagka-Pilipino
2. Makapagsuri sa ugnayan ng mga element ng komunikasyon
3. Makapagbuo ng makabuluhang pagsusuri sa komunikasyon sa karanasang P/Filipino

NILALAMAN

Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino

Sa iyong kaalaman, sa ano-anong pagkakataon mo ginagawa ang pakikipag-ugnayan

sa iba-iabng konteksto.

SA IYONG MGA KAPITBAHAY SA IYONG MGA KAMAG-ARAL

SA MALAYONG KAMAG-ANAK

Komunikasyong Pilipino

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
30

Araw-araw ay nasasangkot ang tao sa komunikasyon. Hindi nakakaligtaan ng taong

mapabilang sa mga sitwasyong malaya niyang naibubulalas ang kanyang naiisip at
nararamdaman. Labis mang sabihin ay nilikha ang tao na parang isang nagpipilit upang
mapatawa kundi man ay mapaiyak o sa ilang sitwasyon ay mapaniwala at makakuha ng
simpatya mula sa kanyang mga manonood.

Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pilipino

Mahalaga ang komunikasyon sa tao at sa kanyang kapuwa. Ang pagsasakatuparan nito

ay malaki ring tulong sa lipunan. Idagdag pa ang mahalagang gampanan nito sa pagpapanatili
at paglilipat ng kultura.

Makapaghatid- kaalaman at • Nakapagbabahaginan ang tao ng mga

mailahad ang pananaw kaalamang mahalaga sa kani-kanilang buhay.
• Nalilinaw ang mga pangyayaring
nangangailangan ng pagtutuwid at
pagmamatuwid
• Nabubusog ng komunikasyon ang utak ng tao
sa paghahatid at pagtanggap ng mga bagong
kaalaman.
• Nalalaman ng tao ang tamang paggamit ng
kanyang wika.
Makapagbigay-libang • Nailalahad ang angkop na damdamin hinggil sa
anumang uri ng paksa/teksto.
Makabuo ng pag-unawa sa sarili at • Nabibigyan ng pagkakataon na ibahagi ng tao
pagkakaunawaan kasama ang ang sarili sa kanyang kapuwa.
kapuwa. • Nagkakaroon ang tao ng ganap na kaalaman
tungkol sa sariling pagkatao batay sa
ipinatatalastas ng kanyang kapuwa at siya sa
kanyang kapuwa.
• Napag-uugnay ang mga pusong magkalayo.
Espasyo, dingding, bibig, puso anuman ang
pagitan.
• Napag-iisa kung hindi man ay napaglalapit ang
mga tao sa lipunan.
• Napagtatagumpayan ng tao ang pagkakamit ng
kanyang mga pangarap.

Nagmula sa salitang Latin na communis na nangangahulugang karaniwan ang

komunikasyon. Tinutumbasan ito sa wikang Filipino na pakikipagtalastasan. Hinugot ito sa
salitang ugat na talastas na nangangahulugang alam at mga panlaping paki, -pag-, -an na
nagpapakilala ng pagkilos. Samakatuwid, ito’y pagkilos o pagbabahagi ng nalalaman. Ngunit,

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
31

hindi lamang limitado sa kognitibong pagbabahagi ang gawaing ito. Kasama rin ang
pandamdaming domeyn ng indibidwal.

Bilang pagpapatibany, ang pakikipagtalastasan o komunikasyon ay pagkilos na

pagbabahagi, pagbabatid o pagpapahayag ng nararamdaman at naiisip.

Prinsipyo ng Komunikasyong Pilipino

Mula sa inilahad na depinisyon, higit na makilala ang mahalagang gawaing ito sa mga
sumusunod na prinsipyo:

Ito ay simboliko. • Ang gawaing ito ay kumikilala sa halaga ng pagtatampok

at pagpapakahulugan ng mga mensahe. Ito ay dahil
sinusubukang hanapin ng tao ang kahulugan ng mundo.
• Ang pagpapakahulugan ay hindi magaganap sa
direktibang ugnayan ng isip ng mga kabilang sa proseso.
Pinagsasaluhan ang kahulugan batay sa iba pang mga
elementong kasama sa komunikasyon. Ang kayang gawin
ng mga kasangkot ay magbigay ng hinuha at papgtibayin
ito.
Ito ay may kahihinatnan. • Natural na proseso na sa bawat paggalaw ay may kasunod
na tugon. Ibinabandila ang pagiging proseso ng gawaing
ito ang ugnayan mula sa nag hatid ng mensahe tungo sa
tatanggap. Ang kahihinatnan ay maaaring sumibol sa mga
kasangkot at sa biyolohikal na aspekto ng ugnayan.
Ito ay dinamiko • Ito ay nagpapatuloy na nangyayari. Ang proseso nito ay
nagababago at hindi maaaring maulit. Kung literal naman
itong maulit, hindi na ito katulad ng nauna.
Ito ay kontekstuwal • Sa komunikasyon, maisaalang-alang ang konteksto sa
lunan, okasyon, panahon, at mga kasangkot.
• Ang pagkilos at pakikibahagi ay nakaayon sa lunan.
Nalalaman ang ityak na akto sa mga tiyak ding lugar tulad
ng simbahan, silid-aralan, aklatan, kanto, lugar ng trabaho
at iba pa.
• Ang tiyak naming okasyon tulad ng pagdalo sa lamay,
burol, kaarawan at iba pa ay nagsasabi ng angkop na
paraan ng pakikibahagi.
• Ibinabatay ng communicator ang pagtugon, paggalang at
paghintay sa oras na inilahad sa komunikasyon.
• May iba’t ibang paraan ng pakikipag-ugnayan sa iisa,
dalawahan o maramihang komunikasyon.
Ito ay pansariling pagninilay • Binubukasan ng komunikasyon ang pagtingin ng mga
kasangkot sa kanilang sarili. Laging tinataya ng tao ang

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
32

kanyang kasanayan sa pakikipag-ugnayan at ang epekto

ng mga inilalahad sa kapuwa. Tinitingnan ang sarili na
mabuting elemento ng paghahatid, pag-unawa at
pagtanggap.

Elemento ng Komunikasyong Pilipino

Ang proseso ng pakikipagtalastasan ay naisasagawa sa tulong ng kolaboratibong

interaksyon ng iba’t ibang element nito. Ito ay binubuo ng mga sumusunod:

Kasangkot • Gaganap bilang tagapaghatid/enkowder at nakatanggap/decoder ng

mensahe.
• Ito ay napakahalagang elemto ng komunikasyon.
Konteksto • Ito ay kondisyong isinasaalang-alang ng mga kasangkot.
- LUGAR. Magkakaiba ang paraan ng pakikipag-ugnayan sa simbahan,
tanggapan, unibersidad, palengke, at iba pa.
- PANGYAYARI. Kinokontrol ng communicator ang kanyang akto sa
mga pagkakataong tulad ng pagtatapos, pagpupulong, pagdiriwang at
iba pa.
- PANAHON. May angkop ng pakikipag-ugnayan ang tao sa iba’t ibang
oras depende sa hinihingi ng pagkakataon.
- BILANG. Magkakaiba ang atake sa isa, dalawahan o maramihang
pakikipagugnayan.
Mensahe • Ito ang inihahatid (inienkowd) at tinanggap (dinedekowd) na nasa anyong
berbal, de berbal at ekstra berbal.
Daluyan • Medyum ito sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe (kasama ang
paningin at pandinig).
Sagabal • Ang mga ito ay humhadlang sa pagtatagumpay ng komunikasyon.
- PANLABAS. Ito ang mga hadlang na nakikita, nadarama at
naririnig.
- PANLOOB. Ang mga ito ay sikolohikal na hadlang tulad ng
pagkakabingi, pagkakasakit o pag-aalala.
- SEMANTIKA. Suliranin ito sa interpretasyon at
pagpapakahulugan.
Tugon • Tanda ito ng pagkaunawa sa mensahe
• Pahiwatig ito ng pagtanggap o hindi ng pahayag.
• Ito ay reaksyong maaaring may manipestasyon sa ekspresyon ng mukha o
sa sistemang berbal.

Paglilinaw sa mga Gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
33

➢ Tsismisan
Sa karaniwang diskurso, ang tsimisan ay itinuturing na isang pagbabahaginan ng
impormasyong ang katotohanan ay di-tiyak. Ito ay isang uri ng pag-uusap sa pagitan ng dalawa
o higit pang magkakakilala o magkapalagayang-loob. Subalit ang tsismis, na siyang laman ng
tsismisan, ay nanggagaling din minsan sa hindi kakilala, lalo na kung ito’y naulinagan lang sa
mga nagtsitsismisan. Ang haba ng oras ng tsismisan ay di rin tiyak- maaaring ito ay saglit
lamang o tumagal ng isa o higit pang oras, depende kung may mailalaang panahon ang mga
nag-uusap at kung kailangan ng mahabang panahon sa pag-uusap. Ang tsismis ay maaaring
totoo, bahagyang totoo, binaluktot na katotohanan, dinagdagan o binawasang kato-tohanan,
sariling interpretasyon sa nakita o narinig, pawing haka-haka, sadyang di-totoo, o inimbentong
kwento. Subalit siguradong ito ay may pinagmulan o pinanggalingan, mauuri sa tatlo;

(1) Obserbasyon ng unang tao o grupong nakakita o nakarinig sa itsitsismis;

(2) Imbentong pahayag ng isang naglalayong makapanirang-uri sa kapuwa; o
(3) Pabrikadong teksto ng nagmamanipula o nanlilinlang sa isang grupo o sa madla.
Gayunpaman, ang tsismis ay may kaibahan sa katumbas nitong phenomenon sa ibang bansa
sapagkat hinuhubog ito ng kulturang Pilipino at katutubong wika, lalo ng angking sigla at
kulay ng bernakular na ginagamit sa pagtsismis. Bagama’t halaw sa salitang ESPAÑOL na
chimes, ang tsismis ay isang uri ng usapan o huntahan na posibleng nangyayare na bago pa
man dumating ang mga mananakop sa bansa (Tan, 2016)

➢ Umpukan

Ang umpukan ay impormal paglalapit ng tatlo o higit pang tao na magkakakilala para
mag-usap na magkakaharap. Sa pangkalahatan, ay hindi planado o nagaganap na lang sa
bugso ng pagkakataon. Ang mga nagiging kalahok sa umpukan ay iyong mga kusang lumapit
para makiumpok, mga di-sadyang nagkalapit-lapit, o mga biyayang lumapit. Sa
pagkakataong hindi kakilala ang lumapit, siya ay masasabing isang usisero na ang tanging
magagawa’y amnood at making sa mga nag-uumpukan; kung siya ay sasabat, posibleng
magtaas ng kilay ang mga nag-uumpukan at isiping siya ay intrimitida, atribida o pabida.
Likas na sa umpukan ang kwentuhan kung saan may pagpapalitan, “pagbibigayan,
pagbubukas-loob at pag-uugnay ng kalooban” . Kagaya sa tsismisan, walang tiyak o
planadong daloy ang pag-uusap sa umpukan. Subalit di kagaya sa una, ang umpukan ay
puwedeng dumako rin sa seryosong talakayan, mainit na pagtatalo, masayang biruan,
malokong kantiyawan, at maging sa laro at kantahan. Sa umpukan ng mga Pilipino’y madalas
talagang maisingit ang biruan, na minsa’y nauuwi sa pikunan. Naniniwala si Enriquez (1976)
na taal na sa maraming Pilipino ang pagkapikon dahil sa “isang kulturang buhay na buhay at
masigla dahil sa pagbibiruan”. Ang paksa ng usapan sa umpukan ay hindi rin planado o
pinag-isipang mabuti maaaring tungkol sa buhay-buhay ng mga tao sa komunidad,
magkakaparehong interes ng mga nag-uumpukan, o mga bagong mukha at pangyayari sa
paligid. Minsan, kung sino ang dumaan malapit sa umpukan ay siyang napag-uusapan.
Nangyayari ang umpukan hindi lamang sa kalye dahil madalas sa paaralan (mga mag-aaral at

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
34

guro), opisina (mga empleyado), korte (hurado at mga manananggol), at botante (mga
kongresista o senador).

➢ Pagbabahay-bahay

Ang pagbabahay-bahay ay ang pagdalaw o pagpunta ng isang tao o grupo sa mga bahay
sa isang pamayanan para maghatid ng mahalagang impormasyon, magturo ng isang
teknolohiya, kumonsulta sa mga miyembro ng pamilya hinggil sa isyu o programa,
mangungumbinsi sa pagsali sa isang paligsahan o samahan, o manghimok na tumangkilik sa
isang produkto, kaisipan, Gawain o adbokasiya. Mainam din itong pamamaraan para pag-
usapan ang mga sensitibong isy sa isang pamayanan. Halimbawa, ang pagbubuntis ng tinedyer
at kawalan ng pagpaplano ng pamilya ay mga sensitibong isyu na mas napag-uusapan ng mga
tao sa tsismisan at umpukan kaysa mga pormal nag awing pangkomunikasyon kagaya ng
pulong, seminar at pampublikong forum. Kung nais malaman ang iniisip at saloonin ng mga
tao sa isyung ito at para makapagsakatuparan ng mga angkop na dulog sa mga programang
tutugon sa mga isyung ito, ang pagbabahay-bahay ay isa sa mga mainam na estratehiyang
pangkomunikasyon na maaaring isagawa ng pamahalaan, non government organization, at iba
pang samahan o institusyon na may mga proyekto hinggil dito. Kung tutuusin, ang pagbabahay-
bahay ay hindi nalalayo sa kaugalian ng pangangapitbahay na matagal nang ginagawa ng mga
Pilipino, lalo na sa mga lugar na rural. Sa mga pamilyang magkakalapit ang bahay, ang
pangangapit bahay ay nakapagpapatatag ng samahan sa mga mamamayan ng isang komunidad.
Dito nagaganap ang kamustahan o usisaan sa buhay ng bawat isa, bahagian ng iniisip at
saloobin, hingian p palitan ng mga material na bagay, lalo nan g mga sangkap sa pagluluto at
iba pang Gawain sa bahay, at maging tsismisan at umpukan

➢ Pulong-bayan

Ang pulong bayan ay pagtitipon ng isang grupo ng mga mamayan sa itinakdang oras at
lunan upang pag-usapan nang masinsinan, kabahalaan, problema, programa at iba pang usaping
pangpamayanan. Madalas itong isinasagawa kapag may programang pinaplano o
isasakatuparan, may mga problemang kailangang lutasin at may mga batas na ipatutupad sa
isang komunidad. Depende sa layon, maaring ang mga kalahok sa pulong-bayan ay mga
kinatawan ng iba’t-ibang sector sa isang pamayanan, mga ulo o kinatawan ng mga pamilya o
sinomang residenteng apektado ng paksang pag-uusapan o interesadong makisangkot sa
usapin.

Sa isla ng Calauit sa Busuanga, Palawan ang tradisyunal na “saragpunan” o tipunan ng

mga tagbanua ay nagaganap sa isang malilim na lugar kung saan may malalaking batong
nakaayos nang pabilog na nagsisilbing upuan ng mga kalahok sa pulong.

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.
35

➢ Talakayan

Ang talakayan ay pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok na

nakatuon sa tukoy na paksa. Ito ay maaring pormal o impormal at puwedeng harapan o
mediated o ginamitan ng anumang medya. Ang pormal na talakayan ay karaniwang
nagaganap sa mga itinakdang pagpupulong at sa mga palabas sa telebisyon at programa sa
radio kung saan pinipili ang mga kalahok. Sa kabilang banda, ang impormal na talakayan ay
madalas nangyayari sa umpukan, at minsan sa tsismisan o di sinasadyang pagkikita kay may
posibilidad na hindi lahat ng kalahok ay mapipili. Ang karaniwang layon ng talakayan ay
pagbusisi sa isyu o mga isyung kinakaharap ng isang tao, isang grupo, buong pamayanan, o
buong bansa para makahalaw ng aral, magkaroon ng linaw at pagkakaunawaan, maresolba
ang isa o makakakawing na mga problema at makagawa o makapagmungkahi ng deesisyon at
aksiyon

PAGSURI NG PAG-UNLAD

MUSIKA@KOM

Pakinggan ang awit na Pitong Gatang ang ASIN o ni Fred Panopio. Sikapin ding
magkaroon ng sipi ng liriko. Suriin ang nilalaman at sanaysay ang gawaing inilalahad sa awit.
Paano ito nagging bahagi ng karaniwang buhay ng mga personalidad na binabanggit sa awit?
Isulat ang mga sagot sa loob ng kahon.

SANGGUNIAN

Melvin Orio Mortera (2019). Pantulong sa Kontekswalisadong Komunikasyon sa Filipino:

Kursong Filipino sa Mataas na Edukasyon. Books Atbp. Publishing Corp.

https://www.academia.edu/38149372/MGA_GAWING_PANGKOMUNNIKASYON_NG_
MGA_PILIPINO?auto=download

This module is a property of Technological University of the Philippines Visayas intended

for EDUCATIONAL PURPOSES ONLY and is NOT FOR SALE NOR FOR REPRODUCTION.

You might also like