You are on page 1of 12

lOMoARcPSD|17335030

Module 2 Fil Lang 3 Ugnayan ng Wika J Kultura at Lipunan

Education (University of the Visayas)

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Regine Quijano (reginequijano607@gmail.com)
lOMoARcPSD|17335030

Republic of the Philippines


Province of Cebu
City of Talisay
TALISAY CITY COLLEGE
Poblacion,Talisay City, Cebu
1st Semester, Academic Year 2020-2021

FiL Lang 3: UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN


Tagasulat ng Modyul Ansel A. Lanawan Departamento EDUKASYON

Guro Kontak
Kurso at Taon Kredit Yunit 3
Pagsusuri sa ugnayan ng wika, kultura at lipunan na sumasaklaw sa malalim na kabatiran na
nagpapalakas at nagpapatibay ng pagka-Pilipino na makatutulong sa makabuluhang pagkatuto
Deskripsyon ng Kurso at pagtuturo ng wikang Filipino. Ipinapakita sa kursong ito sa mga mag-aaral kung ano ang
mahalagang gampanin wikang Filipino sa relasyon ng kulturang Pilipino at sa lipunang
ginagalawan ng mga tao.
Makabuo ng makabuluhang pamanahong papel ukol sa ugnayan ng wika, kulktura at lipunan na
Pangkalahatang
maaaring magamit bilang isang kagamitang pampagtuturo sa asignaturang Filipino para sa mga
Kinalalabasan
mag-aaral na nasa antas sekundarya.
Panggitnang Yunit na Napagpapakita ng makabuluhang pagbabago sa kasaysayan ng mga wikaing umiiral sa
Kinalalabasan Pilipinas, kulturang kinamumulatan at nakagawian, at lipunang ginagalawan ng mga Pilipino.

Panglan ng
Kurso/Seksyon
Estudyante
Celfon/Telepono Inilalaang Oras 9 hours
Tirahan Inilalaang Petsa

Modyul 2 Wikang Filipino: Mahalagang Kaalaman


BATAYANG NILALAMAN LAYUNING PAMPAGKATUTO
❖ Filipino bilang Wikang Panbansa ng Pagkatapos ng module na ito, ikaw ay&
Pilipinas ✓ Nakapagbibigay ng mahahalagang konsepto ng wikang
❖ Evolusyon ng Wika sa Pilipinas Filipino bilang Wikang Pambansa
❖ Gamit at Halaga ng Wika ✓ Nakasusuri sa mga tiyak na Wika na ginamit sa partikular na
panahon
✓ Nakababalangkas sa Evolusyon ng Wika at Gamit nito
✓ Nadedebelop ang positibong pananaw ng Wikang Filipino
upang mapahalagahan at maipagmalaki ito.

PAGGANYAK
PANIMULA

PANGKALAHATANG-IDEYA

Ang modyul na ito ay sadyang dinisenyo para sa iyong pagkatuto. Matatagpuan mo rito ang mga batayang
kaalaman at mga kasanayang pagkatuto na dapat mong taglayin sa kabuuan ng modyul na ito. Matutunan mo
sa modyul na ito ang mga konseptong pangwika, paano nabuo ang wikang komon bilang wikang pambansa,
ebolusyon ng wika sa Pilipinas kung paano ito nagsisimula noon, at ang gamit ng wika sa buhay natin na bahagi
na ng ating kultura at ang halaga nito sa konteksto ng kasalukuyang lipunan. Ihanda ang buong sarili at tayoy
maglakbay sa daan ng karunungan.

Bago ka magsimula sa mahaba-habang talakayan, ihanda mo muna ang iyong sarili at sagutin muna ang
mga inihandang tanong sa ibaba sa pamamagitan ng paglagay ng tsek sa loob ng kahon na kumakatawan sa
iyong sagot. Tingnan kung gaano kalawak ang iyong kaalaman kung pag-uusapan ang wikang Filipino sa
pamamagitan ng iyong makukuhang iskor.

THIS MATERIAL IS FOR EDUCATIONAL USE ONLY AND NOT FOR SALE. Page 1 of 11
Downloaded by Regine Quijano (reginequijano607@gmail.com)
lOMoARcPSD|17335030

Panuto: Lagyan ng tsek ang angkop na kahon na kumakatawan ng iyong sagot batay sa pahayag
sa ibaba.

Mga Pahayag Tama Mali

1. Ang wikang pambansa sa Pilipinas


ay Filipino.
2. Nagkakaiba ang wikang sinasalita
sa Pilipinas dahil sa heograpiyang lo-
kasyon nito.
3. Ang wika ay bahagi ng kulturang Pili-
pino.
4. Ang tawag sa wikang sinasalita sa
Cebu ay Sugbuanong Binisaya.
5. Ito ang iisang wika na sinasalita ng bu-
ong mamamayan mula sa isang pankat,
rehiyon o bansa.

Panimulang-gawain

Tingnang mabuti ang ilustrasyon sa ibaba. Magbigay ng iyong sariling puna gamit ang mga kahon na
nakapalibot sa ilustrasyon at sagot gamit ang mga gabay na tanong.

Mga gabay na tanong:


1. Magbanggit ng dalawang salita na makapaglalarawan sa ilustrasyon sa itaas. Ipaliwanag.
2. Ilan kaya sa tingin mo ang pangunahing wikang sinasalita sa Pilipinas? Itala ang mga ito.
3. Ano ang pambansang wikang ginagamit sa Pilipinas?
4. Batay sa iyong sagot sa bilang 3, ano-ano kaya ang mga batayan o dahilan kung paano naging pambansang
wika ito? Maglatag ng 5 batayan o dahilan.
5. Bakit mahalagang magtalaga ng isang pambansang wika sa ating bansa?
6. Bakit kaya sa tingin mo nagkakaiba-iba ang mga diyalekto o wika ang ginagamit ng mga tao sa Pilipinas?

(Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel o bondpaper)

THIS MATERIAL IS FOR EDUCATIONAL USE ONLY AND NOT FOR SALE. Page 1 of 11
Downloaded by Regine Quijano (reginequijano607@gmail.com)
lOMoARcPSD|17335030

TALAKAYAN

Ang ilustrasyon na makikita sa panimulang gawain ay isang konseptong pangwika na may malawak na
abstrak tungkol sa prinsipyong umaapekto sa pananaw at pag-uugali ng tao.

Ang malawak na abtrak na ito ay magsisilbing gabay upang mauunawaan kung paanong mamuhay ang
tao; kumilos ang kultura; kalagayan ng kalikasan; at ang reyalidad ng mga pangyayari.

Kung susuriing mabuti ang ilustrasyon, nagpapakita ito sa kahalagahan ng wika upang pagbuklurin ang
mga tao lalong-lalo na sa kalagayan heograpikal sa ating bansa – Pilipinas.

Ang wika ay maaari ring Sistemang pangomunikasyon ng tao bilang kasapi at kabahagi sa kultura ng
isang pangkat, rehiyon, at bansang kinabibilangan. Kaakibat sa sistemang nabanggit ang sariling bokabularyo,
sintaksis at gramatika sa anyong pasalita o pasulat.

Ngayon, paano ng aba naging pambansang wika ang isang wika? Tunghayan ang susunod na talakayan
sa ibaba.

SIMULAN NATIN

Unawain ang pagiging masalimuot ng wika mula sa pinag-uugatan nito hanggang sa maging wikang
pangheograpiko at wikang komon o lingu franca ng isang bansa. Pansinin ang daloy ng wikang Filipino bilang
wikang komon o lingua franca ng Pilipinas.

PANGKALAHATANG ILUSTRASYON SA KADALUYAN NG WIKA

creole creole

creole

Pampan creole
Tagalog go

creole
Ilokano creole

Cebuano
creole
WIKANG
PAMBANSA
creole

FILIPINO Bicolano

creole Hiligaynon
creole

creole Pangasin
ense
Waray creole

Maranao

creole
creole

creole
creole
creole

Ang ilustrasyong ito ay ipinapakita ang daloy ng wika. Ang ideyang ito ay prosesong global na modelo
kung paanong umunlad ang wika mula sa pinag-uugatan hanggang sa paglaki nito. Bagamat, hindi lahat ng

THIS MATERIAL IS FOR EDUCATIONAL USE ONLY AND NOT FOR SALE. Page 1 of 11
Downloaded by Regine Quijano (reginequijano607@gmail.com)
lOMoARcPSD|17335030

bansa ay nakalikha ng sariling wikang pambansa dahil sa konseptong panghihiram subalit sa kanilang
ginawang pagpapaunlad ay dumadaan pa rin sa masalimuot na proseso katulad ng wikang Ingles ng Amerika
na hiram mula sa katutubong Gramanic sa England.

Mga Terminolohiya sa Pag-unawa

1. Wikang Komon – ang wikang komon ay common language sa ingles. Ito ay nangangahulugan na ang
wika ng sinasalita ng buong mamamayan ay mula sa isang pangkat, rehiyon o bansa.

2. Lingua Franca – ito ay salitang kastila na ang ibig sabihin ay tunog na pinapala ng dila hanggang sa maging
salita.

3. Wikang Pambansa – ang wikang pambansa ay ang wikang komon o lingua franca na sinasalita ng buong
bansa. Bilang wikang komon, ito ang wikang panlahat na nagtataglay ng iisang istandard, interes,
bokabularyo, balarila, sintaksis, pagsasalita, tono at iba pa. Halimbawa, ang wikang pambansa ng mga
Pilipino ay FILIPINO maging ang wikang Cebuano, Waray, Maranao, Pampango, Pangasinense at iba pa ay
Filipino rin. Filipino dahil ang mga taong gumagamit nito ay nakakaunawa sa wikang sinasalita. Tandaan na
ang wikang komon o lingua franca ng mga taga Cebu ay Cebuano o Sugbuanon na may sariling balarila,
sintaksis, tunog, idyolek at iba pa subalit ang Filipino ang kanilang wikang pambansa dahil napabilang ang
Cebu sa bansang Pilipinas. Ibig sabihin istandard sa lahat ng mamamayang Pilipino ang Filipino.
Tunghayan ang mas malinaw na pagsasalarawan sa kadaluyan ng wika.
Abstrak sa Pangkalahatang Daloy ng Wika Mula sa Pinakamaliit Hanggang sa Mabuo ang WIKANG PAMBANSA

Pidgin Pidgin

Creole Creole

Diyalek Diyalek

Diyalek Diyalek

Wikang Pambansa

4. Pidgin – ang lahat ng wika ay nagsisimula sa pinakamaliit na wikang tinatawag na pidgin. Ang bawat
pidgin ay nagmumula sa sa maliit na lokalidad/rehiyon o pangkat. Bilang pinakasimpleng wika, wala itong
balarila, sintaksis, tagapagsalita na sinusunod sapagkat ang bawat isang kabahagi sa pangkat ay may
sariling batas ng balarila at iba pa.

5. Creole – ito ang tawag sa wikang nabuo nang dalawag pidgin o lokalidad na nagtagpo sa hangganan.
Ang creole ay pidgin din na maituturing dahil sa kasimplehan nito subalit bahagyang nagkaroon ng
kaunting pagtaas ng lebel tulad ng pagdebelop ng iisang tagapagsalita bunga ng pagsasama ng
dalawang kultura.

6. Diyalekto – ito ay tinuturing na <nonstandard= na wika. Bakit <nonstandard= sapagkat isa lamang
subordineyt sa wikang komon. Taglay ng dyalekto ang sariling bokabularyo, gramatika, at paraan ng
pagbigkas halimbawa nito ang Cebuano, Tagalog, llokano o ang siyam na mga pangunahing wikain.

Iyong Subukin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na long
bondpaper.
1. Bakit kailangang magkaroon ng iisang wikang pambansa ang Pilipinas?
2. Paano mo mailalarawan ang proseso ng pagbuo ng wikang pambansa?
3. Kung ikaw ang pipiliin, anong wika 0 wikain ang gagawin mong wikang pambansa? Bakit?

THIS MATERIAL IS FOR EDUCATIONAL USE ONLY AND NOT FOR SALE. Page 1 of 11
Downloaded by Regine Quijano (reginequijano607@gmail.com)
lOMoARcPSD|17335030

Matapos mong matutuhan ang proseso kung paano mabuo ang isang wikang pambansa, at iyong
napagtanto na ang bawat payak o simpleng wika ay may malaki at mahalagang gampanin sa pagbuo ng
iisang wikang pambansa. Nararapat din na magkaroon ng iisang wikang pambansa sa Pilipinas dahil na rin
sa heograpikong katangian nito kung saan binubuo ito ng lipon ng mga pulo kung saan ito ang isa sa
pinakapangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng maraming wikain at diyalektong sinasalita ng mga
Pilipino. Upang magkaroon ng iisang wikang mauunawan ng mayorya o ng mga mamamayan, nabuo ang
wikang pambansa – FILIPINO.

Evolusyon ng Wika sa Pilipinas

Sa elementarya pa lamang, itinuturo na ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa 7,000 isla at


napapalibutan din ng mga bundok, burol, at iba pang matataas na anyong lupa, gayon din ng mga dagat,
ilog at iba pang malalaki at malalalim na anyong tubig. Dahil sa ganitong heograpikong katangian, hindi
kataka-takang nagkaroon ang bansa ng maraming hiwa-hiwalay na etnolinggwistikong grupo na may sari-
sariling katutubong wika. Sa pananaliksik, nakitang mahigit sa apatnapung daan (400) ng mga wika at
wikain sa Pilipinas.

Maiisip lamang na ang ganitong kaligirang pangwika ang isa sa mga pangunahing dahilan ng
malawakang pagkakawatak-watak ng mga mamamayang Pilipino bago pa dumating ang mga Kastila
hanggang sa kasalukuyan. Bakit nga kaya malimit na natatala sa kasaysayan ng bansa ang kawalan ng
pagkakaisa ng damdamin at pananaw ng mga Pilipino tungo sa kanilang mga layunin at hangarin para sa
bayan? Bakit malimit silang hindi nagkakaunawaan sa kanilang mga iniisip kaya madalas silang magkaroon
ng samaan ng loob at inggitan?

Ang Wika sa Panahon ng Kastila

➢ Matagumpay na lalong nahati at lubos na nasakop ng mga dayuhan ang mga Pilipino sa loob ng mahigit
na tatlong daang (300) taon.
➢ Hindi itinuro ang wikang Kastila sa mga katutubo.
➢ Gustong manatiling mangmang at hiwa-hiwalay ang mga <indyo= sa takot na mamulat ang mga Pilipino
sa mga korapsyong nagaganap sa paligid at matutong maghimagsik laban sa kanilang mapang-aping
pamamahala.
➢ Ang mga prayle mismo ang nag-aaral sa ng mga katutubong wika ng iba’t ibang etnolinggwistikong
grupo.
➢ Mga katutubong wika ang naging midyum ng komunikasyon at ito rin ang ginamit sa pagtuturo ng
relihiyon.
➢ Tumagal ang pananakop at pagmamalabis ng mga Kastila dahil hindi nakapagsanib ang lakas ng mga
Pilipino dahil narin sa pagkakaiba-iba ng mga wikain at sa kawalan ng iisang wika.

Ang Wika sa Panahon ng Amerikano

➢ Wikang Ingles ang ginamit bilang midyum sa instruksyon sa mga paaralang pampubliko.
➢ Ang mga paksang pinag-aralan sa loob ng klasrum ay ang kasaysayan, kultura, literature, ekonomiya, at
pulitika ng Amerika.
➢ Nilimita ang pag-aaral ng maraming paksang nauukol sa Pilipinas kaya naman hindi naging interesado
ang mga karaniwang estudyante sa mga bagay na may realsyon sa sariling bansa at kultura.
➢ Higit na tinangkilik ang mga bagay na Amerikano. Nagsimulang madebelop ang kolonyal na mentalidad
ng nakararaming mamamayan na malawakang nakikita at nadarama sa bansa hanggang sa kasalukuyang
henerasyon.
➢ Batay sa sarbey ng Monroe Komisyon noong 1925, napatunuayang may kakulangan parin sa paggamit
ng Ingles bilang wikang panturo sa level primarya.
➢ Noong 1931, nagmungkahi si Butte, ang bise gobernador-heneral na siya ring kalihim ng pampublikong
edukasyon, na gamitin midyum panturo sa primarya ang vernacular ng iba’t ibang lugar.
➢ Lubusang pinag-usapan sa Kumbensyong Konstitusyonal ang mga isyung pangwika noong 1934 na
magkaroon ng isang wikang pambansa at mula ito sa wikang katutubo na mahigpit namang sinasalungat
ng mga nagtataguyod ng wikang Ingles.

Ang Wika sa Panahon ng Komonwelt

➢ Mungkahi sa probisyon ng 1935 Konstitusyon ng Pilipinas, Artikulo XIV: <Ang Kongreso ay gagawa ng
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga uniiral na
wikang katutubo. Hangga’t hindi itinatakda ng batas, ang mga wikang Ingles at Kastila ang mananatiing mga
opisyal na wika.”
THIS MATERIAL IS FOR EDUCATIONAL USE ONLY AND NOT FOR SALE. Page 1 of 11
Downloaded by Regine Quijano (reginequijano607@gmail.com)
lOMoARcPSD|17335030

➢ Bunga sa naturang probisyon ng 1935 Konstitusyon, pinagtibay ng Asemleya ng Komonwelt ng Pilipinas


ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa.
➢ Natatanging gawain ng Surian ang pag-aaral ng mga wikang pangunahing ginagamit sa Pilipinas <upang
makapili ng isang panlahat na wikang pambansa na nakabatay sa pinakamaunlad na umiiral na katutubong
wika ayon sa balangkas, mekanismo at panitikan na tinatanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino.=
➢ Napagdesisyunan ng Surian na napagkasunduang gawing basehan ng wikang pambansa ang wikang
Tagalog dahil ito ang tumutugma, pumasa, at umayon sa mga itinakdang pamantayan. Kabilang sa mga
pamantayang iyon ang pagiging (1) wika ng sentro edukasyon at negosyo, (2) wikang pinakamarami ang
gumagamit, at (3) wika ng mga pinakadakilang nasusulat na akdang panliteratura.
➢ Noong Nobyembre 9, 1939, isinumite ng mga miyembro ng Surian kay Pangulong Quezon ang kanilang
rekomendasyong Tagalog ang gagamiting batayan ng wikang pambansa.
➢ Hunyo 19, 1940, sinimulang ituro sa mga paaralang pampubliko at pribado ang pambansang wikang
nakabatay sa Tagalog.

Ang Wika sa Panahon ng Hapon

➢ Lubos na naisulong ang paggamit at pagpapalaganap ng pambansang wika dahil ipinagbawal ang
paggamit ng Ingles sa anumang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino.
➢ Ipinagbawal ang paggamit ng lahat ng libro at peryodikal na nauukol sa Amerika.
➢ Wikang Tagalog ang ginagamit bilang midyum sa pagtuturo sa mga pampubliko paaralan at itinuro rin
ang wikang Niponggo sa lahat ng antas.
➢ Sa bisa ng Ordinansa Blg. 13, ginawang mga opisyal ng mga wika ng bansa ang Tagalog at Niponggo.
➢ Masasabing namumulaklak at umunlad ang wikang pambansa pati na ang Literaturang Pilipino.

Ang Wika Mula sa Taong 1946 hanggang sa Kasalukuyan

➢ Noong Hulyo 4, 1946 na dating itinuturing na Araw na Pagsasarili, ipinahayag na Tagalog ang opisyal na
wika ng Pilipinas batay sa Batas Komonwelt Blg. 570.
➢ Marso 26, 1951, unang ipinagdiriwang ang Linggo ng Wikang Pambansa sa pamamagitan ng
Proklamasyon Blg.12 na nilagdaan ni dating Pangulong Ramon Magsaysay.
➢ Piniling lingo ng pagdiriwang ang Marso 29 hanggang Abril 4 bilang parangal kay Francisco Balagtas
dahil ika-2 ng Abril ang kaarawan ng makata.
➢ Inilipat ang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa sa Agosto 13 hanggang Agosto 19 bilang
parangal sa dating Pangulong Manuel L. Quezon na itinuturing Ama ng Wikang Pambansa na tuwing
Agosto 19 ang kaarawan.
➢ Agosto 13, 1959 naman nang tawaging <Pilipino= ang pambansang wika, sa bisa ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni G. Jose E. Romero, ang kalihim ng Edukasyon ng panahong
iyon.naging mainit ang isyu ng wika hanggang naging resulta ng iba’t ibang pag-aarall ang probisyon sa
1973 Konsttusyon, Artikulo XIV, Seksyon 3 na <Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng hakbang tungo
sa pagpapaunlad at formal na pagpapatibay ng isang panlahat na wikang pambansa na kinikilalang Filipino.”
➢ Natagalan ang pormal na pagpapatibay sa paggamit ng Filipino bilang wikang pambansa dahil na rin sa
maraming makukulay na pulitikna kaganapan sa loob ng bansa at ang Pilipinas ay napasailalim ng Batas
Militar sa Panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos. Naganap lamang ang pormal na pagpapatibay
at paggamit ng wikang Filipino sa panahon ni pangulong Corazon C. Aquino na bumuo ng Komisyong
Konstitusyonal ng 1986.
➢ Noong Oktubre 12, 1986, pinagtibay ang implementasyon ng paggamit ng Filipino bilang pambansang
wika.
➢ Hanggang sa kasalukuyang panahon, sa kabila ng maraming pagsasalungat, nanatili paring Filipino ang
wikang pambansa a Pilipinas na kumakatawan sa lahat ng mga pangunahing wikain at katutubong wika.

Iyong Subukin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na long
bondpaper.
1. Ano sa tingin mo ang dapat na maging wikang pambansa sa Pilipinas? Bakit?
2. Ilarawan ang wikang Filipino bilang wikang Pambansa ng Pilipinas.
3. Gaano kahalaga na magkaroon ng iisang wikang panlahat o wikang pambansa lalong-lalo
na sa kalagayan ng Pilipinas kung pag-uusapan ang heograpikong katangian nito?

THIS MATERIAL IS FOR EDUCATIONAL USE ONLY AND NOT FOR SALE. Page 1 of 11
Downloaded by Regine Quijano (reginequijano607@gmail.com)
lOMoARcPSD|17335030

Maraming manipestasyon kung kalian makikita, mararamdaman at mahihinuha ang kahalagahan


ng wika. Sa iyong palagay paano nga ba mararamdaman ang kahalagahan ng wika? Sa aking pag-aanalisa, ang
wika ay makikita, mararamdaman at mahihinuha ang kahalagahan ng wika sa pag-unawa sa mga katangian,
tungkulin, at gamit nito. Frontline rang wika sa kabuuang etimolohiya ng tao at huwag kalimutang kultura ang
wika sa kaya kaya ang anumang salitang lalabas sa bibig ay maaring magdidikta sa oryentasyon o bakgrawn
ng tao. Sa balanseng pagpapahayag, ating sundan ang mga mukha ng wika mula sa ibang manunulat.

Kahalagahan ng Wika Sa Etimolohiya ng wika, sinasabing ang wika ay yaong


ginagamit sa iisang pangkat na may balyu at interes upang
magamit nang maayos at epektibo. Dagdag pa nito, sinasabing
kapang
yarihan ang wika ay sistemang komunikasyon ng tao na ginagamit sa
pagtatalumpati para sa bansa, rehiyon at pangkat. Kaya,
pananagutan ng tao kung paano ito gamitin ng maayos.
sarili kapwa
Kung gayon, ang kahalagahan ng wika ay makikita sa
mismong nagsasalita bilang ispiker o interlokyutor. Ang sarili ang
nagbigay ng balyu at interes sa wika kapag ginamit ng maayos sa
WIKA pagpapahayag sa kapwa. Samantala ang kapwa bilang kabahagi
ng lipunang ginagalawan ang magsasaad nang kahalagahan sa
pamamgitan ng pagbibigay-impormasyon.

Ibig sabihin, ang wika ay sagisag sa unawaan nang kapwa


sagisag kultura
at sa lipunang kinabibilangan. Ditto mararamdaman ang
kapangyarihan ng wika dahil may mga nararamdaman, epekto, at
kahihinatnan na nailatag mula sa impormasyong ibinigay. Sa mga
lipunan Pilipino, ang wikang Filipino at saanmang panig ng mundo ay
nagsisilbing sagisag sapagkat naging dungawan ng kultura at
kasarinlan ng lahi.

Bago ka magpatuloy sa susunod na paksa, maghinuha ka muna kung ano o ano-ano kaya ang gamit ng
wika? Meron ka bang alam kung ano ang gamit ng wika? Tingnan nga natin ! itala sa kahong ito sa tangin
mo ang mga gamit ng wika. SIMULAN NA!

1. 4.
2. 5.
3.

Gamit ng Wika
a. Interaksyonal.
Ito ay nakapagpapanatili at nakapagtatag ng relasyong sosyal.
Halimbawa: kumustahan, biruan, liham-pangkaibigan atbp.

b. Instrumental.
Ito naman ay tumutugon sa pangangailangan. Maisasagawa niya ang anuman at mahihingi ang
iba’t ibang bagay sa tulong ng wika.
Halimbawa: pakikiusap, pag-uutos, pagpapangalan, berbal na pagpapahayag,
pagmumungkahi, at paghingi.

c. Regulatori.
Ito ang komokontrol, gumagabay sa kilos, asal ng iba. Ito ay nangangahulugang nagagamit sa
pagkontrol sa mga sitwasyon o kaganapan.
Halimbawa: pagbibigay ng panuto, direksyon, paalala o pabala, patakaran, pag-aaproba at/o
di- pagpapatibay, pagbibigay pahintulot at/o pagbabawal, pagpupuri at/o pambabatikos,
pagsang- ayon at/o di pagsang-ayon.

d. Personal.
Ang gamit ng wika sa pagpapahayag ng personalidad at damdamin ng isang indibidwal. Ditto
napabilang ang pagpapahayag ng damdamin o opinyon.
Halimbawa: paghingi ng paumanhin, pagmumura, pagpapahayag ng mga pansariling
damdamin, (tuwa, galit, gulat, hinanakit, pag-asa, kagustuhan), at iba pang pansariling pahayag

THIS MATERIAL IS FOR EDUCATIONAL USE ONLY AND NOT FOR SALE. Page 1 of 11
Downloaded by Regine Quijano (reginequijano607@gmail.com)
lOMoARcPSD|17335030

e. Imajinativ.
Dito makapagpahayag ng imahinasyonb sa malikhaing paraan nang tao. Ginagamit ang wika sa
paglikha o pagpapahayag ng malikhain, estetiko o artistikong kaisipan.
Halimbawa: pagsasalaysay, paglalarawan, mga akdang pampanitikan.

f. Heuristic.
Napabilang naman ang paghahanap ng datos at impormasyon. Ginagamit ito ng tao upang
matuto at magtamo ng mga tiyak na kaalaman tungkol sa mundo sa mga akademiko o
propesyonal na sitwasyon.
Halimbawa: pagtatanong, pagsagot, pakikipagtalo, pagbibigay-katuturan, panunuri, pag-
eeksperimento, pag-eevalweyt, at pagbibigay-puna.

g. Informativ.
Dito naman ay ang pagbibigay ng impormasyon at datos.
Halimbawa: pag-uulat, pagtuturo, ulat, pamanahong papel, atbp.

Iyong napag-alaman na marami ang gamit ng wika at mahalaga ito sa ating sarili, bansa, kultura at
lipunan kung saan tayo malayang gumagamit nito. Kaya, nararapat lamang na ating bigyang-halaga
ang sariling wika natin upang mapaunlad at mapayabong pa ito sa susunod pang mga henerasyon.

PAGBUO NG KAALAMAN
Gawain blg. 1 Pagbuo ng Grapiko
Bahagi A: Kumpletuhin ang konsepto ng Wikang Pambansa sa pamamagitan ng pagpupuno
ng wastong sagot sa grapiko na makikita sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa loob ng mga
kahon. Ipaliwanag ang iyong sagot batay sa iyong kaalaman. Bawal ang sumipi mula sa
Panuto: talakayan.
Bahagi B: Basahin ang bawat pahayag sa ibaba. Tukuyin kung anong panahon napabilang
ang pahayag. Piliin ang iyong sagot sa Hanay B Isulat ang buong sagot sa patlang na nakalaan
bago ang bilang.
Bahagi A: 3 puntos sa bawat tamang sagot at 2
Batayan sa
puntos sa bawat wastong paliwanag Kabuuang Puntos 90
Pagmamarka:
Bahagi B: 2 puntos sa bawat tamang sagot
KAHON NG KASANAYAN
Pagpapalawak-kaalman
Bahagi A. Pagbuo ng Grapiko • Wastong panunuri sa konsepto
• Angkop na mga ideya
• Wastong pag-unawa
WIKANG PAMBANSA
PAGTATAYA

Mga Pangunahing Wikain


sa Pilipinas Ebolusyon ng Wika sa
Terminolohiya sa Pag-
unawa Pilipinas

THIS MATERIAL IS FOR EDUCATIONAL USE ONLY AND NOT FOR SALE. Page 1 of 11
Downloaded by Regine Quijano (reginequijano607@gmail.com)
lOMoARcPSD|17335030

Bahagi B. Paghahanay
Hanay A Hanay B

_________1. Sa panahong ito, ang mga katutubong wika A. Ang Wika sa Panahon
ang naging midyum ng komunikasyon at ito rin ang bago ang Kastila
ginamit sa pagtuturo ng relihiyon.
B. Ang Wika sa Panahon
_________2. Dito ginamit ang wikang Ingles ang ginamit ng Kastila
bilang midyum sa instruksyon sa mga paaralang
pampubliko. C. Ang Wika sa Panahon
_________3. Inilipat ang pagdiriwang ng Linggo ng ng Amerikano
Wikang Pambansa sa Agosto 13 hanggang Agosto 19
bilang parangal sa dating Pangulong Manuel L. Quezon na D. Ang Wika sa Panahon
itinuturing Ama ng Wikang Pambansa na tuwing Agosto ng Komonwelt
19 ang kaarawan.
_________4. Wikang Tagalog ang ginagamit bilang E. Ang Wika sa Panahon
midyum sa pagtuturo sa mga pampublikong paaralan at ng Hapon
itinuro rin ang wikang Niponggo sa lahat ng antas.
_________5. Ang ating mga ninunong Pilipino ay mayroon F. Ang Wika Mula 1946
ng wika bago paman nasakop ang Pilipinas sa mga Kastila. hanggang Kasalukuyan
_________6. Nilimita ang pag-aaral ng maraming paksang
nauukol sa Pilipinas kaya naman hindi naging interesado
ang mga karaniwang estudyante sa mga bagay na may
realsyon sa sariling bansa at kultura.
_________7. Gustong manatiling mangmang at hiwa-
hiwalay ang mga <indyo= sa takot na mamulat ang mga
Pilipino sa mga korapsyong nagaganap sa paligid at
matutong maghimagsik laban sa kanilang mapang-aping
pamamahala.
_________8. Hunyo 19, 1940, sinimulang ituro sa mga
paaralang pampubliko at pribado ang pambansang
wikang nakabatay sa Tagalog.
_________9. Noong Oktubre 12, 1986, pinagtibay ang
implementasyon ng paggamit ng Filipino bilang
pambansang wika.
_________10. Lubos na naisulong ang paggamit at
pagpapalaganap ng pambansang wika dahil ipinagbawal
ang paggamit ng Ingles sa anumang aspekto ng
pamumuhay ng mga Pilipino.

MAPANURING PAG-IISIP
Gawain blg. 2 Pagbabalangkas at Paghahalimbawa
Bahagi A. Tapusin ang sumusunod na balangkas. Punan ito ng mga angkop na pangunahin
at pantulong na paksa, batay sa binasa. (Huwag kopyahin o sipiin salita per salita mula sa
Panuto: paksang tinalakay.
Bahagi B. Bigyang-katuturan ang bawat gamit ng wika sa tulong ng tatlong halimbawang
pangungusap na magpapakita ng gamit.
Batayan sa Bahagi A. 3 puntos sa bawat tamang sagot Ang iyong kabuuang
95
Pagmamarka: Bahagi B. 5 puntos sa bawat tamang sagot puntos
SKILL BOX
Pagpapalalim ng Kabatiran
Bahagi A. Evolusyon ng Wika sa Pilipinas • Pag-aangkop ng kaganapan
• Pagsusuri ng detalye
• Paggawa ng sariling halimbawa
I. Bago Dumating ang mga Kastila
Ano ang mga sitwasyong pangwika sa panahong iyon?
A.___________________________________________________________________________
B.___________________________________________________________________________
C.___________________________________________________________________________
II. Sa Panahon ng mga Kastila
Ano ang mga naganap kaugnay ng wika sa panahong ito? Maaaring dagdagan ang mga titik para
sa pantulong na paksa, kung kakailanganin
A.___________________________________________________________________________
B.___________________________________________________________________________
C.___________________________________________________________________________

THIS MATERIAL IS FOR EDUCATIONAL USE ONLY AND NOT FOR SALE. Page 1 of 11
Downloaded by Regine Quijano (reginequijano607@gmail.com)
lOMoARcPSD|17335030

III. Sa Panahon ng mga Amerikano


Ano ang mga naganap kaugnay ng wika sa panahong ito? Maaaring dagdagan ang mga titik para
sa pantulong na paksa, kung kakailanganin.
A.___________________________________________________________________________
B.___________________________________________________________________________
C.___________________________________________________________________________
IV. Sa Panahon ng mga Hapon
Ano ang mga naganap kaugnay ng wika sa panahong ito? Maaaring dagdagan ang mga titik para
sa pantulong na paksa, kung kakailanganin.
A.___________________________________________________________________________
B.___________________________________________________________________________
C.___________________________________________________________________________
V. Sa Panahon ng Komonwelt
Ano ang mga naganap kaugnay ng wika sa panahong ito? Maaaring dagdagan ang mga titik para
sa pantulong na paksa, kung kakailanganin.
A.___________________________________________________________________________
B.___________________________________________________________________________
C.___________________________________________________________________________
VI. Mula 1946 hanggan sa Kasalukuyan
Ano ang mga naganap kaugnay ng wika sa panahong ito? Maaaring dagdagan ang mga titik para
sa pantulong na paksa, kung kakailanganin.
A.___________________________________________________________________________
B.___________________________________________________________________________
C.___________________________________________________________________________
Bahagi B. Paghahalimbawa

1. Instrumental na gamit
a. ________________________________________________________________________________
b. ________________________________________________________________________________
2. Personal na gamit
a. ________________________________________________________________________________
b. ________________________________________________________________________________
3. Interaksyonal na gamit
a. ________________________________________________________________________________
b. ________________________________________________________________________________
4. Regulatori na gamit
a. ________________________________________________________________________________
b. ________________________________________________________________________________
5. Heuristik na gamit
a. ________________________________________________________________________________
b. ________________________________________________________________________________

PAGLIKHA
Gawain blg. 3 Infomercial tungkol sa Wikang Filipino
Gumawa ng iyong sariling infomercial tungkol sa pagpapahalaga at pagpapaunlad ng
wikang Filipino. Ang Infomercial ay isang uri ng patalastas na ang layon nito ay magbigay
impormasyon sa mga manonood o mamababasa. Ang infomercial na gagawin ay sa paraang
Panuto:
pagguhit o poster at ipapaliwanag ito sa pamamagitan ng anyong pasulat (malayang
pagsulat). Gamitin ang pagkamalikhain at gawing kapani-paniwala at mapanghikayat ang
iyong awtput.
Pamantayan sa Pagmamarka: Paggawa ng Infomercial/Patalastas
Nilalaman 5 4 3 2 1 puntos
Malinaw na naipakita ang Konsistent Mahusay Katamtaman Kailangan ng Walang
paksang nais talakayin sa Pagsasanay naipakita
infomercial gayundin ang mga
paggawa ng guhit o poster, at
ang mga wikang umiiral sa
isang linggwistikong
komunidad. (x7)

THIS MATERIAL IS FOR EDUCATIONAL USE ONLY AND NOT FOR SALE. Page 1 of 11
Downloaded by Regine Quijano (reginequijano607@gmail.com)
lOMoARcPSD|17335030

Balarila at Wastong Gamit


ng Salita
Nagamit nang mahusay ang
wikang Filipino at naangkop
ang mga salita sa pamamagitan
ng paggamit ng mga
ekspresyong paglalahad ng
paksa sa ginawang malayang
pagsulat. (x5)
Pagkamalikhain
Kitang-kita ang kahusayan sa
paggamit ng iba’t ibang mga
teknik o istratehiya upang
maging masaya, makulay,
kaakit-akit, kapani-paniwala,
mapanghikayat, at malikhain
ang ginawang pagguhit ng
poster na informercial tungkol
sa wikang Filipino. (x4)

Kabuuang Presentasyon
Naipakita ang pangkalahatang
galing sa pagbuo at paglikha ng
sariling infomercial na
napaloob ang lahat ng kaaya-
ayang katangian.(x4)

Kabuuan:
SKILL BOX
Paglilikha ng Infomercial
• Paggawa sa sariling bersyon at
orihnalidad
• Pagkamalikhain
• Paggamit sa wastong wika,
balarila at salita
• Pag-aangkop

SANGGUNIAN
Resuma, V. M., & Semorlan, T. P. (2002). Komunikasyon sa Filipino. JMC PRESS, INC.

Tagod, V. C. (2013). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. CRIS'PRINT OPTIONS.

TSEKLIST NG MGA NATUTUNAN SA PAKIKILAHOK SA MODYUL


Ang iyong fidbak ay mahalaga sa amin. Ang mga sumusunod na pahayag sa ibaba ay tungkol sa modyul. Pakilagay
ang punto sa kung saang pahayag ang naglalarawan sa iyong pagtataya ssa nasabing modyul sa pamamagitan ng
paglagay ng tsek sa angkop na kahon
OO HINDI
❖ Ang modyul ay madaling maunawaan.
❖ Ang ibinigay na mga panuto ay malinaw.
❖ Ang mga gawain o aktibiti ay madaling gawin.
❖ Ang mga ibinigay na impormasyon ay kumpleto.
❖ Ang guro ay naghahanap ng kasalukuyang fidbak
Ano ang iyong personal na iniisip tungkol sa modyul? _________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________

KATAPATANG PANG-AKADEMYANG PAHAYAG


Aking pinatutuhanan, na aking nabasa at buong naunawaan ang mga alintuntuninng Talisay City Collegepatungkol
sa pagiging hindi tapat sa akademya at iyan ay buo kong nalalaman sa kung anuman ang posibleng legal na
kahihinantnan.
Pangalan ng
Estudyante at Iniwasto ni
Lagda
E-mail Address E-mail Address
Petsa ng Petsa ng
Pagsumite Pagtanggap

THIS MATERIAL IS FOR EDUCATIONAL USE ONLY AND NOT FOR SALE. Page 1 of 11
Downloaded by Regine Quijano (reginequijano607@gmail.com)

You might also like