You are on page 1of 5

Kabanata I

Ang Suliranin at ang Sandigan nito

I. Panimula

Ang wika ay kabuhol ng kultura, hindi ito maaaring paghiwalayin sapagkat

isa ito sa katangian ng lahat na uri ng wika. Ayon pa nga kay Salazar (1972),

“ang kultura ay kabuuan ng isip, damdamin, gawi, kaalaman, at karanasan na

nagtatakda ng maangking kakanyahan ng isang kalipunan ng tao kaya ang wika

ay hindi lamang daluyan kundi tagapagpahayag at impukan-kuhanan din ng

alinmang kultura.” Sa Pilipinas, mayroong 12 pangunahing wikang ginagamit

kabilang na dito ang mga wikang; bikolano, hiligaynon, iloko, kapampangan,

cebuano, maguindanaon, tagalog, tausug, waray, chavacano, pangasinense, at

maranao. Ayon sa isang sarbey ang tagalog ang nangungunang wika sa

Pilipinas at pumapangalawa naman ang wikang cebuano kung ang wikang

ginagamit sa tahanan ang pag-uusapan.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (2014) ang wikang Cebuano ay isa

sa mga tinatayang hanggang 75 na mga wikang indigenous na makikita sa

buong isla ng Pilipinas. Tagalog, Cebuano, at Ilokano ay siyang bumubuo sa

pinakamalaking pangkat pangwika sa bansa. Ang cebuano ay sinasalita ng halos

14.5 milyong katao sa Pilipinas, o nasa 25% ng populasyon. Ito rin ang itinuturing

na lingua franca ng katimugang Pilipinas. Tinatawag din itong wikang Sugbuanon

na laganap na ginagamit partikular na sa isla ng Cebu, tahanan ng

pinakamalaking metropolitan areas sa bansa. Itinuring din ito bilang miyembro ng

western o Indonesian sub-group sa pamilya ng mga wikang Austronesian o


Malayo-polynesian. Dahil dito ito ang naging tunguhing wika ng mananaliksik sa

kanyang pag-aaral.

Sa pananaliksik na ito, kakalapin ng mananaliksik ang mga leksikon ng

wikang Cebuano sa mga piling kategorya. Susuriin at ipaghahambing niya ang

mga salitang nakalap batay sa ponolohiya nito at tutukuyin kung may

pagkakatulad ba o may mga varyasyon ang wikang Cebuano sa iisang

komunidad.

II. Paglalahad ng Suliranin

Nilalayon ng pag-aaral na ito na paghambingin ang wikang Cebuano na

karaniwang ginagamit bilang midyum ng komunikasyon sa baranggay Klinan 6,

Polomolok, South Cotabato. Dahil dito, nais ng mananaliksik na matugunan ang

mga sumusunod na suliranin.

1. Makalap at maisalin ang mga leksikon ng wikang Cebuano sa mga

kategoryang:

a. Mga kulay

b. Mga pamilang

c. Katawagan sa pamilya

d. Mga pandiwa

2. Maihambing ang mga wikang nakalap batay sa ponolohiya nito:

a. Segmental

i. Alopono

ii. Diptonggo

b. Supra-segmental
i. Diin

3. Masuri at matukoy ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga leksikon ng

wikang Cebuano na ginagamit sa baranggay Klinan 6, Polomolok, South

Cotabato.

III. Saklaw at Limitasyon

Sinasaklaw lamang ng pag-aaral na ito ang pangangalap at pagsusuri ng

mga leksikon sa piling kategorya (ang kulay, mga pamilang, katawagan sa

pamilya at mga pandiwa) ng wikang Cebuano sa Barangay Klinan 6,

Munisipalidad ng Polomolok, Probinsya ng Timog Cotabato partikular na sa

tatlong piling purok nito. Ang mga purok na ito ay ang Purok Masipag, Purok

Paglaum, at Purok Maabi-abihon. Ang magsisilbing impormante nito ay ang mga

residente ng Barangay Klinan 6 na may gulang na animnapu (60) o higit pa.

IV. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral. Makakatulong ang pag-aaral na ito sa pagpapalawak

ng kanilang kaalaman lalong-lalo na sa larangan ng linggwistika partikular sa

pagsusuri ng ponolohiya ng isang wika.

Sa mga Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay isa sa mga hakbangin sa

pagpapaunlad ng wikang Filipino. Maari itong maging basehan ng mga

mananaliksik sa pagbuo at paglunsad ng mas malalimang pag-aaral di lang sa

wikang Cebuano kundi pati na sa ibang wikang umiiral sa ating bansa.

Sa Institusyon. Nakapagbibigay ng kontribusyon ang pag-aaral sa

pagtupad nito sa layunin ng MSU-GSC lalo na sa Departamento ng Filipino na


makagawa ng mga pananaliksik pangwika na may kinalaman sa pagpapalago ng

wikang Filipino.

Lokal. Ang pag-aaral na ito ay naaayon sa isa sa mga sinasalitang wika

sa lokalidad ng Polomolok. Magiging daan ito upang mas lumawak pa ang

kaalaman ng mga Cebuano sa kanilang wika at mas lalong tangkilikin lalong-lalo

na ng makabagong henerasyon.

Nasyunal. Magiging kapaki-pakinabang ito sa nasyunal lalong-lalo na sa

paglinang ng MTB-MLE o ang Mother Tounge- Based Multilingual Education sa

paggamit ng wikang Cebuano bilang midyum ng pagtuturo-pagkatuto.

Wikang Filipino. Tinutupad ng pag-aaral na ito ang kautusan sa 1987

konstitusyon, artikulo 14 sek. 6 na nag-aatas “Ang wikang pambansa ng

Pilipinas ay Filipino. samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at

pagyamanin pa salig sa lahat na umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga

wika”.

V. Katuturan ng Termino

a. Wikang Cebuano- tinatawag ding Sinugbuanon, ay isa sa mga wikang

Austronesian at ang ikalawa sa pinakamalaking wika na sinasalita sa

Pilipinas. Ito ang katutubong wika na ginagamit sa gitnang kabisayaan at

sa ilang bahagi ng mindanao.

Sa pag-aaral, ang wikang Cebuano ang siyang magiging midyum

na wikang susuriin ng mananaliksik.

b. Ponolohiya – ang pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto, pagtaas-

pagbaba ng tinig, diin at pagpapahaba ng tunog.


Sa pag-aaral, ito ang siyang susuriin ng mananaliksik sa mga

nakalap na leksikon ng wikang Cebuano.

c. Leksikon – isang paraan ng pagbuo ng mga salita. Ito ay mapanuring

pagbuo ng mga salita na naglalayong makapagbigay ng kahulugan at

depenisyon sa mga bagay na may kinalaman sa araw-araw na

pamumuhay.

Sa pag-aaral, ang leksikon ay ang mga salitang kakalapin ng

mananaliksik at ito ang kanyang susuriin at ipaghahambing batay sa

ponolohiya nito.

You might also like