You are on page 1of 21

lOMoARcPSD|30790588

Q3 Filipino 8 Module 4 - N/A

omunikasvon sa Akademikong Filipino (Ateneo de Davao University)

Scan to open on Studocu

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Kimberly Macutong (kimberly.macutong@deped.gov.ph)
lOMoARcPSD|30790588

8
Filipino
Ikatlong Markahan
Sariling Linangan Kit 4:
Kontemporaryong Programang
Pantelebisyon

Downloaded by Kimberly Macutong (kimberly.macutong@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|30790588

Filipino – Ikawalong Baitang


Ikatlong Markahan
Sariling Linangan Kit 4: Kontemporaryong Programang Pantelebisyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa Sariling Linangan Kit
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
SLK na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI


Regional Director: Allan G. Farnazo
Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Sariling Linangan Kit


Manunulat: Lyn Vincent J. Balatero, Emely L. Fajardo, Hope T. Quebec
Editor:
Tagasuri: Rene P. Sultan/ Avelino T. Gapol
Tagaguhit: Jemar D. Aliñabo/ Hareld O. Candari
Tagalapat:
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada Mary Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng ng Kagawaran ng Edukasyon XI


Department of Education – Sangay ng Lungsod ng Davao
Office Address: Daang E. Quirino, Lungsod ng Davao
Telefax: 082-227- 4726
E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph

Downloaded by Kimberly Macutong (kimberly.macutong@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|30790588

Filipino
Ikatlong Markahan
Sariling Linangan Kit 4:
Kontemporaryong Programang
Pantelebisyon

Downloaded by Kimberly Macutong (kimberly.macutong@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|30790588

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang Sariling Linangan Kit
na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin
at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa SLK.
Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang SLK:
1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos
ng mga gawain.
Kung may mga bahagi ng SLK na ito na nahihirapan ka sa
pagsagot, huwag mag-atubiling komunsulta sa iyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang
makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga
kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii

Downloaded by Kimberly Macutong (kimberly.macutong@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|30790588

Alamin Natin

Ang panonood ng mga programang pantelebisyon ay nagsisilbing


libangan sa karamihan ng mga Pilipino sa kasalukuyan. Ngunit may
programang pantelebisyon din na hindi lamang saya ang naidudulot kundi
maging kaalaman at kaisipan na gumigising sa maiinit at napapanahong
isyu, ito ay ang dokumentaryong pantelebisyon.
Sa SLK na ito ay matutuhan mo kung ano ang dokumentaryong
pantelebisyon. Kasabay ng pag-aaral tungkol dito ang paglinang ng
kasanayang pangwika tungkol sa lohikal na paraan ng mga pananaw at
katuwiran at wastong paggamit ng mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang
lohikal.
Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo
ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
1. natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang puzzle na may
kaugnayan sa paksa;
2. naipahahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at katuwiran;
3. nahihinuha ang paksa, layon at tono ng akdang nabasa;
4. nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal
(dahilan-bunga, paraan-resulta); at
5. nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang
mga pamantayan.

Subukin Natin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat ang titik ng iyong sagot
sa sagutang papel.

Para sa mga bilang 1-3. Piliin ang angkop na ekspresyong naghuhudyat ng


relasyong lohikal sa bawat pangungusap. Titik lamang ng tamang sagot ang
isulat sa iyong sagutang papel.

___1. Magkakaroon ka ng kumpyansa sa sarili, _____ matutuhan mong


tanggapin at mahalin ang iyong buong pagkatao.
A. nang sa ganoon B. sa sandaling
___2. _____ng kaniyang pagpapabaya sa sarili, siya ay pumayat at naging
malnourished.
A. Bunga B. Sapagkat

Downloaded by Kimberly Macutong (kimberly.macutong@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|30790588

___3. Gumaling siya mula sa matinding pagkakasakit _____ na rin ng


kaniyang taimtim na panalangin at malalim na pananampalataya sa
Dakilang Lumikha.
A. sa sandaling B. sa pamamagitan

Para sa mga bilang 4-5. Basahin ang teksto sa ibaba.

Ang panonood ng telebisyon ay may malaking bahagi sa ating pang-


araw-araw na gawain, karaniwan nang ito ay ating kaharap sa umaga, hapon,
at gabi. Kung gayon, ang pagkakaroon ng gabay sa pagpili ng panonooring
may kapupulutan ng mga aral at karunungan ay dapat isaalang-alang.
Sipi mula sa Pag-unlad ng Telebisyon,
Punla 8, Bagong Baitang 8, pp. 176-178

___4. Ano ang layunin ng teksto?


A. pagbibigay kahulugan ng telebisyon
B. pagpapaalaala sa kalidad ng programang pantelebisyon na dapat
tangkilikin
C. paglalahad ng mga impormasyon na makukuha sa panonood ng
telebisyon
D. pagbibigay babala upang hindi na dapat manood ng telebisyon
___5. Ano ang paksa ng teksto?
A. panonood ng telebisyon
B. gabay sa pagpili ng panonooring programang pantelebisyon
C. mga aral at karunungan na makukuha sa panonood ng telebisyon
D. kahalagahan sa pagkakaroon ng gabay sa pagpili ng panonooring
programang pantelebisyon

Aralin Natin

Basahin at pag-aralan mo ang nasa loob ng kahon.

DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON

Bukod sa radyo, ang isa pa sa itinuturing na mahalagang midyum sa


larangan ng broadcasting ay ang telebisyon. Tunay na napakalaki ng epekto
nito sa buhay ng mga Pilipino. Binago ng telebisyon ang paraan ng
pagpapahayag natin ng mga kuwento o aral ng buhay. Dati, sinusubaybayan
o inaabangan natin ang mga kuwento ng buhay na umantig sa ating puso
gamit ang mga imprenta o babasahin o kaya ay sa aktuwal na mga tanghalan.
Dulot na rin ng pagsulong ng modernisasyon at teknolohiya ay nabuo ang
telebisyon na higit na nagbigay-kulay at larawan sa mga pangyayari sa ating
paligid gamit ang mga ilaw at kamera.

Downloaded by Kimberly Macutong (kimberly.macutong@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|30790588

Saglit mang natigil ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon


ng paghahari ng Batas Militar ay sinasabing nang matapos ang yugto ng
diktaturyal sa ating bansa ay sumilang ang isang uri ng pamamahayag o
pagbabalita na maituturing na higit na liberal at mapusok ang anyo sapagkat
ito ay tumalakay sa mga napapanahong isyu sa kasalukuyan na tinatawag
na dokumentaryong pantelebisyon. Ito ay isang programa o palabas na
naglalayong maghatid ng komprehensibo, mapanuri, at masusing pinag-
aralang proyekto o palabas na sumasalamin sa katotohanan ng buhay na
kalimitang tumatalakay sa isyu, problema, kontrobersiyal na balita, at
maging ng mga paksang may kinalaman sa kultura at pamumuhay sa ating
lipunan. Ang dokumentaryong pantelebisyon ay maituturing na isang uri ng
sining na ang pangunahing layunin ay magbigay ng mga tiyak at totoong
impormasyong gigising sa isip at damdamin ng isang tao patungkol sa isang
isyu. Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa isipan, ugali, at pananaw
ng isang nilalang sapagkat sa kasalukuyan ay isa ito sa uri ng panitikang
popular na kinahihiligang panoorin ng mga Pilipino lalo na sa ng kabataan.
Kilala sa larangan ng dokumentaryong pantelebisyon ang mga
batikang mamamahayag na sina Che-Che Lazaro, Jessica Soho, Kara David,
Howie Severino, Sandra Aguinaldo, Jay Taruc, at iba pa. Ang sumusunod
naman ay ang mga tanyag na dokumentaryong pantelebisyon sa
bansa―Reporter’s Notebook, I-Witness, Reel Time, S.O.C.O., Krusada,
Investigative Documentaries, at iba pa.
Mula sa Pinagyamang Pluma, Bagong Baitang 8, pp. 406-407

Basahin mo ang isang halimbawa ng dokumentaryong pantelebisyon


na nasa loob ng kahon upang lalo mong maunawaan ang kahulugan nito.
Ang dokumentaryong pantelebisyon na ito ay isang tugon sa
pangangailangang maipaliwanag ang mga sanhi o pinagmulan ng iba’t ibang
kalamidad na ating nararanasan. Magmumulat ito sa ating mga kamalayan
ng kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan upang maiwasan o maibsan
ang patuloy na pagtaas ng temperatura ng daigdig.

KOMENTARYO SA SIGNOS: BANTA NG NAGBABAGONG KLIMA

Handog ng Dakilang Lumikha ang daigdig sa sanlibutan. Hiram lang


natin ito sa ating mga ninuno at sa mga susunod pang henerasyon.
Ang signos ay nangangahulugang signs sa Ingles. Sa wikang Filipino,
ito ay babala, hudyat, marka, o palatandaan. Ginagamit ang salitang ito ng
mga matatanda noong araw nang may mas malalim na pagpapakahulugan.
Kapag sinabing “May signos ka”, may nakita sa iyong mukha na isang
palatandaang may masamang mangyayari sa iyo. Dahil dito, pinapayuhan
kang maging mas mahigpit sa pag-iingat.

Downloaded by Kimberly Macutong (kimberly.macutong@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|30790588

May basehan ba ang mga signos na sinasabi ng matatanda? Mayroon


man o wala, dapat itong pag-ukulan ng pansin lalo na kung makaapekto sa
malaking sektor ng lipunan. Sa loob ng maraming taon, patuloy na
tinatalakay ang global warming o pag-init ng temperatura ng mundo. Sa
simula, tila hindi ito pinapansin sa Pilipinas. Subalit sa pagdanas natin ng
sari-saring kalamidad tulad ng idinulot ng bagyong Yolanda sa Leyte at
karatig-pook noong taong 2013, unti-unting nabubukas ang ating kamalayan
sa katotohanang bumubulaga sa atin.
Ito at ang iba pang mga impormasyon ang pinaksa ng “Signos: Banta
ng Nagbabagong Klima”, isang dokumentaryong pantelebisyon ng GMA Public
Affairs. Pinangunahan ng tatlong batikan at premyadong mamamahayag ang
pagbuo ng nasabing dokumentaryo: sina Howie Severino, Maki Pulido, at
Raffy Tima. Naglakbay at nagsaliksik sila sa iba’t ibang panig ng Pilipinas
upang patunayan na ang impak ng pagbabago sa klima ay matagal nang
narito sa bansa. Naging tagapagsalaysay si Richard Gutierrez, isang lokal na
aktor at miyembro ng kilusang Greenpeace sa bansa.
Binisita ni Severino ang Bicol. Hinanap niya ang 150 metrong fault
line na maaaring magdulot ng malawakang pagguho ng lupa. Ito at ang
malalakas na bagyo na dinaranas ng Bicol ay nagbabantang maglibing sa
ilang mga bayan doon. Natuklasan naman ni Pulido na lumiit na ang isang
bayan sa La Union nang mahigit sa kalahati mula sa orihinal na sukat nito.
Dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig, unti-unting nilalamon ng karagatan ang
kalupaan. Sinisid ni Tima ang El Nido sa Palawan upang imbestigahan ang
kakaibang pangyayari sa ilalim ng karagatan nito. Pumuputi ang mga korales
o may coral bleaching na nagiging banta sa buhay ng mga isda at iba pang
lamang-dagat. Ilan lamang ito sa mga signos na ginamit nilang patunay na
nararamdaman na sa Pilipinas ang eksperto ng pagtaas ng temperatura ng
daigdig.
Upang maging higit na maging awtentiko ang pananaliksik ng Signos,
inimbitahan nila ang mga siyentista at ekspertong lokal at internasyonal.
Kabilang dito ang NASA Senior Research Scientist at Nobel Prize Winner na si
Dr. Josefino Comiso, at mga eksperto mula sa International Research
Institute, Marine Science Institute, Greenpeace, World Wildlife Fund for
Nature, at iba pang personalidad at awtoridad sa
pag-aaral sa pagbabago ng klima sa daigdig. Nagbigay sila ng siyetipikong
paliwanag at pananaw tungkol sa patuloy na pagbabago ng klima ng daigdig.
Nagbanggit sila ng mga makatotohanang pangyayari sa mundo bilang mga
patunay.
Inihahatid ng Signos sa sambayanang Pilipino ang isang
komprehensibong pagtingin sa pagbabago ng klima ng mundo. Tinalakay nito
ang mga sanhi, epekto, at mga hakbang na maaaring gawin upang maiwasan
ang mga kahindik-hindik na kinahihinatnan ng pagtaas ng temperatura ng
mundo partikular sa Pilipinas.

Downloaded by Kimberly Macutong (kimberly.macutong@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|30790588

Iniisa-isa ng dokumentaryo ang mga signos kung paano ang


pagbabago ng klima ay makaaapekto sa kabuhayan, ekonomiya, kalusugan,
paraan ng pamumuhay, at ng mismong kamatayan ng mga mamamayan.
Binigyang-diin din ang implikasyon ng lokasyon ng bansa. Sang-ayon sa mga
eksperto, dahil tayo ay nasa tropikong lugar at napapaligiran ng karagatan,
mabilis tayong naaapektuhan kahit na maliit na pagbabago lamang sa klima.
Bukod dito, nasa typhoon belt ng mundo ang Pilipinas. Ipinakita ng
dokumentaryo ang maaaring idulot ng pagtaas ng lebel ng tubig-dagat sa mga
baybayin at kalapit na lugar nito. Ipinakita nito na ang pagkatunaw ng yelo
o glaciers sa polar regions ay maaaring magdulot ng paglubog at paglalaho sa
mapa ng Maynila, Bulacan, Pampanga, at Cavite.
Sa kabuoan, ang Signos ay nananawagan sa lahat na magkaroon ng
kaalaman at kamalayan sa nangyayari sa paligid. Tiniyak nito ang
pangangailangan ng sama-samang pagkilos, pagkakaisa, at higit na
pagmamalasakit sa kalikasan. Ang maliliit na hakbang na ito ay
makatutulong nang malaki upang maiwasan ang nagbabadyang malagim na
wakas ng daigdig. Wika nga sa dokumentaryo, tayo ang dahilan kung bakit
nagkaroon ng ganitong problema kaya tayo rin ang may hawak ng solusyon.
Nasa kamay natin ang pag-asa.

Mula sa Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan 8, pp. 223-225

Pag-aaralan mo naman ngayon ang tungkol sa mga ekspresyong


hudyat ng kaugnayang lohikal. Mas nagiging mabisa o makahulugan ang
pagpapahayag ng ilang konsepto kapag pinag-uugnay sa isang pangungusap
na kung saan ay maaari mong gamitin ang mga ekspresyong hudyat ng
kaugnayang lohikal. Pag-aralan mo ang teksto sa ibaba.

EKSPRESYONG HUDYAT NG KAUGNAYANG LOHIKAL

1. Sanhi at Bunga
Nagpapahayag ang sanhi ng dahilan ng pangyayari samantalang ang
bunga ay naglalahad naman ng resulta nito. Pinangungunahan ito ng mga
hudyat tulad ng dahil, kaya, bunga nito, upang, sapagkat, at iba pang kauri
nito.
Halimbawa:
a. Dahil sa pag-init ng mundo, tumataas ang lebel ng tubig sa dagat.
(sanhi) (bunga)
b. Nasira ang kalikasan sapagkat nagpabaya ang mga tao.
(bunga) (sanhi)

Downloaded by Kimberly Macutong (kimberly.macutong@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|30790588

2. Paraan at Layunin
Nagpapakita ito ng relasyon kung paano matatamo ang isang layunin
sa tulong ng isang paraan. Maaaring gamitin ang mga hudyat tulad ng sa
pamamagitan, para, upang, nang sa ganoon, at iba pang kauri nito.
Halimbawa:
a. Nagsaliksik ang tatlong batikang mamamahayag upang makatulong.
(paraan) (layunin)
b. Sa pamamagitan ng pagkakaisa, maliligtas natin ang kalikasan.
(paraan) (layunin)

3. Kondisyon at Bunga
Naglalahad ito ng isang kalagayan bago makuha ang inaasam na
bunga o kalalabasan. Karaniwang ginagamit ang kung, sana, kapag, sa
sandaling, basta’t, at iba pang kauri nito.
Halimbawa:
a. Kung naging maingat lang tayo sana wala tayong ganitong problema.
(kondisyon) (bunga)
b. Mababawasan ang init ng daigdig, sa sandaling matutuhan nating
magmalasakit.
(bunga) (kondisyon)

4. Paraan at Resulta
Naglalahad ito ng relasyon kung paano mangyayari ang nais na
bunga sa pamamagitan ng paraan. Ginagamit ang hudyat na saglit na
paghinto bago tapusin ang pahayag. Sa pasulat na paglalahad, karaniwang
ginagamit na hudyat ang sa at ang bantas na kuwit (,).
Halimbawa:
a. Tanggalin mo sa switch ang hindi ginagamit na kasangkapan, (paraan)
nakatutulong ka na agad. (resulta)

b. Sa paggamit ng bag na tela, (paraan) mababawasan ang problema sa


pagbabara ng mga kanal. (resulta)

Mula sa Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan 8, pp. 228-229

Downloaded by Kimberly Macutong (kimberly.macutong@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|30790588

Gawin Natin
A. Panuto: Punan ang puzzle ng mga salitang ginamit sa binasa na
“Komentaryo sa Signos: Banta ng Nagbabagong Klima” batay sa mga
depinisyon nito. Gawing batayan sa pagsagot ang nakalahad na halimbawa
sa ibaba. Isulat mo ang iyong sagot sa sagutang papel.
Halimbawa:
S I G N O S
babala o palatandaan Sagot:
1. pag-init ng temperatura ng mundo
2. pagputi ng mga korales
3. pagkabiyak ng lupa sanhi ng lindol
4. malalaking tipak ng yelo
5. bahagi ng Dagat Pasipiko kung saan madalas tinatamaan ng lindol at
pagsabog ng mga bulkan

2 C L A 4G

3 A L E C

I 5 T O E T

B. Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong upang makabuo ng


paghihinuha hinggil sa binasang akdang “Komentaryo sa Signos: Banta ng
Nagbabagong Klima”. Isulat ang titik ng tamang sagot.

____1. Ano ang paksa ng akdang binasa?


A. mga pagpapabaya ng tao sa kalikasan
B. mga banta ng pagbabago ng klima
C. mga babala sa paparating na paggunaw ng mundo
D. mga paraan sa pag-angkop sa pagbabago ng panahon

Downloaded by Kimberly Macutong (kimberly.macutong@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|30790588

____2. Ano ang layunin ng akda?


A. manakot sa mga manonood
B. magbigay impormasyon sa mga epekto ng pagbabago ng klima
C. maglakbay sa mga delikadong lugar na lubos na apektahan ng
pagbabago ng klima
D. maghatid ng inspirasyon sa mga manonood
____3. Ano ang tono ng pahayag na;
“Sa kabuoan, ang Signos ay nananawagan sa lahat na magkaroon ng
kaalaman at kamalayan sa nangyayari sa paligid. Tiniyak nito ang
pangangailangan ng sama-samang pagkilos, pagkakaisa, at higit na
pagmamalasakit sa kalikasan.”?
A. nagbibigay impormasyon C. nanawagan
B. nagpapaalaala D. nagbibigay-babala
____4. Ano ang maaaring mangyayari kung hindi makikiisa ang taong bayan
sa panawagan ng programang Signos?
A. parurusahan ang mga tao
B. magiging magaan ang buhay ng mamamayan
C. magwawakas kaagad-agad ang ating buhay
D. maaaring tuluyang masisira ang ating kalikasan at magkakaroon
ito ng epekto sa ating buhay.
____5. Bakit nagsagawa ng pananaliksik sa tulong ng mga siyentista at
ekspertong lokal at internasyonal ang mga mamahayag sa
programang Signos?
A. dahil nais nilang maging mahaba ang oras ng kanilang programa
B. para maiisa-isa ang mga signos at epekto ng pagbabago ng klima
C. nais sumikat ng mga siyentipiko at makapanawagan sa mga
manonood
D. upang mapatunayan sa mga manonood na ang
kanilang ulat ay totoo at dumaan sa siyentipikong pagsisiyasat

Sanayin Natin

Panuto: Tukuyin ang hudyat na ginamit sa ugnayang lohikal sa bawat


pangungusap at ang inilahad na layon nito. Gawing batayan sa pagsagot ang
halimbawa sa ibaba.
Halimbawa:
Kung hindi sana matigas ang kaniyang ulo, maganda na sana ang
kanilang pamumuhay ngayon.

10

Downloaded by Kimberly Macutong (kimberly.macutong@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|30790588

Sagot:

Hudyat na ginamit Layon


Kung Kondisyon at Bunga

1. Sapagkat maraming naibentang paninda ang aking ama, binilhan niya


kami ng aming matagal nang inaasam na laruang Barbie doll.
2. Kapag puno na ang aking alkansiya ay bibili ako ng cellphone upang
makatulong sa aking pag-aaral.
3. Sa pagtitipid, marami kaming maiipon na pera.
4. Sa pamamagitan ng pagtutulongan ng aming mga kapitbahay ay kaagad
ding naapula ang sunog kina Mang Pablo.
5. Sa sandaling makatapos na ako ng pag-aaral ay hahanap kaagad ako ng
trabaho upang makatulong sa aking magulang.

Hudyat na ginamit Layon


1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

Tandaan Natin

Ang dokumentaryong pantelebisyon ay naglalahad ng mga


komprehensibong impormasyon na sumasalamin sa katotohanan ng buhay.
Tumatalakay ito sa mga aktuwal na kaganapan na maaaring maghatid ng
epekto sa nakararami. Mga panayam sa mga awtoridad ng paksa, footage, at
video clips ang ginagamit sa dokumentaryong pantelebisyon upang
mapatunayan na totoo ito.
Mahalaga ang wastong pagkasunod-sunod at ugnayan ng mga
pangyayari sa paglalahad upang madaling maunawaan ang mensaheng nais
na iparating. May mga pangatnig, pang-abay, at iba pang ekspresyon na
makatutulong upang maipakita ang ugnayan ng mga pahayag. Ilan sa
ugnayang ito ay naghuhudyat ng ugnayang sanhi at bunga, paraan at
layunin, kondisyon at bunga, at paraan at resulta.

11

Downloaded by Kimberly Macutong (kimberly.macutong@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|30790588

Suriin Natin
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong at isulat ang titik ng iyong sagot
sa sagutang papel.

Para sa mga bilang 1-5


Piliin ang angkop na ekspresyong naghuhudyat ng relasyong lohikal sa
bawat pangungusap. Titik lamang ng may tamang sagot ang isulat sa iyong
sagutang papel.
___1. _____ng kaniyang pagpapabaya sa sarili, siya ay pumayat at naging
malnourished.
A. Bunga B. Sapagkat
___2. Gumaling siya mula matinding pagkakasakit _____ na rin ng kaniyang
taimtim na panalangin at malalim na pananampalataya sa Dakilang
Lumikha.
A. sa sandaling B. sa pamamagitan
___3. _____pagrerecycle ng mga bote, nakasali kami sa programang OrCoGa
at nakagawa pa ng magandang hardin.
A. At B. Sa
___4. Magkakaroon ka ng kumpyansa sa sarili, _____ matutuhan mong
tanggapin at mahalin ang iyong buong pagkatao.
A. nang sa ganoon B. sa sandaling
___5. Tumataas ang bilang ng mga nagkaroon ng Covid 19 sa ating
bansa____sa katigasan ng ulo ng ilang Pilipino.
A. basta B. dahil

Para sa mga bilang 6-8. Basahin ang teksto sa ibaba.

Ang panonood ng telebisyon ay may malaking bahagi sa ating pang-


araw-araw na gawain, karaniwan nang ito ay ating kaharap sa umaga, hapon,
at gabi. Kung gayon, ang pagkakaroon ng gabay sa pagpili ng panonooring
may kapupulutan ng mga aral at karunungan ay dapat isaalang-alang.
Sipi mula sa Pag-unlad ng Telebisyon,
Punla 8, Bagong Baitang 8, pp. 176-178

___6. Ano ang layunin ng teksto?


A. pagbibigay kahulugan ng telebisyon
B. pagpapaalaala sa kalidad ng programang pantelebisyon na dapat
tangkilikin
C. paglalahad ng mga impormasyon na makukuha sa panonood ng
telebisyon
D. pabibigay babala upang hindi na dapat manood ng telebisyon

12

Downloaded by Kimberly Macutong (kimberly.macutong@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|30790588

___7. Ano ang paksa ng teksto?


A. panonood ng telebisyon
B. gabay sa pagpili ng panonooring programang pantelebisyon
C. mga aral at karunungan na makukuha sa panonood ng telebisyon
D. kahalagahan pagkakaroon ng gabay sa pagpili ng panonooring
programang pantelebisyon
___8. Ano ang damdamin ng teksto?
A. nagpapaalaala C. nagmamalaki
B. nagmamalasakit D. nagbibigay inspirasyon

Para sa mga bilang 9-10. Basahin ang teksto sa ibaba.


Inihahatid ng Signos sa sambayanang Pilipino ang isang
komprehensibong pagtingin sa pagbabago ng klima ng mundo. Tinalakay nito
ang mga sanhi, epekto, at mga hakbang na maaaring gawin upang maiwasan
ang mga kahindik-hindik na kinahihinatnan ng pagtaas ng temperatura ng
mundo partikular sa Pilipinas.

____9. Ano ang layunin teksto?


A. maghatid ng totoong impormasyon
B. magbigay ng kalituhan
C. maglahad ng babala
D. magpaliwanag sa sambayanang Pilipino

____10. Ano ang paksa ng teksto?


A. Signos
B. Sambayanang Pilipino
C. Pagbabago ng klima ng mundo
D. Kahindik-hindik na pagtaas ng temperatura ng mundo

Payabungin Natin

A. Panuto: Basahin ang talata. Piliin ang angkop na ekspresyong


naghuhudyat ng relasyong lohikal ng mga lipon ng salita na nasa loob ng
kahon. Titik lamang ng may tamang sagot ang isulat sa sagutang papel.

A. kung B. sa pamamagitan C. dahil sa


D. para E. sapagkat F. kung…sana

Napapanahon ang panawagan sa pangangalaga sa kalikasan


(1) _____ lalong sumidhi ang suliraning kinakaharap ng buong daigdig. Wika
nga sa dokumentaryong “Signos”, malaki ang papel na ginagampanan ng

13

Downloaded by Kimberly Macutong (kimberly.macutong@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|30790588

industriyalisasyon sa pagkawasak ng daigdig. (2) _____ mga fossil fuel na


ginagamit sa industriya, bumibilis ang pagkasira ng atmospera ng mundo. (3)
_____ mapapalitan lang _____ ito ng iba pang panggatong tulad ng geothermal
at solar, mas bubuti ang kalagayan ng daigdig. Subalit hindi pa huli ang
lahat, may magagawa pa upang mailigtas ang sanlibutan. (4) ____ ng
kamalayan at kamulatan ng bawat indibidwal, magkaroon ng solusyon. (5)
_____ matapos ang pagkamulat, tutulong ang mga mamamayan para gumaan
ang pasanin, magiging madali ang lahat. Katulad mo, maaari ka nang
magsimula ngayon!
Mula sa Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan 8, pp. 230

B. Panuto: Basahin ang maikling dokumentaryong pangtelebisyon na nasa


ibaba. Isulat ang paksa at layunin nito sa iyong sagutang papel.

Ang Batang Magtatanso


Si Joanna Marie, 10 taong gulang ay itinampok sa Reporter’s Notebook
na ini-ere noong Marso 2013. Siya ay batang sa halip na nag-aaral ay
naghahanapbuhay sa pamamagitan ng paghahanap ng piraso ng kableng sa
basurahan bunga ng kahirapan. Ang mga ito ay kaniyang sinusunog upang
makuha ang tanso. Bagama’t pumutok ang kableng kaniyang sinunog ay
hindi kinakitaan ng takot ang batang si Joanna dahil ayon sa kaniya gagawin
niya ang lahat upang maibigay ang pangangailangan ng kaniyang inang
biyuda. Ang ganitong gawain ay tinatawag na extreme risk o isang uri ng
mapanganib na childlabor sa buong mundo ayon sa Maplecroft.

Mula sa Pinagyamang Pluma, Bagong Baitang 8, ph. 409

C. Panuto: Sumulat ng isang talatang maglalahad ng iyong komentaryo


tungkol sa binasang akda na “Ang Batang Magtatanso”. Gumamit ng limang
pangungusap lamang. Ihanay nang lohikal ang iyong paglalahad gamit ang
ekspresyong naghuhudyat nito. Gawing batayan sa pagsulat ng talata ang
rubrics sa ibaba.

Rubriks sa Pagsulat ng Talata


Mga Pamantayan 5 4 3 2 1 Puntos
Ang talata ay binubuo ng magkakaugnay at maayos na
mga pangungusap.
Ito ay nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan tungkol
sa paksa.
Lohikal ang paglalahad gamit ang ekspresyong
naghuhudyat.
Kabuoang Puntos

14

Downloaded by Kimberly Macutong (kimberly.macutong@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|30790588

Paksa ng Akda Layunin ng Akda


(2 puntos) (3 puntos)
______________________________ ______________________________

Interpretasyon:
5 Napakahusay 2 Di-mahusay
4 Mahusay 1 Sadyang Di-mahusay
3 Katamtaman

Pagnilayan Natin

Panuto: Magsagawa ng pagsusuri sa binasang dokumentaryong


pantelebisyon na “Signos: Banta ng Nagbabagong Klima” o maaari ring
sumuri ng isa pang dokumentaryong pantelebisyon na iyong napanood. Isulat
ang hinihinging detalye tungkol dito. Isulat ang tsek (/) kung kakitaan ng
sumusunod na katangian ang dokumentaryong pantelebisyon na nabasa o
napanood at ekis (X) naman kung hindi.

Pamagat ng Programa: ________________________


TV Network kung saan napanood ang programa: ________________________

Mga Katangian: /oX


1. Napapanahon at napakahalaga ng paksa o isyu.
2. Nakaapekto ang paksa o isyu sa malaking sektor ng lipunan.
3. May panayam ng mga eksperto at awtoridad sa paksa o isyu ang
dokumentaryo.
4. Sapat ang mga footage at video clips bilang patunay sa
katotohanan ng panig ng isyu.
5. Malinaw at lohikal ang presentasyon at paglalahad ng
dokumentaryo.
6. Nakapupukaw ng interes ng mga manonood mula sa simula
hanggang sa wakas.
7. Nakahihikayat sa mga manonood na tumugon at gumawa ng
pagwawastong panlipunan.

15

Downloaded by Kimberly Macutong (kimberly.macutong@deped.gov.ph)


Downloaded by Kimberly Macutong (kimberly.macutong@deped.gov.ph)
16
Pagnilayan Natin Payabungin Natin
Markahan ang sagot ng mag-aaral batay sa C.
inilahad na pagsasanay.
Gawing batayan sa pagmamarka ang
inilahad na rubriks sa pagtataya.
Payabungin Natin Payabungin Natin Suriin Natin
B. A. 1. A 6. B
Paksa- Tungkol sa paghahanpbuhay ng 2. B 7. D
batang si Joanna Marie bilang isang batang 1. E 3. B 8. A
magtatanso. 2. C 4. B 9. A
Layunin-Ipabatid at ipaunawa sa publiko ang 3. F 5. B 10. C
hirap at realidad paghahanapbuhay ng ilang 4. B
batang Pilipino upang makatulong sa 5. A
magulang.
Sanayin Natin Gawin Natin
Hudyat na Ginamit Layon A. B.
1. Sapagkat Sanhi at Bunga 1. GLOBAL WARMING 1. B
2. CORAL BLEACHING 2. B
2. Kapag Kondisyon at Bunga 3. FAULT LINE 3. C
4. GLACIERS 4. D
3. Sa Paraan at Resulta
5. TYPHOON BELT 4. D
4. Sa pamamagitan Paraan at Layunin
5. Sa sandalling Kondisyon at Bunga
Subukin Natin
1. B 2. A 3. B 4. B 5. D
Susi sa Pagwawasto
lOMoARcPSD|30790588
lOMoARcPSD|30790588

Sanggunian

Ailene Baisa Julian, Mary Grace G. Del Rosario, Nestor S. Lontoc


Pinagyamang Pluma, Ang Bagong Baitang 8
Phoenix Publishing House, Inc., Quezon City 2015.

Lourdes L. Miranda, Antonietta D. Tapang, Pilipina A. Guerrero


Punla 8 Mga Panitikang Pambansa at Florante at Laura
Rex Book Store, Inc., Manila Philippines 2017.

Remedios Infantado, Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan 8


Rex Book Store, Inc., Manila, Philippines 2018.

17

Downloaded by Kimberly Macutong (kimberly.macutong@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|30790588

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City

Telefax: 224-3274

Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph

Downloaded by Kimberly Macutong (kimberly.macutong@deped.gov.ph)

You might also like