You are on page 1of 3

LYCEUM – NORTHWESTERN UNIVERSITY

DAGUPAN CITY, PHILIPPINES

Institute of Graduate and Professional Studies

DOCTOR OF PHILOSOPHY IN FILIPINO LANGUANGE

REAKSIYONG PAPEL SA PAGLATAG NG KWF SA ESTRATEHIYA SA

PAGPAPLANONG PANGWIKA

a. Ang Pakikipaglaban sa English


b. Pakikiayon ng Filipino sa wikang bernakular
c. Ang Internal o pagloob na tunggalian sa paglinang ng isang buhay at dinamikong
wika.

Inihanda ni:

JOSEPHINE I. ROXAS

Panimula:

Napakahalaga ang wika sa isang bansa upang magkaintindihan at

mapaunlad ang isang pamahalaan. Ang wika ang siyang sandata ng isang bansa

upang maging matibay at maayos ang estado ng bawat mamamayan. Tungkulin ng

estado na panatilihing maayos at payapa ang bansa. Kung ito nga ang tunguhin,

nagsisimula dapat sa pagbuo ng nagkakaisa at buklod-buklod na pambansang

komunidad. Upang makamit ang pagkakaisang ito, dapat nagkakasundo ang isa’t isa.

Ngunit magkakasundo lamang kung nagkakaintindihan, at magkakaintindihan lamang

kung nagsasalita sa parehong wika. Samakatwid, sa isang bansang multilingguwal

tulad ng Filipinas, isang kahingian ang pagkakaroon ng lingua franca. Dito ngayon

pumapasok ang pangangailangan ng pagpaplanong pangwika. Tumutukoy ang


pagpaplanong pangwika sa sinasadyang pagtatangka (ibig sabihin ay mayroong

conscious o deliberate effort) upang tahasang impluwensiyahan ang paggamit,

estruktura, at akwisisyon ng isa o higit pang mga wika sa isang pamayanan ng mga

mananalita. May 11 ng tunguhin ng pagpaplanong pangwika ang natukoy:

puripikasyon ng wika; muling pagbuhay ng wika; repormang pangwika;

estandardisasyon ng wika; pagpapalaganap ng wika; leksikal na modernisasyon;

pag-iisa (unification) ng mga terminolohiya; simplikasyon; interlingguwal na

pakikipagtalastasan; presebasyon (maintenance) ng wika; at, estandardisasyon ng

awksilyar na kodigo (auxiliary-code).

Sa pag-aaral na ito, rerevyuhin ang kasalukuyang


direksiyon ng pamahalaan sa mga naitatag nang mga
patakarang pangwika. Pagkatapos, ipupunto ang mga puna at
saka magbibigay ng mga mungkahi. Huhubog ang may-akda ng
mga mungkahi mula sa obserbasyon ng ilang mga pag-aaral na
tumingin na rin sa paksang ito. May pagkanormativ itong pag-
aaral, ngunit nakabatay pa rin naman ang pag-aaral sa mga
ebidensiya at empirikal na datos.

Inspirado ang normatibong sipat nitong pag-aaral mula sa


mga akda nila Almario at Tauro. Ihinahalintulad ni Almario
(Wikang Filipino para sa Bagong Milenyum, 2001) ang
pagpaplanong pangwika sa pagpaplanong pandigma: dapat
masusi at pinag-aaralan nang husto. Sa kabilang dako,
humuhugot naman si Tauro (Paano nga ba dapat Pamahalaan
ang Wika?, 2002) mula sa karanasan ng Pamantasang De La
Salle. Aniya, hindi maaaring diktahan ang agos ng wika, kaya’t
ang magagawa lamang ay pakiramdaman ang takbo nito at
umayon sa kaniyang mga pangangailangan. Ang mga empirikal
na datos naman ay magmumula sa mga obserbasyon ni
Gonzalez (The Language Planning Situation in the Philippines,
1998; Language Planning in Multilingual Countries: The Case
of the Philippines, 2003) at Sugbo (Language Policy and Local
Literature in the Philippines, 2003).

Bilang suplemento sa naging pag-aaral nila Almario, Gonzalez,


Sugbo, at Tauro, layunin nitong pag-aaral na maglatag ng mga
rekomendasyon at isang pangkalahatang estratehiya tungo sa
mas mahusay na pagpaplanong pangwika sa bansa. Ipapaalala
na binibigyang-diin nitong pag-aaral ang wikang Filipino,
ngunit mababanggit din ang mga bernakular. Maaaring isang
kahinaan nitong pag-aaral ang asumpsiyon o pagpapalagay na
naaangkop pa rin ang mga nagawa nang pag-aaral sa
kasalukuyang kalagayan ng mga palising pangwika, bagamat
ang mga pinagsasangguniang pag-aaral ay naisulat sa pagitan
ng 1998 at 2003. Naniniwala ang may-akda na umiiral pa rin
ang kanilang naobserbahang status quo at walang drastikong
pagbabago ang naganap. Alalahanin ding limitado ang naging
seleksiyon ng mga kaugnay na artikulo sa mga akdang
pinanghahawakan ng mga laybrari ng Unibersidad at sa mga
artikulong mababasa nang walang bayad sa internet.

You might also like