You are on page 1of 9

EKSPRESYONG

HUDYAT
NG
KAUGNAYANG
LOHIKAL
EKSPRESYONG HUDYAT NG
KAUGNAYANG LOHIKAL
Sa paglalahad ay mahalagang maipakita ang
wastong pagkakasunod-sunod at ugnayan ng
mga pangyayari. Kailangang lohikal na
maipakita ang ugnayan upang madaling
makuha o maunawaan ang mensaheng nais
iparating ng nagsasalita o nagpapahayag.
EKSPRESYONG HUDYAT NG
KAUGNAYANG LOHIKAL
1. SANHI AT BUNGA – ang lohikal na ugnayan ng
sanhi at bunga ay dapat na maliwanag na makita ng
mga mambabasa o tagapakinig
sapagkat, palibhasa, dahil, kasi, kaya, dahil, bunga
halimbawa:
Nagsikap siyang mabuti sa kanyang pag-aaral kaya
gumanda ang kanyang buhay.
EKSPRESYONG HUDYAT NG
KAUGNAYANG LOHIKAL
2. PARAAN AT RESULTA – nagsasaad kung
paano nakuha ang resulta. Ang “sa” ay
karaniwang ginagamit sa ganitong pahayag
halimbawa:
Nagbago ang kanyang buhay sa tulong ng
kanyang mga kaibigan.
EKSPRESYONG HUDYAT NG
KAUGNAYANG LOHIKAL
3. KONDISYON AT RESULTA – maaaring
maganap o sumalungat ang pangyayari kung
isasagawa ang kondisyon.
kung, kapag, sana, sakali
halimbawa:
Kung magsisikap ka sa buhay hindi ka mananatiling
mahirap.
EKSPRESYONG HUDYAT NG
KAUGNAYANG LOHIKAL
4. PARAAN AT LAYUNIN – isinasaad kung paano
makakamit ang layunin gamit ang paraan
upang, para
halimbawa:
Nagsikap siyang mabuti sa pag-aaral upang mabago
ang kanyang buhay.
EKSPRESYONG HUDYAT NG
KAUGNAYANG LOHIKAL
5. PAG-AALINLANGAN AT PAG-AATUBILI –
magkaugnay sapagkat ang nag-aalinlangan o nagdududa ay
nag-aatubili o hindi kaagad isinasakatuparan o
pinaniniwalaan ang isang bagay. Gayundin, ang isang nag-
aatubili ay bunga ng pag-aalinlangan
hindi sigurado,yata, tila, baka, marahil
kaya, samakatuwid, kung gayon
halimbawa: Tila mahirap ang sinasabi mo kaya baka hindi ko
magawa ang bagay na iyan.
EKSPRESYONG HUDYAT NG
KAUGNAYANG LOHIKAL
6. PAGTITIYAK AT PAGPAPASIDHI –
ugnayang nagsasaad ng katiyakan o kasidhian
siyang tunay, walang duda, sa katotohanan,
talaga, tunay, siyempre
halimbawa:
Talagang hindi hadlang ang kahirapan sa buhay
at walang dudang napatunayan ko ito.
DUGTUNGAN:
Mahalagang matukoy ang
mga ekspresyong
nagpapakita ng
kaugnayang lohikal
dahil…..

You might also like