You are on page 1of 6

3

Gabay ng Tagapatnubay

Halika, Sama Ka Kaibigan

Basic Literacy Learning Material


Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto
Kagawaran ng Edukasyon
3/F Mabini Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines
Tel. No.:(02) 635-5188, Fax No.: (02) 635-5189

Bureau of Alternative Learning System


DEPARTMENT OF EDUCATION

Halika, Sama Ka Kaibigan


I. Panimula

Halika, Sama Ka Kaibigan


Karapatang-Ari 2005
KAWANIHAN NG ALTERNATIBONG SISTEMA
SA PAGKATUTO
Kagawaran ng Edukasyon

Ang modyul na ito ay pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa


Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon. Ang alinmang bahagi nito ay hindi
maaaring ilathala o kopyahin sa anumang paraan o anumang anyo nang
walang nakasulat na pahintulot ang organisasyon o ahensiya ng
pamahalaang naglathala.

Inilathala sa Pilipinas ng:

Kagawaran ng Edukasyon
Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto
3/F Mabini Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines
Tel. No.:(02) 635-5188, Fax No.: (02) 635-5189

Tinatalakay sa modyul na ito ang kalagayan ng


panonood sa telebisyon ng mga balita at panayam sa
mga taong nasa mataas at mababang antas ng lipunan.
Pinahahalagahan din dito ang mga impormasyong
napakikinggan sa programa sa radyo at sa kapwa tao.
Kung susuriing mabuti ang mga nangyayari sa ating
bayan, ang ilang sakunang nagaganap ay dahil sa
kakulangan ng impormasyong pinalalaganap sa mga
mamamayan. Iyon ay isa sa mga paksang pag-uusapan
sa modyul na ito.
Binibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral
na makipagtalakayan, magsuri, magbasa, at magsulat.
Sa ganitong paraan, higit na mauunawaan ang
kahalagahan ng mga impormasyong ibinibigay ng
telebisyon at radyo.
Malaya ang talakayan sa pamamagitan ng mga
lunsaran gaya ng sumusunod: pagkukwento, pagsusuri
sa mga larawan, pagbabasa ng usapan, pagbuo ng mga
panibagong salita mula sa mga pantig, pagsulat ng mga
pangungusap na gamit ang mga salitang nabuo, at
pagkukwenta.
Maaaring pag-aralan o ituro ang modyul sa loob
ng tatlo o higit pang sesyon. Tiyakin lamang ng
Tagapatnubay na mabibigyan ng pagtataya ang araling
tinatalakay sa bawat sesyon upang ganap na malinang
ang mga nakatakdang layunin ng modyul.
1

Ito ang unang modyul sa serye ng mga aralin.


Mula sa modyul na ito mababatid ang kahalagahan ng
ibat ibang uri ng impormasyon.
Pawang mungkahi ang gawaing isinasaad dito.
May laya ang tagapatnubay na gumamit ng ibang
estratehiyang angkop sa kakayahan ng mag-aaral at
pumili ng kawili-wiling paksa.
II. Mga Layunin
Pakikinig

Naipaliliwanag ang impormasyong


narinig mula sa radyo o telebisyon.
Naipakikita na naunawaan ang
payak na parirala o ang salitang
narinig sa impormasyon

Pagsasalita

Pagbasa

Nakapagbibigay ng reaksiyon sa
mga mensaheng nilalaman ng mga
larawan tulad ng:
-

patalastas sa radyo

patalastas sa telebisyon

panayam sa radyo/telebisyon

Nakababasa ng mga payak na salita


Hal. Patalastas o anunsiyo
-

pakikinig

panayam

panonood
2

Nakababasa ng mga payak na


pangungusap

Pagsulat

Naisusulat nang buo ang payak


na pangungusap.

Paglutas ng
Suliranin o
Mapanuring
Pag-iisip

Nakababasa, nakasusulat, at
nakapagkukuwenta ng halaga ng
pera

Paglinang ng
:
Sarili,
pakikipagkapuwa
at pakikipanayam

Natatalakay ang kahalagahan ng


mga impormasyon upang
makaiwas sa aksidente,
panganib o sakuna.

Nakasusunod sa ibat ibang


impormasyon at babala upang
makaiwas sa sakuna.

III. Paksa
A. Aralin 1: Mga Pinanggagalingan ng Impormasyon
Pangunahing Kasanayan sa Pakikipamuhay:
Mabisang Komunikasyon, Kasanayang
Magpasiya, Paglutas sa Suliranin o Problema
B. Kagamitan:

larawan, radyo, telebisyon, cassete


player, inirekord na balita

IV. Pamamaraan

Anu-ano ang maibabahagi sa atin ng


mga larawang iyan?

Saan nanggagaling ang ibat ibang


impormasyon?

Ano ang naidudulot nito sa ating


mamamayan? Ipaliwanag.

A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak

Sabihin
-

Pagmasdan ninyo ang mga larawan sa


pabalat ng modyul.

Kung susuriing mabuti ang mga larawan,


anu-ano ang inyong mga napapansin?

Ano sa palagay ninyo ang sinasabi ng


mga larawan?

Ano ang kahalagahan ng mga


programang ito sa atin?
Pinagkukunan
ng
Impormasyon

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad

Gamitin ang semantic webbing sa


pagpoproseso ng mga sagot ng mga
mag-aaral.

Sabihin:
-

Suriin natin ang mga larawan sa


pahina 1-4 ng modyul.

2. Pagtatalakayan

Tandaan:

Itanong:
-

Anu-ano ang mga nakikita ninyo?

pamagat ng paksa
mga uri ng pinagkukunan
ng impormasyon

Sabihin:
-

Magbigay ng mga programa sa


telebisyon na makapagbibigay ng
mahahalagang impormasyon sa mga
manonood.

4. Pagpapahalaga

Pangkatin sa tatlo ang mga mag-aaral.

Papiliin ng lider ang bawat grupo at ng


tagapagsulat.

Sabihin:

Hal:
-

Pangyayari sa loob at labas ng bansa

Edukasyonal na palabas para sa mga


bata

Ipaulat sa lider ang kanilang mga kuru-kuro.

Paglilinaw sa isyung nagaganap sa


lipunan

Bigyang-diin ang mahahalagang sagot


ng mga mag-aaral.

Pagpupugay sa mga kinikilalang tao


sa lipunan

5. Paglalapat

3. Paglalahat

Ipakopya ang mga konsepto sa Tandaan


Natin sa kanilang journal.

Itanong:
-

Anu-ano ang mga uri ng pinagkukunan


ng impormasyon?

Anu-ano ang mga impormasyong


nakukuha natin sa mga ito?

Ipabasa ang Tandaan Natin sa pahina 5 ng


modyul.

Pag-usapan ang isinasaad ng mga


larawan sa pahina 6 ng modyul.

Itanong:
-

Kung kayo ay nanonood ng telebisyon


kasama ang mga bata, ano ang dapat
ninyong gawin kapag may babalang
Parental Guidance?

Ang kapitbahay mo ay walang radyo at


telebisyon. Narinig mo sa balita na
walang pasok. Ano ang gagawin mo?

V. Pagtataya

Ipagawa ang Alam Mo Ba? sa pahina 7-8


ng modyul.
7

Suriin ang mga sagot ng mga mag-aaral.

VI. Karagdagang Gawain

Ipagawa ang dula-dulaan sa pahina 9-10


ng modyul.

Bigyang-diin ang mga kahalagahan ng


impormasyon at ang pinagkukunan nito.

Ipagawa ang Subukin Mo sa pahina


11- 13 ng modyul.

Gabayan ang mga mag-aaral habang


isinasagawa ang gawain.

Maaaring dagdagan pa ang mga


karagdagang gawain tulad ng:
-

Sagutin ang mga sitwasyon sa susunod


na pahina.

1. Gusto mong bumili ng mga gamit sa bahay.


Ang telebisyon ay nagkakahalaga ng
P6,000.00 at ang radyo ay P4,500.00 Kung
ang pera mo ay P5,000.00 lamang, ano ang
gagawin mo? Bakit?
2. Alin sa mga pinagkukunan ng impormasyon
ang kayang-kaya mong bilhin? Bakit?
3. Bumili ka sa Bodega Sale ng 14 inches na
telebisyon sa halagang P4,999.00 at radyo sa
halagang P1,200.00. Kung ang pera mo ay
P8,000.00, magkano ang sukli mo?

You might also like