You are on page 1of 15

PAGSANG-AYON AT

PAGSALUNGAT SA
PAGPAPAHAYAG NG
OPINYON
Sa pagpapahayag ng opinion ay
hindi maiiwasan ang pagsalungat o
pagsang-ayon. Bawat isa ay may kani-
kaniyang opinyong dapat nating
igalang o irespeto ito man ay pabor sa
atin o hindi.Kailangan maging
magalang at malumanay sa
pagbibigay ng ating mga opinion
upang maiwasan ang makapanakit
ng damdamin.
PAHAYAG SA PAGSANG-AYON
Ito ay nangangahulugan din ng pagtanggap,
pagpayag, pakikiisa o pakikibagay sa isang pahayag
o ideya. Ang ilang hudyat na salita o pariralang
ginagamit sa pagsang-ayon ay kabilang sa pang-
abay na panang-ayon gaya ng ….
• Biliib ako sa iyong sinasabing…
• Ganoon nga….
• Sang-ayon ako….
• Sige…..
• Kaisa mo ako sa bahaging iyan….
• Maaasahan mo ako riyan….
• Iyan din ang palagay ko…..
• Iyan ay nararapat…..
• Totoong…..
• Lubos akong nananalig…
• Oo…
• Talagang kailangan…
• Tama ang sinabi mo….
• Tunay na
PAHAYAG SA PAGSALUNGAT
• Ito ay pahayag na nangangahulugan ng
pagtanggi, pagtaliwas, pagtutol, pagkontra sa
isang pahayag o ideya.Ang mga pang-abay na
pananggi ay ginagamit sa pagpapahayag na ito.
Sa pagsalungat nang lubusan ginagamit ang
sumusunod:
• Ayaw ko ang pahayag na…..
• Hindi ako naniniwala riyan…..
• Hindi ako sang-ayon dahil…..
• Hindi ko matatanggap ang iyon sinabi…
•Hindi tayo magkasundo…
•Hindi totoong…
•Huwag kang…..
•Ikinalulungkot ko……
•Maling – mali talaga ang iyong….
•Sumasalungat ako sa …..
Panuto: Suriin ang pahayag sa bawat
bilang. Lagyan ng mukhang
nakangiti kung ito’y
nagpapahayag ng pagsang-ayon
o mukhang malungkot
kung pagsalungat.
1. Lubos akong nananalig sa sinabi mong
maganda ang buhay rito sa mundo.
2. Ayaw kong maniwala sa mga taong
nagsasabing higit na maganda ang
buhay ngayon kaysa noon.
3. Hindi totoo ang paniniwalang iyan,
napakahirap ang mabuhay sa mundo.
4. Talaga palang may mga taong
negatibo ang pananaw sa buhay. Huwag
natin silang tularan.
5. Maling – mali ang kanyang tinuran. Walang
katotohanan ang pahayag na iyan.
6. Kaisa ako ng lahat sa mga pagbabagong nais
nilang mangyari sa mundo.
7. Hindi ko matatanggap ang mga pagbabagong
magdudulot ng kasiraan sa ating pag-uugali at
kultura.
8. Maling – mali talaga ang mga pagbabago kung
ito’y hindi makabubuti sa lahat.
9. Ganoon din ang nais kong sabihin sa kanyang
tinuran.
10. Totoong kailangan ng pagbabago kaya’t gain
natin ito sa tamang paraan.
SUBUKIN PA NATIN

Panuto: Sumulat ng opinion kaugnay


sa ilang isyung may kinalaman sa
kalagahan ng salapi at karunungan sa
buhay ng tao. Isulat ang iyong sagot
sa mga linya pagkatapos ng mga
pangungusap.
1. Ang salapi ang ugat ng lahat
ng kasamaan dito sa mundo.
Pahayag na Pagtanggi:
_______________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
2. Ang karunungan ay
kayamanang hindi mananakaw sa
isang tao. Pahayag na Pagsang-
ayon:
__________________________________
__________________________________
__________________________________
3. Ang tunay na kaligayahan at
tagumpay ay makakamit sa
pagkakaroon ng maraming salapi at
kayamanan. Pahayag na Pagtanggi:
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
4. Ang taong matalino bagama’t
kapos sa buhay ay tiyak na
magtatagumpay. Pagpapahayag ng
Pagsang-ayon:
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
5. Kapwa mahalaga ang salapi at
karunungan sa buhay ng tao. (Malayang
sabihin ang sariling
opinion):_________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
____________________________

You might also like