You are on page 1of 20

Kontemporaryong

Programang
Pantelebisyon
Modyul sa Filipino 8
Ikatlong Markahan-Linggo 3

GRETCHEN B. ANTONIO
Tagapaglinang

Kagawaran ng Edukasyon.Administratibong Rehiyon ng Cordillera


Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Administratibong Rehiyon ng Cordillera
Pampaaralang Sangay ng Kalinga
Bulanao, Tabuk City, Kalinga

Inilathala ng:
Learning Resource Management and Development System

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI


2021

Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293 na hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa maaaring gampanin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang materyal na ito ay nagawa para sa implementasyon ng K-12
Kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon. Alin mang bahagi nito ay pinahihintulutang
kopyahin kung ito ay para sa pag-aaral ngunit kailangang kilalanin ang may-ari nito.

II
Alamin
Isa sa mahalagang midyum ang telebisyon sa larangan ng broadcast media
at hindi maikakailang bahagi at buhay ng bawat Pilipino ang telebisyon. Naging
bahagi at sinasabing kasama sa daily routine ng mga Pilipino ang panonood ng mga
palabas sa telebisyon simula sa paggising sa umaga sa mga morning show
hanggang sa oras na bago matulog sa mga primetime na mga panoorin kabilang na
ang mga teledrama, balita at mga dokumentaryong pantelebisyon.
Sa pagtatapos ng modyul, ikaw ay inaasahang:
● Nahihinuha ang paksa, layon at tono ng akdang nabasa
● Natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may
kaugnayan sa paksa
● Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang
mga pamantayan
● Naipahahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at katuwiran
● Nagagamit nang wasto ang mga ekspresiyong hudyat ng kaugnayang lohikal

Subukin
Heto na, simulan na natin ang unang hakbang patungo sa bagong mundo ng
kaalaman na ating tutunguhin. Huwag kang mag-alala, layunin nitong sukatin ang
dati mong kaalaman tungkol sa paksa.
Panimulang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang
letra na tumutukoy sa pinakatamang sagot sa bawat katanungan. Isulat sa sagutang
papel ang iyong sagot.

1. Isa itong pamamaraang telekomunikasyon na ginagamit upang makapaghatid ng


tunog at gumagalaw na imahe.
a. radio b. rekord c. telebisyon d. print

2. Anong mensahe ng dokumentaryong telebisyon ni Kara David?


Gamo- gamo sa dilim ni Kara David Humahanga ako sa dedikasyon ng mga guro at
higit sa lahat sa mga kabataan ng mga taga Little Baguio dahil bagama’t kulong sila
sa rehas ng kahirapan at bulag sa dilim ng kanilang landas ay patuloy silang
nagsususmikap, nangangarap at lumalaban upang maging mas maliwanag ang
kanilang kinabukasan.
a. pagpapahalaga sa edukasyon c. pangangalaga sa gamo-gamo
b. pag-iwas sa paggawa ng masama d. pag-aaral ng mga taga-Baguio
para di makulong

1
3. Ito ay naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto
na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at
pamumuhay sa isang lipunan.
a. telebisyon c. dokumentaryong pantelebisyon
b. komentaryong panradyo d. dokumentaryong pampelikula

4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa dapat isaalang-alang sa


pagsasagawa ng panayam sa dokumentaryong pantelebisyon.
a. maging magalang c. itanong ang lahat kaugnay sa paksa
b. magtanong ng magtanong d. makinig nang mabuti sa kapanayam

5. Alkansiya ni Kara David wala siyang tigil sa kapaguran. Sa kabila ng lahat ng


kaniyang ginagawa, barya-barya lang ang kaniyang kinikita na inilalagay niya sa
kaniyang alkansiya. Palibhasa, malaki ang pagnanais niyang makaipon nang
sapat na halaga para sa kaniyang pag-aaral kaya kahit barya lamang ang kapalit
ng lahat ng kaniyang paghihirap, pinagtitiisan niya ang lahat ng mga ito.

Alin sa mga sumusunod ang paksa ng binasang bahagi ng


dokumentaryo?
a. Pagpapahalaga sa Edukasyon
b. Pagtitiis sa kahirapan
c. Pag-iipon para sa kinabukasan
d. Mag-aral ng mabuti para umangat

6. Ito ang naghahatid ng balita at mga programang nakaaaliw at kawili-wili.


a. telebisyon b. radyo c. facebook d. youtube

7. Maaaring maghatid ng balita, talakayan at impormasyon sa bayan man o sa


nayon.
a. telebisyon b. facebook c. radyo d. youtube

8. Isang palabas na maaaring maging daan upang maimulat ang mamamayan sa


katotohanan ng buhay sa kaniyang paligid.
a. komiks b. balita c. Dokumentaryo d. Radyomentaryo

9. Ang “Matanglawin” ay isang programa na tumatalakay sa mga bagay na noong


una ay pinag-aaralan lamang sa pamamagitan ng mga nakalimbag na
impormasyon. Anong uri ng palabas o programa ito?
a. Morning show c. Educational Program
b. News Program d. Variety show

10. Ang “I-Witness” ay isang halimbawa ng News Program na naglalayon


na magpabatid ng mga impormasyon at magsalaysay. Ano ang tono ng
programang ito?
a. mang-aliw c. magpahayag

2
b. magbigay inpormasyon d. magsalaysay

11. Ang “24 Oras” ay isang halimbawa ng News Program na naglalayon


na magpabatid ng mga impormasyon at magsalaysay. Ano naman ang
paksa ng isang News Program?
a. mga napapanahong pangyayari c. mang-aliw
b. magsalaysay d. magpahayag

12. Ito ay isang uri ng konseptong lohikal na nagpapahayag ng sanhi o dahilan


ng isang pangyayari. Halimbawa nito, “Nag-aaral siyang mabuti kaya naman
natuto siya nang husto” anong uri ng koseptong may kaugnayang lohikal ito?
a. Dahilan at Bunga/Resulta
b. Paraan at Layunin
c. Paraan at Resulta
d. Kondisyon at bunga

13. Ito ay isang halimbawa ng isang “Educational Program” na programa sa


telebisyon?
a. Matanglawin c. Eat Bulaga
b. TV Patrol d. It’s Showtime

14. Ito ay mga dapat tandaan sa pakikipanayam para maisakatuparan ang


pagbuo ng isang dokumentaryong Pantelebisyon.Alin sa mga sumusunod
ang hindi dapat gawin?
a. Maging magalang
b. Magpaalam sa taong gustong kapanayamin
c. Magtanong ng magtanong
d. Magpasalamat

15. Ito ang mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at


estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at
tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.
a. Dokumentaryong panradyo
b. Dokumentaryong pantelebisyon
c. Dokumentaryong panpelikula
d. Wala sa nabanggit

3
Balikan
Sa naunang modyul, iyong napag-alaman ang kontemporaryong panradyo o
mga balitang napakinggan, mga dokumentaryong panradyo at mga salitang
ginagamit sa radio broadcasting. Nalaman mo rin ang kahalagahan at gamit ng mga
balita na napakikinggan sa radyo.
Sa modyul na ito, nakapokus sa kontemporaryong pantelebisyong mga
napapanood na palabas sa telebisyon. Alam ko, na marami kang natutunan sa
unang modyul. Halika’t atin munang sariwain ang mga natutunan mo sa naunang
mong modyul.

GAWAIN 1: Paborito Ko!

Panuto: Isulat mo sa loob ng larawan ng radyo ang iyong paboritong pinakikinggang


programa. Ipaliwanag mo rin ang dahilan kung bakit mo pinanonood o pinakikinggan
ang mga programang iyong nabanggit. Magbigay lamang ng tatlong programa na
paborito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Paboritong programa sa Radyo:


____________________________________
______________________
_____________________________

Dahilan Kung Bakit Kinagigiliwan:


____________________________________
____________________________________
____________________________________
_______.

4
Paboritong programa
sa Radyo:
___________________

Dahilan Kung Bakit


Kinagigiliwan:
Pamantayan sa Gawain 1
___________________
___________________
_
Mga Batayan Mga Puntos
5 3 1

Nilalaman Mabisa at angkop Hindi gaanong Walang kaugnayan


naipapahayag ang naipahayag ng at hindi wasto ang
sagot sa tanong mabisa ang sagot sagot sa tanong
sa tanong
Pagkakabuo Angkop ang mga May ilang salitang Hindi angkop ang
salitang ginamit sa hindi angkop ang mga ginamit sa
pagbuo ng pagkagamit sa salita sa
pangungusap mga pangungusap pangungusap

Tuklasin
Kaibigan! Sa pagkakataong ito alam kong may nahihinuha ka na sa ating
paksa kaya’t halika’t samahan mo ako at ating tuklasin ang mga Kontemporaryong
Programang Pantelebisyon.

GAWAIN 1: Bet na Bet kong Palabas!

Panuto: Kilalanin ang mga programang pantelebisyon sa ibaba, nasubukan mo na


ba itong napanood o di kaya’y isa ba ito sa iyong paborito? Ano ang pagkakatulad at
pagkakaiba nila sa isa’t isa at tungkol saan ang mga programang ito?

News Program
TV Patrol/24 Oras
It’s Showtime/Eat Entertainment
Bulaga Program
S.O.C.O/Imbestigador Crime Show
Umagang Kay Morning Show
Ganda/Unang Hirit
Matanglawin/Aha! Educational
Program

Mga Gabay na Tanong

1. Alin ang pamilyar sa iyo?

5
2. Pumili ng tatlo at isaayos ayon sa dalas ng iyong panonood. Ipaliwanag kung
bakit.

Suriin
Binabati kita sa iyong pagsakatuparan ng mga gawain sa pagtuklas ng mga
kaalaman kaugnay ng radyo bilang isang midyum ng broadcast media. Ngayon
naman, ating alamin ang mga mahalagang kaalaman tungkol sa isa pang midyum
ng broadcast media, ang telebisyon.

Mga Kontemporaryong Programang Pantelebisyon


Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding
isang uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng
isang tao. Ito’y mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-
espiritwal, pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon, at iba pa. Malaki ang
nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang kaisipan, ugali
kabuluhan, at pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwesiyahan ng
pinanonood na mga programa sa telebisyon.

Dokumentaryong Pantelebisyon- mga palabas na naglalayong maghatid ng


komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay
at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan. At sa bawat palabas o
programa ay may mahihinuha kang paksa, layon at tono ng palabas.
1. Paksa – ito ang pagtalakay sa nilalaman ng akdang napakinggan/napanood o
ang pinag-uusapan o pinatutungkulan.
2. Tono – tumutukoy sa saloobin ng may akda na nagagawang magaan ang
paglalahad sa isang akda kung ito ba ay kawili-wili o nakaaaliw.
3. Layon – ito naman ang pananaw at katuwiran ng napanood o napakinggan
na dokumentaryo. Tumutukoy rin ito sa nais mangyari o makamit.

Mga Dapat Tandaan sa Pakikipanayam upang Maisakatuparan ang Pagbuo ng


Dokumentaryong Pantelebisyon

1. PAGHAHANDA PARA SA PANAYAM


a. Magpaalam sa taong gustong kapanayamin.
b. Kilalanin ang taong kakapanayamin.
c. Para sa karagdagang gamitin ang kasunod na site.

2. PAKIKIPANAYAM
a. Maging magalang
b. Magtanong nang maayos.
c. Itanong ang lahat na ibig malalam kaugnay ng paksa.
d. Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam.

3. PAGKATAPOS NG PANAYAM

6
a. Magpasalamat.
b. Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa panayam.

MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL


May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinag-ugnay o
pinagsama. Halimbawa nito ang mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o
kaugnayang lohikal tulad ng dahilan at bunga, layunin at paraan, paraan at resulta,
kondisyon at bunga o kinalabasan.
1. Dahilan at Bunga/Resulta – Nagpapahayag ng sanhi o dahilan ng isang
pangyayari. Nagsasabi naman ng bunga o kinalabasan ang resulta.

Tingnan ang mga halimbawang pangungusap na nagpapakita ng relasyong


dahilan/sanhi at resulta/ bunga. Pansinin ang mga pang-ugnay na ginamit, gayon din
ang padron ng pagsusunod-sunod ng mga konsepto.
Nag-aaral siyang mabuti (dahilan + pang-ugnay+resulta)
kaya/kaya naman natuto
siya nang husto.

Nag-aaral siyang mabuti. (dahilan + pu + resulta; may hinto


dahil dito/Bunga nito/Tuloy sa pagitan ng dahilan at resulta)
natuto siya nang husto.

Makikitang maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa iba’t ibang


paraan. Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, pagkat, dahil,
dahilan sa at kasi sa pagsasabi ng dahilan o sanhi samantalang naghuhudyat ng
resulta o bunga ang mga pang-ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito, bunga
nito.

2. Paraan at Layunin
Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o
naiisipan sa tulong ng isang paraan. Tingnan ang halimbawa. Pansinin ang mga
pang-ugnay (pu), pati na ang padron ng pagpapahayag ng relasyon.
Upang/Para matuto nang husto, (pu + layunin + paraan)
nag-aaral siyang mabuti.

Nag-aaral siyang mabuti


upang /para/nang sa ganoo’y (paraan + pu + layunin)
matuto nang husto.

Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang, o nang sa


ganoon upang maihudyat ang layunin.

3. Paraan at Resulta

7
Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta. Pansining
maigi ang mga naibigay na halimbawa.

Sa matiyagang pag-aaral, (paraan + resulta)


nakatapos siya ng kanyang kurso.

Nakatapos siya ng kanyang (resulta + paraan)


kurso sa matiyagang pag-aaral.

Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito. Inihuhudyat ng


sa ang paraang ginamit upang makamit ang resulta.

4. Kondisyon at Bunga o Kinalabasan


Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan: Una, tumbalik o salungat
sa katotohanan ang kondisyon. Tingnan mabuti ang halimbawa:

Kung nag-aaral ka lang nang mabuti, (pu + kondisyon + bunga)


sana’y natuto ka nang husto.

Natuto ka sana nang husto (bunga + pu + kondisyon)


kung nag-aral kang mabuti.

At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon; tulad nito:

Kapag/Sa sandaling/ basta’t (pu+ kondisyon + bunga)


nag-aral kang mabuti,
matututo ka nang husto.

Matututo ka nang husto (bunga + pu + kondisyon)


kapag/ sa sandaling/ bastat
nag-aral kang mabuti.
Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit ang pang-
ugnay na kung at karaniwan itong sinamahan ng sana upang maipakitang salungat
nga sa katotohanan ang bunga o kinalabasan. Sa ikalawa, ginamit ang kapag, sa
sandaling o basta’t upang ipahayag na maaaring maganap ang isang pangyayari
kung isasagawa ang kondisyon.

Ngayon naman ating basahin ang halimbawa ng isang Dokumentaryong


pantelebisyon.

8
Pananakit sa Bata Bilang Pagdidisiplina
Dapat bang Ipagbawal?

GMA NEWS TV: Balitanghali


Balitang-ulat ni Kara David

Agosto nang mamatay ang isang batang babae sa Cebu matapos


pagmalupitan daw ng kanyang madrasta.
Anim na estudyante naman sa Santiago, Isabela ang pinakain ng chalk ng
kanilang guro ilang linggo lamang ang nakaraan. Ilan lamang ang mga ito sa kaso
ng pang-aabuso sa mga bata na naging laman ng balita.
Sa isang pag-aaral lumalabas na 82% ng mga bata sa Pilipinas ang
nakaranas ng pisikal na pananakit sa kamay ng kanilang magulang. Ayon naman sa
UNICEF, 60% ng mga nanay sa Pilipinas umaming pinarurusahan nila ang kanilang
mga anak at 30% sa kanila ay gumagamit ng matinding pananakit.
Ito ang dahilan kung bakit isinusulong ng ilang mambabatas ang pagbabawal
sa corporal punishment o pananakit sa mga bata bilang paraan ng pagdidisiplina sa
Kongreso nasa 3rd reading na ang House Bill 4455 na nagbabawal sa corporal
punishment at nagsusulong ng alternatibong paraan ng pagdidisiplina.
Sa ilalim ng ordinansa, matatawag na corporal punishment ang pamamalo,
panunutok, pananadyak, at paggamit ng iba’t ibang bagay tulad ng baston, sapatos,
sinturon at iba pa. Bawal din ang pamimingot, pananabunot, pangungurot,
pananadyak at pagpilipit ng kamay at marami pang iba.
Maaaring makulong nang hindi hihigit sa anim na buwan o multang Php 1,000
ang lalabag nito. “Ang kinatatakutan namin, baka kaunting taas ng boses namin
mayroong batang kakasuhan kami kaagad. Nadismisa siguro ang aming authority at
baka masobrahan ang karapatan ng bata na hindi na alam yung resposibilidad nila
(paliwanag ni Evangeline Abubakar, isang guro). Ayon naman kay De Guzman, hindi
raw agad ikukulong ang lalabag sa ordinansa. Isasailalim daw muna ang guro o
magulang sa Counseling at assessment.
Oktubre 5, 2011, BALITANGHALI
GMA NEWSTV, Channel 11

9
Pagyamanin
Handa ka na ba? Upang lalo pang yumabong ang iyong mga nalalaman. Halika na’t
sabay nating sagutin ang mga sumusunod na gawain.

Gawain 1: Crossword Puzzle


Panuto: Tukuyin ang mga hinihinging salita sa pamamagitan ng pagbuo ng puzzle,
ito ay may kaugnayan sa binasa nating akda na “Pananakit sa Bata Bilang
pagdidisiplina, dapat bang ipagbawal” ni Kara David na isang sikat na host sa isang
dokumentaryong pantelebisyon. Gawing batayan ang kahulugan ng mga salitang
nakatala sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.
Patayo Pahalang
● Pang-aabuso, pananakit ∙ mapiit, makulong
● Mahirapan, mapalo ∙ utol, hindi sang-ayon
● Hindi maaaring gawin ∙ mungkahi; posisyon
● Batas; kautusang pambayan ∙ pagsunod; kaayusan

10
GAWAIN 2: Sinematotohanang Kaganapan

Gamit ang mga salita o ekspresiyong nagpapakita ng mga ugnayang lohikal,


sabihin ang kaisipang isinasaad ng bawat larawan. Gawin ito sa sagutang papel.

Isaisip
Gawain 1: Sagutin ang mga sumusunod na tanong upang makabuo ng
paghihinuha hinggil sa binasang akda. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Maraming isyu ang tinalakay sa akdang binasa ngunit ito ang maituturing na
pinakapaksa nito.
a. Pagpapahalaga sa lahat ng karapatan at tungkulin ng mga bata
b. Pagbabawal sa pananakit o paggamit ng corporal punishment
c. Pagpapabuti sa nutrisyon at kalagayan ng mga batang Pilipino
d. Lahat ng nabanggit
2. Ito ang pangunahing layunin kung bakit naisulat o naiulat ang balitang nabasa.

11
a. Upang mabigyang-halaga at pansin ang lahat ng karapatan ng mga
batang Pilipino
b. Upang mapagbuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa
c. Upang mapaalalahanan ang mga guro at magulang na mali ang
paggamit ng corporal punishment
d. Lahat ng nabanggit

3. Ito ang tono o damdaming higit na nangingibabaw sa binasang balita.


a. Nagpapabatid c. Nananakot
b. Nangangaral d. Nagpapayo
4. Ito ang positibong epekto na maaaring mangyari sa kalagayan ng mga bata sa
bansa kapag ganap nang naisabatas ang House Bill 4555 o
a. Itatago ng mga magulang at guo ang pagdidisiplina sa kabataan
b. Higit na tatapang at tatalino ang mga batang Pilipino
c. Higit na matatamasa at mapoprotektahan ang karapatan ng mga bata
d. A at B

5. Ito ang dahilan kung bakit lumalabas sa pag-aaral na malaki ang porsyento ng
mga bata sa Pilipinas ang nakararanas ng pisikal na pananakit sa kamay ng
kanilang magulang.
a. Sapagkat naniniwala ang mga Pilipino sa prinsipiyong “ang anak na hindi
paluin, magulang ang paluluhain”
b. Dahil likas na matitigas ang ulo ng kabataang Pilipino
c. Sadyang malulupit at mapagparusa ang magulang na Pilipino
d. A at B

Isagawa
Gawain 1: Pagbuo ng Islogan
Panuto: Sumulat ng islogan na nagpapaliwanag sa gampanin ng broadcast media
sa pagpapaigting ng kamalayang panlipunan ng mga mamamayan ng isang bansa.
Gawin ito sa sagutang papel.

RUBRIC SA PAGBUO NG ISLOGAN


NAPAKAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN KAILANGAN NG
PAGSASANAY ISKOR
Ang mensahe ay Bahagyang Medyo magulo Walang
NILALAMAN
mabisang naipakita ang mensahe. mensaheng
naipakita. ang 4 naipakita.
6 mensahe. 3

12
5
Napakaganda Maganda at Maganda Di maganda at
at napakalinaw malinaw angngunit di malabo ang
PAGKAMALIKHAIN ng pagkakasulat pagkakasulat
gaanong pagkakasulat ng
ng mga titik. ng mga titik.
malinaw ang mga titik.
4 3 pagkakasulat 1
ng mga titik.
2
May malaking Bahagyang Kaunti lang Walang
kaugnayan sa may ang kaugnayan sa
KAUGNAYAN SA
TEMA paksa ang kaugnayan kaugnayan ng paksa ang
islogan. sa paksa ang islogan sa islogan.
islogan. paksa. 3
6 5 4
Malinis na Malinis ang Di gaanong Marumi ang
KALINISAN AT
malinis ang pagkakabuo. malinis ang pagkakabuo.
KAAYUSAN
pagkakabuo. 3 pagkakabuo. 1
4 2
KABUUAN NG ISKOR

Tayahin
Panghuling Pagtataya
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang tamang
letra na tumutukoy sa pinakatamang sagot sa bawat katanungan. Isulat sa sagutang
papel ang iyong sagot.
1. Isa itong pamamaraang telekomunikasyon na ginagamit upang makapaghatid
ng tunog at gumagalaw na imahe
a. radyo c. telebisyon
b. rekord d. print

2. Ano ang mensahe ng dokumentaryong telebisyon ni Kara David?

“Gamugamo sa dilim ni Kara David. Humahanga ako sa dedikasyon ng


mga guro at higit sa lahat sa mga kabataan ng mga taga Little Baguio
dahil bagama’t kulong sila sa rehas ng kahirapan at bulag sa dilim ng
kanilang landas ay patuloy silang nagsususmikap, nangangarap at
lumalaban upang maging mas maliwanag ang kanilang kinabukasan.”

a. pagpapahalaga sa edukasyon c. pangangalaga sa gamo-gamo


b. pag-iwas sa paggawa ng masama d. pag-aaral ng mga taga-Baguio
para di makulong
3. Ito ay naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na
sumasalamin sa katotohan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay
sa isang lipunan.
a. telebisyon c. dokumentaryong pantelebisyon

13
b. komentaryong panradyo d. dokumentaryong pampelikula

4. Alin sa mga sumusunod hindi kasama sa dapat isaalang-alang sa


pagsasagawa ng panayam sa dokumentaryong pantelebisyon?
a. maging magalang c. itanong ang lahat kaugnay sa paksa
b. magtanong ng magtanong d. makinignang mabuti sa
kinapanaya
5. Alin sa mga sumusunod ang paksa ng nabasang bahagi ng
dokumentaryo?
“Alkansiya ni Kara David wala siyang tigil sa kapaguran. Sa kabila ng lahat ng
kaniyang ginagawa, barya-barya lang kaniyang kinikita na inilalagay niya sa
kaniyang alkansya. Palibhasa ay malaki ang pagnanais niyang makaipon ng
sapat na halaga para sa kaniyang pag-aaral kaya kahit barya lamang ang
kapalit ng lahat ng kaniyang paghihirap, pinagtitiisan niya ang lahat ng mga
ito”.
a. Pagpapahalaga sa edukasyon
b. Pagtitiis sa kahirapan
c. Pag-iipon para sa kinabukasan
d. Mag-aral nang mabuti para umangat

B. Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Pagkatapos, tukuyin


kung anong konseptong may kaugnayang lohikal at pang-ugnay ang ginamit sa
mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

a. Dahilan at Bunga c. Paraan at Resulta


b. Paraan at Layunin d. Kondisyon at Bunga o kinalalabasan

Halimbawa:
Dahilan at Bunga, kaya1. Nag-aaral siyang mabuti kaya naman natuto
siya nang husto.
__________1. Si Liza ang itinanghal na kampeon, kaya’t lubos ang
kanyang galak.
__________2. Lumuwas siya ng Maynila, upang maghanap ng trabaho.
__________3. Hindi natuloy ang pagpupulong dahil malakas ang ulan.
__________4. Sa pagkakaisa at pagtutulungan, naipanalo ng 8 Celsuis ang
paligsahan.
__________5. Para hindi antukin habang nagbabasa, nagtimpla si Leo ng
kape.
__________6. Nakaipon siya ng malaking halaga sa pagtitinda lamang ng
lumpia.
__________7. Kung inagahan mo ang pagpunta, nakakuha ka sana ng

14
pagsusulit.
__________8. Sa pagkakaisa at pagtutulungan, naipanalo n 8-Prudence
ang paligsahan.
__________9. Kapag maganda ang panahon bukas, pupunta tayo sa perya.
__________10. Nakatapos siya ng kaniyang kurso sa matiyagang pag-aaral.

Karagdagang Gawain

Panuto: Magsaliksik ng dokumentaryong pantelebisyon gamit ang internet. Sa


pamamagitan ng ice cream chart, itala ang hinihinging detalye. Gawin ito sa
sagutang papel.

15
Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN BALIKAN

1.C Sariling Sagot

2.A TUKLASIN

3.C Gawain 2

4.B Sariling Sagot

5.C Gawain 3

6.A Sariling Sagot

7.C ISAGAWA

8.C Sariling sagot


9.C

10.D

11.A

12.A

13.A

14.C

15.B

ISAISIP PAGYAMANIN

1.A PATAYO PABALANG


-masaktan -Mabilanggo
2. A -pagmamalupit -laban
-bawal -panukala
3. A -ordinansa -disiplina
4. C

5. A

Tayahin

Gawain 1. Gawain 2

1.C 1. Dahilan at bunga, Kaya’t 6. Paraan at Resulta, sa

2.A 2. Paraan at Layunin, upang 7. Kondisyon at bunga, kung

3.C 3. Dahilan at bunga, upang 8. Paraan at resulta, sa

4.B 4. Paraan at Resulta, sa 16 9. Kondisyon at bunga, kapag

5.C 5. Paraan at layunin, para 10. Paraan at resulta, sa


Sanggunian

SANGGUNIAN
Enrijo Willita A., et,al Panitikang Pilipino. 21-E . Boni Serrano Ave, QC Kagawaran
Edukasyon,2013
Baisa-Julian, et. al Pinagyamang Pluma 8 (k to 12). 927 Quezon Ave., Quezon City,
Phoenix Publishing House, Inc.
gmanetwork.com. "Pananakit sa Bata Bilang Pagdidisiplina". Accessed January 7,
2021. https://www.gmanetwork.com/news/news ulat filipino/234422/pananakit
sa bata-bilang-pagdidisiplina-dapat ipagbawal/story
slideshare.net. "Venus Jamito". Accessed January 7, 2021.
https://www.slideshare.net/mobile/venusjamito/panteleby on

17
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – (Bureau/Office)

(Office Address)

Telefax:

Email Address:

18

You might also like