You are on page 1of 8

LA SALLE UNIVERSITY

Ozamiz City

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES


LEARNING MODULE

Course: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina Teacher: Ms. Shiela Marie G. Salac
Module No.: 1 No. of Students:

PAMAGAT: FILIPINO SA IBA’T IBANG LARANGAN

NILALAMAN: Ang FILDIS ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at


nagpapalalim sa kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa,
pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan,
sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan
ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino. Nakatuon ang kursong ito
sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat, gamit ang mga
makabuluhan pa nanaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng
pagsasagawa ng pananaliksik (mula sa pangangalap ng datos at
pagsulat ng borador ng pananaliksik hanggang sa publikasyon at/o
presentasyon nito) na nakaugat sa mga suliranin at realidad ng mga
komunidad ng mga mamamayan sa bansa at maging sa komunidad
ng mga Pilipino sa iba pang bansa. Saklaw rin ng kursong ito ang
paglinang sa kasanayang pagsasalita, partikular sa presentasyon ng
pananaliksik sa iba’t ibang porma at venue.
Binubuo ng tatlong yunit ang sabjek na ito. Sa modyul na ito,
tatalakayin ang unang bahagi ng YUNIT 1. Nakapaloob dito ang mga
araling Filipino Bilang Wikang Pambansa, Wika ng Bayan at Wika
ng Pananaliksik na Nakaugat sa Pangangailangan ng Sambayanan;
at Filipino Bilang Larangan at Filipino sa Iba’t ibang Larangan.
Pokus nito ang pagtalakay sa ugnayan ng mga function ng
wikang Filipino bilang wikang Pambansa, wika ng bayan at wika ng
pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng sambayanan.
Saklaw rin nito ang pagtalakay sa naabot na at sa posible pang
direksyon o ekspansyon ng unique na diskurso sa Filipino bilang
larangan at sa Filipino sa iba’t ibang larangan.

MGA LAYUNIN: Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaaasahang matututuhan ng mag-


aaral ang mga sumusunod:

1. Maipaliwanag ang ugnayan ng mga tungkulin ng wikang


Filipino bilang wikang Pambansa, wika ng bayan at wika ng
pananaliksik na nakaugat sa pangangailangan ng sambayanan.
2. Maisa-isa ang mga suliraning lokal at nasyonal ng komunidad
na kinabibilangan.
3. Malinang ang adhikaing makibahagi sa pagbabagong
panlipunan.
4. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang
daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng diskurso na
akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang wika ng
pananaliksik na nakaayon sa pangangailangan ng komunidad
at bansa.
5. Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng
wikang Pambansa, pagpapatibay ng kolektibong identidad at
pambansang kaunlaran.

PAGTUKLAS: ARALIN 1: FILIPINO BILANG WIKA AT LARANGAN

Lunsaran
Basahin ang sanaysay na isinulat ni Antonio Contreras na
pinamagatang “Filipino, ang wikang pambansang dapat pang
ipaglaban.” Pagkatapos basahin ay gumawa ng repleksyon tungkol sa
wikang Pambansa.

Introduksyon
Sa simula ng pagpapatupad ng programang Kindergarten to 12
years of Basic Education (Kto12), inilabas ng Commission on Higher
Education (CHED) ang CHED Memorandum Order (CMO) No. 03,
series of 2013 na nag-aatas ng pagpapatupad ng bagong General
Education Curriculum (GEC) alinsunod sa programang kto12.
Naging kontrobersyal ang nasabing CMO dahil tinangka nitong alisin
o burahin ang espasyo ng wika at panitikang Filipino sa kurikulum
ng kolehiyo. Gayunpaman, dahil sa malawakang kampanya ng mga
grupong Makabayan sa bansa sa pangunguna ng Alyansa ng mga
Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika) ay muling
naibalik ang Filipino at Panitikan bilang mga mandatoring asignatura
sa kolehiyo. Noong Abril 2015, bunsod ng petisyon ng Tanggol
Wika ay naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte
Suprema para ipahinto ang pagtatanggal sa Filipino at Panitikan sa
kolehiyo. Noong Abril 2018 naman ay inilabas ng CHED ang CMO
No. 04, Series of 2018 upang ipatupad ang nasabing resolusyon ng
Korte Suprema. Naging matibay na batayan ng mga argumento ng
Tanggol Wika sa pagpapanatili ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo
ang natatanging papel ng wikang Filipino bilang wikang Pambansa,
wika ng bayan at wika ng pananaliksik na nakaugat sa
pangangailangan ng sambayanan. Ang mga kaisipang ito ang
matibay na pundasyon ng pangangailangan ng sambayanan. Ang mga
kaisipang ito ang matibay na pundasyon ng pangangailangan sa
pagtuturo ng Filipino bilang larangan at ng Filipino sa iba’t ibang
larangan.

Mga Gawain:
1. Basahin ang sanaysay na isinulat ni Nelson Turgo na
pinamagatang “Kung Bakit Nagmura Ako ng … sa Buwan ng
Wika” (tingnan ang Apendiks).
2. Basahin at Pag-aralan ang kasaysayan ng wikang Filipino
(tingnan ang Apendiks).
3. Sipatin din ang mga pahinang tumatalakay tungkol sa Filipino
bilang wikang Pambansa, wika ng bayan at/ng pananaliksik at
Filipino bilang larangan at Filipino sa iba’t ibang larangan
(tingnan ang Apendiks)
4. Isa sa mga institusyong may malaking ambag na sa
intelektwalisasyon ng Filipino ang Unibersidad ng Pilipinas,
Diliman. Pinatutunayan ito ng pag-iral ng progresibong
patakarang pangwika sa UP, na kumikilala at nagpapahalaga
sa papel ng wikang Filipino sa paglikha at pagtuklas ng
karunungan na kapaki-pakinabang sa mga komunidad ng
Pilipinas at kayang-kayang unawain ng mga ordinaryong
Pilipino. Bunga nito, marami-raming tesis at disertasyon sa
UP ang naisulat na sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan.
Maraming full text o buong teksto ng mga pananaliksik na ito
ang matatagpuan sa database na ito:
http:///iskwiki.upd.edu.ph/index.php/Category:Theses#.WvGN
n4iFOM8. Subuking sipatin ang mga pananaliksik sa Filipino
at tingnan kung paano nakapag-ambag ang mga ito sa
pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang wika. (Optional)

PAGLINANG: Mga Gawain


Gawain 1: Pagpapaliwanag (10 pts.)
 Bakit mahalaga ang Filipino at Panitikan sa pagtataguyod ng
makabayang edukasyon?
Narito ang magiging batayan sa pagbibigay ng puntos:

Pamantayan Mahusay Maayos Hindi-mahusay

Nilalaman (4) Mahusay at Maayos ngunit Hindi mahusay


kumpleto ang kulang ang at kulang ang
presentayson/pagpa mga nilalaman ng
paliwanag. hinihinging presentasyon.
lalamanin ng
4 presentayson/p 2-1
agpapaliwanag.

Kahusayan sa Mahusay na Maayos na Hindi mahusay


paggamit ng nailahad ang nailahad ang at maraming
Wika at mensahe gamit ang mensahe gamit mali sa
Gramatika mga salita at ang mga salita paggamit ng
gramatika. at gramatika salita at
(3) ngunit gramatika.
3 nangangailanga
n ng kaunti 1
pang-ensayo.

Paglalahad ng Gumamit ng sapat Gumamit ng Hindi gumamit


Halimbawa at na halimbawa at halimbawa at ng halimbawa at
Ebidensya ebidensya upang ebidensya ebidensya
pangatwiranan ang upang upang
(3) mungkahi. pangatwiranan pangatwiranan
ang mungkahi, ang mungkahi.
3 ngunit kulang.
1
2

Gawain 2: Pagsulat ng Tanaga (30 pts.)

Manunulat ka sa isang lingguhang magasin sa Filipino na


inatasang magsulat ng tatlong tanaga para sa ispesyal na isyung
pang-Buwan ng Wika ng inyong magasin. Ang iyong tanaga ay dapat
na may angkop na pamagat, pumapaksa sa kabuluhan ng Filipino
bilang wika ng bayan, wasto ang pagbabaybay ng mga salita at
gumagamit ng matalinghagang pagpapahayag.

Gawain 3: Paggawa ng Timeline

Gumawa ng timeline sa kasaysayan ng wikang Filipino. Dapat


maging malikhain at hitik sa impormasyon ang gagawing timeline.

PAGTATAYA: Pagsusulit
I. Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang.

1. Proseso ng pagbabalangkas ng malawak na patakaran (antas-


makro) at mga espisipikong gawain (antas-maykro) na
makatutulong sa paglinang ng isang wika.
2-3. Ayon sa konstitusyong 1987, ang dalawang espisipikong
gampanin ng wikang Filipino bilang wikang Pambansa
4. Proseso ng paggamit ng isang wika sa iba’t ibang larangan,
tungo sa mataas na antas ng diskurso gamit ito.
5. Organisasyong nanguna sa kampanya para maibalik ang
Filipino at Panitikan bilang mga mandatoring asignatura sa
kolehiyo.
6. Pandaigdigang Sistema ng malayang kalakalan o free trade
na isinasagawa sa pamamagitan ng pag-aalis ng taripa (buwis
sa imported na produkto)
7. Proseso ng paglamon ng kulturang kanluranin sa lokal na
kultura
8. Ang nagtala ng limang hakbang kaugnay ng pag-unlad ng
Filipino bilang larangan at ng Filipino sa iba't ibang larangan
9. Ang sumulat ng artikulong Intelektuwalismo sa wika
10. Sa konstitusyon, artikulo at seksyong ito nakasaad na ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.

II.
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa sumusunod na mapagpipilian
pagkatapos ng bawat aytem.

1. Tinatawag na Ama ng Wikang Pambansa si


.
a. Lope K. Santos
b. Jose E. Romero
c. Jaime C. De Vera
d. Manuel L. Quezon

2. Binubuo ng letra ang kasalukuyang alpabetong


Filipino.
a. labimpitong c. dalawampu’t walong
b. dalawampung d. tatlumpu’t isang
3. Kasalukuyang ahensya ng pamahalaan na namamahala sa
pagpapaunlad at pagpapalaganap ng wikang Filipino ay ang
.
a. Komisyon sa Wikang Filipino
b. Komisyong Konstitusyonal
c. Linangan ng mga wika sa Pilipinas
d. Surian ng Wikang Pambansa

4. Isinasaad sa ang katawagan ng wikang pambansa


ng Pilipinas ay Filipino.
a. 1935 Konstitusyon c. 1987 Konstitusyon
b. 1973 Konstitusyon d. 1959 Konstitusyon

5. Ang patakaran sa paggamit ng Ingles o Filipino sa mga


tiyak na sabjek ay tinatawag na
a. edukasyong bilinggwal
b. edukasyong monolinggual
c. edukasyong pampubliko
d. edukasyong pribado

6. Nukleyus ng wikang Filipino ang .


a. Cebuano c. Pilipino
b. Filipino d. Tagalog

7. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay .

a. Cebuano c. Pilipino
b. Filipino d. Tagalog

8. Ang Wikang Pambansang batay sa Tagalog ay nagkaroon


ng pangalan noong 1959 at tinawag na .
a. Filipino c. Pilipino
b. Tagalog d. Cebuano

9. Sa panahon ng pananakop ng Kastila, napalitan ng


alpabetong Romano ang .
a. abakada c. alibata silabaryo
b. abecedario d. alpabeto

10. Nagsimula ang kasaysayan ng paghahangad ng bansa na


magkaroon ng isang wika at ito ay noong .
a. 1935 c. 1973
b. 1959 d. 1987

11. Isinulat ni ang sanaysay na pinamagatang “Kung


Bakit Nagmura Ako …”.
a. Contreras c. Rizal
b. Turgo d. Constantino

12. Ano ang ipinagdiriwang ng institusyong pinuntahan ng


may-akda ng “Kung Bakit Nagmura Ako…”?
a. Araw ng Kagitingan
b. Araw ng Kalayaan
c. Buwan ng Wika
d. Buwan ng Pag-ibig

13. Ang sanaysay na pinamagatang “Filipino, ang wikang


pambansang dapat pang ipaglaban.” ay isinulat ni .
a. Contreras c. Rizal
b. Turgo d. Constantino

14. Salitang Cebuano ng hegemony na ginamit sa sanaysay na


“Filipino, ang wikang pambansang dapat pang ipaglaban.”
a. gugma
b. gahum
c. linaw
d. lanaw

15. Ang sumulat ng Intelektwalismo sa Wika ay si .


a. Contreras c. Rizal
b. Turgo d. Constantino

PAGPAPAYAMAN: Ang patuloy na pagkakaroon ng asignaturang Filipino at


Panitikan sa kolehiyo ay tagumpay na dulot ng sama-samang
pagkilos ng mga guro, estudyante at mga mamamayan na nagkaisa sa
pagtatatag ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino
(Tanggol Wika). Isa sa mga pangunahing argumento ng Tanggol
Wika sa pagpapanatili ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo ay ang
kabuluhan ng wikang pamnbansa bilang wikang ginagamit ng
nakararaming mamamayan. Sa perspektiba ng Tanggol Wika, ito ang
wikang nagbibigay sa mamamayan ng kapangyarihang ipahayag ang
kanilang mga hinaing at pangarap, tungo sa mabilis na
pagkakaunawa para sa pagpaplano at pagpapatupad ng plano para sa
kaunlarang panlahat. Mababasa ang kasaysayan at mga pangunahing
argumento ng Tanggol Wika sa excerpts mula sa artikulo (tingnan
ang Apendiks B). Subuking magtala sa iyong kwaderno ng iba pang
argumento na makatutulong sa adbokasi ng Tanggol Wika. Bukod
ditto ay maaari ring basahin ang artikulong “The Filipino National
Language: Discourse on Power” ni Teresita Gimenez Maceda (1997)
o “Intelektwalismo sa Wika” ni Renato Constantino (2015).

PAGPAPAHALAGA: Mahalaga ang pagtataguyod ng nasyonalismong kultural – ang


pagmamahal sa sariling wika, sariling mga tradisyon at iba pa ng
ating bansa – ngunit hindi ito sasapat para maging ganap ang ating
pagmamahal sa bayan. Kailangan maging lunsaran ang
nasyonalismong kultural tungong nasyonalismong politikal at
ekonomiko: ang pagtataguyod ng kapakanan ng mga ordinaryong
mamamayan, ang pagtiyak na ang mga bunga ng kaunlaran ay
tatamasin ng bawat Pilipino, sa halip ng iilang angkan lamang.

MGA SANGGUNIAN: San Juan, D. M. et al. (2019). Sangandaan: Filipino sa Iba’t Ibang
Disiplina. Malabon City:Mutya Publishing House, Inc.
San Juan, D. M. et al. (2018). Talastasan: kontekstwalisadong
komunikasyon sa Filipino. Malabon City: Mutya Publishing
House, Inc.
Santos, A. L., et.al. 2008. Ang Akademikong Filipino sa
Komunikasyon. Malabon City: Mutya Publishing House.

Mga artikulo sa Philippine E-Journals Database


Mga artikulo sa U.P. Diliman Journals Online

Inihanda:

MS. SHIELA MARIE G. SALAC

You might also like