You are on page 1of 11

Ang balagtasan ay uri ng

pagtatalo ng dalawang
magkaibang panig ukol sa isang
paksa. Hinango mula sa
pangalan ni Francisco Balagtas,
inilalahad ang sining na ito ang
isang uri ng panitikan na kung
saan ipinapahayag ang mga
saloobin o pangangatwiran sa
pamamagitan ng pananalitang
may mga tugma sa huli.
Unang nagsimula ang balagtasan sa
Pilipinas noong Abril 6, 1924 na nilikha ng
mga pangkat na manunulat para
alalahanin ang kapanganakan ni
Francisco Balagtas. Ginawa nila ang
unang balagtasan na may tatlong hanay
ng mga makata na ipinapahayag ng isang
naka-iskrip na pagtatanggol. Binatay nila
ang anyo sa mas naunang mga uri ng
pagtatalo na gumagamit din ng elemento
ng tula katulad ng karagatan.
Kadalasan itong binubuo ng tatlong
magtatanghal na may dalawang magtatalo
na magkasalungat ang pananaw at isang
tagapamagitan na tinatawag na
lakandiwa (lalaki) o lakambini (babae).
Mayroon din mga hurado na siyang
maghuhusga kung sino ang mananalo.
Inaasahan ang panitikang ito na
patalinuhan ng pagpapahayag ng mga
patulang argumento ngunit maaari din
itong magbigay libangan sa pamamagitan
ng katatawanan, anghang ng pang-aasar,
pambihirang talas ng isip, at mala-
teatrikong at dramatikong pagpapahayag.
Tauhan

Mensahe PinagKaugalian

Paksa
Tauhan
1. LAKANDIWA- Siya ang
tagapagpakilala ng paksa ng
paglalabanan sa tulaan ng
dalawang mambabalagtas.
• Siya rin ang tagapamagitan o
tagapagbigay-hatol ayon sa
katwirang inilahad tungkol sa
paksa, tikas, tinig at
kakayahang umakit sa mga
nakikinig.
2. Mambabalagtas- Tawag sa
taong nakikipagbalagtasan o
makatang lumalahok dito na
karaniwang sumusulat ng
pyesa ng balagtasan.
Makata ang gumagawa ng tula,
mga akda at nagwagi na sa
larangan ng pagsulat.
3. Manonood- Sila ang mga tagapakinig sa
isang pagtatanghal ng balagtasan. Sila ay
isa sa mga pangangailangan sa ganitong
uri ng presentasyon. Ang kahusayan ng ga
mamababalagtas at masusukat sa
reaksyon ng mga manonood. Ang
taginting ng kanilang mga palakpakay
isang inspirasyonpara sa kanila.

You might also like