You are on page 1of 1

MGA PAHAYAG NG PAGSANG - AYON AT PAGSALUNGAT

Ito ay isang pahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala
ay maging katanggap- tanggap o kapani- paniwala. Layuning nitong hikayatin ang mga tagapakinig na
tanggapin ang kawastuhan ng kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatuwirang
pagpapahayag.
Bahagi ng araw araw na pakikipag-ugnayan ng tao ang pagsang-ayon o pagsalungat sa
paksang pinag-uusapan. Hindi lahat ng mga detalye o mensahe ng pahayag ng kausap ay sinasang-
ayunan o tinututulan. Sa pagsasaad ng pag sang ayon o pagtutol, mahalagang maunawaan nang lubos
ang pahayag upang makapagbigay ng katuwiran na magpapatibay sa ginawang pagtutol o pagsang-
ayon.
PAGSANG-AYON - Ito ay nangangahulugan ng pagtanggap, pagpayag, pakikiisa o pakikibagay sa
isang pahayag o ideya. Ang ilang hudyat na salita o pariralang ginagamit sa pagsang-ayon ay kabilang
sa pang-abay ng panang- ayon gaya ng:
 bilib ako sa iyong sinabi na
 ganoon nga
 kaisa mo ako sa bahaging
 maasahan mo ako riyan
 iyan din ang palagay ko
 iyan ay nararapat
 sang-ayon ako
 sige
 lubos akong nananalig
PAGSALUNGAT - ito ay pahayag na nangangahulugan ng pagtanggi pagtaliwas, patutol, pagkontra
sa isang pahayag o ideya. Ang mga pang-abay na pananggi ay ginagamit sa pagpapahayag na ito sa
pagsalungat nang lubusan ginagamit ang mga sumusunod:
 ayaw ko ang pahayag na…
 hindi ako naniniwala riyan..
 hindi ako sang-ayon dahil…
 hindi ko matanggap ang iyong sinabi …
 hindi tayo magkasundo..
 hindi totoong..
 huwag kang…
 ikinalulungkot ko…
 maling-mali talaga ang iyong …
 sumasalungat ako sa…

PANUTO: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng mukhang nakangiti 😊 kung itoy
nagpapahayag ng pagsang-ayon at mukhang malungkot ☹ kung pagsalungat.

____1. Lubos akong nanalig sa sinabi mong maganda ang buhay dito sa mundo.
____2. Ayaw kong maniwala sa mga taong nagsasabing higit na maganda ang buhay ngayon sa noon.
____3. Hindi totoo ang paniniwalang iyan, napakahirap ang mabuhay sa mundo.
____4. Talaga palang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay. Huwag natin silang tularan.
____5. Maling-mali ang kanyang tinuran. Walang katotohanan ang pahayag na iyan.
____6. Kaisa ako sa lahat sa mga pagbabagong nais nilang mangyari sa mundo.
____7. Hindi ko matanggap ang pagbabagong magdudulot ng kasiraan sa ating pag-uugali at kultura.
____8. Maling-mali talaga ang mga pagbabago kung ito’y hindi makabubuti sa lahat.
____9. Ganoon rin ang nais kong sabihin sa kanyang tinuran.
____10. Totoong kailangan ng pagbabago kaya’t gawin natin ito sa tamang paraan.

You might also like